Alessandro
Pagkatapos naming makausap sina Daphne ay agad na kaming dumiretso sa susunod na bansa kung saan ay kilalang-kilala ko ang buong pamilya na iyon. Madali ko lang naman silang mapapakiusapan kaya wala dapat akong ipag-alala lalo na at parang anak ko na ang batang iyon. Siya ang isa sa mga personal kong inalokan para sumali sa OA.
Saktong pagsakay namin sa private plane namin ay agad akong nakatanggap ng dalawang text mula kina Krysta at Zhea at sinasabing pumapayag na sila. Kaya naman bago ako sumakay ng eroplano ay tinawagan ko ang aking anak upang magpadala na rin ng sundo sa kanila. Nang matapos ay agad na rin kaming dumiretso sa bansa ng Greece upang kausapin ang pamilya ni Sascha.
Hays. Pagkatapos ng dalawa pang assassins ay pwede na akong bumalik ulit sa isla at lumangoy sa mismong swimming pool. My feet are killing me already. Medyo mahaba-haba rin ang liliparin namin papuntang Greece kaya hindi na ako makapaghintay na makarating doon dahil pakiramdam ko ay nagkakaroon na ako ng jet lag.
Matapos ang sampung oras na byahe ay nakarating na kami sa Greece kung saan ay hapon naman na rito. Alas tres na ng hapon kaya sigurado ako na nasa bahay lang sila Sascha ngayon kasama ang kanyang mga anak. Hindi pa kasi bumabalik si Sascha sa OA simula nang nangyari sa kanya ngunit hindi yata niya alam ang mga nangyayari sa OA ngayon.
Pumara kami ulit ng taxi at pakiramdam ko ay para akong nag-travel around the world sa loob lamang ng tatlong araw. Agad kong sinandal ang aking ulo sa head rest ng taxi habang sumasakit na ang aking ulo. Inabutan naman ako ni Allan ng tubig at nagpapasalamat ako na siya ang aking dinala rito.
Pagkarating namin sa magandang bahay ng asawa ni Sascha na si Keith ay agad akong nag-doorbell kung saan ay lumapit sa akin ang isang napa-cute na batang babae. Kamukhang-kamukha niya si Sascha noong mga bata pa lamang ito.
“Hello? Nandyan ba ang mommy mo sa loob iha?” tanong ko at tumango naman siya. “Can you please tell your mommy that I’m looking for her? Siya nga pala may regalo ako sa iyo.” Binigyan ko siya ng isang lollipop na binili ko sa daan kanina.
Masaya niya itong tinanggap at pumasok sa loob at ipinapanalangin na naalala ng bata ang bilin ko sa kanya. Ilang minuto lang ay hinanap ko si Allan at nakita kong bumibili siya ng tubig kaya hindi ko na lang siya tinawag. Saglit lang din naman kami rito bago kami pumunta sa huling bansa na pupuntahan namin.
Maya-maya ay nakita ko na si Sascha na papalapit sa gate habang nakasunod naman sa kanya ang kambal niya. Kinawayan ko siya at masaya niyang binuksan ang gate sabay agad na nagmano at humalik sa aking pisngi.
“Say hi to Tito Alessandro mga anak.” Utos niya sa mga ito na agad naman nilang ginawa.
“Hello po. My name is Kristhall Callejo-Montero. I’m three years old na po. Kapag lumaki ako ay pangarap kong magkaroon ng boyfriend na kasinggwapo niyo po.” Napasinghap naman si Sascha at natawa na lang ako sa kalokohan ng kanyang anak.
“P-Pasensya ka na ho Tito.” Hinging paumanhin niya at umiling naman ako.
“It’s okay, iha. Well, may pinagmanahan naman kasi ang anak mo kaya hindi na ako magtataka kung lumaki iyang bolera katulad ng ama niya.” Nakita kong umikot ang mga mata niya sa hangin sabay naglakad na kami papasok sa kanyang bahay.
“Kumain na ho ba kayo Tito? May meryenda ho riyan sa ref.” Akmang papasok siya sa kusina ay pinigilan ko siya.
“No need, iha. Hindi rin naman ako magtatagal dahil may pinabibigay lang sa iyo si Dominus. Isa pa marami na yata akong nakain na meryenda nitong nakaraan na tatlong araw kaya iwas na muna ako.” Inabot ko sa kanya ang isang folder na nakalagay ang salitang confidential.
“What? One month stay in Italy? Gano’n na ho ba ka-grabe ang nangyari?” Lumaki ang aking mga mata dahil mukhang nakarating na nga sa kanya ang balita.
Oo, Italy. Dahil kahit papaano ang Rogue Island ay medyo malapit pa rin naman sa Italy at ito ang pinaka-malapit na bansa rito.
“Kung gano’n ay narinig mo na rin pala ang nangyari sa OA noong mga nakaraang buwan lang?” Tumango naman siya.
“Bumalik na rin ho kasi ako ng OA kamakailan lang Tito at naghihintay po ako actually ng tawag mula kay Dominus. Pero hindi ko ho akalain na sa pagbabalik ko ay ito pa ang mangyayari.” Napatungo ako at pinaliwanag na rin sa kanya ang lahat.
“Sige po. Pwede ko naman hong isama ang pamilya ko ‘di ba?”
“Of course.”
“Okay po. By next week ay nandoon na ho kami.” Ngumiti siya. “Dumito na ho muna kayo.”
“Hindi na. I still need to go to Europe para kay Snow Lynx. Titignan ko kung papayagan siya ng asawa niya lalo na at sobrang strikto rin ng taong iyon.” Natawa na lamang siya sabay yinakap akong muli.
Nagpaalam na rin ako sa kanyang mga anak na masayang nagpaalam din sa akin. Lumabas na ako ng kanilang bahay at hinanap ko si Allan kung saan ay mukhang tapos na rin siya sa pagkain kaya agad na rin kaming dumiretso muli sa airport. Pagsakay ko sa eroplano ay napatingin ako sa huling folder na aking hawak kung saan ay siya na ang pinaka-huling pagbibigyan ko nito.
Mabuti na lang at mas maikli lang ang byahe papuntang London kaya kahit papaano ay matatapos na rin ako sa araw na ito. Hindi na ako natulog dahil tatlong oras lang naman ang byahe at nandoon na ako maya-maya lang. Pagtingin ko kay Allan ay hindi ko pa pala siya nakakausap tungkol sa sinabi ko kanina sa bahay nila Zach kanina.
“I would like to apologize for not telling you sooner about the crisis that we are facing right now.” Lumingon siya sa akin at tumango ng isang beses.
It’s okay, sir. Utos naman ho iyon ni Dominus kaya naiintindihan ko kung kinakailangan niyang itago ito. Marami na hong iniisip ngayon si Dominus at mas lalala lang ang problema oras na mag-panic ang lahat. Ang importante ho ay maging ligtas ang pamilya namin at ang OA.” Napatango naman ako.
“Hindi ko pa naitanong pero ayos lang ba na tanungin ko sa iyo kung ano ang buhay mo bago ka sumali sa OA?” tanong ko at natahimik siya. “Kung ayaw mo itong pag-usapan ay ayos lang naman.”
Agad niya namang ikinuwento ito sa akin at mataman lang akong nakikinig sa kanya. Nang matapos siyang magkwento ay nagpasalamat ako sa kanya na kinuwento niya pa rin ang buhay niya sa akin. Kinuwento niya na rin kung paano niya nakilala ang kanyang mahal na asawa.
“I see. Did you know that during my time me and your dad are great friends?” Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. “Siguro ay perks ito ng pagiging Dominus dahil ang dami mong kilala at kaibigan.”
“Seryoso po kayo?” tanong niya at tumango naman ako.
“It’s just a shame that he died through your hands. Kilala ko pa naman si Greg bilang bully noong nag-aaral pa lang kami. I was shocked to know that the path he took was very different from the Greg that I know. Greg is a very brilliant guy, and every woman would instantly fall in love with him. Akala ko nga mag-aartista ang taong iyon e. I’m so sorry for bringing it up.”
“Wala ho iyon. Hindi ko rin naman pinagsisisihan ang ginawa ko.” Natahimik na lang kami nang malapit na kaming lumapag sa mismong airport ng London.
Pagbaba namin ng airport ay agad na sumalubong sa amin ang init ng panahon dahil tanghaling tapat pa lang dito sa London ngayon. Mas nahuhuli kasi sila ng dalawang oras sa Greece at alas tres noong dumating ako kanina roon kaya kailangan ko nanamang mag-adjust dito. Hays. Sa susunod ay tatanggapin ko na lang iyong isang bansa lang na magkakalapit ang pupuntahan para hindi ako nagkakaroon ng jet lag.
This is so stressful and tiring. Hindi bale at ito naman na ang huling bansa na pupuntahan ko ngayon. Hinanap namin ang address ni Angel na nakalagay dito sa summon letter ng aking anak. From what I heard, her husband’s name is Lucifer and like Zach that one is also a strict man. He’s also one of the Big Five, so it means he is a very important person as well.
Nang tumigil ang sinasakyan naming cab sa isang napakalaking mansyon ay napapailing na lang ako dahil ang yayaman na nga ng mga kaibigan ng aking anak ay mayayaman din ang kanilang napangasawa. Nang makatayo ako sa kanilang gate ay hindi ko man lang mahanap ang kanilang door bell nang may pindotin si Allan at agad na nagbukas ang gate. Nagtataka akong napatingin sa kanya at tipid lang siyang napangiti sabay pumasok na kami sa gate.
I see. Mukhang kaibigan din niya si Lucifer. Geez. My daughter’s friends and their husbands are something. Sigurado akong magiging maingay sa isla oras na nagsama-sama sila. Hindi ko ito jini-jinx pero pansin na pansin naman na sa mga galaw nila lalo na at may mga bata pa silang mga kasama.
OA will be very interesting in the future. Nang tumapat kami sa pinto ng kanilang bahay ay kumatok si Allan kung saan ay agad naman siyang pinagbuksan ng isang maid.
“Hello, Sir Allan. Are you looking for Sir Lucifer?” tanong sa kanya ng maid.
Tama nga ang hinala ko na magkakilala sila.
“Yes, and also Angel if possible.”
Pinapasok na niya kami at sinabing maghintay lang daw kami sa salas at tatawagin niya raw ang mag-asawa. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang magkapareha at ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sabi nila na istrtikto rin ito. Hindi katulad kay Zach na istrikto sa pananalita pero si Lucifer ay awra pa lang ay nagbibigay na siya ng takot sa iba. Geez. These Big Five men are really something.
“Sir Allan, Tito Alessandro!” masayang bati sa amin ni Angel at agad kaming binigyan ng yakap. “Lucifer si Tito Alessandro, tatay ni Dominus at si—”
“I know who he is Angel. Allan here is a close friend of mine. Isa siya sa mga sinasabi kong barkada ko,” sagot ni Lucifer.
“Really?” tanong ni Angel.
Napatingin naman sa amin si Angel at akmang aalokan kami ulit ng meryenda ay inunahan ko na sila na siya namang ikinatawa niya. Sa likod nila ay nakasunod ang dalawang lalaking kambal na carbon copy ng kanilang tatay.
“Bakit ho pala kayo biglang napasyal dito, Tito?” tanong niya.
“Hindi ko alam kung narinig mo Angel pero simula noong nag-resign ka sa OA ay nagkaroon ng aksidente ang OA.” Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sabay binigay sa kanya ang summon letter ng aking anak.
“One month?” tanong nito.
“It can extend once the job is still not done.” Napatango naman siya.
Napatingin naman si Angel sa kanyang asawa at pumayag siya na aking ikinagulat. Akala ko pa naman ay mahihirapan din ako sa pangungumbinse kay Lucifer pero hindi pala. He was just silent as Angel was talking to us, and he doesn’t even talk.
Nang matapos kaming mag-usap ay agad na rin kaming nagpaalam sa kanila dahil uwing-uwi na ako. Nang makalabas kami sa bahay nila Lucifer ay napatingin ako kay Allan.
“I don’t understand that guy at all.” Natawa naman siya at tumango.
“No one does. Hindi nga kami makapaniwala na nag-asawa siya dahil wala man lang hilig sa babae iyon.”
“Then Angel is very lucky then?” Napailing naman siya habang natatawa.
“I don’t know about that, but I guess they are both happy.”
Sumakay naman na kami sa eroplano kung saan ay sa wakas makababalik na rin ako sa wakas sa isla.