Chapter 18

2079 Words
Dominus Kinabukasan ay nagising akong nakahiga sa matigas na bagay pero mainit-init. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita kong nakahiga ang aking ulo sa ibabaw ng dibdib ni Earl kaya gano’n na lamang ang aking gulat. Bumalikwas ako ng kama pero hindi ko namalayan na nasa gilid ako kaya bigla akong nahulog at bumagsak ang aking pwet sa sahig. Napa-aray ako at narinig kong nagsisimula na ring magising si Earl at pagbangon niya ay nagtataka siya kung bakit ako nasa sahig. Sapo ko ang aking pwet dahil parang namali pa yata iyong bagsak ko sa sahig. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Tumayo siya sabay tinulungan akong tumayo at dumiretso siya sa banyo upang maghilamos siguro muna. Medyo masakit pa rin iyong aking pwet at iika-iika akong naglakad patungo sa kusina ng aking kwarto upang kumuha ng maligamgam na tubig na aking iinumin. Nang matapos akong uminom ay sakto namang labas din ni Earl at mukhang bago na rin siyang ligo. Wow. Ang bilis lang ha? Akala ko ay parang iyong kagabi na wala nanaman siyang damit kaya ipinagpasalamat ko na nakasuot na siya ng damit ngayon. Nang matapos siya ay agad akong sumunod para maligo na rin. Nang tapos na kaming maligo ay agad kaming dumiretso na dalawa sa dining area upang kumuha ng pagkain. Pagdating namin doon ay nakita ko si Samantha na halos lumaki ang kanyang mga mata na makita kaming magkasama. Napangiti ako at sinesenyasan niya na bakit kasama ko si Earl at bakit sabay kaming pumunta rito? Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang aking pagkain na parang normal na assassin para hindi makahalata si Earl. Nakita ko si Sir Frido at mukhang naintindihan naman niya kaya hindi na lang niya tinuloy ang pagluluto ng aking pagkain. Habang kumakain kaming dalawa ni Earl ay biglang tumayo si Samantha at sinamahan kami sa aming mesa. “Good morning, Ma’am Brielle at Sir Earl! Hindi ko alam na nakarating ka na pala?” tanong ni Samantha sabay upo sa ekstrang upuan na nasa pagitan namin ni Earl. “Good morning too, Sam. Yup, I just arrived last night.” “I see. Where did you sleep last night?” Bakit naman tatanungin ni Samantha ang gano’ng bagay? “Uhm, why?” tanong ko at napatingin sa akin si Samantha. “He slept in my room last night.” Bigla namang naubo si Samantha sa aking sagot na aking ipinagtaka. “What?” gulat na tanong ni Samantha at nakita ko namang hindi mapakali sa kanyang upuan si Earl. “Oo. The same bed as well. Hindi naman siguro masama kasi gano’n naman ang ugali namin ng kaibigan ko ‘di ba?” Nanahimik silang dalawa at hindi umiimik kaya napatingin na lang ako sa kanilang dalawa na may pagtataka. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang nagpaalam na lamang si Samantha at sinabi niyang magkita na lang kami mamaya sa opisina. Nagtataka naman akong sinundan siya ng alis at pagtingin ko kay Earl ay may ngiti siya sa kanyang mga labi. Tatanungin ko sana pero naisip ko na baka kalokohan nanaman ang sabihin niya kaya hindi ko na lang ito tinuloy. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kaming dalawa ni Earl sa aking opisina. Pagdating doon ay nandoon na si Samantha na abala na sa kanyang trabaho. Pero bago pa man ako makapasok sa aking opisina ay pinigilan ako ni Samantha at may sasabihin lang daw siyang importante sa akin. Agad ko namang pinauna si Earl sa loob at sinabing hintayin na lang ako. Pagkapasok na pagkapasok ni Earl sa aking opisina ay agad akong hinila ni Samantha sa malayo na walang tao. Napakunot naman ang aking noo dahil kanina pa siya umaaktong wirdo at hindi ko alam kung ano ang dahilan. “What did the two of you do last night, huh?” pag-iinteroga sa akin ni Samantha. “You mean Earl and me?” Tumango siya ng mabilis. “Wala naman. Nag-usap lang kami at natulog sa iisang kama pagkatapos ay sabay na kaming pumasok dito. Bakit?” “At wala man lang nangyari sa inyo