Chapter 22

2059 Words
Alessandro “Katulad ng sinabi ko kay Krysta ay pwede ninyong dalhin ang pamilya niyo. It will be a long-term job, so you won’t be able to come back here for the meantime.” Katatapos kong sabihin sa kanya ang aking sadya at katulad ng kay Krysta at Xander ay nagtitinginan din silang dalawa. “Uhm, do we have to decide now, Tito?” tanong ni Zhea at umiling naman ako. “Alam niyo naman kung ano ang mga panuntunan ng OA at kung hindi niyo tatanggapin ang summon sa inyo ni Dominus ay maiintindihan niya naman ito. Although, maganda sana kung tatanggapin niyo dahil noong ginawa niya ang summon letter na iyan ay sinabi niya sa akin na kayo agad ang pumasok sa isip niya dahil alam niyang magagawa niyo ito ng tama at malinis. We really need your help, and I hope you would consider it.” Tumango naman siya. “Thank you po, Tito. Pag-uusapan na lang ho muna namin ito ng aking asawa. Kapag nakapagdesisyon na ho kami ay agad naman ho namin kayong sasabihan,” sagot niya sa akin. Napatingin na rin ako kay Allan at tumango lang siya kaya agad na rin kaming nagpaalam sa kanila Zhea at mahaba-haba pa ang byahe na aking pupuntahan. Tumayo na kami at umalis sa bahay nila kung saan ay hinatid nila kami palabas ng kanilang bahay. Sumakay na kami ni Allan sa kotse at ang sunod kong tinignan ay walang iba kung hindi ang kanyang asawa. “Where to sir?” tanong ng driver sa akin. “Italy,” maikling sagot ko at kahit hindi ko nakita ang reaksyon ni Allan ay alam ko nang alam na niya kung sino ang aking sasadyain. Hinatid kami ng aming driver sa airport para sumakay sa naghihintay naming private plane. Pagkasakay namin ay sinabi ko sa piloto na Italya ang sunod niyang puntahan kaya agad namang napatango ito sa aking byahe. Pagtingin ko sa aking orasan ay alas-otso pa lang ng umaga rito sa Pilipinas. Labing-tatlong oras pa ang hihintayin kong byahe bago ako makarating sa Italya. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay nakatutuwa na marami rin pa lang kaibigan ang aking anak at halos lahat sila ay masasabi kong magaganda at magagaling. I don’t need to see a person in action. It’s enough for me to see him or her to know he is good in their job or not. Nasa gano’n akong pag-iisip nang napatingin ako kay Allan nang bigla itong magsalita na aking ikinagulat. Sa buong byahe kasi mula sa isla papuntang Pilipinas ay hindi ko pa siya narinig na magsalita. Well, I think I know the reason why. “Glad that I heard your voice for the first time, Allan. Don’t be offended, but I thought you are mute,” sabi ko rito sabay tumawa. “It’s okay Sir. Hindi lang ho talaga ako mahilig magsalita masyado hanggat hindi naman importante ang aking sasabihin.” Napatango ako. “I see. Now that you are talking, I’m guessing you are concerned about the welfare of your wife and child.” Napatango naman siya. “I understand.” “Kailangan po ba talaga nating tawagin pa ang aking asawa gayong matagal naman na ho siyang wala sa OA. Hindi naman sa kinukwestyon ko si Dominus pero kailangan niya pa bang sumama sa laban ng OA gayong may sarili rin naman siyang prinoproblema.” Napangisi ako dahil dire-diretso ang kanyang pagkakasabi at hindi man lang siya kumurap. “Ayaw kong panuganahan ang aking anak sa kanyang mga plano tungkol sa krisis na kinahaharap ng OA ngayon. Pero kung ako ang tatanungin mo at sabihin na natin na ako ang nasa kanyang posisyon. Kung sakali mang ganito kalaki ang problema natin ngayon ay hahanapin ko rin ang mga magagaling na assassin ng OA. The best of the best kumbaga. “Ngayon kung kinakailangan na pati iyong mga kakilala ko na retired na magagaling na assassin ay bakit hindi. If Dominus chose your wife, then isn’t that to be proud of? Ibig sabihin lang nun ay nakikita ng aking anak na magaling ang asawa mo sa trabaho niya noong nananatili pa lang siya ng OA. Isa pa sa lahat ng tao ay ikaw ang nakakakilala sa kanya kaya sigurado akong magiging ayos lang siya,” mahabang paliwanag ko. Tinapik ko ang kanyang balikat at napatango siya ng isang beses bago muling tumahimik muli. Mahaba-haba pa ang byahe namin kaya sa buong byahe ay natulog na muna ako para umidlip dahil dire-diretso ang byahe ko mamaya. Saka na lang ako siguro gigising oras na makarating na kami roon. Makalipas ang ilang oras ay nagising ako dahil sa yumuyugyog sa aking balikat. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Allan at sinasabi niya na nakarating na kami sa Italya. Agad naman akong tumayo at lumabas ng nasabing eroplano. Pagbaba ko sa airport ng Italy ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pangungulila sa bansa kung saan nagsimulang itayo ang OA hanggang ngayon. Hindi ko alam na mami-miss ko rin pala ang lugar na ito kahit ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Parang isang taon na rin pala simula noong umalis kami rito pero kung tutuusin ay buwan pa lang naman ito. Dahil wala na rin kaming mga driver dito sa Italy na naiwan ay nagtawag na lang kami ng cab ni Allan at siya na ang nagsabi ng address papunta sa kanila. Pagdating namin sa kanilang bahay ay nakita kong may kaya rin pala talaga ang pamilya ng asawa ni Allan. Pagdating namin sa nasabing entrada ay may mga ilang bantay na ang lalaki ng katawan. Agad naman nila kaming pinapasok dahil nakita nila sa Allan. Pagkatapos ay isang mahabang pasilyo ang kailangan naming daanan bago kami makapasok sa mismong gate pa lang ng bahay nila. This place is heavily guarded, and I think there are no blind spots for CCTV cameras because they are everywhere. Well hindi na rin naman ako magtataka dahil galing nga naman sila sa OA kaya alam na nila ang kanilang ginagawa. Pagpasok namin sa nasabing gate ay may isang napakalawak naman na hardin ang bumungad sa amin at may naghihintay pa talaga sa amin na golf cart. Mukhang sobrang luwang ng hardin na ito na kailangan pa talaga naming sumakay sa isang golf cart lang para lang makarating sa mismong bahay nila. “You really know how to secure your home,” saad ko kay Allan at napatango naman siya. “Matagal na ho itong ganito at pinadagdagan lang ito ni Harper dahil ayaw niyang mapahamak ang aming mga anak. She’s actually a protective mother, and when I mean protective just think it to the superlative part of it.” Natawa naman ako ng mahina sa kanyang sinabi. Tumigil ang golf cart sa wakas sa isang medieval age na bahay na sobrang laki at luwang. Mukhang hindi lang iisa ang naninirahan dito dahil mukhang madami talagang mga bantay ang nasa loob oras na pumasok ka. Bawat sulok ng bahay ay may bantay na may hawak ng baril at sigurado ako na karamihan sa mga ito ay sniper. Pagpasok namin sa nasabing bahay nila ay namangha ako sa design na nasa ceiling at mga malalaking paintings na nakasabit sa pader. May mga maid na naglilinis ng mga kagamitan at lahat sila ay may kanya-kanyang linilisan na gamit. Sa laki ba naman ng bahay na ito ay kailangan yata ng libong maid ang maglinis ng buong bahay para lang malinis ito ng isang buong araw. Pumasok kami sa isang maluwang na salas yata at hula ko na hindi lang ito ang unang pintong makikita ko rito sa lugar. Pinaupo na muna ako ni Allan habang umakyat naman siya sa napakahabang hagdan ng kanilang bahay. Binigyan naman ako ng isang maid ng maiinom at meryenda at pakiramdam ko ay mukhang hindi na ako kakain ng breakfast, lunch at dinner. Paano ba naman ay bawat bahay na puntahan ko ay palagi nila akong inaalokan ng meryenda. Makalipas ang ilang minuto ay rinig ko mula sa hagdan ang pagtagpo ng isang bata habang hinahabol naman siya ng isang babae. Pagkababa nila ay nagtatawanan sila at nang mahuli ng babae ang bata ay doon nila ako napansin. Kung gano’n ay ito siguro ang asawa ni Harper dahil kapansin-pansin ang pagiging kamukha ng kanilang babae na anak kay Allan. Agad akong napangiti at agad na binaba naman ni Harper ang kanyang anak sabay lumapit sa amin habang nakasunod namang ang bata sa kanyang likuran. Tumayo ako upang batiin sila at agad naman akong kinamayan ni Harper. “Hello po. Kayo ho ba si Sir Alessandro?” tanong niya kaya hula ko ay hindi niya pa ako nakikita ni minsan. “Ako nga iha.” “Maupo ho kayo Tito. Anak mag-bless ka kay Tito Alessandro mo.” Utos niya sa bata at tiningala siya ng bata sabay napatingin sa akin. Nang matapos niyang gawin iyong ay ginulo ko ang kanyang buhok at napangiti naman siya sa akin. “Ano ho ang maipaglilingkod ko? Kinausap ako ni Allan na may kailangan daw ho kayo sa akin?” Napatungo naman ako sabay umupo na kami ng sabay habang kandong naman niya ang kanyang anak na babae. Linabas ko na ang summon letter na galing kay Dominus at agad itong ibinigay ito sa kanya. Napansin ko na binasa niya ito agad at napangiti sabay napatingin sa akin. “Wala hong problema. Pupunta ho kami agad bukas. Kailangan ko lang hong mag-impake ng aming mga gamit.” Medyo nagulat ako sa kanyang desisyon dahil hindi katulad nina Krysta at Zhea na kailangan pa nila itong pag-usapan. “Hindi mo man lang ba kakausapin ang asawa mo tungkol dito?” tanong ko. “Alam naman na ho ni Allan ang magiging desisyon ko Tito. Isa pa po ay nangako ho ako kay Dominus na oras na may hingin siyang tulong ay sabihin niya lang sa akin. Kung hindi niyo ho kasi naitatanong ay utang na loob ko po kay Dominus ang pagtanggap niya sa akin sa OA. Kung hindi niya ho ginawa iyon ay hindi ko makikilala ang mga magulang at ang asawa ko. At wala sana akong anak na sobrang kulit.” Sabay pinisil niya ang pisngi ng bata at tumawa ito na nagpangiti sa akin. “Thank you for saying that. I will make sure that I will tell it to Dominus once I get back.” Nagpasalamat naman siya sa akin at kasabay nito ang pagbaba ni Allan mula sa hagdan. Napatingin kaming lahat sa kanya at agad na umalis ang bata sa pagkakakandong kay Allan at binuhat naman ito ni Allan. Nang matapos ay nagkatinginan kami ni Allan at tumango ako para sabihing hihintayin ko na lamang siya sa labas saglit. Alam ko kasing may pag-uusapan pa ang mag-asawa kaya kailangan ko na rin ang umexit. Paglabas ko ay binunot ko sa aking bulsa ang aking wallet at binuksan ito sabay nakita ang litrato ng aking asawa. Bigla tuloy akong nasabik sa kanya dahil katulad nina Allan at Harper noon ay gano’n din kami ka-sweet noon. Lalo na noong pinagbubuntis niya ang aming anak ay iyon na yata ang pinaka-masayang nangyari sa aking buhay. Napangiti ako sabay hinaplos ang litrato ng aking asawa. “I miss you so much, Mildred. Sana kung nasaan ka man ay nakikita mo sana ngayon ang anak mo na may magagandang mga kaibigan.” Naitago ko ang litrato niya nang marinig kong nagbukas ang pinto ng salas nila Allan. Mukhang nakapag-usap na nga ang mga ito dahil pansin ang pamamaga ng labi ni Allan. Mukhang linambing siya ng asawa para lang pumayag sa kanyang desisyon. Nahihiyang napatingin sa akin si Allan at isinawalang bahala ko na lang ito para hindi siya lalong makaramdam ng hiya. Lumabas na kami sa kanilang bahay at agad na sumakay sa isang cab ulit pabalik ng airport. Hindi na namin kailangang sabihan sina Alessia at Vincent dahil sila ang pinaka-unang mga assassin na dumating sa Rogue Island bago pa man din magbigay ng summon letter ang aking anak. Napatingin ako sa aking listahan at tinignan kung sino ang aking susunod na bibisatahin upang bigyan ng summon. Nang makita ko kung sino ang kanyang asawa ay hindi ko alam kung matatawa ako o madidismaya dahil isa siya sa mga mahirap pakiusapan. Sana lang ay payagan niya ang kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD