Dominus
Makalipas ang ilang araw ay mabilis naman na nakabangon agad ang OA at nakatutuwa na masaya nanaman ang lahat. Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng isang text mula kay Earl na ngayon ang dating niya at sinabi niya na magdadala raw siya ng kanyang damit dahil dito na rin daw siya mananatili lalo na at malayo ang isla sa Italy. Hindi ko ba alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.
Tuwing may text o tawag lang si Earl sa akin ay bumibilis ang t***k ng aking puso at excited ako na ewan. Oo, nami-miss ko siya ng sobra pero itong t***k ng puso ko ay para bang iba at hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Kaninang umaga pa nga ay nang matanggap ko ang text niya na iyon ay ginanahan akong magtrabaho at parang lahat ng gagawin ko ay tama.
Naghanap pa ako ng magandang damit at hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Pinapanuod ko ang mga bata na naglalaro ng bola sa may playground nang bigla namang tumabi sa akin si Samantha. May hawak siyang isang mainit na hot chocolate at binigay niya sa akin ang isang baso na akin namang ipinagpasalamat.
“Ang cute ng mga bata noh? Akalain mong parang kailan lang noong nangyari iyong nangyari sa OA?” sabi niya at napatango naman ako.
“Oo nga. Hindi ko pa rin naman makalimutan ang nangyari at marami pa ang nagluluksa sa atin. Pero nagpapasalamat ako sa inyong lahat dahil nagagawa natin ang makabangon muli.” Sumimsim ako sa aking inumin.
“Ano na ngayon ang balak mo?”
“Ipagpapatuloy namin ni Earl ang paghahanap sa may pakana nito at hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino siya. Marami siyang kinuhang buhay sa akin at hindi ko iyong palalampasin ng gano’n gano’n na lang.” Napahigpit ang aking hawak sa aking baso.
“Ay oo nga pala, Dominus. Nasaan na pala iyong mayabang na ahenteng iyon? Alam niya ba ang nangyari sa atin?” Tumango naman ako.
“Oo. Tinawagan niya ako kagabi para kumustahin. Sinabi rin niya kaninang umaga na ngayon ang dating niya dahil may linakad daw siyang importante kaya nawala siya ng ilang araw.” Napangiti naman ako at pagtingin ko kay Samantha ay may makahulugang ngiti siya. “Bakit ka nakangiti ng ganyan sa akin?”
“Ang sweet naman niya dahil sinasabi niya pa sa iyo na ngayon ang dating niya. Hindi ka naman niya girlfriend para gawin niya iyon pero nagpapaalam pa siya sa iyo. Let me guess, nagsasabi rin ba siya ng good night at good morning sa iyo?” Napaisip ako at naalala ko na ginawa nga niya ito ng dalawang araw na.
“Oo.” Ngumiti naman siya na parang kinikilig.
“Ikaw Dominus lumalandi ka na ha? Akala ko ba ay nayayabangan ka sa tukmol na iyon?” Napailing naman ako sa kanyang sinabi sa akin.
“Bakit? Masama ba na magsabi siya ng good morning at good night sa akin?” takang tanong ko.
“E bakit sinasabihan mo ba ang papa mo ng good morning at good night? O kaya sinasabi mo ba sa kanya lahat ng pupuntahan mo? Hindi naman ‘di ba?” Napaisip naman ako at napagtanto ko na hindi nga namin ginagawa ni Papa iyon.
Minsan nga ay aalis na lang si Papa at dadating na lang na may dalang tennis racket kaya alam ko na naglaro siya. Noong bata ako ay hinahalikan niya pa ako sa aking noo noon bago ako matulog pero ngayon ay hindi na niya ginagawa iyon.
“H-Hindi ba normal iyon?” tanong ko kay Samantha.
“It’s normal if you two are in a relationship. Ang kaso ay halos hindi nga kayo gano’n ka-close para bumati siya sa iyo noh. Kaibigan mo nga na si Sir Vaughn bigla-bigla na lang sumusulpot kapag bibisitahin ka niya ‘di ba?” Napatango ako.
“So? Ano’ng ibig sabihin nun?” tanong ko.
“Hays. Dominus, hindi ko na muna sasabihin sa iyo hanggat hindi tama ang hinala ko. Kapag tama na iyong hinala ko sa inyong dalawa ay saka ko na sasabihin sa iyo.” Napasimangot naman ako at umalis na lang siya na iniwan akong naguguluhan.
Gabi na at katatapos ko lamang kumain ng hapunan. Naisip ko na gusto kong mag-isip-isip kaya naman naalala ko na may swimming pool pala rito pero wala nang gumagamit nito kapag gabi. Naisipan kong doon pumunta total ay tahimik doon at makapag-iisip ako ng mabuti.
Simpleng damit lang ang sinuot ko at medyo nasanay na rin ako na ganito ang itsura ko simula nang lumipat kami rito. Dito kasi sa isla ay kadalasan mainit kaya kailangan kong magsuot ng manipis na damit. Medyo makapal kasi iyong mga damit ko kaya itinabi ko na muna ito at natutuwa ako na may mga damit pala rito na nakahanda na.
Pagkarating ko sa swimming pool ay agad akong umupo sa gilid nito sabay linubog ko ang aking dalawang paa. Napatingin ako sa langit habang nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin para mahanap ko ang may pakana ng lahat ng ito. Alam namin na may black spider tattoo ang mga may gawa nito pero kahit ni isa ay wala pa kaming nahuhuli.
Kahit isa lang sana ang mahuli namin para malaman namin ang lahat ng katotohanan pero hanggang ngayon ay para kaming mga bulag na nangangapa. Nasa gano’n akong pag-iisip nang marinig ko na may nagsalita sa aking tabi. Pagtingin ko ay gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko ang gwapong mukha ni Earl.
Kinusot ko pa ang aking mga mata sabay tinusok ang kanyang braso kung totoo ba na nandito siya ngayon. Narinig ko ang tawa niya at napasinghap na lang ako nang makitang nandito nga siya.
“Kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo kaya naisipan kong tabihan ka na lang. Baka kasi sakaling mapansin mo ako kapag ginawa ko ngayon. Natuwa naman akong nakuha ko nga ang atensyon mo.” Napangiti ako at walang sabi-sabi na yinakap siya ng sobrang higpit.
“Na-miss talaga kita.” Humiwalay na ako sa kanya at napansin ko na nag-iba ang tingin niya sa akin kaya nagtaka naman ako. “May problema ba?”
Umiling lang siya at agad na iniwas niya ang tingin niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ang aking tingin sa mga bituin sa langit. Namuo ng kunting katahimikan sa amin nang maramdaman ko na lang na natalsikan ako ng tubig. Pagtingin ko ay nasa swimming pool na si Earl at inalis niya ang kanyang mga sapatos at damit at lumusong sa tubig.
“Come on. Masarap iyong tubig at hindi malamig kaya masarap ang mag-swimming sa gabi. Halika na.” Tawag niya sa akin at umiling lang ako habang natatawa.
Bigla siyang lumapit sa akin kaya agad ko namang tinaas ang dalawa kong paa dahil baka bigla niya akong hilain pababa. Pero napansin ko na bigla na lamang siyang nawala at nang hanapin ko siya ay wala siya kaya bigla naman akong nag-alala. Tumingin ako sa swimming pool nang bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan at bigla akong hinila kaya nahulog tuloy ako sa swimming pool.
Napaahon naman ako agad at nakita kong halos tumatawa siya ng sobrang lakas at nakasimangot naman akong nakatingin sa kanya. Nang tumigil siyang tumawa ay lumapit siya sa akin at pinagpapalo ko naman siya sa kanyang braso na agad naman niyang sinasangga.
“Bakit mo ako hinila pababa? Wala pa man din akong dalang damit na pamalit o tuwalya.” Ngumiti lang siya.
“Naalala mo ba iyong sabi ko sa iyo na tuturuan kita sa mga hindi mo pa alam? Ito na ang isa roon. Maganda ang mag-swimming kapag hindi planado at saka isa pa malapit lang naman ang kwarto mo rito ‘di ba?” Maang akong napatingin sa kanya.
“Tatakbo tayong ganito papasok? E di nabasa na lahat ng tatapakan natin?” Tumango siyang masaya at bigla akong na-excite.
Nang matapos nga kaming mabasa ay hinila na niya ako papasok kung saan ay halos tumutulo na ng tubig galing sa aming damit. Pagtapak ko sa loob ng gusali ay sinilip namin kung may makakakita sa amin at nang wala ay agad kaming tumakbo kung saan ay halos matawa-tawa kami dahil sa ilang beses na kaming madulas-dulas. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating kami sa aking kwarto na walang nakakakita sa amin.
Pagpasok ay nagtatawanan pa rin kami. Napailing na lang ako dahil hindi ko pa nagawa iyon na para bang may tinatakasan ako na ewan. Nakaramdam ako ng lamig kaya kumuha ako ng tuwalya at binigay kay Earl ang isa. Agad naman niyang ipinulupot ito sa kanyang katawan at dumiretso naman ako sa banyo upang maligo at magpalit.
Nang matapos ay siya naman ang sumunod at binuksan ko naman ang TV para may mapanuod kahit papaano. Nang matapos siyang maligo ay napalingon ako sa kanya at gano’n na lang ang gulat ko nang makita kong nakatapis ang tuwalya niya sa kanyang baywang. Basa pa ang buhok niya kaya may mga butil ng tubig na tumutulo papunta sa kanyang katawan at para akong naestatwa sa aking kinauupuan.
Napaiwas naman ako ng tingin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya nagkunwari na lang akong nanuod ng TV. Kinuha ko ang baso ng tubig na nasa malapit sa akin at agad itong tinungga dahil ngayon lang ako nakakita ng hubad na lalaki. Dumiretso naman siyang kumuha ng kanyang damit sa aking cabinet at napatingin ako sa maganda niyang likod.
Nang humarap siya ay halos lumaki ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Huli na nang iiwas ko ang aking mga mata dahil nakangiti na siyang nakatingin sa akin kaya agad na lang akong napatungo.
“Are you staring at me?” tanong niya at inirapan ko naman siya.
“H-Hindi ah. Guni-guni mo lang iyon.”
“Sigurado ka? Kasi huling-huli kita kanina e.”
Hindi ako sumagot kaya nakita ko siyang napailing pero imbes na magsuot na siya ng kanyang damit ay nagulat na lang ako nang umupo siya sa kama na hindi pa nagpapalit. Hindi ko na talaga mapigilan na mapatingin sa kanyang katawan at fline-flex niya pa ang kanyang mga muscles na akin namang ikinatawa.
“Please tell me you have seen a man’s body before?” Umiling ako. “Kahit sa picture o magazine man lang?” Umiling ako ulit at super nakaka-tempt hawakan ang muscles niya. “Do you want to touch it?”
“T-Touch your b-body?” Tumango siya. “Bakit mo naman ipapahawak sa akin iyang katawan mo? Is this part of your lesson to me?”
“Yes,” mabilis niyang sagot kaya umupo siya sa harapan ko na nakikita ang maganda niyang katawan.
Tumingin ako sa kanyang mga mata at tinanguan lang niya ako kaya dahan-dahan ko namang inangat ang aking kamay. Lumapat ang kamay ko sa kanyang kaliwang dibdib at naramdaman kong matigas ito na parang bato. Sinimulan kong igalaw pababa ang aking kamay hanggang sa dumako ito sa kanyang tyan na may anim na pandesal.
Pinindot ko pa ito isa-isa at bigla na lang akong natawa dahil ang cute pala nito. Nang ibababa ko na sana ang aking kamay papunta sa kung saan ay natatakpan ito ng tuwalya ay bigla na lang akong nagulat nang pigilan niya ito. Napatingin naman ako sa kanya at napailing siya na aking ipinagtaka.
“It’s not time for you to know that yet.” Napatango naman ako kaya inagaw ko na ang aking kamay sa kanya. Nagsimula na siyang magpalit nang may maalala akong itanong sa kanya.
“Ikaw? Nakahawak ka na rin ba ng katawan ng babae?” Napalingon siya sa akin at napangiti.
“Ano sa tingin mo?” Napasimangot naman ako dahil sinagot niya ng tanong iyong tanong ko.
“Paano ko malalaman kung hindi mo aayusin ang pagsagot mo?” Inirapan ko siya at bigla naman siyang natawa ng mahina. “Damot,” sabi ko sa kanya at naramdaman ko na lang na pinisil niya ang kaliwa kong pisngi.
“I like how innocent you are. It’s so new to me.” Ngumiti siya. “Let’s sleep. Marami pa tayong gagawin bukas.”