Chapter 20

2103 Words
Dominus Nang matapos kaming kumain ay medyo nag-usap kami ng saglit at hindi ko alam pero mukhang naging interesado si Earl sa buhay ko noong kabataan ko lamang. Marami siyang tinanong tulad na lamang kung may naging boyfriend na raw ba ako o kung may nangligaw daw ba sa akin. Kung bakit daw para raw akong walang social life noong bata ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na dahil ako pala ang susunod na Dominus kaya kailangan nila akong protektahan. Gumawa na lamang ako ng alibi at sinabi ko na hindi ko kasi alam na may trabaho pa lang delikado noon ang aking ama. Naging over-protective siya sa akin na to the point na hindi na ako nakalalabas noon ng walang bantay o yaya. “I just can’t believe that you don’t have a boyfriend or anyone in your life. Nagsasalita ka ng mga bad words pero ang inosente mo naman.” Napangiti naman ako at napailing na lang din. “Naririnig ko lang din naman kasi sa mga kasama ko kaya nasanay na rin. Speaking of friends, hindi ko alam na kilala mo pala si Allan?” Tumango naman siya. “Ah oo. Back in the Philippines, I have a group of crazy friends. Isa si Allan doon kaya nga medyo nagulat ako nang makita kong nandito siya. Alam ko na kinasal siya pero hindi ko alam na isa rin pala siya sa inyo. Hindi rin naman kasi pala-kwento ang taong iyon kaya nga nagulat kami nang ikasal siya.” Natawa naman ako dahil totoo nga naman ang sinabi niya. “Eh ikaw? May balak ka bang magpakasal kung sakali o magkaroon ng pamilya?” tanong ko. Napatigil siya sa aking tanong at napatungo sabay napangiti ng tipid. “To be honest, I don’t want to have a family. I am a silent playboy, Brielle. Hindi mo ako makikita na nakikipaglandian dahil ako na mismo ang linalapitan ng mga babae.” “Tss. Yabang.” Natawa naman siya. “Yeah, I know. Seriously though, I don’t think that having a family is that good. Ayaw na ayaw ko kasi iyong natatali ako sa isang relasyon dahil alam ko sa sarili ko na madali lang akong magsawa.” Napatango naman ako at medyo disappointed sa nalaman ko. “But that was before. Syempre isip bata pa ako noon at typical na gawain ng mga lalaki ay ang tumikim ng iba-ibang putahe.” “What? What do you mean? Hindi ba lahat naman tayo ay tumitikim ng iba-ibang klase ng putahe ng pagkain?” tanong ko at natawa siya. “I forgot that you are innocent. No, no, no. Not like that. What I mean is that I have s*x with women.” Napamaang ako sa kanya at medyo tumikhim ako at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. “O-Oh…” “Don’t worry. Hindi natin pag-uusapan iyon kung hindi ka komportable. Ayoko munang bahiran ang kainosentehan mo ng mga kalokohan ko.” Nagpasalamat naman ako sa kanya. “Talaga pa lang inaamin mo na loko-loko ka?” Tumango siya. “Sometimes. I act like a brat and I’m childish in front of my friends because I want them to notice me. But behind all those jokes, I am so damn serious in my life.” Napangiti naman ako. Napansin na namin na gabi na kaya naman naisipan na namin na bumalik sa aming mga kwarto. Simula noong nandito siya ay hiwalay na kami ng kwarto dahil ayon sa kanya ay hindi raw magandang tignan na magkasama kami sa iisang kwarto. Alam ko ang ibig niyang sabihin at marami namang kwarto rito kaya naghiwalay kami. Magkatabi kami actually ng kwarto kaya kapag may kailangan siya ay pwede niya raw akong katukin lang. Nagbayad na siya ng aming kinainan at magka-hawak kamay ulit na bumalik sa loob ng gusali. Gabi na kaya halos wala na kaming makita na mga assassin na pakalat-kalat. Nang tumapat na kami sa aking kwarto ay nag-good night na siya sa akin at gano’n din ako. Akmang pipihitin ko na sana iyong busol ng aking pinto ay hinila niya ako pabalik kaya nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Nakita kong napalunok siya ng ilang beses at unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. I can smell his minty breath when we heard my dad’s voice. Agad akong napalingon at hindi natuloy ang kung anumang mangyayari sana sa amin. Napasinghap naman ako at agad na lumayo ng kunti sa kanya at agad na lumapit sa aking ama na nagtataka. “Dad? Bakit gising ka pa?” tanong ko. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin sabay napatingin kay Earl na nakatayo lang na nakapamulsa sa tapat ng aking kwarto. “Oh, Earl ikaw pala iyan iho. Salamat sa paghatid sa aking anak.” “Wala hong anuman. Una na ho ako, Tito.” Sumaludo naman siya at tinapunan niya ako ng huling tingin sabay nauna nang pumasok sa kanyang kwarto. Nang mawala na siya sa aking paningin ay papasok na sana ako nang makita kong seryosong nakatingin sa akin ang aking ama. Agad naman akong umiwas at agad na dumiretso sa aking kwarto. Pinapasok ko naman siya dahil alam ko na may sasabihin siya sa aking importante kaya siguro siya nandito. Habang naghahanda ako ng inumin para sa aking ama ay nakita ko ang aking ama na sumandal sa may tabi ng aking pinto at agad naman akong napaharap sa kanya. “May gusto ka ho bang sabihin sa akin Papa?” Umayos siya ng tayo sabay nagkibit balikat. “Well, the fact that I caught my daughter almost kissing someone is not a big shock.” Inirapan ko naman siya at ibinigay sa kanya ang hawak kong baso. “Dad, we didn’t kiss, okay?” sabi ko habang inaalis ang aking earrings at sapatos. Tumango-tango naman siya. “Oh. Of course, not baby girl. I am getting old, so I guess I am seeing things. I didn’t see Earl getting close to your face, and he was about to kiss you.” Inikot ko lang ang aking mga mata sabay pumasok sa aking kwarto para magpalit ng aking damit. Nang matapos ay lumabas ako ulit at alam ko naman na hindi maniniwala sa akin si Papa. Caught in the act na nga ay nagsisinungaling pa ako sa kanya. Tumabi ako sa kanya at agad na hinilig ang aking ulo sa kanyang balikat. “Fine. We almost kiss. Matutuloy na sana kung hindi ka lang dumating. May first kiss na sana ako.” Nakita ko namang lumabi ang aking ama at bigla na lamang siyang naluha. “My baby girl is already grown up.” Napailing na lang ako sa kaartehan niya. “Ang OA dad, and OA.” Kumuha pa siya ng tissue at saka suminga na aking pinandirihan. “You are over reacting, dad.” “I’m just so happy because you are already meddling with the opposite s*x. Akala ko noon hindi na kita makikitang magsusuot ng wedding gown. Akala ko ay hindi mo na ako mabibigyan ng apo. I’m so happy that you’re not a lesbian.” Pinalo ko naman siya na OA na umiiyak at napapailing na lang ako sa kanya. “Eh di wow talaga, Dad.” Pinalayas ko na lang siya sa aking kwarto at sinabing bumalik na siya sa kwarto niya. Ang dami niyang iistorbohin sa kaiiyak niya ng dahil lang sa may muntik nang humalik sa akin. Pagkasara ko ng pinto ay naalala ko iyong nangyari at napangiti na lang ako sabay humiga sa aking kama. Hindi ko alam kung super bilis ba ng mga pangyayari pero iyong taong kinamumuhian ko ay mukhang nagugustuhan ko na nga. If this is the feeling of having a crush, I am so happy that I am experiencing it right now. Nakatulog ako na may ngiti sa aking mga labi at excited na ako sa pwedeng mangyari bukas. Nang magising ako kinabukasan ay nag-inat-inat ako at hindi ko alam kung bakit parang ang sarap ng tulog ko gayong dati naman ay ganito pa rin naman ang pagtulog ko. Bumangon na ako at saka naligo at nag-ayos bago ako lumabas ng aking kwarto. Nang makita ko ang aking mga assassin ay ako ang unang bumati sa kanila sabay nginitian ko pa sila. Nagtataka namang napatingin sa akin ang ibang mga assassin pero hindi ko ito binigyang pansin. Pagkatapos ay nang makita ko si Samantha ay agad ko siyang nginitian at masayang pumasok sa aking opisina. Binuksan ko ang aking laptop at agad na nagsimulang magtrabaho. Narinig kong pumasok si Samantha at agad ko siyang nginitian pero imbes na nginitian niya ako pabalik ay kunot-noo siyang nakatingin sa akin. “Stop smiling, Dominus. You look so weird.” “What? Ano naman ang masama sa pagngiti?” tanong ko at napasinghap siya. “Are you aware that ever since I started working here, you never smile at all. You are always wearing a poker face and having a serious face. Saka ka lang ngumingiti kapag kinakailangan at kapag tayong dalawa lang. Minsan nga sobrang dalang pa pero ngayon ay halos mapunit na iyang pisngi mo kakangiti.” Binato ko naman siya ng pencil na agad naman niyang nasalo. “Well, my daughter is smiling right now because she’s in love.” Napalingon naman kami kay Papa na bagong pasok lamang ng opisina. Napatingin namang gulat sa akin si Samantha at agad na umiling ako sa aking ama dahil sa kanyang sinasabi. “I am not in love, dad. I am just happy. That’s all.” Pinaningkitan naman ako ni Samantha sabay napailing. “Hindi ka man lang nagpakipot kahit kunti lang? OMG! Binigay mo na ang bataan?” Nagtataka naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang ibig sabihin nun. “Duh! s*x!” Bigla naman akong namula sa sinabi niya. “We barely even know each other. Hindi naman ako gano’n karupok para bumigay agad sa kanya noh. We are just friends.” “He was about to kiss you, and you are going to let him baby girl. Kung hindi pagiging marupok iyon ay hindi ko na lang alam.” Napasimangot ako. Agad na sinabi ko sa kanya na isusumbong ko siya kay Tita kapag di pa siya tumigil sa pang-aasar sa akin. Nanahimik naman siya at napatingin naman ako kay Samantha na nag-aalalang napatingin sa akin. “Dominus, alam kong wala kang karanasan sa kahit na sino’ng lalaki at masaya kami ni Tito na ngayon ay nararanasan mo na ang salitang pag-ibig. Pero Dominus, hinay-hinay lang ha? You don’t even know what kind of guy he is. Malay mo ay babaero pala iyon at pinaglalaruan ka lang niya kasi alam niyang easy to get ka at inosente ka pa.” Umayos siya ng upo. Oo babaero siya. Iyan ang gusto kong isagot sa kanya pero hindi ko na lang sinabi dahil baka mas lalo lang akong sermonan ni Samantha. Inamin niya naman iyong sa akin kagabi pero hindi naman siguro siya iyong klase ng tao na hindi mo mapagkakatiwalaan. “Boys have flowery mouth, and they are a temptation to our kind.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Oras na naibigay mo na ang bataan ay bigla ka na lang niyang tatakbuhan. I know this is your first experience, and you will feel giddy and all. It would be nice to the feeling, and you will feel happy and contented, but try to resist this temptation unless you get to know him really well. Okay?” Napatingin naman ako kay Papa at umayon siya sa sinabi ni Samantha. “Okay.” Napangiti naman siya sa akin kaya tipid din akong napangiti. Buong araw kong inisip iyong sinabi sa akin ni Samantha at iniisip kung talaga bang bataan ko lang ang habol ni Earl. Hays. Hindi ko na lang ito papansinin total ay hindi naman mahalaga iyon sa ngayon. Itinuloy ko ang aking pagpipirma sa mga papeles nang narinig kong nagbukas ang aking pinto. Hindi ko na ito tinignan dahil ang akala ko ay si Samantha lang ito at may ibibigay lang siya sa akin na mga reports ulit. “Palagay na lang sa mesa ko iyong mga reports, Sam.” Utos ko habang patuloy pa rin sa pagpipirma. “Sure.” Napaangat ang aking tingin nang makita ko si Earl na nakatayo sa aking harapan at hindi ko alam kung bakit pa-gwapo siya ng pa-gwapo nitong mga nakaraang araw. Geez. Sabi ko pa man din na wala akong gusto sa kanya pero mukhang kakainin ko lang din ang aking mga sinabi. I think I really have a big crush on Earl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD