Chapter 14

2088 Words
Dominus Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko na puti ang kisame ng aking kwarto na aking ipinagtaka dahil alam ko na cream ang kulay nito. Sinubukan ko ang tumayo pero naramdaman ko na lang na may dextrose na nakakabit sa akin kaya agad na akong napatingin sa kabuuan ng kwarto kung nasaan ako. Pinilit kong umupo sa aking higaan pero bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Agad akong napabalik sa pagkakahiga sa aking kama nang narinig kong nagbukas ang aking pinto. Napatingin ako kung sino ito at nakita ko si Papa kasama sina Earl at Samantha na agad na napangiti nang makita nila ako. Agad na lumapit sa akin ang aking ama at hinalikan ako sa aking noo sabay kinamusta kung kumusta na ang aking kalagayan. “How are you, iha?” “What happened?” tanong ko habang sapo ko ang aking ulo dahil nahihilo pa lang ako. “The doctor said over fatigue raw. You’ve been stressing yourself lately that’s why during the emergency meeting you fainted.” Napatingin naman ako sa aking ama at ipinikit ang aking mga mata dahil sa pagkahilo. “I still feel dizzy. Can I drink some water please? Medyo nagugutom na rin ako Pa kaya pwede niyo ho ba akong kuhanan ng pagkain?” Napatingin naman ang aking ama kay Samantha na tumango. Narinig ko rin na sumama na rin si Earl sa kanya kaya naiwan kaming dalawa ni Papa rito. Humila siya ng upuan at agad na umupo sa tabi ng aking kama. Napatingin naman siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ito ng marahan. “Ano po’ng nangyari pagkatapos kong mahimatay?” tanong ko sa aking ama. “Well, everyone felt so guilty for blaming it all on you.” Kung gano’n ay tama nga ako na galit sa akin ang aking mga assassin. “Baby girl, don’t overthink so much. Ginawa mo lang naman ang sa tingin mo ay tama.” “Yes. I did what I think was right but look what happened? Hindi na safe ang OA at hindi ko na rin alam kung ano ang susunod kong gagawin. These people know what we are going to plan, and I’m sure that they also know that we are planning to evacuate already.” Pinilit kong umupo at tinulungan naman ako ng aking ama. “Hindi mo kasalanan ang mga nangyayari ngayon dahil hindi mo naman alam na mangyayari ang mga ito. Nagkataon lang na pinaglalaruan ka ng kung sinuman ang gumagawa ng mga ito.” Umiling ako. “I should have become a better leader. OA is like a family to me already, and I love these people. Sa mga naging taon ko na naglingkod bilang Dominus sa kanila ay pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa posisyong ito dahil mapapahamak lamang sila dahil sa akin.” Naluha na ako at agad namang tumabi si Papa sa akin sabay pinatahan ako at inalo ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak pero linabas ko lahat ng aking mga hinanakit kay Papa at nang mapagdesisyonan ko nang tumigil kaiiyak ay sakto namang dumating sila Earl. Nang maamoy ko ang hawak nilang pagkain ay sobra akong nagutom kaya agad na binigay sa akin ni Earl ang aking pagkain. Nagpasalamat naman ako sa kanya at napangiti siya sa akin sabay sinimulan ko nang lantakan ang aking pagkain. Nang matapos ay nanatili akong nanunuod ng telebisyon sa TV nang mag-ring ang cellphone ni Papa at lumabas naman siya ng aking kwarto. Si Samantha naman ay kanina pa bumalik sa opisina dahil sinabi niya na marami pa siyang gagawin. Kaya naman naiwan kaming dalawa ni Earl dito habang nanunuod ng sports na football. Nakatutok nga ako sa TV pero lumilipad naman ang aking diwa sa kung saan. Napatingin na lamang ako sa bintana kung saan ay palubog nanaman ang araw. Patapos nanaman ang isang araw pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong magandang nagagawa para sa aking nasasakupan. “Hey.” Napalingon ako kay Earl na nakatungo habang nakaupo na siya sa upuan kanina ni Papa. “I would like to apologize for stressing you like this. Masyado ka yatang nagulat sa mga sinabi ko kanina kaya ka nandito ngayon.” Napailing naman ako. “No. Wala kang kasalanan doon dahil kung tutuusin ay dapat pa nga akong magpasalamat sa iyo dahil marami ka nang nalaman sa kalaban namin kaysa sa amin.” Tumayo siya at umupo sa gilid ng aking kama at nakita kong napangiti naman siya sa akin. “I’m sure that Dominus is facing a lot of problems right now.” “Our Dominus is facing a lot of stress lately. Hindi man niya pinapakita iyon sa amin ay alam kong namromroblema na siya ng sobra. Dominus is very strong, but there are times that she just wanted to give up and become a normal person. Mahirap din kasi ang trabaho niya na sinasalo niya lahat ang problema. I’m sure she’s been blaming herself for all of this.” Napatungo na lang ako sabay linalaro ang aking kamay. “Hmmm. Pero kung sakaling kilala ko si Dominus at sabihin na natin na kilala ko siya personally. You know, like friends. I would say to her that she shouldn’t be blaming herself because she is not perfect. You make mistakes because in that way you make room for improvement. “Instead of sulking and blaming herself, I would say to her to tell it to everyone that she messed up, but she will do better. That she would become stronger, reliable, and a bad ass.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Maraming magagalit pero at least maiintindihan nila siya at mare-realize nila na, ‘Ay si Dominus tao lang din siya at nagkakamali.’ Napangiti ako sa kanyang sinabi at napatango ng ilang beses. “Thank you for saying that. I’m sure that she would love to hear that from you.” Ngumiti rin siya at tumayo sabay nagpamulsa at nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa aking pisngi. Napatingin naman ako sa kanyang mga mata nang may parang kuryenteng dumaloy ulit sa aking katawan. “Everything’s going to be okay.” Kumindat siya sabay umalis na ng aking kwarto. Ako naman ay nanatiling tulala sa pinto kung saan siya lumabas at napa-hawak na lamang ako sa aking pisngi na kanyang hinalikan. Vaughn kissed me on the cheeks, but I know that he does that because we’re friends. Isa pa kahit naman halikan ako ni Vaughn sa pisngi ay wala akong maramdamang spark o electricity pero noong ginawa ni Earl iyon ay para akong kinikilig na ewan. Nasa gano’ng lagay ako nang bumalik si Papa kaya agad naman akong natauhan at agad na inalis ang pagkakahawak ko sa aking pisngi. Buti na lang at hindi napansin ni Papa na lumilipad ang aking diwa kaya naman bumalik lang siya sa kanyang pagkakaupo kanina. Sa sumunod na raw ay pwede na akong lumabas dahil pakiramdam ko ay ayos naman na ang aking kalagayan. Kailangan ko na ring bumalik sa opisina dahil kailangan ko pang humingi ng tawad sa aking mga assassin. Lumabas na kami ng hospital na nasa loob lang din ng vicinity ng OA pero nakahiwalay ang gusali nito. Ito ang hospital para sa mga assassin na nasusugatan at iyong iba pa nga kung minsan ay dito gumagawa ng himala. Inayos ko ang aking damit na suot sabay tumingin ako sa harapan ng salamin at sinabi sa aking sarili na kaya ko ito. Tulad ng sabi ni Papa at Earl ay hindi naman ako perpekto at hindi ko naman ginusto ang lahat. Pero magiging maayos akong leader at mas pagbubutihan ko pa. Nang pwede na akong bumalik ay sinamahan na ako ni Papa papasok ng OA. Pero pagtapak ko pa lang sa mismong entrada ng OA ay nagulat na lang ako nang makita ko ang mga assassin na nakatayo sa aking harapan at lahat sila ay nakasuot ng kanilang uniporme kapag may misyon sila. Nakita ko na naglakad paharap si Ms. Thorn sabay yumuko. “Welcome back, Dominus,” pagbati ni Tita sa akin. “Welcome back, Dominus,” sabi ng karamihan at hindi ko mapigilang maluha sa kanilang warm welcome. Napatingin ako kay Papa na tinapik ang aking likod sabay tinanguhan kaya naglakad ako palapit sa kanila sabay huminga ng malalim at yumuko rin. Narinig kong napasinghap sila pero ito lang ang tangi kong magagawa para sa kanila. Kahit ito man lang. “I’m sorry that I messed up.” Tumayo na akong muli at kita ko ang iba ay bigla na lang naluha sa aking ginawa. “Hindi ko hinihingi ang kapatawaran ninyo dahil alam ko hindi ako naging magaling na Dominus. Meron siguro sa inyo rito ay mas pipiliin pa ang aking mga ninuno na mamuno sa inyo. Pero pinapangako ko na pagkatapos ng nangyari ay gagawin ko ang lahat para lang malaman ko kung sino ang gumagawa nito sa atin. Maraming salamat dahil nandito pa kayong lahat.” Nagsipalakpakan silang lahat at iyong iba ay naluluha habang pumapalakpak habang ang iba naman ay nagt-thumbs up sa akin at iyong iba ay purong kasiyahan lamang. Yinakap ako ni Tita Vanessa at nagulat na lang ako ng sumigaw sila ng group hug. Natawa na lang ako nang halos lahat sila ay yumakap na sa akin at ito iyong klase ng pamilya na hinding-hindi ko ipagpapalit. Makalipas ang isang linggo pagkatapos ng aming mga nalaman ay nagpatuloy pa rin sa pagtulong si Earl sa amin upang malaman kung sino ang mga kalaban namin. Naghahanda na rin ang iba para sa evacuation na magaganap sa susunod na linggo. Inutusan ko ang aking dalawang Manus Dextra upang tignan ang kalagayan ng Rogue Island. May mga engineers at architect na rin akong pinapunta roon upang magtayo ng isang shield para mas maging protektado ang buong isla. Marami pa kaming gagawin dahil ang isla na iyon ay matagal nang hindi nagamit at ngayon lang ito matitirhan pagkatapos ng ilang siglo. Hindi rin basta-basta ang evacuation na gagawin ko sa buong OA dahil hindi lang naman basta rito sa Italy ang kailangan kong ipunta roon. May New York, Greece, Europe, at marami pang branches ang kailangan pumunta roon. Pinag-aaralan ko ang kabuuan ng isla at nakatutuwa na entrada lang pala ng buong OA ang Rogue Island. May underground facility din ito kung saan ay protektadong-protektado ito sa anumang klase ng bagyo o sakuna. Ayoko mang iwan ang main branch ngayon ng OA ay wala kaming choice dahil anumang oras ay baka sugurin kami ng mga kalaban. Kailangan ay handa kami kaya naman maaga pa lang ay naging abala na ang lahat. Habang abala kami ni Earl sa pag-aaral ng naturang isla ay naalala ko bigla ang aking mga kaibigan. “Kumusta na kaya sila?” Napatingin naman sa akin si Earl at hanggang ngayon tuwing nagtatama ang aming mga mata ay hindi ko makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa aking pisngi. “Sino?” tanong ni Earl sa akin. “Iyong mga kaibigan ko. I have seven friends, but I don’t have any news about them. Although two of them are already resigned, but I never heard anything from them.” Napasimangot naman ako sabay kumuha ng kape sa aking coffe machine. “Kung nami-miss mo sila ay bakit hindi mo sila tawagan? Magkikita-kita rin naman kayo sa Rogue Island ‘di ba?” Tumingin ako sa kanya sabay napabuntong hininga. “We are not that kind of friends who call each other just to ask how are they. Sabihin na natin na dahil sa pagiging strikto ko at magaling magmanipula sa kanila ay napalayo kami sa isa’t isa.” Napakunot naman ang kanyang noo sa aking mga sinabi. “What do you mean? You are friends, but you guys don’t talk to each other?” Tumango ako at naiiling naman siya na parang hindi siya makapaniwala. “Believe it or not. We are very close to each other. Or maybe I am the only one who is not close to them.” Natahimik naman si Earl at binaba niya ang hawak niyang blue print sabay kumuha rin ng kape. “Kung gano’n ay bakit hindi mo sila ipatawag at gawin mong rason ang trabaho nila.” Napailing naman ako sa kanya dahil nakatutuwa na may katulad ako na marunong magmanipula. “I guess I should do that then,” sabi ko sabay nag-cheers kami ng aming kape at para kaming tanga na sabay pang sumimsim sa aming mga baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD