Dominus
Pagdating naming lahat sa meeting room ay nakita ko ang isa kong Magestra na naluluha habang inaalo naman siya ng kanyang mga kapwa Magestra. Tinanong ko kung ano ang dahilan at sinabi niya na ilang araw na raw niyang hindi ma-contact ang kanyang anak na nasa Russia. Bigla naman akong nag-alala dahil siya iyong nagrekomenda sa akin noon na ipasara na lamang ang OA pansamantala pero hindi ako nakinig. Akmang kakausapin ko siya nang pumasok ang aking ama at nag-aalalang nakatingin sa akin.
“Let’s start the meeting.” Natahimik silang lahat at huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. “Base from the reports that we got, the casualties started to peak up and it doubled.”
“What about my daughter in Russia, Dominus? Mag-iisang linggo ko na siyang hindi nako-contact. Paano kung isa siya sa mga namatay at hindi siya nailigtas dahil mas pinili niyo ang kapakanan ng OA kaysa sa mga pamilya namin?” Natahimik ako habang nakatingin sa kanyang naluluha.
Nagbabadya nang tumulo ang aking luha dahil mali nga ba ang naging desisyon ko? Sigurado ako na hindi lang siya ang nawalan ng mahal sa buhay. Lahat ng mga assassin na ito ay nawala sa mundong ito dahil sa naging desisyon ko. Kung nakinig lamang ako sa kanya ay baka hindi nangyari ito. Tama ba na maging Dominus ako sa mga pagkakataong ito?
“Everyone, stop talking!” Natahimik kami at napatingin naman ako sa aking ama na seryoso na ang mukha na nakatingin sa aming lahat. “We are still not sure what is happening right now in OA, and I assure you that my daughter, we are doing our best to save everyone as possible. When you took this job, you swore to us that you are ready to sacrifice yourselves. Now, I’m not saying that it’s good that these assassins died for nothing.
“Because I know that they died fighting, and I am proud that they became part of this family. I don’t know what is happening right now because we are all a victim here. Instead of pointing your fingers to us, why don’t you lend us your help to figure out what is happening to OA. That is the only way that we could defeat whoever is doing this. And I swear that when that happens, we are going to revenge the death of our assassins.” Napatingin ako sa kanilang lahat at halos nakayuko silang lahat sa sinabi ng aking ama.
Napatingin ako sa kanya at ngayon lang ako humanga ng ganito sa aking ama. He really is a true Dominus of OA because he is a strong leader. Ngumiti ako at imbes na maluha ay mas lalo akong ginanahan sa sinabi ng aking ama. Akmang magsasalita ako ay napatayo iyong Magestra kanina na nawawalan ng anak.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang kumuha ng kutsilyo sabay hiniwa ang kanyang braso. Napasinghap naman ako pero hinayaan lang namin siya dahil kita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata.
“I would like to punish myself for blaming this to our Dominus. I’m sorry Dominus. I shouldn’t have said that to you. I forgot my place, and I let my emotions took over me.” Huminga siya ng malalim. “I am willing to sacrifice myself to OA, and if you would still let me stay here, Dominus, I promise to give my everything.”
Napatingin naman ako sa aking ama sabay tinapik niya ang aking balikat at bumalik siya sa kanyang upuan. Napangiti naman ako sa kanya sabay tumango at nakita kong yumuko siya at nagpasalamat. Pagkatapos ay humarap ako sa kanilang lahat at hinihintay nila ang aking sasabihin.
“Hindi ko alam kung ano ang kinahaharap natin ngayon at alam ko na hindi na ligtas ang OA dahil sa mga nangyayari. Tinago namin ito sa inyo dahil ayaw namin kayong mag-alala at gusto kong mag-enjoy lang kayo. Ngayon alam ko naging strikto ako sa inyong lahat pero kung sa tingin niyo ay hindi na kayo ligtas, kung hindi na ligtas ang pamilya ninyo, kung sa tingin niyo ay maaari niyo itong ikapahamak ay tatanggapin ko ang lahat ng mga aalis ngayon sa OA,” sabi ko na ikinasinghap ng iba habang nagbubulung-bulungan naman ang iba.
“Hindi ko kayo pipilitin sa bagay na hindi niyo gustong gawin dahil ito ang isa sa mga panuntunan ng OA. Sa mga aalis ay hindi ko kayo pipigilan at hindi ko kayo ibla-blacklist pero oras na manatili kayo sa OA ay walang kasiguraduhan na mabubuhay kayo. Katulad nga ng sabi ng aking ama na mamamatay kayong may dangal.” Maya-maya ay may tumayong isang babae sabay sumaludo sa akin na aking ipinagtaka.
“I will stay for OA, Dominus. You were the one who saved me when I was about to die. Now, it’s time for me to pay back that kindness. I am a Veteran, and I will die for OA.” Napangiti naman ako sa kanya at nagulat na lang ako sa mga sunud-sunod na tumayo para sabihing mananatili sila sa OA.
“Thank you sa inyong lahat.” Huminga ako muli ng malalim. “I will order everyone that from this day forward, no one will be having their missions. All assassins, whether your mission is finish or not yet finish, are required to go back to their headquarters as soon as possible. Until we don’t know who is doing this, no one is allowed outside until further notice.
“We will also be asking more assassins to stay on guard on each branch to stay on the lookout. We will be needing a lot of assistance from everyone, and if you know anything that could lead us to anyone, please feel free to tell me or to my Manus Dextras. We need to protect each other from this day on.”
Maya-maya ay nagsipalakpakan na sila at napangiti naman ako sa kanila sa sobrang galak na aking nadarama. Pagtingin ko sa aking ama ay nag-thumbs up siya sa akin sabay kumindat at napatango. Matapos ang aming meeting ay lumabas na sila isa-isa at agad naman akong tumakbo sa aking ama upang yakapin siya.
“Thanks, Dad.” Hinaplos niya ang aking buhok at napangiti naman siya.
Pagkatapos ng meeting ay agad kong pinatawag kay Samantha lahat na ng branches ng OA upang sabihin sa kanila kung ano na ang napag-usapan namin sa aming meeting. Hindi na kasi ligtas para sa mga assassin ang nangyayari ngayon at nakakabahala na ito. Hindi na ito basta aksidente o false alarm lang.
Someone wants to destroy OA, and I don’t know the reason why. But until I don’t know who is doing this, I will not let my assassins be some kind of experiment or toy to them. Pagpasok ko sa aking opisina ay napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong nagtatakbuhan na ang mga assassins sa labas upang ikalat na ang aking sinabi.
Marami na ang mga guard na nasa labas at lahat sila ay lina-lock na ang malaking gate ng OA. Napapikit na lamang ako nang tuluyan nang nagsara ito dahil hindi na muna ito magbubukas at hindi na muna ito tatanggap ng kahit na anong cliyente. Marami namang ipon ang OA at kaya nitong suportahan ang bawat branch.
Isa pa ay mayaman din ang mga assassins kaya kahit papaano ay mabubuhay kami. Ipinapangalangin ko lang na sana maging ayos ang lahat dahil wala ako sa tabi ninyo para samahan kayo. Alam kong magiging tampulan kami ng medya dahil kami ang pinaka-malaking oranisasyon na sumusugpo ng kasamaan.
Nandyan naman ang mga kapulisan at ang Red Scorpions kaya kahit papaano ay panatag ako na magiging ayos pa rin ang lahat. Napalingon ako nang marinig ko ang aking ama na kumakatok at tumabi naman siya sa akin sabay napahinga ng malalim. Napailing na lang siya dahil alam ko na never na nagsara ang gate ng OA sa publiko.
“This will be big news to the media, baby girl.” Tumango ako.
“I know.”
“What’s your next plan now?” Napatingin ako sa kanya.
“I will find the person or the people behind this mess, and I will avenge those assassins whom they killed.” Napatango naman siya ng dahan-dahan.