kahit ni minsan? Are you sure?” Tumango ako at nakita kong nakahinga siya ng maluwag sabay naglakad na siya pabalik sa kanyang mesa na akin namang sinundan. “Bakit mo naman nasabi na may ginawa kami kagabi? At saka ano naman ang gagawin namin aber?” Huminga ng malalim si Samantha at muling napalingon sa akin. “Dominus, it’s not normal for opposite s*x to sleep together in the same room with the same bed if you guys are not in a relationship.” Napaisip ako sa kanyang sinabi. “Bakit naman? Me and Vaughn do it all the time since we were kids. Wala namang nangyari sa amin at talagang natulog lang kami. Wala naman sigurong iba iyon kay Earl total ay mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.” Pinatong ni Samantha ang dalawa niyang kamay sa aking balikat sabay napailing. “Dominus, you and Vaughn are childhood friends, okay? Hindi ka gusto ni Vaughn na tulad ng sa isang babae na gusto niyang maging nobya. Gano’n ka rin sa kanya. You treat each other like brothers and sisters. Pero iba kay Earl lalo na at hindi naman kayo magkaibigan na malapit at kailan mo lang siya nakilala. What makes you think that he doesn’t feel anything for you?” mahabang paliwanag niya. “Ano’ng ibig mong sabihin? May gusto sa akin si Earl?” Tumango siya. “H-Hindi naman siguro.” Tinaasan niya ako ng kilay at napasimangot naman ako. “Paano ka naman nakasisiguro? Ikaw, imposibleng wala kang gusto sa lalaki iyan e sobrang gwapo. Imposibleng wala kang maramdaman na kahit ano sa kanya kapag nandyan siya?” tanong niya. “Tulad naman ng ano?” “Na kinikilig ka? Bumibilis ang t***k ng puso mo kapag nandyan siya? O kaya minsan ay kinakabahan ka pa? Tapos kapag kayong dalawa lang sa iisang kwarto ay iniisip mong halikan siya? Excited ka kapag nandyan siya pero kapag malapit na siya sa iyo ay pinagpapawisan lahat ng singit mo.” Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at agad na naglakad papunta sa aking opisina. “N-No. Wala akong nararamdamang ganyan,” sabi ko habang naglalakad ng mabilis. “Oh really? Between the two of us Dominus, who has the most experience when it comes to boys?” Hindi ako sumagot. “Exactly. You can’t lie to me, Dominus. You like him.” “H-Hindi ko sigurado kung tama iyang sinasabi mo pero hindi gano’n ang nararamdaman ko.” Inirapan ko siya at pumasok na ako sa aking opisina kung saan ay nakita ko nanamang umiinom ng kanyang kape si Earl. Bigla ko nanamang naalala iyong sinabi sa akin ni Samantha at napailing na lang ako dahil imposible namang magkagusto ako sa kanya. Mayabang siya, childish, brat, mahilig mang-asar, at spoiled pa siya. Things that I hate about a guy to be exact. There are times that I act I know everything when I am with my friends. Nakaka-gets naman ako ng mga green jokes kaya masasabi ko na hindi naman ako gano’n ka-inosente. Pero never akong magkakagusto sa isang lalaki na halos lahat ng qualities ay na kay Earl na. May tawag sila sa gano’ng term e. Attracted. Tama. Attracted lang ako kay Earl kasi nga gwapo nga naman siya at ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Pero hindi ko siya gusto at hindi ako kinikilig kapag malapit siya sa akin. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at nginitian ko naman siya pabalik. “I really missed your coffee. Pinagtimpla mo siguro talaga ako ng ganito kasi alam mong darating ako noh? You really miss me that much, huh?” tanong niya. You, see? Boastful. Umupo ako sa aking upuan at humila siya ng kanyang upuan para tumabi naman sa akin. Amoy na amoy ko ang shampoo niya at bawat paghigop niya ng kape ay naririnig ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang sikip ng kwartong ito para sa aming dalawa. Hindi ko tuloy magawa ng mabuti ang aking trabaho dahil naiilang ako sa kanyang presensya. “Earl? Pwede bang doon ka na lang umupo sa may sofa dahil medyo nasisikipan ako kapag nandito ka sa tabi ko.” Napakurap naman siya sa aking sinabi at walang salita na tumayo siya sabay umupo sa sofa. Ngayon naman na lumayo siya sa akin ay hindi ko naman mapigilan na sulyapan siya paminsan-minsan dahil hindi ko makalimutan iyong ginawa kong paghawak sa katawan niya kagabi. I was amazed at first because I have never seen a man’s body. Pagkatapos ay gano’n pa ang sasabihin ni Samantha sa akin kaya mas lalo tuloy akong naguguluhan. “Kanina mo pa ako tinititigan?” Napatingin ako sa kanya nang ibaba niya ang hawak niyang magazine at napatingin sa akin. “W-What?” “Pinalayo mo ako kasi nasisikipan ka pero ngayon naman na lumalayo ako ay nakatitig ka naman sa akin. Just tell me if you want my picture, and I’ll gladly give it you.” Inirapan ko siya. “Kaya hindi nawawala ang hangin dito kasi nandito ka. Bakit naman kita tititigan e wala namang magandang titigan sa iyo.” Narinig ko siyang napangisi at bigla siyang tumayo. “Are you sure? Because that is not what you did when you touched my body last night. Sabihin mo nga sa akin Brielle, nahuhulog ka na ba sa akin?” Masama ko siyang tinignan pero ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Kinuha ko ang ruler na nasa ibabaw ng aking mesa at agad siyang pinalo sa kanyang braso na kanya namang iniwasan. Tumatawa pa siyang bumalik sa kanyang upuan at hindi ko na lang siya pinansin dahil alam ko naman na hindi lang siya titigil sa pang-aasar sa akin. Naging abala ako sa aking mga ginagawa na nagawa kong hindi pansinin ang presensya ni Earl sa loob ng aking opisina. Saka ko na nga lang siyang napansin nang bigla na lang siyang mag-inat dahil mukhang naiinip siya. Pati tuloy ako ay nakaramdam ng pagod dahil pagtingin ko sa oras ay malapit na pa lang mag-alas-dose. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at hinimas-himas ang aking kamay dahil nangangawit na ito. “Are you done? Do you want to eat already?” tanong niya at agad naman akong napatingin sa kanya. “Oo. Tara kain na tayo. Kumakalam na rin kasi iyong sikmura ko.” Tumayo na ako at nag-inat-inat at sabay na kaming lumabas ng aking opisina. Habang papunta kami sa mismong dining area ay napalingon na lang ako nang may tumawag sa aking pangalan. Paglingon ko ay nakita ko si Harper kasama si Allan at buhat-buhat niya ang kanilang anak na babae na pinangalanan nilang Hera. Lumapit sila sa amin at agad ko namang kinawayan ang kanilang anak na babae. Napansin ko rin na mukhang buntis ulit si Harper dahil may umbok sa kanyang tyan. Binaba niya si Hera na tahimik lang na nakakapit sa kanyang ama. Agad naman kaming nagyakapan ni Harper dahil matagal na rin siyang umalis ng OA simula ng napangasawa na niya si Allan. “Kumusta ka na? Buntis ka ba?” tanong ko at agad naman siyang tumango ng sobrang saya. Maya-maya ay napadako ang kanyang tingin kay Earl at naalala ko nga pala na siya ang kasama ko. Ipakikilala ko na sana siya kay Harper pero nagulat na lang ako nang mag-man hug silang dalawa ni Allan. Kaya medyo nagulat ako na kilala niya si Allan dahil mukhang close silang dalawa. “Hi, kid,” bati ni Earl kay Hera sabay lumuhod para tumapat sa bata. “Helow poh tito Earl.” Napataas na ang aking kilay nang kilala rin ng kanilang anak si Earl. Napatingin naman ako kay Harper na nagtataka at agad niyang ikinawit ang kanyang braso sa akin. Nagpaalam siya sa kanyang asawa na siya na muna ang bahala sa kanilang anak. Nang makalayo kami ay napalingon siya sa kanila Allan at napatingin sa akin. “Sino siya Dominus?” tanong niya. “Shh. Don’t call me Dominus when he’s around. He doesn’t know that I am the Dominus, and everyone here knows not to call me that when he’s around.” Napa-oh naman siya sabay napatingin kay Earl na nakikipag-usap kay Hera. Nakapagtataka lang na kilala niya si Allan at hindi ko alam na close pa ito sa kanilang anak. Siguro ay hindi ko nga lubos na kilala ang tukmol na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD