Dominus
Abala kaming nagkwekwentuhan ni Harper habang kumakain sa isang table at gano’n din sina Earl at Allan habang sinusubuan naman ni Earl si Hera. Narinig ko na lang na napangisi si Harper sa akin kaya agad naman akong nagtaka at tinanong sa kanya kung ano ang nakatatawa.
“You’re so obvious,” sabi niya.
“Obvious about what?” tanong ko.
“You are so obvious that you have a crush on Earl.” Natawa naman ako ng mahina sabay napailing at tinuloy ang aking pagkain.
“No, I’m not. Hindi ako magkakagusto sa isang tulad niyang mayabang noh. Nasasabi mo iyan kasi nakikita mo lang kaming magkasama pero hindi iyon totoo.” Tinaasan naman ako ng kilay ni Harper.
“Para lang po ipaalala ko sa iyo ay naranasan ko na noon ang ganyan kay Allan. Malakas ang s*x appeal ni Allan para sa akin at noong nakita ko siya ay sobra akong nagwapuhan sa kanya. Alam mo iyong tipo na kapag nandyan siya ay para akong kinakabahan pero kinikilig ako? Tapos noong nagkaaminan na kami ay dumoble pa iyon,” paliwanag niya.
“You really think that I have a crush on him?” Tumango naman siya. “Paano ko naman malalaman iyon? Sige sabihin na natin na kinakabahan nga ako kapag malapit siya o kaya magkasama kami sa iisang kwarto. May mga times na kinikilig din ako kapag lumalapit siya sa akin o kaya tumatabi. Pero hindi naman siguro malakas na basehan iyon para sabihin na crush ko siya ‘di ba? Pakiramdam ko attracted lang ako sa kanya pero no deeper meaning iyon.”
“Iyan ang akala mo. Ikaw na rin ang nagsabi na kinakabahan ka kapag malapit siya. E paano kapag wala siya nami-miss mo siya at iniisip mo siya. Kapag nandyan siya ay gusto mo maganda ka sa paningin niya. Excited ka sa simpleng text o tawag nila at magseselos ka oras na may kausap siyang ibang babae bukod sa iyo.” Napailing naman ako.
“Nope. Tama ka sa lahat except doon sa huli na sinabi mo. Hindi ako selosa.” Tinaasan niya ako ng isang kilay.
“Really? Kung gano’n ay ayos lang sa iyo iyong ginagawa niya?” Nginuso niya si Earl.
Nang sundan ko kung saan siya ay nakita ko na may kausap siya sa may mismong bukana ng pinto ng dining area. Nagtatawanan pa sila at may papalo-palo pa iyong babae sa braso niya pero wala naman siyang paki. Maya-maya ay nakita ko na lang na linabas na nila iyong kanilang cellphone at mukhang nagpapalitan na sila ng number.
Napaiwas na lang ako ng tingin at nakita kong nakangising nakatingin sa akin si Harper. May tinuro siya at pagtingin ko ay halos nayupi iyong hawak kong kutsara kaya agad naman akong napabitaw dito.
“Tama ako ‘di ba? Ngayon ano pa ba ang tawag mo riyan kung talagang wala kang gusto sa kanya? Hindi naman kita masisisi kasi alam mo wala namang pinipili ang puso noh. Kapag pinana na iyan ni kupido ay wala ka nang magagawa.” Napasimangot naman ako.
Napatingin akong muli sa kanilang dalawa at nakita kong may pinuntahan sila at bigla naman akong nag-alala kung saan sila patungo.
“Maiba nga pala tayo Brielle. Narinig ko ang nangyari sa OA noong nakaraan lang. Kumusta naman kayo?” tanong niya.
“Sa totoo lang ay wala pa kaming kahit na isang lead. All we know is that the person or people doing this has a black spider tattoo on the back of their hand. Hindi ko nga alam kung paano kami tatayo sa sakunang ito lalo na at wala man lang kaming alam.” Napahawak naman siya sa aking kamay.
“Hey, kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin at handa akong tumulong. Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa mong kabutihan sa akin kaya gusto kong bumawi.” Hinawakan ko rin ang kanyang kamay.
“Thank you, Harper. Hindi bale oras na may kailangan ako ay hindi ako magdadalawang isip na hingin ang tulong mo.” Napangiti naman siya.
Maya-maya ay naagpaalam na siya sa akin dahil kailangan niya pang bumalik dahil kailangan daw siya ng kanyang ama. Hinatid naman sila ni Allan palabas at naiwan akong mag-isa rito habang kumakaway sa kanila. Naglakad-lakad ako at napansin ko na may mini garden din pala sila rito.
Hindi siya tulad ng sa greenhouse sa OA noon pero kahit papaano ay mahangin naman dito kaya ayos lang. Habang naglalakad-lakad ako rito ay nakarinig ako ng tawanan kaya agad ko naman itong hinanap. Luminga-linga ako hanggang sa may makita akong dalawang bulto sa hindi kalayuan na naglalampungan.
Hindi ko na sana ito papansinin nang makita ko ang likod ni Earl na nakikipagtawanan sa kasama niyang babae kanina. Maya-maya ay nakita ko na lang na hinalikan ng babae iyong pisngi ni Earl at agad naman akong napasinghap. Parang may pumipiga sa puso ko na ewan at parang hindi ako makahinga.
Sa inis ko ay tumakbo ako paalis at may nabangga pa nga yata akong nakakalat na plastic pero hindi ko na lang ito pinansin. Naiinis akong bumalik sa aking opisina at sa inis ay hindi ko man lang pinansin si Samantha na tinatanong kung ano raw problema ko. Bwisit siya! Nandito siya para magtrabaho hindi para makipaglandian.
Umupo ako sa aking upuan at huminga ng ilang beses hanggang sa mapahinahon ko ang aking sarili. Nang medyo kumalma ako ay itinuon ko na lang ang aking pansin sa aking trabaho. Makalipas siguro ng ilang minuto ay biglang nagbukas ang aking pinto at ilinuwa nun si Earl na ang lapad ng ngiti.
Pangiti-ngiti siya dahil may nakalampungan siya. Inirapan ko siya at sinigurado kong nakita niya ako nang ginawa ko iyon dahil naiinis talaga ako sa kanya.
“Ang ganda pala talaga ng tanawin dito noh. Ang galing din ng pumili ng islang ito dahil sinigurado niya na tago at ligtas dito. It’s a perfect dating place as well.” Napahigpit ang hawak ko sa aking ballpen nang sabihin niya iyon.
Pinipigilan kong huwag magalit sa kanya dahil ayaw ko rin namang ibuking ang aking sarili. Hindi ko na lang siya pinansin dahil magaling naman akong mangdedma ng mga taong katulad niya. Sa sobrang pangdededma ko sa kanya ay parang nag-e-echo na lang ang mga sinasabi at kinukwento niya. Bumalik na lang ako sa katotohanan nang maramdaman ko ang tapik niya sa aking balikat.
“Hey, what are you doing?” nag-aalalang tanong niya at napakurap-kurap na lang ako nang makita kong halos punong-puno ng sulat iyong papel ko.
Putol na rin iyong ballpen na hawak ko kaya agad ko naman itong nabitawan. Nagkaroon ng sugat kunti ang aking palad kaya agad akong tumayo at hinugasan ang aking kamay sa aking banyo. Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Paglabas ko ng banyo ay agad niya akong hinarang at tinatanong kung ayos lang ba ako.
“I’m fine,” matamlay kong sabi sabay linagpasan siya at kumuha ng band aid at tinakpan ang aking palad.
“W-Wait…D-Did I do something wrong? Bakit parang galit ka sa akin?” Hindi ko siya pinansin at tinapon ang ballpen kanina at iyong papel. “Hey, tell me. May nagawa ba akong mali?”
“No,” pagsisinungaling ko.
“I did something wrong. I can literally feel it.”
“Kung gano’n ay bakit ka pa nagtatanong?”
Pinilit niya ako na sabihin sa kanya kung ano’ng problema. Noong una ay nakukulitan ako sa kanya pero nagsisimula na akong marindi sa pangungulit niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko dahil first time kong maramdaman ito.
Hindi ko alam kung paano ko ito id-deal dahil never ko itong naramdaman. Is this what Harper called as jealousy? Kasi ayaw ko ang pakiramdam na ito at pakiramdam ko ay para akong makapapatay ng tao. Ay, wait. Naramdaman ko nga ito noon kay Vaughn noong nalaman ko na hindi na niya ako gusto bilang kaibigan pero ito ay mas malala.
“Stop it!” sigaw ko at natigil naman siya sabay nagulat sa aking sigaw. “Pwede ba kung pumunta ka lang dito para makipaglandian ay umalis ka na lang? Maghahanap na lang ako ng ibang tutulong sa akin.”
Lumabas ako ng aking opisina at hindi ko alam kung saan ako papunta pero namalayan ko na lang na nasa may bandang buhanginan ako at umupo ako roon habang umiiyak. Why am I feeling this? Para akong bata na hindi makuha ang gusto niya. Maya-maya ay nakaramdam ako na may tumabi sa akin pero hindi ko ito tinignan dahil nakasubsob ang aking mukha sa aking braso na nakapatong sa aking mga tuhod.
“Look, I apologize,” rinig kong sabi ni Earl. “To be really honest, I don’t know why you are angry at me. Inisip ko kung ano ang nagawa kong mali nang maalala ko iyong kanina. Hindi ko naman alam na nagselos ka pala roon. Hindi ako nag-a-assume pero wala akong maisip na ibang rason kung hindi iyon lang.”
Hindi ko inangat ang aking mukha dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa ginawa ko kanina. Naramdaman ko na lang na inangat ni Earl ang aking mukha at pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi.
“Don’t look at me. Just go away.” Iwas ko sa kanya pero hinarap lang niya ulit ang mukha ko sa kanya. “Don’t jump into conclusion. Wala akong gusto sa iyo kung iyan ang inaakala mo.” Napatungo ako. “Hindi ko kasi alam kung bakit ako naiinis kanina. I am the jealous type of person. Hindi ko alam pero may tendency ako na maging possessive sa mga taong malalapit sa akin. Siguro dahil wala akong mga naging kaibigan habang lumalaki ako at nasa bahay lang ako palagi. Wala akong nakakausap kung hindi mga katulong at driver lang namin.”
“I understand. Kung gano’n ay hindi ko na uulitin iyong ginawa ko. Now that I know how you are going to react, I will try to avoid these women.” Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang aking noo.
Gumaan naman ang aking pakiramdam at pinahid ko ang aking mga luha sabay napatingin sa kanya. Nginitian ko na lang siya at bigla na lang akong nagulat nang hilahin niya ako at yakapin ng sobrang higpit.
“You are really something, Brielle. Geez. Hindi ko alam kung bakit walang araw na natutuwa ako sa pagiging inosente mo.” Napasimangot naman ako.
“Ano namang ibig mong sabihin diyan?” Narinig ko siyang natawa ng mahina.
“Nothing. Never mind what I said. Sasabihin ko na lang sa iyo kapag talagang na-realize mo na.” Humiwalay naman siya ng yakap sa akin at nagtataka akong napatingin sa kanya.
“Na-realize ang alin?” kunot noong tanong ko.
“Soon. Trust me. You’ll know it soon, amore.” Namula naman ako sa sinabi niya sa akin dahil pangalawang beses na niya akong tinawag ng love.
“Why are you calling me amore?” Ngumisi lang siya at pinisil lang niya ang aking ilong at agad ko namang tinabig ito pero tinawanan lang niya ako. Nakasimangot naman ako sa kanya dahil para niya akong ginagawang bata.
“Ang mabuti pa ay bumalik na tayo. Mamaya ay magtaka pa si Samantha kung bakit bigla ka pang nag-walk out ng gano’n. Sigurado ako na sisisihin niya ako.” Tinulungan naman niya akong tumayo at nakagat ko ang aking ibabang labi nang pinagsiklop niya ang aming mga kamay.
Sabay na nga kaming bumalik sa loob ng gusali na hindi niya binibitawan ang aking kamay. Pero imbes na dumiretso kami sa opisina ay nagtataka ako na dumiretso kami sa isang seafood na kainan dito. Nang tanungin ko siya ay sabi niya na pambawi niya raw sa akin dahil pinaiyak niya raw ako.
Ano ako bata na kailangan ng candy kapag may nagawang masama? Pero kahit na gano’n ay natuwa pa rin naman ako sa ginawa niya. Kaming dalawa lang ang nandoon dahil oras pa kasi ng trabaho kaya halos walang pumupunta rito. Masaya kaming kumain ni Earl at nawala na lang ng parang bula ang inis ko sa kanya.