Chapter 4

2075 Words
Dominus Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa changing room ko kung saan ay nagpalit ako sa simpleng sweat pants at saka simpleng shirt. Hindi ko alam na kasya pa pala sa akin ang mga damit na ito lalo na at noong kabataan ko pa ang mga damit na ito. Paglabas ko ng changing room na nasa aking opisina ay sakto naman pumasok ang aking ama at may hawak-hawak na tennis racket. “Hello, baby girl.” Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa at nagtatakang napatingin sa akin. “Why are you wearing like that?” “Jogging?” sagot ko sa kanya. “Jogging in the middle of the day? Isa pa, hindi ka nagj-jogging dahil tamad kang gumising ng maaga.” Tinaasan ko naman siya ng kilay sabay inirapan. “Great compliment, Dad.” Sabay tali ko sa aking rubber at tinali ko ang aking mahabang buhok. Narinig ko naman siyang natawa ng mahina kaya napailing na lang ako. Nang matapos akong magtali ng aking rubber shoes ay sinabi ko sa kanya kung bakit ako nakasuot ng ganito. Sinabi ko naman na hiningi ni Tita Vanessa ang tulong ko sa pagtuturo niya ng mga Legiones. Nang malaman niya ito ay agad siyang nakaramdam ng excitement at hiniling na sasama raw siya sa akin kaya hindi na lang ako pumalag. Kilala ko ang Papa ko at kahit na kung minsan ay may pagka-kwela siya ay isa siyang demonyo noon sa pagiging assassin. Oo, hindi siya isang monster kundi demonyo dahil ang buong presensya niya oras na makita mo siya sa field ay para kang nakikipagsangguno sa isang demonyo. Kaya nga ang assassin name niya noon ay Demon. He is not called the former Dominus for nothing. Nang makita ako ni Samantha na nakasuot ng ganito ay agad siyang nagtaka pero sinabi ko na lang na may mga tuturuan ako ng leksyon. Nakita ako nina Allan at Vincent at natawa ako nang bigla na lang silang mapanganga at halos mahulog pa ni Vincent ang hawak niyang donut. Well, hindi naman ako magtataka kung gano’n ang maging reaksyon nila dahil palagi nila akong nakikita na nakasuot ng formal attire na slacks at polo o kaya naka-dress. Ngayon lang siguro nila ako nakita na nakasuot ng parang pambahay sabay nakatali pa ang aking buhok na palagi kong linulugay. To be honest, I am transforming as a normal person once I look like this, and no one could even guess if I am the Dominus or not. Nang makarating kami sa training area ay agad akong nakita ni Tita Vanessa at mabilis niya akong linapitan. Agad naman siyang bumati kay Papa at itong si Papa ay yinakap si Tita na ikinagulat tuloy niya. “Tamang-tama ho ang dating ninyo dahil magsisimula pa lang kami. Ang kaso ay tignan niyo naman at para na silang nakahiga sa sahig na parang pupunta sila sa bakasyon sa Boracay.” Turo ni Tita at agad ngang uminit ang ulo ko sa aking nakikita. “Baby girl?” tawag sa akin ni Papa at napatingin naman ako sa kanya. “Remember the time when you were training before you became the Dominus?” Tumango naman ako. “I know. Don’t worry. I’ll go easy on them, but not too easy.” Narinig kong ngumisi ang aking ama at nagtataka namang napatingin sa akin si Tita Vanessa. “Tita, could you please ask them to line up? And please don’t tell them who am I yet.” Tumango naman siya kaya lahat ng mga Magestra na nandito sa loob ay iyon agad ang ginawa. They all stood up, but I immediately saw that some of them are so lazy to walk. Iyong iba ay hinihimas pa ang kanilang tyan dahil katatapos lang nilang kumain ng meryenda. Nang maka-linya na silang lahat ay tumayo ako sa harapan nila at natutuwa ako na wala pang nakakikilala sa akin. Napatingin ako kay Tita Vanessa at tumango naman ako sabay naglakad sila palikod at nanatili lamang na nakatayo. “Okay. I will be your instructor for today. I received reports that you guys are being lazy during your training time that you don’t even want to assemble the simplest guns in the world,” umpisa ko. “It’s just too easy, Ma’am. Assembling a simple gun is so easy. We wanted to assemble the rifle.” Napatingin ako sa nagsalita na isang lalaki na halos mas bata sa akin ng sampung taon kaya agad ko siyang linapitan sabay tumayo sa harapan niya. “Why do you think that assembling a simple gun is too easy? How many minutes did you assemble it?” tanong ko. “The Magestras did it for three minutes. I did it for two.” Pinaningkitan ko siya at napatingin naman ako sa aking ama na tumango. “Very well. Ms. Thorn, could you please bring out a real gun with bullets?” Medyo nagtakang napatingin sa akin iyong batang kinakausap ko at naglabas naman si Tita Vanessa ng mesa na may totoong baril at may bala. Nang tumigil ito sa aming harapan ay napangiti ako sa kanya at kunot noo naman siyang nakatingin sa akin. Hindi lingid sa aking kaalaman na ang mga training materials na ginagamit nila ay iyong mga baril na wala pang tunay na bala. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. “Let’s have a deal then. If you can assemble this gun in two minutes again, I want you to shoot me. But if I did it before you, I’ll shoot you.” Nakita ko siyang napalunok pero kalaunan ay napatango naman siya. “Let’s begin?” Nagmadali naman siyang kinuha ang mga parte ng baril at mabilis itong inassemble at hinayaan ko siyang mauna ng isang minuto. Nang nasa kalagitnaan na siya ay kalmado ko lang inassemble iyong akin at nang matapos ako ay tinutok ko ito sa kanya. Nakita kong napatigil siya at napatingin sa baril na hawak ko. “Checkmate,” sabi ko sabay pinaputok ito pero sinigurado ko na hindi naman siya matatamaan. Narinig kong napasinghap ang lahat at ang batang kausap ko ay takot na takot na nakatingin sa akin. Nabitawan niya ang hawak niyang baril sabay napaupo sa sahig pero sinabi kong tumayo siya. Kita ko na pawis na pawis siya at huminga ako ng malalim sabay napatingin sa kanilang lahat. “Let me guys remind you one more thing, this is not a playground. Now, if you are here just because you think being an assassin is cool, or because you wanted to boast it to your friends and families, then you better step out and not come back here again. If you guys think that this is just a competition, then you are at the wrong place.” Napatingin ako sa bata at linapitan siya. “If you were in a real mission young man, you were long dead before you know it. I assembled that gun for only seconds. My Ingenium and Veteran assassins could assemble a rifle for a minute, and your Magestras could assemble it for almost just a minute. My Manus Dextras could assemble it for 30 seconds. You were assembling a simple gun for two minutes. In a real mission, you should be thinking fast and not thinking how to assemble a gun for minutes. Because after you put that last piece, a bullet is already in your head. “Now, I don’t need assassins who boasts because I need assassins who can execute a mission with accuracy and acceleration. If you are not that assassin that I am looking for, you will be outside of my building right now. Do you understand?” Nakita ko siyang pinahid niya ang kanyang luha sabay matapang na tumingin sa akin. “Yes! Dominus!” Napasinghap ang lahat at nakita ko silang tumayo ng mabuti at sabay-sabay na nag-yes Dominus sa akin. Napangiti naman ako at napalingon kay Papa na proud na nakangiti habang si Tita Vanessa naman ay kumindat sa akin. Maya-maya ay nakita ko si Samantha na nasa labas ng training room at naalala ko nga pala na may sinet akong meeting ng after lunch. Napatango naman ako at nag-thumbs up sa akin si Samantha. Pagtingin ko sa orasan ay nakita kong malapit na pa lang mag-lunch break. “Okay. Assassins remember the reason why you are here, and I want you to remember all the rules. I hope I won’t be seeing the same lazy people here again. Is that clear?” sigaw ko. “Yes, Dominus!” “Okay. No trainings for the afternoon schedule. Dismissed.” Agad naman silang nagpasalamat at lumabas na ng training room. Lumapit naman sa akin si Tita Vanessa at agad akong yinakap ng sobrang higpit. “Naku, kung alam ko lang na ikaw lang pala ang sagot sa mga dasal ko ay dapat matagal na kitang tinawag noon pa.” Napangiti naman ako. “Tita, bakit naman kasi hindi mo po sinabi sa akin na ganito na ho pala ang nangyayari? Muntik ko pa tuloy masaktan iyong bata kanina.” Napasimangot ako at narinig naming natawa ang aking ama. “You were actually going easy on them, baby girl. Kung ako iyon ay baka tinuluyan ko siyang binaril sa kahit ano’ng parte ng katawan niya. Kaya nga lumaki kang walang takot sa bala kasi gano’n ang palagi kong ginagawa sa iyo.” Napaikot naman ako ng aking mga mata. “Whatever, Dad.” Natawa lang siya at iniwan kami ni Tita na nag-uusap. “Tita, huwag niyo ho pa lang kalimutan na may meeting mamaya ha?” “Of course. Pero tungkol ba iyan sa mga haka-haka na…” Tumango naman ako. “I’m afraid it is. Anyway, we are hoping that we can still do something about it. Kaya ime-meeting ko kayo mamaya tungkol doon.” Nagpaalam na ako sa kanya at muli niya akong pinasalamatan. Paglabas ko ng meeting room ay agad akong dumiretso sa aking opisina upang magpalit kung saan ay nakasunod pala sa akin ang aking ama. Pumasok ako sa changing room at narinig ko siya sa labas habang nagpapalit ako. “So? May naisip ka nang gagawin para sa problema na kinahaharap ng OA?” tanong ng aking ama. “Kinda. Hindi ko alam kung magw-work siya pero kung sakali mang mag-work nga ito ay baka mabawasan ang casualties.” Binuksan ko ang pinto nang matapos akong magpalit at nakita ko siyang kumakain ng mansanas. “Well, kung anuman ang maging desisyon mo ay susuportahan kita anak. Isa pa katulad ng sabi ko ay ipagdasal na lang natin na false alarm lang ito.” Tumango naman ako hinalikan niya ako sa aking noo. Pumunta na ako sa dining area upang kumain ng aking pananghalian at nakita ko naman si Harper na abala nang kumakain habang kasama ang kaniyang asawa. Tinawag nila ako at agad naman akong kumuha ng aking pagkain sabay lumapit sa kanila. Pag-upo ko ay nagtitinginan silang apat sa akin na aking ipinagtaka. “I heard that you actually scared those Legiones a while ago, Dominus,” sabi ni Allan. Tumaas naman ang aking kilay dahil ang bilis namang kumalat ng balita. Legiones ang tawag sa mga baguhang assassins na bagong salta sa OA. Sila iyong mga assassins na kailangan pa lang i-train bago sila maging ganap na assassins. Sina Allan at Vincent naman ay ang aking mga Manus Dextras na itinalaga ko na maging kanang kamay ko dahil nakakita ako ng potensyal sa kanila. Maraming nagsasabi na ikalawa raw na pinakamagaling si Allan pero hindi ko pinapansin dahil masyado akong abala sa aking trabaho. At syempre, sina Alessia at Harper ay isa sa mga Ingenium ko na kung saan ay mas mataas na ang posisyon nila kaysa sa Veterans. Although, umalis na ng matagal si Harper sa poder ng OA dahil next in line siya sa tatay niya na magiging boss ng Mafia. Anyway, tatanungin ko sana kung paano niya iyon nalaman nang mapatingin ako sa aking ama na masayang nakikipagkwentuhan sa ibang assassins. Hindi ko na kailangang tanungin pa dahil kung tutuusin ay alam ko na kung sino ang salarin. Nang matapos akong kumain ay agad din akong bumalik sa aking opisina upang magsipilyo bago ako pumunta sa meeting room mamaya. Sana lang ay tama ang naisip kong plano dahil kung hindi ay sigurado akong manganganib nga ang OA. Ayokong magkaroon ng komosyon sa buong OA hanggat maaari dahil ayoko rin na maramdaman nilang hindi sila safe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD