Dominus
Nanggagalaiti ako nang makabalik ako sa OA at imbes na maganda ang mood ko ng maghapon ay nasira bigla ang lahat ng iyon sa kayabangan ng lalaking iyon. Mabilis ang aking lakad papunta sa aking opisina nang makita ako ni Samantha at agad na napatayo at kinamusta kung kumusta ang pakikipag-usap ko. Sasagutin ko na sana siya nang nakita rin ako ni Papa kaya pumasok ako sa opisina at pabagsak na hinulog ang aking bag na kanilang ipinagtaka na dalawa.
“So? How was your first meeting with him, baby girl?” Napahalukipkip ako sabay napairap sa hangin.
“Yeah. It actually went well, Dad. He’s willing to help us.” Nagkatinginan naman silang dalawa ni Samantha na nagtataka.
“Kung willing naman pala siyang tumulong ay bakit parang hindi ka masaya at bad mood ka pa yata?” tanong ni Samantha.
“That guy gets on my nerves,” sabi ko sabay naglakad ng pabalik-balik sa loob ng aking opisina. “Geez. Hindi porke gwapo siya ay magyayabang na siya. He’s so boastful because he is handsome and over flowing with so much s*x appeal. Ano ngayon kung napatitig ako sa kanya at muntik ko nang makalimutan iyong sadya ko sa kanya?
“I have all the right to do that because I am just being appreciative with his features. Hindi niya kailangang ibuka iyong bunganga niya at magsabi ng puro kayabangan. Kulang na lang magkaroon ng twister sa loob ng opisina niya sa sobrang hangin. Ugh! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan ay never na akong makikipag-usap sa kanya ulit.” Napabuga ako ng hangin at nahilot ko ang aking sintido.
Natahimik sina Samantha at Papa sa aking mga sinabi at napatingin na lang ako sa kanila nang bigla na lang silang natawa na dalawa na hindi ko alam kung bakit. Nawiwirduhan akong napatingin sa kanila na patuloy pa ring nagtatawanan.
“What’s so funny?” tanong ko.
“You,” sabi ni Samantha at napailing na lang ako.
“Sorry, baby girl.” Napatingin naman ako sa aking ama at napairap na lang sa kanilang dalawa dahil imbes na ako ang ayunan nila ay pinagtatawanan pa nila ako.
Umupo ako sa aking swivel chair at sumimangot sa kanilang dalawa para ipakita na naiinis ako sa pagtawa nila sa akin. Napailing at napairap na lang ako sa hangin ng ilang beses bago sila tumigil sa pagtawa at umupo sa upuan na nasa harapan ng aking mesa.
“Dominus, you are not really allowed to stare at someone else’s face. Alam kong nagwagwapuhan ka sa kanya pero masyado ka kasing pa-obvious kaya mas lalo lang umakyat ang ego niya. May mga times kasi na dapat ay kahit gaano kagwapo o kaganda ang nasa harapan natin ay alam dapat natin ang manatiling emotionless at kiligin inwardly.” Medyo nahilo ako sa ibig sabihin ni Samantha.
“W-What do you mean?”
“Baby girl, actually, it’s okay because it’s your first time. I maybe also at fault here because I never introduced you to men before. Ngayon ay naiignorante ka tuloy kapag nakakikita ka na ng mga gwapong lalaki. I don’t blame you though. It’s understandable.” Nagtinginan sila ulit na dalawa na bigla na lang natawa at naiinis akong napatingin sa kanila.
Tumayo ako at lumabas ng aking opisina dahil naiinis ako sa pang-aasar nilang dalawa. Pumunta ako sa green house at doon napaupo sa isang bench habang nagmumukmok doon. Napatingin ako sa malayo at napapabuntong hininga na lang dahil hindi ko alam kung tama ba na mainis ako sa kanila.
It’s not my fault that I don’t know how to mingle with men. Kasalanan ko ba kung mas inuna ko ang trabaho ko kaysa sa sarili kong kaligayahan? I never tried communicating with others in a normal way because I am always inside the house, and all I see are maids, houseboys, and guards.
Kaya nga kunti lang ang mga kaibigan ko dahil home schooling lang ako noon. Ayos na rin sa akin iyon dahil kahit papaano ngayon ay may matatawag na akong mga kaibigan. May lalaki naman akong kaibigan pero para nang kapatid ang turing ko sa kanya.
Habang nakatingin ako sa malayo ay napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko si Tita Vanessa. May hawak siyang dalawang pretzels at binigay sa akin ang isa sabay umupo sa aking tabi. Napatingin din siya ng malayo at sinimulan ko namang kainin ang pretzels na binigay niya sa akin.
“Alam mo ang weird lang kasi lahat ng pumupunta sa green house na ito ay sigurado akong may problema sa pag-ibig. Harper was always here before, then Alessia, and now you.” Napatingin naman ako sa kanya.
“Wala naman po akong boyfriend Tita para magkaroon ako ng heart problem. Isa pa po, hindi po ako in love kaya hindi ho iyon ang rason kung bakit ako nandito.” Napangiti naman siya sa akin.
“Okay. Sige, mukhang mali ang sinabi ko kaya ico-correct ko lang. Lahat ng tumatambay dito ay namromroblema sa lalaki.” Natahimik naman ako at napatungo dahil mukhang sapol ako ni Tita Vanessa roon. “Hays. Siguro kung sakaling utak lang ang green house na ito ay masyado na itong maraming memories. May iba na halos dito na sila mag-propose, tapos iyong iba ay umiiyak kapag na-heart broken, iyong iba naman ay nag-iisip.”
Napatingin ako sa malayo at natigil sa pagkain ng pretzel habang hinihintay lang ni Tita na magsalita ako.
“You know that you can always tell me what’s bothering you, right? Hindi bilang si Dominus kung hindi bilang isang normal na babae kasi hindi ka naman perfect at nakararamdam ka rin. Isa pa, ina ako kaya sabihin na natin na marami na akong nakain na kanin kaysa sa inyo pagdating sa buhay pag-ibig. I know that look. You are bothered with a boy.” Napangiti naman ako sa kanya.
Humugot ako ng hangin bago ko napagpasyahan na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.
“I met this guy a while ago, and he’s so handsome. Natulala ako nang makita ko siya kasi never akong nakakita ng gano’n kagawapo na tulad niya. At dahil sa ginawa kong iyon ay inasar niya ako at sabihin na natin na nayabangan ako sa ugali niya. I told about this to my dad, but he just laughed at me. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o sa sarili ko kasi wala naman akong karanasan pagdating sa pakikihalubilo sa opposite s*x.
“I never even tried having a crush with someone, so let’s just say that seeing a handsome guy like that was just a first time to me. I’ve never been around with guys before, so I don’t know how to act naturally around them. Nai-stress lang ako kasi pakiramdam ko ay pinapahiya ko lang ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw kapag makikita ko siya lalo na at makasasama ko siya sa trabaho,” mahabang paliwanag ko.
Naramdaman ko naman na hinawakan ni Tita ang aking kamay sabay napangiti sa akin.
“Being attracted to someone is so natural, and there’s nothing wrong with that. If you find someone beautiful or handsome then tell it to them. That’s the first step. You are just being kind. Okay?” Napatango naman ako.
Pagtayo namin ay medyo gumaan ang aking loob dahil sa pakikipag-usap kay Tita Vanessa. Saktong paglabas namin ng greenhouse ay nakita namin si Papa na parang may hinahanap. Kaya nang dumako ang kanyang mga mata sa akin ay agad naman siyang lumapit sa akin.
Pero bago niya pa magawa iyon ay nagulat na lang ako nang bigyan siya ni Tita ng malalakas na palo sa kanyang balikat. Maang akong nakatingin kay Tita Vanessa at bigla namang lumabi si Papa sa kanya.
“What did I do?” tanong niya.
“Shame on you, Alessandro. How dare you laughed at your daughter for experiencing innocent love? Imbes na pagsabihan mo ay lalo mo lang siyang ini-stress. Naku, sinasabi ko sa iyo Alessandro, buhay lang si Mildred dito ay sigurado akong kakalbuhin ka niya.” Sumimangot naman si Papa na parang bata kaya napangiti ako sa kanila. “Ayus-ayusin mo Alessandro kung hindi ako mismo ang magtatawag sa kaluluwa ni Mildred at sabihing multuhin ka.”
Umalis na si Tita na naiinis kay Papa at ako naman ay hindi mapigilang matawa sa inakto nila. Tinanong ko si Papa kung kilala ba ni Tita si Mama at sinabi niya na matalik daw na magkaibigan ang mga ito. Noong siya raw ang nahirang na Dominus noon ay doon niya nakilala ang aking ina at si Tita Vanessa.
Magkaka-batch daw sila kaya naman super lapit nila sa isa’t isa. Nagulat nga ako sa pakikitungo ni Tita kay Papa pero ngayon na alam ko na kung ano ang kanilang background ay hindi na ako magtataka. Ngayon kung may kalokohan pa lang gagawin si Papa ay tatawagin ko lang si Tita Vanessa at siya na ang bahalang manita kay Papa.
May pang-blackmail na ako kay Papa kung sakali kaya naman napangiti na lang ako sa kanya. Humingi naman si Papa ng tawad sa akin dahil daw sa pang-aasar nilang dalawa ni Samantha sa akin kanina. Hindi raw kasi siya makapaniwala na sa unang pagkakataon ay nagdadalaga na raw ako na ikinasimangot ko. At saka ano iyong tinutukoy kanina na innocent love? Meron bang gano’n?
Habang abala ako sa pag-aapprove ng mga papeles ng bawat branch simula nang mag-lockdown ang OA ay bigla akong nakatanggap ng tawag sa may guard house. Sinagot ko ito at gano’n na lamang ang aking gulat nang sinabi ng isang guard na may nagpupumilit daw na pumasok sa pangalang Earl Ferrer. Napamura ako ng mahina at sinabi ko na papasukin na lamang siya pagkatapos ay dali-dali kong kinuha ang aking mga gamit.
Bwisit talaga ang lalaking iyon. Ang usapan namin ay pupunta siya sa susunod na linggo pero bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot dito na parang kabute? Hindi ko tuloy alam ang aking gagawin at mabilis na tinago ang aking mga gamit sa aking drawer.
Lumabas ako ng opisina at sakto namang nakita ko si Samantha at sinabi sa kanya ang plano kong magpanggap bilang sekretarya ng Dominus dahil nandyan sa baba iyong tinutukoy kong agent. Natuwa naman ako na nasabihan na ni Samantha ang lahat sa pagpapanggap ko kaya madali na lang sa akin ang aking gagawin. Umupo ako sa may desk ni Samantha at medyo kinakabahan ako na makita ang tukmol na iyon.
Sinabi ko kay Samantha na siya ang sumalubong kay Earl at nang hindi ito masyadong magtaka na kanya namang ginawa. Nakita kong napasilip si Allan pero agad din siyang pumasok sa loob ng kanyang opisina. Nang makita kong nagbukas ang elevator ay nagkunwari akong abala sa mga gamit na nandito kay Samantha.
Naririnig ko na ang mga yapak nilang dalawa at nang biglang dumilim ang aking ilaw dahil alam kong nakatayo na siya sa aking harapan ay nakita ko ang gwapong tukmol na ito. May ngiti siyang nakapaskil sa kanyang mga labi at agad naman akong napatayo upang batiin siya. <ay respeto pa rin naman ako kahit papaano.
“Hello, Ms. Brielle.” Nakipagkamay siya na agad ko namang tinanggap pero agad ko ring nabawi ang aking kamay nang parang may short circuit akong naramdaman.
“Hi, Mr. Ferrer…”
“Earl, please.”
“Right. Uhm, a-ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko ba ay sa susunod na linggo pa tayo magkikita?” tanong ko.
“Well, I was reading the reports that you gave me, so as much as possible I wanted to start this already. It’s a very interesting case, actually. And when I’m interested with something, I never stopped catching it until I can grasp it.” May makahulugan siyang ngiti at agad naman akong napaiwas sa kanya ng tingin.
“Okay. Ipapakilala sana kita kay Dominus pero may mga panuntunan kaming sinusunod dito kaya sana ay naiintindihan mo.” Tumango naman siya.
“I understand. It’s one of your rules, so no need to worry. So? Let’s begin working?” sabi niya at tumango naman ako.
Napatingin na lang ako kay Samantha at napapikit na lang ako ng mariin sa kabaliwan na ito. I hope I can manage to hide this lie until we found the culprit.