Chapter 7

2032 Words
Dominus Habang hinihintay namin ang aming order ay sinabi sa akin ni Vaughn kung ano ang kanyang problema. Nang malaman ko ito ay hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako pero gano’n pa man ay willing naman talaga siyang bumawi sa mga pagkukulang niya sa akin bilang kaibigan. Some people might think that Vaughn and I will end up being in a relationship because of the way we show our friendship to each other. Touchy kasi si Vaughn at mahilig siyang mangyakap at manghalik sa pisngi na kung saan ay nakasanayan ko na noon. Kaya siguro naisip ng aming mga magulang na bagay kami dahil kulang na lang ang label sa aming dalawa pero para sa aming dalawa ni Vaugh ay super duper normal na nun. Hindi na ako magtataka kung pagkamalan nila kaming dalawa pero pareho kami ni Vaughn na alam namin ang score namin sa pagitan naming dalawa. Vaughn and I will never fall in love with each other because the friendship that we have is priceless, and no one can ever replace that. Babaero si Vaughn pero alam ko naman na rinerespeto niya pa rin ako bilang babae na isang ikinatutuwa ko at kaya confident ako sa kanya dahil walang malisya ang mga ginagawa niya sa akin. Sinasabi ko nga noon na makahahanap nga siya ng kanyang katapat at mukhang nagkatotoo na nga. “So? Payag ka na ba baby boo? I really need your help,” sabi niya. “Hindi ko alam kung sino nanaman ang nabudol mo pero siguraduhin mo lang na aayusin mo dahil kung hindi ay ako mismo ang magbibigti sa iyo.” Masaya naman siyang tumango. Sakto namang dumating ang aming pagkain at pumalakpak siyang parang bata na ikinairap ko. “Thank you at napatawad mo na ako. Akala ko kasi talaga ay hindi mo na ako papansinin kahit kailan.” Ngumuya ako bago ko siya sinagot. “Hindi naman ako gano’n kasama tulad ng inaakala mo noh. Isa pa may karapatan akong magalit sa iyo dahil hindi ka man lang nagpakita sa akin ng ilang taon. You know how possessive and jealous I can be, but you still decided to leave me.” Ngumiti siya. “I know, and I’m really sorry.” “Hindi pa ako tapos. Total ay bumalik ka na rin naman ay sasabihin ko na lahat ng hinanakit ko sa iyo,” sabi ko sa kanya. Gano’n nga ang aking ginawa at sinabi ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Sa buong ranting session ko sa gabing iyon ay nakinig lang siya sa akin at hindi niya sinubukan na ipagtanggol ang kanyang sarili. Ito rin ang gusto ko sa kanya dahil kapag nagagalit, nagtatampo, naiinis o nagseselos ako ay mas lalo lang niya akong lalambingin at papakinggan lang niya ako. Kaya nga alam ko na kahit babaero ang lalaking ito ay alam ko rin na swerte ang babaeng iibigin niya dahil bubusugin niya ito ng sobrang pagmamahal at lambing. Maybe that is also the reason why I became angry at him. I was so scared that he would not give the same attention to me already because of his new friends, but I guess I was wrong. I’m so glad that he didn’t change his attitude towards me for one bit. Para sa akin ay sapat na iyon para patawarin siya. Hanggang sa matapos akong mag-rant ay nanatili lang siyang tahimik at halos naubos ko na rin pala ang aking pagkain kaka-rant sa kanya. Nang matapos akong magsalita ay ngumiti lang siya sa akin. “Well, I guess I may have hurt you a lot baby boo. Pasensya ka na.” Tumango ako. “Now that we are already over about this mess with this friendship thing that we have, how about you? Wala ka pa rin bang nobyo? Hindi ka titigilan ni Papa oras na malaman niyang wala ka pang boyfriend. Alam mo naman na botong-boto sila sa tandem nating dalawa na hindi naman mangyayari.” “Hindi naman ako mapipilit ni Ninong dahil hindi ko naman pwedeng pilitin na mahalin ka. Teka nga, sinabi mo na ba sa kanya na may liniligawan ka?” Umiling siya. “Then tell it to him. Baka iyon lang ang paraan para tigilan ako ni Ninong.” “Sasabihin ko sa kanya kapag sinagot na ako ng liniligawan ko, baby boo. Hanggat hindi pa sigurado ay huwag na lang siguro muna.” Tipid akong napangiti. Nang matapos kaming mag-dinner na dalawa ay hinatid niya ako pabalik sa OA kung saan ay naiwan na siya sa kotse upang umuwi na pabalik sa kanila. Kumaway naman ako sa kanya bago ako pumasok sa loob at gano’n na lamang ang gulat ko nang may sumabog na mga confetti at nakita ko ang mga assassin kasama sina Papa at Ninong na pumapalakpak. Halos natuod ako sa aking kinatatayuan nang makita ko pa ang isang banner na may nakalagay na ‘Congratulations, Dominus.’ Lumapit sa akin si Ninong at nagulat ako nang yinakap niya ako ng sobrang higpit na aking ipinagtaka. “Sabi ko na nga ba iha at kayo rin ang magkakatuluyan ng aking anak.” Kinakabahang natawa naman ako sa kanya bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin. “W-What do you mean, Ninong?” tanong ko. “Oh, come on now. Don’t act so innocently. You just had a dinner with my son, and some people here actually told me that he gave you some bouquet of flowers to apologize. It means that you already accepted my son’s confession.” Maang akong napatingin sa kanya. “Sabi ko naman sa iyo kumpare ay magkakatotoo nga na magkakatuluyan ang mga anak natin.” Napatingin naman sa akin ang aking ama at alanganin akong napangiti sa kanya. Nahilot ko na lang ang aking sintido dahil mukhang namali sila ng pagkakaintindi sa ginawa ni Vaughn. Hays. This is so wrong. Nang umuwi na ang iba pang mga assassins kasama si Ninong ay naiwan kaming dalawa ni Papa sa lobby. Nawala ang aking ngiti nang mawala sa aking paningin ang kotse ni Ninong at masama akong napatingin sa aking ama. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin at nauna na akong maglakad papunta sa elevator. “Baby girl, why are you angry at me? What’s wrong?” tanong niya habang nakasunod naman sa akin. Pinindot ko ang floor ko sabay napaharap sa aking ama. “What is wrong? Why am I angry at you? For conspiring with Ninong with those confetti and congratulatory thing with the assassins. FYI Dad, Vaughn and I are just friends, and we treat each other as siblings nothing more.” Saktong bumukas ang elevator at lumabas ako kung saan ay sumunod ulit siya. “But it’s not my fault that we thought you two are acting like in love together? Isa pa ang daming nagsabi kanina na para raw kayong in love sa isa’t isa kaya naman nagawa namin iyon. For the first time, I was happy that you actually found love with a guy. With a real guy, baby girl.” Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang aking ama. “Well, sorry to bust your bubble Dad, but I am not in love with anyone. Vaughn is courting someone already, and I am very sure that it’s not me. Now fix this mess Dad, or I will tell everyone your secret that you like collecting dolls.” Pumasok na ako sa aking kwarto saka sinarhan siya. Sa sumunod na araw ay habang papunta ako sa aking opisina ay napapansin ko na pinagbubulungan ako ng aking mga assassin at iyong iba ay parang kinikilig pa. Binabati naman nila ako pero oras na lumagpas na ako sa kanila ay magbubulungan sila ulit. Nang malapit na ako sa aking opisina ay nakita ko si Samantha at pati siya naniniwala na kami na nga ni Vaughn. Kinakamusta ko siya sa mga resulta ng ginawa naming plano at rinig na rinig ko ang mga nagbubulungang assassin tungkol sa aming dalawa ni Vaughn. Napapikit ako ng mariin sabay humarap sa lahat ng assassin na naglalakad at nagbubulungan sabay sumigaw. “All of you go back to your work! Ayaw kong pinag-uusapan ninyo iyong nangyari kagabi dahil nandito lang naman ako nakatayo sa harap ninyo. May makita o marinig akong magbabanggit ng tungkol sa nangyari kagabi ay suspended!” sigaw ko sa kanila. Agad namang nagsibalikan ang iba at naghiwa-hiwalay sila sa aking sinabi. Napatingin naman ako sa aking Manus Dextra na si Allan at agad na tumikhim sabay pumasok sa kanyang opisina at napapikit naman ako ng mariin. Nagbuga ako ng hangin sabay pumasok sa aking opisina kung saan ay naabutan ko sina Ninong at Papa na nagkakape. “Good morning, iha.” Ang lawak ng ngiti niya kulang na lang maging si Joker siya. “Good morning din ho, Ninong. Uhm, ano’ng ginagawa niyo rito ng sobrang aga?” tanong ko sa kanya. “Oh, hindi ba nasabi ng ama mo sa iyo? I already arrange a meeting with one of the best wedding coordinators in the world. Kaya kung may gagawin ka mamayang hapon ay i-meet natin siya para mapag-usapan na natin ang kasal ninyo ni Vaughn.” Halos mapanganga ako sa sinabi niya at tumingin na nanghihingi ng tulong kay Papa. Tumikhim naman ang aking ama sabay napaiwas ng tingin sa akin. “Uhm, pare. H-Hindi ba masyadong mabilis ang pagpapakasal ng ating mga anak. Hindi ba mas maganda kung sila-sila na lang ang mag-ayos ng kanilang kasal.” ‘What the hell are you saying, Dad?’ Iyan ang gusto kong sabihin sa kanya pero linakihan ko na lang siya ng aking mga mata. “Non-sense. Mas maaga silang maipakasal mas maganda. Isa pa gusto kong magkaroon ng apo agad sa lalong madaling panahon.” Napapaypay naman ako sa aking mukha at kinakabahang natawa naman si Papa. “Paano pala kung hindi pa nila gustong magpakasal? Total naman ay kapapasok pa lang nila sa isang relasyon at alam ko na hindi ito magugustuhan ng anak mo. Alam mo naman ang nangyari noong nakialam ka sa relasyon niya ‘di ba? He didn’t show up for years.” Napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi ni Papa. Wait. Iyon iyong mga panahon na iniwan niya ako at pumunta siya sa ‘Pinas ah. Kung gano’n ay may mas malalim pa lang dahilan kaya siya umalis? Maybe, I should just ask him when I see him again. Nang matapos silang magkape ay tinawag na ni Papa si Ninong at sabay silang lumabas ng aking opisina sabay napatawag kay Vaughn. Nagr-ring lang ang kanyang cellphone at hindi siya sumasagot at pagtingin ko sa aking orasan ay nakita kong maaga pa kaya alam kong tulog pa siya. Gusto kong sumigaw pero naiinis na lang akong napaupo sa aking upuan at pilit na pinapakalma ang aking sarili. “Dominus?” rinig ko si Samantha sa labas ng aking pinto. “Samantha, not now please. Is that important?” tanong ko sa kanya. “I’m afraid it is, Dominus.” Napaayos naman ako ng upo sabay pinapasok siya. Pagpasok niya ay napansin niya na para raw akong namumutla at tinatanong kung may sakit daw ba ako. Gusto kong sabihin sa kanya na malapit na dahil sa kalokohan ng aking ama at ng aking Ninong. May binigay siya sa akin na reports at agad ko naman itong inaral sabay nagtatakang napatingin sa kanya. “What the— It didn’t work?” tanong ko sa kanya at napailing siya. Mahina akong napamura at agad na nagpasalamat sa kanya. Makalipas lamang ang isang buwan ay buong akala ko ay okay na ang lahat pero hindi iyon ang nakikita ko sa mga reports na binibigay sa akin ni Samantha. Kung dati ay halos limang assassin ang namamatay sa isang araw ay dumoble ito. Napatayo ako at agad na nagpatawag ng emergency meeting sa kanilang lahat at agad ko namang tinawagan ang aking ama na bumalik sa OA agad-agad. Ayaw ko mang aminin sa aking sarili pero hindi na lang ito basta false alarm tulad ng sabi ng aking ama. May nangyayari sa OA na hindi namin nalalaman at alam ko na hindi na ligtas ang OA sa mga pagkakataong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD