Alessandro
Madaling araw na nang makarating kami sa New York galing sa Italy. Medyo nakararamdam na rin ako ng pagod sa pagbyabyahe dahil buti lang sana kung malalapit ang mga lugar na aking pupuntahan ay ang lalayo ng mga ito. Pagtingin ko sa aking orasan ay sigurado akong tulog pa sila ngayon kaya naisipan namin ni Allan na mag-check-in na lang saglit sa isang hotel para makapagpahinga naman kami.
Pagpasok namin sa aming kwarto ay agad akong napahiga sa aking kama at agad na naramdaman ko ang pananakit ng aking mga paa. Sobrang tanda ko na ba dahil ang bilis ko nang makaramdam ng pagod?
“Sir Alessandro, gusto niyo ho bang magpa-deliver ako ng pagkain?” Alok sa akin ni Allan pero umiling na lang ako.
“Hindi na. Pinakain ako ng meryenda ng maid nila Harper kaya hanggang ngayon ay busog pa ako. I just want to rest for a while before we go to the Will’s house.” Ipinikit ko na ang aking mga mata at agad na nakaramdam ako ng antok sa sobrang pagod.
Naalimpungatan ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa labas ng aming hotel room. Pagmulat ko ng aking mga mata ay naalala ko nga pala na nandito kami sa New York. Hindi na ako magtataka kung maingay agad sa labas dahil naturingan nga naman ang lungsod na ito na ‘City that never sleeps.’
Pagtingin ko sa aking orasan ay alas-singko pa lang ng umaga at mukhang naitulog ko rin ng apat na oras. Para sa akin ay sapat na iyon total ay kailangan ko pang pumunta sa dalawa pang bansa at pwede na ako ulit bumalik sa Rogue Island pagkatapos nito. Bumangon na ako para maghilamos lang at napansin ko na mukhang wala si Allan sa kanyang higaan.
Hindi kaya natulog ang batang iyon? Kung sabagay ay bata pa siya kaya kahit magpuyat siya ay ayos lang iyon sa kanya. Saktong paglabas ko ng banyo ay siyang pagpasok ni Allan at may dala na itong supot ng Jollibee. Nang maamoy ko ang mabangong aroma ng spaghetti ay agad na kumalam ang aking sikmura.
“Did you even sleep iho?” tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
“Dalawang oras lang ang tulog ko Sir dahil naiingayan ako sa mga busina ng mga sasakyan sa labas. At dahil madaling araw naman na ho ay bumili na ho muna ako ng pagkain sa labas total ay alas-singko naman na ho.” Tumango ako at agad na kinuha ko na sa kanya ang binili niyang Jollibee.
Mabilis lamang kaming kumain dahil may hinahabol din kaming oras. Sa pagkakaalam ko kasi sa asawa ni Daphne ay gabi gising ang kanyang asawa at umuuwi sa kanilang bahay ng mga alas-sais na. Kailangan namin syang maabutan ng gano’ng oras upang makausap namin sila lalo na at istrikto pa man din ang asawa nitong si Zachary.
Nang matapos kaming kumain ay ginamit na namin ang toothbrush at toothpaste sa hotel sabay nag-check-out at pumunta na sa bahay nila. Malapit naman ito dahil nasa New York din lang ang bahay nila kaya agad na kaming kumuha ng taxi. Pagdating namin doon ay agad na hinarangan kami ng security guard sa gate dahil naalala ko nga pala na hindi nila kami kilala.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo nang saktong nakita namin ang isang paparating na sasakyan papasok sa gate. Tumigil ito sa aming harapan at bumaba agad ang bintana nito kung saan ay nakita namin si Zach na masama ang tingin sa aming dalawa. Kahit kailan talaga ay hindi pa rin nagbabago ang batang ito at bugnutin at masungit pa rin ito.
“Allan? What the hell do I owe you a visit for? Bakit ka pumunta rito ng hindi ka man lang nagpapaalam?” tanong niya kay Allan.
Napailing na lang ako dahil mukhang magkakilala pa pala ang dalawa.
“We were sent here by the Dominus to talk to your wife. It’s urgent, so we didn’t have the time to tell it to you sooner,” sagot ni Allan at agad na natahimik saglit si Zach.
“Get in. Ihahatid ko na lang kayo papasok dahil malayo-layo ang lalakarin ninyo kung sakaling papasukin ko kayo sa gate. Baka pagalitan pa ako ng asawa ko oras na nalaman niyang minaltrato ko kayo. Don’t get it the wrong way asshole. This is me being considerate and not being nice,” masungit na sabi niya.
Mukhang mapapasabak talaga kami rito ng mahaba-habang eksplanasyon. I’ve met Zachary Wills once during a meeting in Italy before. Hindi na siguro niya ako naaalala sa dami ng mga nakaka-meeting niya pero siya alalang-alala ko siya.
Siya lang naman ang tanging lalaki noon sa meeting room na iyon na nagbigay ng takot sa iba pa naming investor. He is good with his job, but he is best in scaring the people around him. Hindi ko alam kung bakit tinanggap siya ng anak ko bilang maging investor ng OA gayong halos hindi mo yata makuha ang kiliti ng taong ito. Pagkaparada ng kanyang sasakyan ay agad niya kaming pinapasok sa loob ng kanyang mansyon kung saan ay inasikaso kami ng isang babaeng nagngangalang Perlah.
“Ate Perlah, gising na ho ba si Daphne?” tanong nito.
“Ay oo. Kanina pa gising si Daphne, Sir. Tatawagin ko ba siya?” Tumango naman si Zach habang inaalis ang kanyang necktie.
Ilang saglit lang ay narinig na namin ang mga yabag ni Daphne at nang makita niya si Zach ay agad siyang humalik sa pisngi ng asawa. Nakita ko na lumambot ang ekspresyon ni Zach sa kanyang asawa at mukhang asawa rin nito ang kanyang kahinaan.
“You have a visitor.”
Napatingin naman sa amin si Daphne at agad na lumaki ang kanyang mga mata nang makita niya kami.
“S-Sir Allan, S-Sir Alessandro.” Akmang makikipagkamay sana siya kay Allan ay pinigilan siya ni Zachary at hindi ko maiwasan ang mapailing sa pagiging possessive ng taong ito. “Uhm, hello po. Bakit po kayo biglang napadpad dito? Tinawagan niyo na lang ho sana ako para hindi ho kayo naabala pa.”
“It’s okay iha,” simula ko. “May kailangan din naman kaming ibigay sa iyo at mukhang hindi ito aabot sa iyo kung tawag lang. I don’t know if you have already heard what is happening in OA right now.”
Napatingin naman siya sa kanyang asawa at parang kinakabahan na magsalita. “Uhm, nakarating po sa akin iyong balita kamakailan lang po. Tungkol po ba dito kaya po kayo napunta rito?”
“Yes.” Linabas ko ang isang summon letter galing kay Dominus at saka binigay ito sa kanya.
Agad niya namang binasa ito habang nakikibasa rin ang kanyang asawa. Nang matapos niya itong basahin ay nakakunot na ang noo ng kanyang asawa habang napatingin naman siya sa amin.
“Kailangan ko na ho bang sumagot ngayon Tito? Paano po ang pamilya ko?” nag-aalalang tanong niya.
“Sa totoo lang ay nasabi ko na ito sa iba mo pang mga kaibigan at pumapayag naman kami na pwede ninyong dalhin ang pamilya niyo roon para hindi kayo masyadong mag-alala.” Natahimik siya.
“M-May mga pumayag na ho ba Tito?” Tipid akong napangiti.
“Sa ngayon ay sina Harper at Alessia pa lang ang pumapayag pero iyong iba ay sinabi nilang kailangan nila itong pag-usapan sa kanilang mga asawa.” Napalunok naman siya.
“P-Pwede ko rin ho bang huwag munang sabihin sa ngayon ang desisyon ko. Kailangan pa po kasi naming pag-usapan—”
“No need.” Napatingin kami kay Zachary. “No need to talk about it because you are not going to go. We are not going to go.” Maang namang napatingin si Daphne sa kanya.
“Z-Zach, kailangan ni Dominus ang tulong ko.”
“My answer is final. You are not going to go. Hindi ako papayag na madadamay ang buong pamilya ko. Sinabi naman sa liham na binigay ni Dominus na kung sa tingin namin ay maipapahamak lamang kami ay hindi na kami papayag ‘di ba?” tanong nito na akin namang ikinatungo.
“Yes. That’s true,” sagot ko naman. “Alam ko na nagbigay ng liham si Dominus sa inyo pero hindi namin kayo pwedeng pilitin lalo na kung sa tingin ninyo ay walang kasiguraduhan na maliligtas kayo.”
“P-Pero suot ko naman iyong kwintas na binigay mo sa akin Zach oras na bumalik ako sa OA.” Pagpipilit ni Daphne sa kanyang asawa.
“I’m sorry to say, but I think your husband being one of the Big Five will not help you in this situation.” Nanlumo siya sa aking sinabi. “The people or the person who is doing this to OA right now is not following any rules, and I think being a wife of one of the Big Five will not stop them either.”
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at para na siyang maiiyak.
“But…” Napatingin silang dalawa sa amin.
“But what?” tanong ni Zach sa akin.
“I just want you to know that I am not doing this just to persuade your wife Mr. Wills, but we found out just last month that they killed most of the Veterans in OA. They are targeting the assassins with a high position in OA. We succeeded in hiding for the meantime, but I’m sure that their next target are the assassins outside the vicinity and protection of Dominus right now.” Gulat silang napatingin sa akin pati na rin si Allan.
“What?” tanong ni Allan at napahinga ako ng malalim.
“Hindi ko dapat sabihin ito lalo na at very confidential pa lang ng mga nalalaman namin at ayaw pa itong ipagsabi ni Dominus. Pero recently nalaman namin na ang karamihan ng mga target nila ay mga Veterans. Mukhang gusto nilang humina ang depensa ng OA pero mabuti at nagawan namin agad ng paraan at naitago namin ang iba pang mga Veterans sa isang isla.
“Ngayon na karamihan ay nag-resign bilang assassin ay hindi pa rin kami sigurado na magiging ligtas sila kaya sinabihan namin sila na magtago rin sa isa pang pagmamay-ari na isla ng OA. Ngayon na wala na silang makitang target ay sigurado ako na next na puntirya nila ay mga assassins na tulad mo Daphne at tulad ng asawa mo Allan. They are not in the protection of OA right now because they are free to roam around.
“Ayaw kong maliitin ang kalaban dahil nagawa nga nilang patayin na ang mga Veterans ng OA kaya hindi na ako magtataka kung kaya din nilang gawin iyon sa mga Ingenium, Magestra, at Manus Dextra. We still don’t have any clue who these people are, and it’s just a matter of time for them to know that you are not under the protection of Dominus before they attack,” mahabang paliwanag ko.
“Sh*t!” Napatayo si Allan at agad na kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at mabilis na tinawagan ang kanyang asawa sa labas ng bahay ni Zach.
Napahilamos naman ako sa aking mukha dahil alam kong hindi ko pa dapat ito sinabi pero ito lang ang nakikita kong paraan para ma-protektahan sila. Alam ko naman na payag na ang iba pero may sari-sarili na silang pamilya kaya iyon din ang inuuna nila sa ngayon. Malakas ang loob ko na papayag ang iba ko pang nakausap pero alam kong mahihirapan ako kay Zach kaya wala akong choice kung hindi sabihin ang aming mga nalaman.
“M-May mga nalaman pa po ba kayo tungkol sa kanila Tito?” tanong ni Daphne.
“Asides from they have a black spider tattoo on the back of their hands, we are still in the dark,” sagot ko.
Narinig naming napasinghap si Daphne kaya nagtaka kami at tinanong ko kung may nakita ba siyang gano’n.
“Yesterday, while I was having a grocery at the mall, I saw this guy with a black spider tattoo as well. Noong una hindi ko pinansin dahil akala ko ay normal lang pero nakikita ko siya palagi sa same na lane ng bawat pagkukuhanan ko ng pagkain,” paliwanag niya.
“What? At hindi mo man lang sinabi sa akin ito?” galit na tanong ni Zach sa kanya.
“I…I didn’t know until Tito said it,” sabi ni Daphne.
“It means they already know who their next target is, and I’m very sure it’s the same with the others.”
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay agad na pumayag si Zach na hindi nagdadalawang isip at agad na silang nag-impake ng kanilang mga gamit. Agad naman akong tumawag sa aking anak upang magpahatid ng susundo sa kanila Daphne rito dahil ayaw na raw manatili ni Zach dito ng isa pang araw. Hindi niya raw hihintayin na masundan sila ng kung sinuman.