Dominus
Abala akong nakatingin sa mga papel na aking natanggap nitong nakaraang isang buwan. Simula kasi noong malaman ng lahat ang ginawa kong emergency meeting ay marami na agad ang nagbigay sa akin ng kanilang resignation letter. Hindi ko naman sila masisisi dahil kaligtasan nga naman dapat nila ang kailangang unahin nila.
Pero pakiramdam ko ay imbes na sumikip ang isla sa gagawing evacuation ay sa tingin ko luluwang na ito sa dami ng mga umalis. Napaangat ang aking tingin nang pumasok si Earl sa aking opisina ng wala man lang katok. At talagang hindi man lang siya nagpalit ng kanyang damit pantulog dahil nakasuot pa siya ng pink na pajamas.
Mukhang kagigising pa lang niya dahil humihikab pa siya at nag-iinat. Dito siya nakitulog kagabi dahil super dami ng ginawa namin kahapon na nakiusap siyang makitulog dito. Kumuha siya ng kape sa aking coffee machine kung saan ay paborito niya itong gawin.
Napansin ko na mahilig siyang uminom ng kape kapag nag-iisip o may bumabagabag sa kanya. Pero kadalasan ay umiinom siya pagkagising niya sa umaga at bago matulog kung saan ay pure na black coffee ang palagi niyang kinukuha. Napailing na lang ako dahil bakit parang memoryado ko kung kailan at kung ano ang kape na gusto niya.
“Good morning. Busy ka agad sa umaga ah,” puna niya sa akin at ngumiti lang ako na hindi inaangat ang aking tingin sa kanya. “Ano iyang ginagawa mo?”
Lumapit siya sa akin at namalayan ko na lang na nasa tabi ko na siya at nakikitingin sa aking ginagawa. Napatingin ako sa kanya dahil bukas ang dalawang butones ng kanyang suot na damit at nasisilip ko ang kanyang matipunong dibdib. Sumimsim siya ng kanyang kape at halos makita kong gumalaw ang kanyang adam’s apple nang lumunok siya. Napaiwas na lamang ako ng tingin bago pa niya makita na nakatitig ako sa kanya at umandar nanaman ang kayabangan niya.
“Ang dami pala agad nagbigay ng resignation letter nila? Are you okay with that?” Nagkibit balikat ako sabay itinuloy ang aking ginagawa.
“Medyo disappointed ako kasi mawawalan ako ng mga assassin pero kasabay naman nun ay mas uunahin pa rin naman namin ang kapakanan nila. Hindi naman namin sila pwedeng mapilit kung ayaw nilang mapahamak lalo na at hanggang ngayon ay super kunti lamang ng alam natin sa kanila.” Tumango-tango naman siya.
“I see. Speaking of them, I will not be back here for a week.” Agad namang napaangat ang aking tingin sa kanya.
“A week? Bakit super tagal naman yata?” Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.
“Bakit? Mami-miss mo ba ako?” tanong niya at tumango nga ako na ikinagulat niya. “Hindi ba dapat dine-deny mo na nami-miss mo ako?”
“Why? E totoo naman na mami-miss kita kasi wala akong makakausap, walang mayabang na aaligid-aligid sa akin, walang uubos ng kape ko, at saka walang susulpot na lang sa pinto ko na parang kabute kada umaga.” Lumapit siya at humila ng upuan sabay tumabi sa akin.
“You are so innocent you know that?” sabi niya at napangiti naman ako sa kanya. “Have you ever kissed a guy before?” tanong niya.
Natigil naman ako sa aking ginagawa sabay napatingin sa kanya at mataman siyang nakatitig sa akin. Umiling naman ako bilang sagot at iniwas ang aking tingin dahil nakita ko siyang parang seryoso sa tanong niya.
“Well, I never had any experience with a guy before. Iilan lang ang kaibigan kong babae tapos may kaibigan nga akong lalaki pero ang turingan namin sa isa’t isa ay parang magkapatid. Kung hahalikan man niya ako ay sa pisngi lang pero alam ko na walang malisya iyon dahil may nobya siya,” sagot ko.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nawiwirduhan siyang nakatingin sa akin pero natutuwa rin siya sa akin.
“Do you want to try?” Gulat akong napatingin sa kanya.
“Bakit ko naman gugustuhin na subukan na humalik sa isang lalaki? Hindi naman siguro ako mamamatay kapag hindi ko iyon ginawa ‘di ba? I mean, is that a requirement?” Natawa siya at bigla naman akong napasimangot. “Ano ba’ng nakatatawa? Totoo naman ‘di ba? Is it a must to kiss a guy?”
“No. But you are missing a lot of your life, if you are not going to do that. How about having a crush? Partying at night until you get drunk? Or do weird things you’ve never done before? Like, uhm, stealing a candy at a store? Playing at a park? Going to the beach to have swimming? Do barbecue with your friends? Or have a slumber party?” Lahat ng tanong niya ay umiling ako dahil wala pa akong na-try ni isa sa mga sinasabi niya. “Geez. You are so out of this world. Are you serious?”
Tumango ako at medyo nag-aalala dahil kailangan ba talagang gawin ko lahat ng iyon?
“What is a slumber party?” Maang siyang nakatingin sa akin at napapailing na lang sa akin kaya napasimangot tuloy ako. “Marami rin naman akong alam tulad ng kumain sa mga fast food chain at—uhm…” Napalunok ako dahil wala na akong masabi na pwedeng gawin.
“Wow. You are something. Okay. Alam ko marami kang ginagawa at prinoproblema pero oras na bumalik ako sa susunod na linggo ay gawin natin lahat ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa.” Napangiti naman ako sa kanya at bigla akong nakaramdam ng excitement sa sinabi niya.
“Really?” excited kong tanong at tumango naman siya.
Napatingin naman siya sa kanyang relo at agad na nagpaalam dahil kailangan niya pa raw magpakita sa kanilang opisina. Tumayo na siya at sinabi niya na magkikita na lamang daw kami sa susunod na linggo. Bago siya lumabas ay bumalik siya sa akin at muli niya akong hinalikan sa aking pisngi tulad ng ginawa niya sa hospital.
Paghalik niya ay nandoon nanaman iyong spark na nararamdaman ko tuwing nagdidikit iyong mga balat namin. Pagkaalis niya ay muli nanaman akong napahawak sa aking pisngi at para akong tanga na ngumingiti ng mag-isa. Nagulat na lang ako nang makita kong nakatayo na pala si Samantha sa aking harapan at wirdong nakatingin sa akin.
Agad naman akong nagseryoso at napaayos ng upo sabay tumingin sa kanya ng diretso. May binigay siya sa akin pero imbes na tanungin ako ay may makahulugan siyang ngiti at nagpaalam na lang sa akin. Pagkasara ng pinto ay napailing na lang ako dahil para akong baliw na ngumingiti ng mag-isa.
Nang gabi na iyon ay hindi ko na nakita si Earl at aaminin ko naman na talagang nasanay na ako sa presensya niya. Papunta ako ng dining area nang makita ko ang personal chef ko na si Sir Frido. Siya ang nagluluto ng aking pagkain at may diet akong sinusunod kaya kapag luto na ang pagkain ay kinukuha ko na ito sa mismong dining area.
“Hello, Dominus. Iyong usual po ba?” tanong niya at tumango naman ako.
Agad naman akong umupo sa isang reserved na mesa na para sa akin lang habang pinapanuod ko ang mga assassin na masayang nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Habang wala pa ang aking pagkain ay nag-browse na lang muna ako sa aking cellphone at binuksan ko iyong f*******: ko. Hindi naman ako ignorante pagdating sa mga social media kaya kahit papaano ay may alam din naman ako sa mga ganito.
Kapag dumating si Earl next week ay tatanungin ko kung may sss ba siya para maging friends naman kami. Saktong tinago ko ang aking cellphone at nakita ko si Sir Frido na papunta na rito habang dala ang aking pagkain nang bigla na lamang kaming nakarinig ng pagsabog na halos yumanig sa buong gusali ng OA. Nag-ring ang mga emergency bell at nagsimulang mag-panic at magtakbuhan ang iba kaya agad naman akong napatakbo at sumilip. Muli akong nakarinig ng isa pang pagsabog at halos mapakapit ako sa hamba ng pintuan nang lumapit sa akin si Samantha.
“Samantha, what the hell is happening outside?” tanong ko sa kanya.
“No time for explanation, Dominus. We need to go and evacuate as soon as possible!” Hila niya sa akin at nakarinig kami ulit ng isang pagsabog at halos makita ko ang pagsira ng bawat parte ng gusali ng OA pati ang mga ilang assassin na tumatakbo palayo sa pagsabog.
Parang slow motion ang nangyayari sa aking paligid na sunud-sunod ang mga pagsabog at halos makita ko pa ang mga ibang assassin na tumatakbo at umiiyak. Bigla kong naalala ang aking ama dahil hindi ko siya pwedeng iwan dito. Kailangan kong malaman kung ayos lamang siya dahil siya na lang ang taong kasama ko at ayaw kong pati siya ay mawala sa akin.
Magsasama pa sila ni mama pero huwag muna ngayon. Agad akong humiwalay kay Samantha at kinuha ang isang baril na nakakalat upang hanapin ang aking ama. Napatingin sa akin si Samantha at bigla akong pinigilan.
“Where are you going, Dominus?” tanong niya sa akin.
“Samantha, go and help the others and evacuate this place. Bilisan mo habang marami pa ang mga assassin na pwede mong iligtas. I need to go look for my father. I can’t leave here without him.” Kinuha ko ang susi ng evacuation island at agad na binigay ito sa kanya.
“B-But—” Umiling siya habang umiiyak at tinapik ko lang ang kanyang balikat sabay parehas kaming napaluhod nang may pagsabog muli.
“I’ll be fine. I’m the Dominus, right? Trust me and go.” Tulak ko sa kanya at agad naman siyang tumakbo hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.
Naglakad ako sa kung nasaan ang kwarto ng aking ama at halos manlumo ako nang makita ko ang mga kalat na katawan ng aking mga assassin na wala nang buhay. Maya-maya ay nakita ko ang isa kong Magestra na siyang unang kumontra sa akin noon sa una naming meeting. Nasa sahig siya at may nakatusok na bakal sa kanyang tyan at naghihingalo na siya. Agad ko naman siyang linapitan at hinawakan ang kanyang duguang kamay ng sobrang higpit.
“D-Dominus…” sabi niya sa nanghihinang boses. “P-Please…t-take care of my wife…and children.”
Tumango ako ng sobrang bilis nang mapangiti siya sa akin at unti-unti na siyang nawalan ng hininga. Naramdaman ko na lumuwag ang hawak niya sa aking kamay at gano’n na lamang ang iyak ko nang malamang patay na siya. Ipinikit ko ang kanyang mga mata kasabay ng pagtulo ng aking luha.
“I promise,” sabi ko sabay pinahid ang aking luha at kinuha ang aking baril.
Whoever did this to my family will pay. Kinasa ko ang aking baril at galit na galit ako na nagdilim ang aking paningin na halos lahat ng makita kong hindi assassin ay agad kong binaril. Lahat sapol sa kanilang noo at wala akong pinatawad na isa.
Nakita ko ang isang lalaki na palapit sa akin at naubusan ako bigla ng bala nang sipain ko siya sa kanyaang tyan. Kinuha ko ang hawak niyang baril at inubos ang bala sa buo niyang katawan kasabay ng hinagpis at sakit na ginawa nila para sa aking tinuring na pamilya.
Nang makarating ako sa kwarto ng aking ama ay may bigla na lamang sumakal sa akin mula sa likuran. Agad ko siyang siniko at nang akmang tatayo siya ay nakarinig ako ng putok ng baril. Gano’n na lamang ang galak na aking nadarama nang makita kong ayos lamang ang aking ama.
“Why are you still here? You should have gone with the others when they evacuated,” sabi niya.
“I needed to find you as fast as I can. Hindi kita pwedeng iwan dito, Dad lalo na at hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Bakit tayo biglang napasok ng hindi natin nalalaman?” Umiling lamang ang kanyang ama nang dumating ang ilang assassin na may hawak na baril.
“Dominus, Sir Alessandro, are you guys, okay?” sabay kaming tumango at agad na kaming lumabas ng gusali.
Sumakay kami sa isang bulletproof na sasakyan at habang palayo ang aming sasakyan ay muli akong napatingin sa nasusunog na gusali ng OA. Halos lahat ng nandyan na mga assassin na nabawian ng buhay ay ipinapangako kong ipaghihiganti ko kayo. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang may gawa nito.