Chapter 11

2067 Words
Dominus Ang unang ginawa ko na muna ay ilinibot si Earl sa kabuuan ng OA upang hindi naman niya sabihin na hindi ako friendly. Linilibot niya ang kanyang mga mata sa bawat sulok ng OA at sa mga kwarto ng OA na pinapakita ko. Habang naglilibot kami ay saktong ipapakita ko sana sa kanya kung saan ang greenhouse ay napalingon kami nang marinig ko ang aking ama. “Baby girl! Saktong-sakto at nakita kita dahil magpapaalam sana ako na maglalaro kami ng golf ng Ninong mo.” Napatango naman ako at akmang aalis siya nang makita niya si Earl. “W-Who is he?” Turo niya kay Earl at humarap naman si Earl at siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili. “Hello, Sir. Nice to meet you. I’m Earl Ferrer.” Agad na ngumiti si Papa sa kanya dahil anak siya ng kanyang kaibigan. Nang mabanggit ni Papa na kaibigan niya ang ama ni Earl ay nagsimula na silang mag-usap na parang wala silang kasamang babae rito sa tabi nila. Napapatingin ang bawat assassin sa amin o sabihin natin na kay Earl lang siguro at pagtingin ko sa oras ay sampung minuto na rin ang nakalilipas. Tumikhim ako at agad naman silang napatingin sa akin at doon lang nila naalala na may kasama pala sila. “Oh, I totally forgot about you baby girl.” Lumapit siya sa akin sabay inakbayan ako. “I believe you’ve met my daughter?” “Yes,” sagot naman niya. “Ikaw na ang bahala sa anak ko Earl. She is not good around men, so she tends to become a handful.” Halos lumaki ang aking mga mata kay Papa. “Really?” Napatingin naman ako kay Earl. “Well, that explains everything then.” Masama akong tumingin kay Earl pero nakikinig lang siya sa sinasabi ni Papa sa kanya. Hanggang sa umalis si Papa ay puro kahihiyan lang ang pinagsasabi niya tungkol sa akin. Kaya nang maiwan kaming dalawa ni Earl ay nauna na akong maglakad at nakasunod naman siya sa akin. Habang naglalakad ay mabilis na inabutan ako ni Earl at kahit hindi ako tumingin sa kanya ay alam kong nang-aasar siya ngayon. ‘Lagot ka talaga sa akin mamaya Dad.’ Pagkausap ko sa aking sarili at ilang beses nang napapabuntong hininga. “Are you speaking to your imaginary friend again?” Naiinis akong napatingin kay Earl. “Hey, chill. Kung tignan mo ako ay para mo na akong gigilitan ng leeg. I was just teasing you. It’s easy for me to read what you are thinking, so I know that you are already killing your father in your head for embarrassing you like that.” “Alam mo naman pala. Kung gano’n ay alam mo na kung sino ang sunod kong pinapatay sa utak ko ngayon.” Natawa naman siya ng mahina at pumasok naman ako sa meeting room kung saan ay sumunod naman siya. “So? Are you some kind of a man hater or something?” tanong niya pero hindi ko lang siya pinansin. “I don’t know what happened to you, but I assure you that I am not that kind of guy, Brielle.” Napaharap naman ako sa kanya. “Oh, you mean the kind of guy that is not boastful? Sorry, but I don’t believe all that bullsh*t coming from your mouth.” Inirapan ko siya at tumalikod sa kanya. “Whoah. Easy there. Like I said, it’s easy for me to read you. Want to try or bet it on?” Napailing naman ako sa kanya at may kinuha ako sa cabinet sabay umupo naman siya sa upuan na nasa tabi ko. “Pwede ba, Earl. We just met for a day. You are here to do your job, so act like an agent and not like some kind of a fuc*er.” Padabog kong sinara ang cabinet at aalis na sana nang bigla na lang may humila sa akin at sinandal niya ako sa pinto ng meeting room. Halos mapasinghap ako nang makita ko kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Nakatitig ako sa kanyang mga mata ngayon na parang bulaklak dahil sa kulay nitong blue violet. Para akong nakatingin sa isang fictional character mula sa isang libro dahil sa mga matang ito. “You know what? I may act some kind of a brat or spoiled guy to you, but I am serious with my job. I don’t think an innocent woman like you should be telling me bad words because I might punish your lips. And believe me, I’m very tempted right now.” Unti-unting lumapit ang kanyang mukha at ang akala ko ay hahalikan na niya ako kaya napapikit na lang ako ng mariin. Pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong naramdamang kahit na anong dumampi sa aking mga labi kaya pagbukas ko ng isa kong mata ay nakita kong nakaupo na siya habang natatawang nakatingin sa akin. Napaayos naman ako ng tayo at masamang napatingin sa kanya pero natawa lang siya ng mahina. “If you really want my kiss so bad, then I suggest that you ask for it. Hindi ko naman ipagkakait sa iyo ang mga labing ito.” Sasabog na ako sa kayabangan ng lalaking ito kaya lumabas na lamang ako sa meeting room at pumunta sa aking kwarto. Naiinis kong sinara ang pinto ng aking kwarto at pagtingin ko sa salamin ay gulat akong makita na namumula ang aking pisngi. Hindi ko alam kung sa galit na ito o dahil sa ginawa niyang pag-iiwan sa akin sa ere. Wait! Am I really waiting for that fuc*er’s kiss? Napailing na lamang ako at naglakad ng pabalik-balik sa kwarto sabay kumuha ng malamig na tubig para inumin ito. Napakayabang talaga ng lalaking iyon at hindi man lang niya kaya ang magseryso. Pumunta ba talaga siya rito para sa trabaho o para lang inisan ako dahil kung iyong huli ang pinunta niya ay inis na inis na talaga ako sa kanya. I am the Dominus, and I shouldn’t be feeling this way. I shouldn’t be treated this way because everyone is scared of me. Pero siya ay kahit ano’ng sama ng tingin ko sa kanya ay nagagawa niya pang tumawa na parang wala lang? How could he even think of letting me believe that he would kiss me? Ugh! Nang lumipas ang ilang oras ay naisipan kong lumabas ng aking kwarto at pumunta ako sa meeting room para tignan kung nandoon pa siya. Pero hindi ko na siya nakita pa roon kaya naman pumunta ako kay Samantha at hinanap ang tukmol na iyon sa kanya. “Dominus,” tawag niya sa akin. “Umalis na ho pala iyong gwapong agent at may pinabibigay pala siya sa inyo.” May binigay na maliit na papel sa akin si Samantha at naka-sulat doon ang isang lugar at oras. Is he expecting me to go there? Pagkatapos ng ginawa niya ay may gana pa talaga siyang utusan ako na pumunta roon? Pwes manigas siya dahil hinding-hindi ako magpapakita sa kanya. Kinabukasan ay nakagat ko na lamang ang aking labi dahil kinain ko rin lang ang sinabi ko. Sabi ko hindi ako pupunta pero nandito ako sa harapan ng resto na sinabi niya at napapikit pa ako ng mariin dahil inuutusan niya na lamang ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagsuot ng sobrang revealing na damit. I mean, hindi naman niya ito mapapansin at kung sakali mang mapansin niya ay sigurado ako na aasarin niya lang ako. Tinulak ko ang pinto at agad kong nakita ang maraming magkakapareha rito na kumakain ngayon ng hapunan. Narinig ko naman ang aking pangalan at nakita ko siyang kumakaway mula sa second floor. Napailing na lang ako at umakyat sa hagdan kung saan ay binabalak ko sana siyang sermonan. Pero bago ko pa magawa iyon ay agad na bumungad sa akin ang isang red rose na may ribbon. Napansin ko rin na nakasuot siya ng disenteng damit na mas lalong nagpatingkad sa kulay ng kanyang mga mata. “Akala ko ay hindi mo na ako sisiputin. I was starting to worry.” Ilinahad niya ang kanyang braso sa akin at agad ko namang isinukbit ang kamay ko rito. Iginiya niya kami sa isang pangdalawang mesa kung saan ay may kandila, flowers at champagne pa. Agad naman kaming binigyan ng waiter ng menu at agad akong namili ng aking kakainin dahil nagugutom na rin naman ako. “You look beautiful in your dress.” Napaangat ang aking tingin sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang aking tingin at lihim na napapangiti dahil hindi niya inasar ang aking damit. Agad na kaming umorder ng aming pagkain nang mapansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata at nakita kong napangiti naman siya. “Tell me. Why did you decide to come to my invitation?” tanong niya. “Sigurado ako na marami ka pang ginagawa at baka hinahanap ka na ng boss mo.” “Hindi ako iyong klase ng tao na bastos at hindi lang naman ikaw ang nag-iimbita sa akin kaya normal na ito para sa akin,” sagot ko. “I see. What kind of invitation?” Masama ko siyang tinignan dahil hindi naman ako tanga sa ibig niyang sabihin. Oo. Siya lang ang tanging lalaki na nag-imbita sa akin sa isang date dahil palagi akong tutok sa trabaho na hindi ko na nahaharap ang makipag-date. “Hey, don’t look at me like you are about to kill me.” Inirapan ko lang siya. “Look, I invited you here to apologize for how I acted. Naging pangit ang first impression mo sa akin at sabi nga nila na first impression last daw. Ayoko naman na hanggang sa mamatay ka na ay isipin mong mayabang, brat at spoiled ako.” Nawala ang inis ko sa kanya at nakita ko siyang napangiti. “Let’s try to do this all over again. Kaya kita inimbita rito para makilala natin ang isa’t isa lalo na at palagi tayong magkikita sa trabaho. So?” Tumikhim siya at inayos ang kanyang suot na coat. “My name is Earl Ferrer. Nice to meet you. What is your name?” Napatingin ako sa nakalahad niyang kamay at hindi ko mapigilan ang mapangiti. “My name is Brielle Sovrano. The pleasure is mine.” Akala ko ay bibitawan na niya ang aking kamay pero nagulat ako nang bigla na lang niya itong hinalikan habang nakatingin sa akin. May kung anong kuryente nanaman ang dumaloy sa aking kamay papunta sa aking katawan kaya agad ko ring binawi ito. Sakto namang dumating ang aming pagkain at aaminin ko na medyo na-impress ako sa ginawa niya. Pwede naman pala siyang maging mabait kung gugustuhin niya at sa tingin ko naman ay magkakasundo kami. Habang lumalalim ang gabi ay namalayan ko na lang ang aking sarili na tumatawa sa kwento niya noong childhood siya. Aaminin ko na nakapalagayan ko siya ng aking loob at hindi ko na naiisip na mayabang siya. Nawala na rin ang inis ko sa kanya at medyo napapalitan na ito sa pagkawili. Nang maubos namin ang aming pagkain ay naubos na rin ang aming iniinom na champagne. Napatingin ako sa aking orasan dahil nakita kong nagliligpit na ang resto at kami na lamang pala ang naiwan. Nagbayad na siya ng aming kinain at sabay kaming lumabas nang makaramdam ako bigla ng lamig dahil hindi ko akalain na ganito na pala kalamig sa labas. Napatingin na lang ako sa kanya nang ipatong niya sa akin ang coat niya at agad naman akong napatitig sa kanyang mga mata. Nagpasalamat ako at naamoy ko ang mabangong amoy ng ginagamit niyang body soap. Pagsakay namin ng kanyang sasakyan ay hinatid niya ako sa mismong gate ng OA pinapasok naman kami ng mga guard nang makita nila ako. Inalis ko ang aking seatbelt at hinubad ang aking suot na coat sabay binalik ito sa kanya. Wala munang umimik sa amin at nagpapakiramdaman kung ano ang aming gagawin. Nang mapansin ko na parang wala na yatang balak mauna sa amin ay ako na ang unang tumikhim. “Thanks for a great evening. I really enjoyed having dinner with you, and I must say that my first impression of you being an asshole is already erased.” Natawa naman siya kaya pati ako ay natawa na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD