Chapter 16

2089 Words
Dominus Nakasakay kami ngayon sa isang malaking barko kung saan ay patungo ito sa nasabing isla. Nakatayo ako sa mismong deck ng barko habang nakatingin sa malayo at inaalala ang mga nangyari kanina. Muli akong napaiyak nang bumabalik sa aking isipan ang mga katawan ng mga taong tinuring kong pamilya. Nayakap ko ang aking sarili at umiyak ng tahimik nang maramdaman ko ang yakap ng aking ama. Wala siyang salitang binigkas bagkus ay hinaplos lang niya ang aking likuran habang umiiyak ako sa kanyang dibdib. Ang tahimik kong pag-iyak ay agad na napalitan ng malakas na paghagulgol at hinayaan lang niya akong gawin iyon. Nang tumigil ako kaiiyak ay umupo kami sa isang upuan habang nakatingin sa malayo at iniisip kung ano ang mga nangyari kanina. Iyong pagsabog, iyong mga nawalan ng buhay, iyong mga hagulgol at iyak nila, at pati na rin iyong pamamaalam ng isang Magestra sa akin. Lahat iyon ay hindi ko makalimutan at para lang itong movie na paulit-ulit na tumatakbo sa aking utak. Naramdaman ko naman ang paghawak ng aking ama sa aking kamay ng mahigpit. Napatingin ako sa kanya at isang tipid na ngiti ang pinakita niya sa akin sabay muli akong umiyak at inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat. “Dad, hindi ko ho alam kung paano ko ho sila haharapin. Hindi ko masasabi ang mga salitang patawad dahil alam ko na walang kapatawaran ang aking ginawa.” Hinarap ako ng aking ama. “Hindi ko hihingin na patawarin mo ang sarili mo at hindi ko rin hihingin na hindi mo ito isisi sa sarili mo, anak. Masakit ang mga nangyari pero gusto kong dito ka humugot ng lakas para harapin ang nasasakupan mo. Marami ang magagalit pero higit sa lahat ay ikaw ang kailangan nila ngayon. “You can cry in front of them if you want to. You can show your pain to them. Show them that you are there for them. Show them how lonely you are not as the Dominus, but a normal person who grieves for the death of her family.” Napatingin ako sa aking ama at pinahid ang aking luha sabay tumango ng ilang beses. Yinakap niya ako ng sobrang higpit at sinabi sa aking sarili na kailangan kong maging malakas para sa kanila. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa nasabing isla. May sumundo sa amin na isang sasakyan papunta roon. Nang nakarating na kami ay agad kong nakita ang isang lugar kung saan ay may mga ginagamot dahil sa mga natamo nilang sugat. May mga bata at matanda at pagtingin ko sa isang sulok ay nakita ko si Allan na may benda sa kanyang ulo at ginagamot siya ng isang nurse. Agad naman akong lumapit sa kanya at nang makita niya ako ay tipid lang siyang napangiti at napatango naman ako. “Dominus, may sugat ho ba kayo para magamot ho namin kayo agad.” Umiling ako sa nurse at ang unang hinanap ng aking mga mata ay ang pamilya ng namatay kong Magestra. Nang makita ko sila ay akmang lalapit ako sa kanila nang pigilan ako ng aking ama. Ngumiti lang ako at tinapik ang kanyang kamay sabay tumango at agad naman niyang binitawan ang hawak niya sa akin. Nang makalapit ako sa kanila ay nakita kong ayos lang naman ang dalawa niyang anak na babae at may natamong sugat ang kanilang ina sa kamay. “Mrs. Sanchez,” sambit ko. Nang makita nila akong nakatayo ay agad akong lumuhod para pantayan sila at may hinugot ako sa aking bulsa na isang singsing. Binigay ko ito sa kanyang asawa at nang makita niya ito ay agad siyang naluha at agad na yinakap ang kanyang mga anak. Naiyak na rin ako at agad na yumuko upang humingi ng tawad. “Patawarin niyo ho ako dahil hindi ko ho nagawang iligtas ang asawa niyo.” Humagulgol ako at wala akong paki kung magmukha akong tanga sa harap nila. Naramdaman ko naman agad ang paghaplos ni Mrs. Sanchez sa aking buhok at pinatayo ako na aking ipinagtaka. “Dominus, iha, hindi mo kailangang humingi ng patawad sa akin dahil alam kong wala kang ginawang masama. Bringing me this little remembrance from him is already enough.” Umiyak ako. “Bakit ang bait niyo po? Bakit hindi po kayo magalit sa akin? Bakit ayaw niyo po akong sisihin sa lahat ng nangyari?” tanong ko habang umiiyak. Umiling siya at naramdaman ko ang yakap niya na aking ikinagulat. “I can’t blame you for something you did not do. Carrying all of these deaths on your shoulder is already so much for you for me to be blaming all of this to you. You did so much for our family, to all of us here, and blaming you would be the last thing I would do. In fact, I want to say thank you.” Humagulgol ako at agad ko siyang yinakap ng sobrang higpit dahil pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang kapatawaran niya. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang kahit na anong kapatawaran ng kahit ni sino sa kanila dahil ako ang may sala nito. Nang matapos kaming mag-iyakan ay tumayo ako at tumingin sa aking buong kapaligiran kung saan ay nakatingin silang lahat sa akin. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. “F-For those who want to blame me, I would accept your anger. I would accept your rants. Don’t think me as your Dominus because this is all my fault, and I was not a good leader for all of you. I’ve let you down many times, and it’s okay if you will not forgive me.” Umiyak ako nang may tumayong isang babae na kasing edad ni Ms. Thorn. “We are a family, Dominus. I think you have done enough for all of us. Yes, there are a lot of loss and deaths today, but I would not blame it to the person who helped us. We don’t need you to feel sorry for us or for yourself because you didn’t do anything wrong,” sabi niya na naluluha. “I know that you are angry, in pain, you feel like giving up, confused, and so are we. Family has losses too. We cry, but we move on because we know that they are in a better place now. We need you to fight for us Dominus because you are the most incredible leader OA has ever had.” Napangiti siya sa akin. Pagtingin ko sa mga tao ay tumatango sila at nakangiti sila sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako pero tama sila. Hindi ito ang panahon para maging mahina at manisi dahil ito ang panahon na kailangan kong pabagsakin ang mga taong may gawa nito sa aking pamilya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko sila nahahanap at oras na makita ko sila ay sisiguraduhin ko na lahat ng aming mga paghihirap ay mapapalitan ng ginhawa. Nang araw din lang na iyon ay isa ako sa mga umasikaso sa mga nasugatan. Nagpadala na rin ako ng maraming pagkain para sa mga bata at pinahanda ko na rin ang mga kwarto kung saan sila pwedeng manirahan pansamantala. Natutuwa ako na kahit papaano ay halos lahat sila ay may sugat o galos lang. Wala namang may malalang kalagayan kaya mabilis lang naming nagamot ang mga iba pa. Sinigurado ko rin na nache-check up sila kada oras para makita kung may mga iba pa silang karamdaman na hindi pa nagpapakita. Pawis na ako at medyo magulo na ang aking buhok nang lapitan ako ng aking ama. “Good to see you are okay baby girl. A little bit unclean, though.” Napasimangot naman ako at natawa lang siya ng mahina. “Maliligo na ho ako mamaya. Hindi ko lang ho kasi maatim na makita silang ganito kaya kahit ang panggagamot man lang ang magawa ko muna sa ngayon. May balita na ho ba kayo kung may buhay pa pong naiwan sa OA?” Huminga siya ng malalim. “All of the people there are already dead. I also heard that the ambulance, the police, and the media are already there. Looks like we are going to make the headlines and the television soon.” Tumango naman ako. “Pero huwag kang mag-alala dahil ako na ang gumawa ng paraan dahil alam kong marami ka pang ginagawa.” “Thank you, Dad.” Ngumiti lang siya at umalis. Inaayos ko ang mga gamit na panggamot ko nang marinig ko ang sigaw ni Samantha at halos matuwa ako na makita ko siya. Agad naman niya akong yinakap ng sobrang higpit at umiyak na parang bata na ngayon lang niya nakita ang kanyang ina. “Oh my…buti naman at ayos ka lang Dominus. Wala ka bang sugat? May galos ka ba? Paano ka nakatakas ha? Kumain ka na ba? Ano’ng nangyari sa iyo? Ang dogyot mo na.” Natawa na lang ako sa kanya at napailing. “I am fine, Samantha.” Napalabi naman siya at bigla akong pinalo sa aking braso. “Sa susunod huwag ka nang magpapaka-hero naiintindihan mo? Alam mo bang pinag-alala mo ako at akala ko ay mawawalan ako agad ng boss.” Natawa lang ako sa kanya habang hinihimas ang pagkakapalo niya. “Huwag ka ngang tumawa dahil seryoso ako.” “Pasensya ka na kung pinag-alala kita pero ayos na ako. Promise. Wala akong kahit na anong sugat kaya hindi ka pa mawawalan ng boss.” Napangiti naman na siya at muli niya akong yinakap. Nang matapos kami sa pagliligpit ay naligo na ako sa aking kwarto dahil kanina pa ako kinukulit ni Samantha na maligo dahil ang dumi ko na raw. Nang tumama sa akin ang maligamgam na tubig ay napapikit na lang ako sa sarap at agad na lininisan ang aking katawan. Nang matapos ako ay agad na akong nagpalit at lumabas upang hanapin ang dining area. Medyo nakakahilo rin pala ang lugar na ito dahil hindi siya katulad sa gusali namin na patayo ito at may elevator at hagdan. Ang buong isla ay pahaba kung saan ay maraming mga puno at mga maliliit na bahay na bulletproof. Hindi lang iyon dahil may underground rin na facility ito kung saan ay nandoon ang meeting room, mga kwarto para sa bawat pamilya, gym, dining area at marami pang iba. Kung sinuman ang architect ng islang ito ay super galing ng pagkakagawa dahil may isa rin itong bulletproof na shield kung saan ay para siyang cover para maprotektahan ang buong isla. Sa mismong ilalim ng isla ay napapalibutan kami ng isang klase ng bakal na hindi pwedeng pasabugin o sirain hanggat hindi ang Dominus ang nag-utos. Safe na safe kaya pala ginawa itong evacuation island dahil sobrang tibay nito kaysa sa mga gusali ng OA. Nang mahanap ko ang nasabing dining area ay nakita ko ang aking ama na tinatawag ako upang kumain. Umupo ako sa kanyang harapan at agad niya akong binigyan ng pudding na aking paboritong pinapapak dahil ang sarap ng pagiging malambot at matamis nito. I have a sweet tooth, so I love chocolates and any sweet food. “Meron pala silang ganito? Ang akala ko ay puro seafood lang dahil malapit nga tayo sa dagat,” sabi ko sa aking ama. Nagsimula na akong kumain hanggang sa maubos ko ang aking pudding. Pagkatapos naming kumain ay mabilis akong bumalik sa aking kwarto nang bigla na lamang akong nakatanggap ng tawag kay Earl. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at bumilis ang t***k ng aking puso. Pumasok na muna ako sa aking kwarto bago ko ito sinagot. “Brielle, are you okay? Sh*t! I heard what happened from the office.” Napangiti naman ako. “We are all fine. Nandito na kami ngayon sa Rogue Island at katatapos ko lang ang kumain. Ikaw nasaan ka na?” Narinig ko siyang napabuntong hininga na para bang gumaan ang kanyang loob na malamang ayos lang ako. “I’m here in London. May tinatapos lang ako at mukhang mapapaaga ang aking dating. Baka sumunod ako riyan oras na matapos ko ito. Don’t miss me too much, okay?” Napairap naman ako sa hangin. “Mayabang.” Natawa lang siya ng mahina. “Anyway, I just called to see how are you. Glad to hear you are okay. See you soon, amore.” Binaba na niya ang tawag at halos lumaki ang aking mga mata nang marinig ko ang tinawag niya sa akin. Amore is the Italian word for love, and he just called me love. Bakit naman niya ako tatawaging amore?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD