Chapter 21

2064 Words
“I actually found something interesting last night,” umpisa ni Earl dahil sinabi niya na may nahanap na raw siyang isang lead para malaman namin kung sino ang kumakalaban sa amin. “Really?” Tumango naman siya. “Naalala mo noong nagpaalam ako na mawawala ako ng isang linggo dahil may pupuntahan ako?” Tumango naman ako. “Iyong mga sinasabi ko sa iyo na marahil ay mga pawn sila ng mga kalaban ninyo ay mukhang nahanap ko kung sino ang kanilang boss.” Napamulagat ako at agad na kinuha kay Earl ang binibigay niya sa akin na isang papel na may mukha ng isang matandang lalaki. “He’s a British guy who has been convicted of a lot of murder and rape for the past ten years,” simula ni Earl. “His name is Benedict Brown, and he has just been freed from the jail last week. Mukhang medyo tago ang mga ginagawang kababalaghan ni Benedict dahil nga nag-iingat na siya.” “Ayaw na niyang bumalik sa kulungan ulit.” Tumango si Earl. “Exactly. Ngayon ang akala ng lahat ay nagbagong buhay na siya dahil nga nagbibigay siya ng mga pera sa iba’t ibang charity. Pero ang aking ipinagtataka ay simula noong nakulong siya ay nawala ang lahat ng kanyang ari-arian at walang natira ni isang kusing sa kanya.” Napakurap-kurap naman ako. “Kung gano’n ay may pinagkukuhanan siyang malaki para i-provide ang mga perang ito.” Tumango ulit si Earl. “I tried to search everything about him, and I followed him for the past week when I was in London. Akala nila ligtas sila sa kanilang mga ginagawa pero isa sa mga pawns ang nakita kong pumasok sa kanyang bahay. I tried to hack into their CCTV cameras, but I found out that they could immediately detect who is hacking into their system. I was blocked, so I wasn’t able to see what is happening inside,” paliwanag niya. “Kung gano’n ay ano ang pwede nating gawin?” “Well lucky for me, I found out that Benedict Brown is going to celebrate his birthday party in a grand way. Mga VIP lang ang iimbitahan niya at mga ka-close niya lang ang pwedeng pumasok. Pwede kong gawan ng paraan para makapasok tayong dalawa pero may problema.” Huminga siya ng malalim. “What?” tanong ko. “I also found out that his basement is heavily guarded. Hindi ko alam kung ano ang nandoon at ang security niya naman ay nasa third floor. Ngayon kung dalawa lang tayong pupunta ay sigurado akong mahuhuli tayo agad. Kung magtatawag naman ako ng mga kasama ko sa agency ay marami silang ginagawa at hindi sapat ang tatlong tao lang. We need more help who can fight and at the same time get information from him while someone is distracting him.” Napaisip naman ako bigla sa kanyang sinabi at biglang napangiti dahil may pumasok sa aking isip. “Remember when you said that I can use our job for me to meet my friends again?” Tumango naman siya. “I guess that’s the time to use that now.” Agad akong gumawa ng summon letter para sa aking mga kaibigan. Alam ko na abala sila at may kanya-kanya na silang buhay pero pwede ko pa rin naman silang hilain dahil sila lang ang agad na pumasok sa isip ko nang sinasabi ni Earl ang kanyang plano. Kung may magaling man na lumaban at kumuha ng impormasyon ay sila na iyon at wala nang iba. I know that they are the only people who can execute this plan so well. Nang matapos akong gumawa ng summon letter ay prinit ko lahat ng ito at saka linagay sa isang folder ang mga liham. Akmang tatayo ako para ibigay na sana ito kay Samantha nang makita kong pumasok ang aking ama. “Hello Earl, hello baby girl. Makikikape lang sana ako dahil inaantok na ako at wala akong magawang iba. Bukod sa manuod ng manuod ng TV buong maghapon o kaya makipaglaro sa ibang mga assassin ay wala na akong magawa pa. Nakakabagot din pala ang manatili rito lalo na at naalala ko nga pala na nasa isla tayo. Hays.” Napangiti naman ako nang marinig ko ang mahabang reklamo ng aking ama. “Dad? I have a request that you might want to do.” Napalingon naman siya sa akin. “Sure. Let me hear it.” Agad ko namang sinabi sa kanya ang pinag-usapan namin ni Earl at ang kanyang plano. Nang matapos akong magpaliwanag ay mabilis niyang tinanggap ang aking alok at mukha siyang excited na makakaalis siya rito sa isla. Napailing naman ako nang masaya siyang lumabas ng aking opisina habang sinasabi na magpapalit lang daw siya. Agad ko namang pinahanda ang private plane na nandito sa isla upang iyon ang gamitin ng aking ama papunta sa aking mga kaibigan. Alessandro Sinama ko si Allan dahil siya lang naman ang agad kong nakita kanina paglabas ko ng aking kwarto. Hindi ko na pinaliwanag sa kanya kung ano ang aming gagawin at kung saan kami pupunta at basta ko na lang siyang hinila papunta sa hinanda ng aking anak na isang private plane. “Sorry, but may I ask where are we going, Sir?” tanong niya habang sinusuot niya ang kanyang seatbelt pag-upo namin sa loob ng eroplano. “Pasensya ka na kung ikaw ang hinila ko at wala man lang akong ginawang paliwanag. Well, pupunta lang naman tayong mag-joyride sa limang bansa dahil may kailangan tayong sunduin. Utos ng aking anak at dahil wala naman akong magawa ay pumayag na lamang ako total ay nabo-boring din naman ako.” Napangiti ako at agad namang tumango si Allan. Geez. Paano kaya natitiis ng aking anak ang pagiging tahimik ni Allan. Hindi naman ako nagrereklamo pero mas sanay lang kasi ako sa mga taong madadaldal. Oh well, wala naman akong reklamo dahil kahit papaano ay siya ang sunod na pinaka-magaling na assassin sunod sa aking anak. Pumasok naman ang piloto ng eroplano at agad na tinanong sa akin kung saan ang unang punta namin. Sinabi ko naman sa kanya agad kaya pinaandar na niya ang eroplano at bigla akong na-excite na ngayon lang ako ulit makakarating ng Pilipinas. Ang balita ko ay nasa Baguio ang dalawang Ingenium ng OA at may kanya-kanya na itong mga pamilya. Mahaba-haba rin ang kailangan naming lakbayin kaya mabuti pa ay itutulog ko na muna ito. Makalipas ang ilang oras ay nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin ni Allan kaya nang maalimpungatan na ako ay nakababa na pala ang aming eroplano. “Oh, were here,” sabi ko habang kinukusot ang aking mga mata. Agad naman akong lumabas ng eroplano at agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng Baguio. Binigay sa akin ni Allan ang aking jacket na akin namang sinuot agad kung saan ay may naghihintay na pala sa aming isang private car papunta sa address ng una kong assassin. Mga ilang minuto lang naman ang byinahe namin dahil hindi naman gano’n kabigat ang traffic dito. Pagkarating namin sa isang bahay na may malaking gate ay agad kaming bumaba ni Allan at hinanap ang doorbell ng kanilang bahay. Hindi ko ito mahanap kaya naman si Allan na lang ang pumindot nito at pinasalamat ko naman siya. Mula sa loob ay rinig ko ang mga yabag ng isang lalaki at binuksan ang gate nila. “Oh, hi,” bati ko. “I am looking for…” Tumingin ako sa aking listahan sabay tingin sa lalaking nasa aking harapan. “…Krysta Mejia-Mostrales? This is her house, right?” “Yes. What do you need from her?” tanong nito. “Please tell her that the Dominus sent me to speak with her if possible.” Agad namang lumaki ang kanyang mga mata at agad na pinapasok kami. Mukhang kilala siya ni Allan dahil narinig ko na nagkakamustahan silang dalawa. Oh well, mukhang marami rin pa lang kaibigan si Allan at tahimik lang talaga siya. Pagpasok namin ay pinaupo na muna kami ng lalaki at agad na tinawag si Krysta. Maya-maya ay lumabas na si Krysta na may nakasunod na dalawang bata. Napatayo naman ako upang makipag kamay sa kanya at kamustahin. “Tito Alessandro! Oh my, it’s been so long po. Kumusta na po kayo? Hello din po Sir Allan.” Bumaling siya sa lalaki at doon ko lang nalaman na asawa niya pala ito. “Xander ko, okay lang ba na labasan mo kami ng meryenda?” “Sure, darling.” Agad itong tumayo at pumasok sa kanilang kitchen. “Ano ho pa lang ginagawa niyo rito at ngayon lang po kayo napadalawa rito?” May inabot ako sa kanya na folder na may nakalagay na confidential. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Krysta. We need your help. Hindi ko alam kung nalaman mo ba ang nangyari sa OA dahil pinigilan namin ang media na huwag itong ilathala sa kahit saan.” Tumango naman siya. “I’ve heard it, but I really don’t know what really happened, Tito.” Agad ko namang sinabi sa kanya ang nangyari ng mga nakaraang mga buwan at kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa nilalaman ng folder at agad na napatingin sa kanyang mga anak. “Paano po ang pamilya ko? This is a long-term job, and I just can’t leave my family here. Lalo na po at maliliit pa ang mga anak ko.” Ngumiti naman ako. “We have a lot of room in Rogue Island. You can bring your family there.” Napangiti naman siya at agad na dumating ang kanyang asawa na may dalang tray ng pagkain. Nang linapag ni Xander ang tray ay agad siyang napatingin sa hawak ng kanyang asawa at agad na napatingin sa kanya at sa amin. Tipid na napangiti naman si Krysta sa kanyang asawa at alam ko na kailangan nila itong pag-usapan ng mabuti kaya naman kumuha kami ng meryenda sabay nagpaalam na sa kanilang dalawa. “I left my number there, Krysta. Kung sakaling makapagdesisyon ka na ay i-text o tawagan mo lang ako at magpapadala kami agad ng sundo para sa inyo ng pamilya mo.” Tumango naman siya. “I hope you can reconsider this because OA really needs your help.” “Salamat po, Tito.” Lumabas na kami ng kanilang bahay at alam ko na hindi madaling desisyon ito dahil may mga pamilya na sila at delikado ang kanilang gagawin. Paglabas namin ng gate ay sunod naming pinuntahan ang bahay ng nagngangalang Zhea Sanchez-Valmeros. Medyo malayo ito ng kunti sa bahay ni Krysta pero okay lang dahil kahit papaano ay nakapasyal ako rito sa Pilipinas. This is where my baby girl meets her friends, and I can’t wait to meet the others. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay ni Zhea at swerte ko dahil wala itong gate tulad ng kay Krysta kaya kumatok na lang kami agad sa kanilang pinto. Tahimik lang na nakasunod sa akin si Allan at hindi man lang nagsasalita. Ilang katok lang ay agad na pinagbuksan kami ng pinto ng isang babae. Sa hula ko ay marahil siya na si Zhea. “Zhea Sanchez?” tanong ko. “Ako nga ho. Oh my! Sir Alessandro! Sir Allan!” Medyo nagugulat ako na kilala ako ng mga kaibigan ng aking baby girl samantalang ngayon ko pa lang sila makikilala. Did she mention me to them? “Pasok ho kayo, Sir. Bud!” sigaw niya at bumaba naman mula sa hagdan ang isang lalaki na may bitbit na babaeng kasing-edad lang siguro ng anak ni Krysta. “Allan?” sabi nito at agad namang tumango ang aking katabi. Well, another friend, I guess. “Geez. Dude. Long time no see. Ano’ng ginagawa mo rito?” “Bud. Naalala mo si Dominus? Si Tito Alessandro, Dominus’s father,” pakilala sa akin ni Zhea at agad naman siyang nakipag kamay sa akin. “Upo ho kayo, Tito. Gusto niyo ho ba ng meryenda?” Umiling ako. “Hindi na kailangan. We had some snack a while ago from Krysta,” sagot ko at nagtaka naman siya. “Nanggaling ho kayo kay Krysta?” tanong niya at agad na napatingin sa hawak kong folder. Napangiti naman ako at mukhang alam na niya ang dahilan ng aking pinunta rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD