Dominus
Mabilis lang na lumipas ang isang buwan at katulad nga ng aking plano ay hindi na muna namin binigyan ng mga mahihirap na misyon ang mga assassins namin. Maliban na lang siguro muna sa mga assassins na nasa ibang panig pa ng bansa at tinatapos ang kanilang misyon. Sa isang buwan ay agad naming nakita ang pagbaba ng mga assassins na namamatay.
Hindi ko alam kung bakit nangyari ito pero natutuwa ako na kahit papaano pala ay hindi na muna mababahala ang ilang mga assassins sa kaligtasan nila. Balik kami sa dati at abala naman si Samantha na tinatawagan ang bawat OA branch sa iba’t ibang panig ng bansa. Habang abala akong nagtitipa sa aking laptop ay narinig ko naman si Papa na pumasok pero nakita ko na may kasama siya. Agad naman akong napatayo nang makita ko na si ninong pala ito kaya agad akong humalik sa kanyang mga pisngi.
“Hello po, Ninong. Kumusta na ho kayo? Umupo na muna ho kayo.” Tinawag ko naman si Samantha at hiniling na magbigay siya ng meryenda.
“Ayos lang naman ako iha. Nandito lang ako dahil lalabas kami mamaya ng iyong ama para maglaro ng golf. Ikaw iha? May nobyo ka na ba?” Napahinga naman ako ng malalim at bumalik sa pagkakaupo.
“Huwag mo na munang tanungin iyan pare dahil alam mo naman na wala pang oras ang anak ko para riyan.” Natawa naman si Ninong at napailing naman ako.
“Sabi ko naman sa iyo na mag-date na lang kayo ng anak ko total ay wala rin namang kinikita iyon ngayon. Maliban na lang siguro kung may nakita na siya sa America dahil nagtatagal na siya roon nitong mga nakaraan.” Tipid lang akong napangiti.
Maya-maya ay kumatok si Samantha sabay sumilip. “Dominus, may gusto hong kumausap sa inyo.”
Maya-maya ay pumasok ang isang lalaki na sobrang pamilyar sa akin at agad naman akong napairap sa hangin nang tumayo si Ninong at masayang yinakap ang kanyang anak.
“Dad? What are you doing here?” tanong niya at nagtinginan naman kami ng aking ama at kinindatan lang niya ako.
“Well, we are just talking about you, son. Sinasabi ko rito sa anak ni Alessandro na mag-date naman kayo minsan para naman magka-love life na kayong dalawa.” Napailing naman ako at nagtawanan lang sila ni Papa.
“I would love to Dad, but you know me. Anyway, if it’s okay I would love to speak with Dominus alone.” Napangiti siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng aking kilay.
“That’s my boy.” Tinapik-tapik niya pa ang kanyang anak. “Mauna na kami iha at baka ma-late kami sa laro namin ng Papa mo.”
Nagpaalam naman ako sa kanila at sumaludo lang si Papa bago siya lumabas ng aking opisina. Nang makalabas sila ay masama naman akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon at may malawak lang na ngiti sa kanyang mga labi.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Vaughn? Pagod ka na bang mambabae kaya wala kang magawa at dito naman ang next na target mo? FYI, lahat ng mga assassin ko rito ay may asawa at nobyo na kaya wala kang mapapala rito.” Humaba naman ang nguso niya.
“Ikaw naman. Parang hindi mo naman na-miss ang kababata mo e bumibisita lang naman ako kasi na-miss din kita.” Inirapan ko naman siya at natawa lang siya ng mahina.
“Cut the crap, Vaughn. What do you want? Oh, wait. The answer is no.”
“What? I didn’t even say a thing yet.” Hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy lang siya sa pagsasalita. “Fine. Nandito lang ako para sabihin sa iyo na nakilala ko ang dalawang assassins mo habang nasa California ako. Alessia and Vincent?”
Napatingin naman ako sa kanya. “Ano naman ang ginagawa mo sa California? Isa pa pwede ka bang lumabas lalo na sa kalagayan mo ngayon? Alam mo naman na ikaw ang second prince ng Italy kaya hindi ka dapat naglalalabas. Kapag may nangyari sa iyo ay huwag kang umasa na ire-rescue kita.”
“Grabe ka talaga sa akin. Wala ka man lang malasakit sa nag-iisang kaibigan mong lalaki?” Tinaasan ko naman siya ng aking kilay.
“Kung hindi lang dahil kay Ninong ay hindi sana kita naging kaibigan. Magpasalamat ka nga at nakakausap mo pa ako dahil kung hindi ay matagal ka nang banned dito.” Lumabi naman siya sa akin na parang bata.