“Okay? But how are you going to do that? I’m sure that whoever is doing this knows that we already hid our assassins. Hindi rin pwede na basta-basta ka na lang lumabas sa publiko dahil baka malaman nila kung sino ka. Hindi naman pwedeng ikaw ang mag-imbestiga nito ng mag-isa dahil alalahanin mo na oras na lumabas ka at ang mga kapwa mo assassins ay sigurado akong kayo ang pupuntiryahin nila.” Nakagat ko ang aking labi dahil sa sinabi ng aking ama.
“I know that, Dad. Actually, naisip ko na rin iyan dahil noong nakaraan ko pa naisip na marahil ay isa ako sa mga puntirya nila. I’m the Dominus, so I’m very sure that I’m part of that big puzzle. Nag-iisip ako kung sino ang pwede kong lapitan para humingi ng tulong pero kailangan ko ay iyong pinaka-magaling na imbestigator o pulis o agent na nabubuhay sa mundong ibabaw.
“Oras na makilala ko kung sino siya ay sigurado akong mapapadali lang ang lahat ng ito. Hindi ko rin kasi pwedeng basta-basta na lang hilain ang aking mga assassins dahil sigurado akong malalagay sa bingit ang buhay namin.” Nagbuga ako ng hangin nang mapansin ko na nanahimik ang aking ama.
May kung anong ngiti siyang nakapaskil sa kanyang mga labi kaya hindi ko alam kung may naiisip ba siyang maganda o baka may kilala siya sa mga tinukoy ko kanina. Napatingin siya sa akin sabay napailing na aking ipinagtaka.
“What is it, Dad?” tanong ko.
“Well, I remember when I was still the Dominus, I have this friend of mine who is the greatest agent in our time. But ever since he retired, I never heard of him anymore.” Nagkainteres ako sa kanyang sinabi.
“Okay, I’m listening.”
“He’s the greatest agent we’ve ever heard before, and before I retired as the Dominus and passed the position to you, we became partners with them.” Nabuhayan akong napatingin sa aking ama. “Let me just make a call and see if he’s still working there.”
Tumango naman ako at mabilis niyang binunot ang kanyang cellphone para tawagan kung sinoman ang kaibigan niyang ito na tinutukoy niya at lumabas ng aking opisina. Kung gano’n ay hindi pa pala huli ang lahat at may pag-asa pa na malaman ko ang lahat ng ito. Naghintay ako sa aking opisina hanggang sa sumapit ang alas-singko pero hindi ko nahintay ang aking ama.
Siguro ay hindi niya pa natawagan ang tinutukoy niyang kaibigan niya at hindi ako maghihintay dito ng sobrang tagal. Siguro ay babalik na lang muna ako bukas at ipagdarasal na nakausap na ni Papa ang sinasabi niyang kaibigan niya. Paglabas ko ay bigla akong nakarinig ng ingay sa dining area at nakita ko na ang dami ng mga tao ngayon rito hindi katulad dati na super konti lang.
Naaalala ko nga pala na rito na sila maninirahan ngayon kaya naman pala maingay na ang dining area ngayon. Natawa na lang ako sa aking mga pinapanuod dahil kahit ganito ang nangyayari ay kitang-kita ko pa rin sa kanilang mga mukha na masaya sila at walang prinoproblema.
“Because of you they could smile like that.” Napalingon ako sa babaeng katabi ko at nakita ko si Ms. Thorn.
“Really, Tita? How so?”
“Well, your speech made them stronger, and because you have a very pure and understanding heart dear.” Napangiti naman ako sa kanya sabay nagpasalamat. “Come on. Let’s eat. I’m sure you are already hungry.”
“Starving.” Nagpatiuna naman ako sa pagsama sa kanya at masaya kaming kumain ni Ms. Thorn kasama ang mga maiingay at makukulit na mga assassin.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako kay Ms. Thorn at pumunta na ako sa aking kwarto upang matulog. Dumiretso ako sa aking banyo at nang matapos akong maglinis ng aking katawan ay humiga ako sa aking kama at tumingin sa kisame. Sana paggising ko ay may good news akong matanggap kinabukasan.