Dominus
Nang matapos ang luncg break ng lahat ay pumasok na ako sa meeting room at nakita ko na ang mga Magestra at Manus Dextra ko roon. Kasunod ko naman ang aking ama na prenteng umupo sa pinakadulong parte ng kwarto. Pumasok si Samantha na may hawak na mga papel kung saan ay nakalakip dito ang ipinakita niyang reports sa akin.
Sinabihan ko kasi siya na i-photocopy niya lahat ng ito para naman agad na malaman nila kung ano na ba ang nangyayari sa OA. Binigyan ko sila ng ilang minuto para basahin ang mga nakasulat dito at dahan-dahan kong nakikita ang pagkunot ng kanilang noo sa kanilang nababasa. Naiintindihan ko naman sila dahil ako rin ay ganyan na ganyan ang aking naging reaksyon nang malaman ko ito.
Nang mabigyan ko sila ng ilang minuto para aralin o basahin ang reports na nasa kanilang harapan ay napatingin na silang lahat sa akin. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
“As you can see, base from the reports that we have been receiving for the past few days, this is the result. Alam ko na pati kayo rin ay naguguluhan sa mga nangyayari pero as much as possible ay tinitignan namin ang lahat ng pwedeng possibilities kung bakit nangyayari ito. Hanggat maaari ay huwag niyo na munang hayaang maikalat ito sa buong OA dahil iniiwasan natin ang komosyon at gulo,” paliwanang ko.
Nakita kong nagtaas ng kanyang kamay ang isang Magestra. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Tito Fred na isa sa mga bagong promote lang na Magestra. Tinanong ko siya kung ano ang kanyang tanong.
“Dominus, do we have a plan for this? I’m just concerned because my daughter is in the Russia branch, and she is planning for her wedding this year.” Tumango naman ako bilang tugon.
“Yes, we have a plan. For now, I will minimize our assassins for receiving missions that are overseas. Hanggat maaari ay hindi ko muna sila bibigyan ng mga mission na mahihirap. Huwag din kayong mag-alala dahil tuloy pa rin naman ang pagsugpo sa mga krimen.
“Nakausap ko ang may-ari ng RS kanina at hiniling ko sa kanya na siya na muna ang bahala sa mga misyon natin na iba. Oras na bumaba ang mga kaso ng mga assassins na namamatay ay mas mapapadali ang pag-iimbestiga natin kung sino ang gumagawa nito. At oras na mahuli natin kung sino ang gumagawa nito ay pwede na tayong bumalik sa dating operasyon,” mahabang paliwanag ko.
“Pero Dominus? Paano natin masisiguro na oras na i-minimize natin ang mga mission ay talagang bababa nga ang mga casualties sa ibang mga bansa? Hindi ba pwedeng magsara na lang tayo agad for the meantime at bumalik din tayo kapag ayos na ang lahat?” tanong ng isang Magestra.
“We could do that, but we have to think that we have customers and clients relying on us. Oras na ipasara natin agad ang OA na walang binibigay na eksplanasyon ay magrereklamo ang mga investors, customers, at shareholders natin. May mga on-going din tayong mga misyon ngayon na hindi pwedeng basta na lang i-pull out dahil nabayaran na iyon. Hindi lang iyon, marami ang mga assassins na matatakot nang lumabas at hindi na sila muling magtitiwala sa atin.” Napatangon naman sila sabay napahinga ako ng malalim at napatingin sa kanila.
Marami pa kaming pinag-usapan at karamihan dito ay tungkol sa mga paraan na pwede naming ipababa ang mga casualties ng assassins. Agree rin naman sana ako sa gusto nilang mangyari na ipasara na agad ang OA pero hindi ko pwedeng gawin iyon agad. Nang mag-agree ang lahat sa aking rinekomendang paraan pansamantala ay tinapos ko na rin agad ang meeting.
Isa-isa silang nagsilabasan at pinaiwan ko na muna si Samantha upang sabihan siya sa mga gagawin niya sa mga susunod na araw. Alam ko na hindi madali ang gagawin niya pero ito lang ang nakikita kong paraan para bumaba ang mga namamatay na mga assassin. Pagkatapos ko siyang bilinan ay lumabas na siya at napaupo naman ako sa aking upuan habang hinihilot ang aking sintido.
Lumapit naman sa akin ang aking ama at tumabi siya malapit sa akin sabay hindi nagsalita ng ilang minuto. Nang iangat ko ang aking tingin sa kanya ay tipid akong napangiti sa kanya.
“Dad? Do you think I did the correct decision?” Huminga siya ng malalim.
“Wala namang masama sa kahit ano’ng maging desisyon mo, iha. Ang importante ay maging malakas ka para sa nasasakupan mo dahil ikaw lang ang tanging inaasahan nila. If ever this decision of yours doesn’t work, then make another one again. Huwag kang titigil hanggat alam mo sa sarili mo na hindi mo pa ginagawa ang lahat. Okay?” Napatango naman ako.
Sabay na kaming lumabas sa meeting room at nakita kong malapit na pala ang mag-alas-singko kaya nagsisiuwian na ang iba. Nakita ko naman na nandoon pa sa kanyang desk si Samantha kaya nagpaalam ako sa aking ama at linapitan ang aking sekretarya. Mukhang hindi na niya napansin ang aking presensya sa sobrang abala niya. Kung hindi ako tumikhim ay hindi niya pa ako mapapansin na ikinatawa ko.
“Dominus, ginulat niyo naman ho ako,” sabi niya sabay lapat ng kanyang kamay sa kanyang dibdib.
“Thanks for your hard work, Samantha. But it’s already five in the afternoon. Don’t you think it’s time for you to go home and rest? Pwede mo namang ituloy iyan bukas total ay wala ka na rin sigurong aabutan sa ibang branches kung tatawag ka.” Huminga siya ng malalim.
“Sorry, Dominus. Nakakalimutan ko lang kasi kung minsan iyong oras lalo na ho kapag marami po akong gagawin.” Tumango naman ako ng dahan-dahan.
“So? Ibig sabihin ba ay binibigyan kita ng maraming trabaho?” Napailing siya at natawa naman ako sa kanya.
“Dominus naman eh. I thought you were serious. Geez.” Napailing ako.
“I was only joking you. Now, why don’t you come with me, and let’s drink in a nice quiet bar?” Napangiti naman siya sabay kinuha ang kanyang bag at tumayo na.
Tinawag ko ang personal driver ko at hindi ko na lang sinama ang bodyguard ko total ay malapit lang naman ang pupuntahan naming bar. Pagdating namin sa bar ay medyo kunti pa ang tao kaya tinake advantage namin ito ni Samantha. Nag-order kami agad ng isang bote ng whisky at napailing naman siya sa akin.
“What?” tanong ko.
“Ang daya mo Dominus. Alam niyo naman ho na hindi ako gano’n katibay sa mga hard liquors.” Natawa naman ako ng mahina.
“Sino ba kasi ang nagsabi na inorderan kita? You can order anything you want because this is all mine.” Inirapan naman niya ako at nagsimula naman akong tumungga ng isang baso ng whisky.
Marami kaming pinagkwentuhan ni Samantha lalo na sa family niya at sa love life niya. Now that I think about it, I never tried having a boyfriend or a crush before. Paano kasi bata pa lang ako ay agad na akong namulat sa kamunduhan ng assassins.
At a very young age of twelve or fifteen years old, I learned how to hold and use a gun and a knife. At the age of eighteen, I learned how to kill a chicken until I learned how to assassinate a human. Noong una ay halos masuka-suka pa ako noon pero sabi nga nila kapag naulit-ulit na ay parang wala na lang ito sa iyo.
Aaminin ko naman na ang childhood ko ay hindi katulad ng sa ibang bata na nakapaglaro ako sa ibang bata. Home schooled ako noon at never akong lumabas sa bahay na walang kasamang bantay pero ni minsan ay hindi ko kwinestyon ang aking mga magulang. According to my dad, my mom died when she gave birth to me.
Kaya kaming dalawa lang ng aking ama ang naiwan na magkasama at simula noong naging Dominus na ako ay halos wala na yata akong nakasalamuha na kahit sinong lalaki noon. Well, nandyan naman sina Vincent at Allan pero parang more on ka-work lang talaga ang relasyon ko sa kanila at wala nang iba. Buti nga at may mga kaibigan pa akong babae na tulad ni Samantha para kahit papaano ay may nakakausap ako.
Nang matapos kaming mag-inuman ay medyo nahihilo na si Samantha dahil hindi siya katulad namin na sobrang taas ng tolerance sa alak. Kahit siguro ilang bote pa ito ay never kaming malalasing dahil kasama sa training namin noon ang huwag malasing sa kahit ano’ng klase ng alak. Naisipan kong ihatid na lamang siya sa kanila total ay medyo malapit din naman ito sa bar lang.
“Thanks, Dominus. See you again at work tomorrow.” Kinawayan na niya ako at hinintay ko pa siyang pumasok sa kanyang bahay bago kami bumalik sa OA.
Pagbaba ko sa sasakyan ay napatingin ako sa kabuuan ng OA at iniisip na ilang taon na rin pala simula noong naging Dominus ako. Hindi ko akalain na makakaya ko pala ang mamuno sa isang napakalaking organisasyon na tulad nito. Habang nakatingin ako sa kabuuan ng OA ay narinig ko ang aking ama na tinatawag ako.
“Hindi ko alam na lumabas ka.”
“I just had a little drink with Samantha, Dad. Nakaka-miss na rin kasi ang lumabas paminsan-minsan at nakaka-miss na rin ang maging normal na tao lang.” Napatingin naman sa akin ang aking ama. “But I’m not regretting my position as the Dominus right now if that’s what you’re thinking.”
Natawa naman siya ng mahina at naupo naman kaming dalawa sa hagdan sabay tumingala sa langit at pinakatitigan ang mga kumikinang na mga bituin.
“Alam mo kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko sanang ipasa sa iyo ang pagiging Dominus ko. Kung may isa pa akong anak ay hindi ko hahayaan na tahakin mo ang tinahak ko dahil alam ko na hindi na magiging normal pa ang buhay mo. Pero wala akong magawa dahil tumatanda na rin ako at balang araw ay baka sumunod na rin ako sa ina mo.” Napasimangot naman ako.
“Dad…” Napangiti lang siya.
“I don’t want you to grow old alone, baby girl. Alam mo ba noong lumalaki ka ay kamukhang-kamukha mo ang mama mo at minsan ay naiisip ko ay oras na magkaroon ka ng ganitong buhay ay magiging normal ka pa ba? Pero malapit ka nang mawala sa kalendaryo at mukhang hindi ko na makikita ang sarili ko na ilakad ka sa altar o magkaroon ng apo.” Masama ko naman siyang tinignan at agad naman niya akong yinakap.
“You sound so sure that I won’t be able to find someone, Dad. Makakahanap din siguro ako pero hindi muna siguro ito iyong tamang panahon. Isa pa hindi ko naman ipinagkakait sa sarili ko na magmahal noh dahil gusto ko rin maramdaman iyong magic na nakikita ko sa mga kaibigan ko. Ilang weddings na ba ang napuntahan ko na hiniling ko na sana ako rin ang maikasal.” Ngumiti naman ang aking ama.
“Well, let me give you some advice then. Huwag mong masyadong takutin ang mga assassins mo at malay mo biglang magkaroon ka ng manliligaw.” Humaba naman ang aking nguso.
“Dad, kung talagang mamahalin ako ng taong iyon in the future ay tatanggapin niya kung sino ako. Look at my friends, they look at their husbands as if they are the only people around. I want that kind of magic as well.” Humiwalay ako sa pagkakayakap sa aking ama at tumingala muli sa langit.
“Alam mo naman na darating ang panahon na may makatatanggap din sa iyo at ikaw lang ang babaeng titignan niya. Huwag kang mag-alala dahil ipinagdarasal naman ang magiging kasama mo habang buhay.” Tinapik niya ang aking likod sabay tumayo na. “It’s getting late iha. We should get inside because we still have a lot of things to do tomorrow.”
“Susunod na lang ho siguro ako Dad. Dito muna ako at magpapalamig ng kunti bago ako pumasok.” Tumango naman siya sabay hinalikan ako sa aking noo at nauna na siyang pumasok sa loob.
Tumingin lang ako ng ilang minuto pa sa langit at sa mga naggagandahang mga bituin bago ko naisipan na pumasok na sa loob upang magpahinga.