Me and Vaughn are childhood friends because our fathers are very close friends. Kahit naman ngayon ay close na close sila at para silang kambal tuko dahil hindi na sila napaghihiwalay. Sa totoo lang ay si Vaughn na ang pinakamatagal na naging kaibigan ko at sabihin na natin na para ko na rin siyang kapatid.
Never akong nagkaroon ng crush sa kanya at gano’n din siya sa akin dahil sabi niya noon sa akin na para raw akong tibo. Palagi niya noon akong pinapaiyak dahil nga babae raw ako at super sensitive pero simula noong tinuruan ako ni Papa ng self-defense ay binigyan ko siya ng leksyon. Simula naman noon ay hindi na niya ako inasar.
Pero habang lumalaki kami ay doon lumabas ang pagiging spoiled brat niya at lahat nakukuha niya. Nagsimula akong mainis sa kanya to the point na ayaw ko na siya noon maging kaibigan. Pero dahil childhood friends kami ay natutunan kong tanggapin ang ugali niyang iyon.
Noong nagbibinata na rin siya ay medyo lumayo na rin ang loob niya sa akin dahil may mga naging kaibigan na rin siya sa Pilipinas at palagi siyang naglalagi roon. Balita ko rin noon na naging playboy siya pero para sa akin noon ay siya pa rin ang pinaka-matalik kong kaibigan. Possessive akong tao at selosa rin ako kaya noong nalaman ko na marami na siyang kaibigan at kinalimutan niya ako ay mas lalo lang akong nainis sa kanya.
Pakiramdam ko kasi ay pinagpalit na niya ako at never ni minsan na niya akong naalala. Pagkatapos ay babalik siya rito sa Italy na parang close na close kami at parang magkaibigan pa lang kami. Kung pumunta siya rito para humingi ng patawad ay manigas siya dahil hindi ko siya pagbibigyan. Maghirap siyang kunin ang sorry ko pagkatapos niya akong iwan noon sa ere.
“Baby boo,” tawag niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya ng masama.
Iyan ang endearment na binigay niya sa akin tuwing naglalambing siya noon sa akin. Imbes na matuwa ako ay mas lalo lang akong naiinis sa kanya.
“Don’t call me that, Vaughn. You don’t have the right to call me that anymore. Hindi na tayo mga bata.” Lumabi ulit siya.
“Bakit naman? You are still my friend, actually, you are like a sister to me because I’m an only child. Come on. Are you angry at me because I never called you for years?” Hindi ko siya pinansin at tumabi lang siya sa akin na ikinakunot ng aking noo. “Alam mo na hindi ako susuko hanggat hindi mo ako napapatawad. Please? I missed my little sister.”
Doon ako napatigil at napabuntong hininga na lang sabay tumingin sa kanya at kita ko ang senseridad sa kanyang boses.
“I still won’t accept your apology. At isa pa hindi ka only child dahil may kuya ka kaya hindi mo ako madadaan sa only child, only child mo na iyan. Marami ka namang kaibigan sa ibang bansa kaya bakit hindi na lang sila ang kulitin mo.” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yinakap at napasigaw naman ako. “Vaughn, let go of me or I will call security.”
Napatigil kaming dalawa nang biglang pumasok si Samantha na nag-aalala at nang makita niya kami sa gano’ng lagay ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Agad naman siyang humingi ng paumanhin at sinara ang aking pinto. Inalis ko ang mga braso ni Vaughn sa akin sabay pinalo siya ng ilang beses ng hawak kong folder.
“Aray! Aray! Baby boo naman. Naglalambing lang naman si kuya sa iyo dahil namiss ka niya. Aray!” sabi niya pero pinapalo ko pa rin siya.
“Tse! Ano’ng naglalambing ha? Kung namiss mo ako e di sana nagpakita ka sa akin kahit isang beses sa isang taon pero hindi mo man lang ako kayang i-text. Tapos magpapakita ka ngayon dito na parang wala kang atraso sa akin. Lumayas ka rito kundi ipapadampot kita sa mga guard o baka ipa-salvage pa kita sa mga assassin ko rito.” Napatayo naman siya at masama akong napatingin sa kanya.
“Let’s have some dinner later, baby boo. Susunduin kita mamaya promise.” Nagmakaawa pa siya pero agad kong kinuha ang folder at akmang ibabato ito sa kanya noong tumakbo siya palabas ng aking opisina.
Nang wala na siya ay nakahinga naman ako ng maluwag at halos hilotin ko ang aking sintido sa sobrang pagka-stress ko ngayon. Imbes na bumalik ako sa pagtratrabaho ay tinigil ko na lang muna ito dahil naiinis talaga ako sa taong iyon. Hindi naman sa ayaw ko siyang patawarin pero mas nangingibabaw lang talaga iyong pagkainis ko sa kanya.
Pagdating ng hapon ay hindi ko namamalayan na alas singko na pala kaya nag-inat ako ng aking kamay sabay tumayo para ma-exercise kahit papaano ang aking baywang sa kauupo. Maya-maya ay kumatok si Samantha at agad ko naman siyang pinapasok at may pinapirma sa akin. Nang matapos ay akala ko ay may ipapapirma pa siya pero nanatili lang siyang nakatayo sa aking harapan.
“May gusto ka pa bang sabihin sa akin, Samantha?” tanong ko.
“Uhm, Dominus? Boyfriend niyo ho ba iyong lalaki kanina?” Agad naman akong natawa sa tanong niya.
“What? No,” simula ko. “Kababata ko siya at saka isa pa parang kapatid ang turingan namin sa isa’t isa. Kung nakikita mo kaming nag-aasaran ng gano’n ay dahil sa nakasanayan na namin iyon simula noong bata pa kami. Kaya nga halos ipagparehas kami ng aming mga magulang dahil akala nila ay may nararamdaman kami para sa isa’t isa. Pero ang totoo ay gano’n lang talaga ang pakikitungo namin at nagmumukha kaming nagkakaroon ng LQ.” Tumango-tango naman siya.
“Gano’n ho ba? Pasensya ka na kung inusisa ko ang tungkol sa inyo dahil mukha naman ho kayong bagay.” Napailing naman ako at ngumiti lang siya.
Napatingin kaming dalawa ni Samantha sa pinto nang makita naming sumilip si Allan dito at sinabi na may naghahanap daw sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Samantha at sabay kaming lumabas pero nagulat ako nang makita ko si Vaughn na may dala-dalang bouquet of flowers. Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin sabay binigay ito sa akin na akin namang ipinagtaka.
“Para saan naman ito?”
“Namimiss ko na talaga ang baby boo ko kaya apology bouquet ko iyan para sa iyo. At saka sinabi ko naman sa iyo na idadala kita sa dinner mamaya.” Napangiti naman siya sa akin sabay tinaas baba niya ang kanyang kilay.
Napatingin naman ako sa kanya ng diretso bago ako napatingin sa bulaklak na binigay niya at saka pumayag na lang. Alam ko naman kasi na hindi ako titigilan nitong lalaking ito kaya wala rin akong nagawa sa huli. Ibinigay ko na lang kay Samantha ang bulaklak at nakita ko naman na para siyang kinikilig kaya napailing na lang ako sa kanya.
Buti na lang ay uwian na kaya wala masyadong nakakita ng ginawa ni Vaughn pero alam ko na nakita ito ni Allan. Oh well, hindi rin naman siya iyong klase ng tao na tsismoso kaya alam kong hindi niya ipagkakalat iyong nangyari ngayon. Kinuha ko ang aking bag sabay bumaba kung saan ay may naghihintay na limo para sa aming dalawa.
Agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto at sumakay ako agad bago siya sumunod. Habang lulan kami ng sasakyan ay pareho kaming tahimik hanggang sa narinig ko siyang nagbukas ng champagne at agad na linagyan ang dalawang baso. Binigay niya sa akin ang isa at sa kanya naman ang isa.
Nawiwirduhan akong tumingin sa kanya pero pinagbunggo lang niya ang aming mga baso at mabilis niyang tinungga ang laman ng kanyang baso. Hindi na lamang ako umimik kaya ininom ko na rin ang akin hanggang sa makarating kami sa isang American restaurant. May reservation siya para sa aming dalawa at sa mismong VIP section pa.
Pag-upo namin ay agad na binigay sa amin ng waiter ang menu kung saan ay umorder na rin kami. Nanatili pa rin kaming tahimik at hindi ko siya pinapansin hanggang sa magsalita siya.
“Baby boo, I’m really sorry for leaving you behind like that. I promise to make it up to you. I really missed you so much. Alam ko na hindi mo ako mapapatawad agad pero willing naman akong maghintay.” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Oo na pinapatawad na kita. Pero bakit ka biglang bumalik dito? Huwag kang magsinungaling dahil kilala kita, Vaughn.” Huminga siya ng malalim at sumeryoso kaya alam ko na may kailangan nga siya. Hays. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.