Dominus
“What?” Iyan ang reaksyon nilang dalawa nina Papa at Samantha nang sabihin ko sa kanila ang sinabi ni Earl kahapon.
Napatayo ako sa aking inuupuan at naglakad ng pabalik-balik sa aking opisina habang nag-iisip ng aking gagawin.
“Nagpanggap ka ngang sekretarya ni Dominus kahit na ikaw naman talaga si Dominus para lang maitago iyong identity mo tapos ay ibubunyag mo rin lang pala sa kanya kung sino ka?” tanong ni Samantha. “E di sana hindi ka na lang nagpanggap in the first-place kung gano’n din lang ang gusto niyang kapalit. Ugh! Bwisit na agent na iyon. Gwapo nga siya pero super sama naman ng ugali niya.”
“I don’t think bad attitude is best to describe him,” sabi naman ni Papa at napatingin sa akin. “He’s more like a manipulator like my daughter here. Looks like you found a match baby girl.”
Napairap naman ako at bumalik na umupo sa aking upuan. “What do I do? I need his skills to solve this problem.”
“Wala ba talagang iba na agent na pwedeng tumulong sa atin? Siya lang talaga?” sabi ni Samantha.
“Oo nga, Dad. It’s not like he’s that good. Sigurado naman ako na siya lang ang pinakamagaling na agent dito sa Italy pero hindi sa buong mundo ‘di ba?” Napangiwi si Papa at agad akong nanlumo nang umiling siya. “What do you mean?”
“Look,” simula ni Papa. “Iyong tatay ni Earl na sinasabi ko na pinaka-magaling na agent noong mga panahon namin ay hindi basta-bastang fake news. He’s really the best of the best in the whole wide world. Ang ibang agents galing pa sa America ay pumupunta pa noon dito sa Italy para lang hingin ang serbisyo niya. They would pay him billions for him to solve one case. That’s how good he is.
“It’s like OA. Okay? Maraming assassin organizations diyan sa tabi-tabi na hindi pa natin alam kung sino sila. Pero OA ang dinarayo ng marami dahil tayo ang pinaka-magaling. They trust our skills because they know that we can do a job well done. The same goes with the father of Earl. Hindi ko siya ine-exaggerate na parang kay Sherlock Holmes na super galing mag-solve ng mga cases. No. He’s just good.
“Ngayon kung may anak nga iyong kaibigan kong iyon at si Earl iyon ay masasabi ko na siya ang pinaka-magaling. Kung ayaw ninyong maniwala sa akin ay pwede naman kayong mag-background check sa kanya. He actually helped Jane and Clyde to solve their problem before with the Red Scorpions.” Maang akong napatingin sa kanya. Kung gano’n ay siya iyon? “I’m sorry to bust your bubble baby girl, but he’s the best shot that you’ve got right now.”
Napasandal ang aking ulo sa aking upuan dahil wala akong magawa. I hate it when someone can actually manipulate me into saying yes.
“Fine. Pumapayag na ako sa gusto niya at hanggat hindi natatapos ang problemang ito ay mananatili akong sekretarya ng aking sarili.” It sounds so weird. “Samantha, give him a call right away.”
“On it, Dominus.”
Lumabas na si Samantha at napatingin naman ako sa aking ama na nag-aalala. Inabot niya ang aking kamay sabay tinapik ito ng dalawang beses sabay tumayo at lumabas na rin ng aking opisina. Napahilot na lamang ako sa aking sintido at pinapanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.
Inabala ko ang aking sarili sa mga pagpipirma ng mga reports ng mga ibang branches nang makatanggap ako ng tawag sa aking landline phone. Agad ko naman itong sinagot at gano’n na lang ang aking pagsisisi nang marinig ko ang boses ni Earl sa kabilang linya. May sa baliw yata ang tukmol na ito dahil noong isang gabi na lumabas kami ay okay naman siya. Ngayon ay nagd-demand pa siya.
“Glad your Dominus agreed. Kung gano’n ay pupunta na ako riyan bukas para masimulan na natin ang trabaho. Ipapakita ko na rin sa iyo kung ano ang aking mga nalaman nitong mga nakaraang araw tungkol sa gumugulo sa inyo.” Napakunot naman ako ng aking noo dahil imposible namang may nalaman siya agad.
Nagpaalam na siya at naka-tanga pa rin akong nakatingin sa aking landline habang iniisip kung tama ba iyong narinig ko kanina. Reports lang ang binigay ko sa kanya pero may nalaman na siya agad? Itinuloy ko na lang ang aking trabaho at sinasabi sa aking sarili na nagyayabang nanaman ang taong iyon.
Habang umiinom ako ng aking kape kinabukasan dito sa aking opisina ay halos maitapon ko ang aking kape sa aking damit nang magbukas ang aking pinto at nakita ko si Earl. Agad naman akong napatingin sa kanya ng masama dahil hindi man lang siya kumatok at bigla-bigla na lamang siyang pumpasok. Prente siyang umupo sa upuan at inalis ang kanyang shades sabay may inabot sa akin.
“What is this?” tanong ko sa kanya.
Tumayo siya para kumuha ng kape sa aking coffee machine habang nagsasalita. “Tulad ng sabi ko sa telepono kagabi ay nandyan ang mga ilang mga bagay na nalaman ko tungkol sa gumugulo sa inyo.”
Binuklat ko naman ito at inisa-isang linipat ang bawat pahina na laman ng folder. Napalunok na lang ako nang makita ko na sobrang ayos at detalyado ng mga impormasyon dito. Hindi lang iyon dahil ayon dito ay may mga ilang profile ako ng mga tao ang aking nakikita ngayon sa hawak kong folder. Nagtataka akong napatingin sa kanya na nakapamulsa at sumisimsim ng kanyang kape.
“H-How did you get this?” Ngumiti siya at bumalik na umupo sa upuan.
“Easy. Binase ko lang lahat ng mga iyan sa reports na binigay mo. Aaminin ko na hindi sila madaling hanapin pero ang isang kriminal ay meron at merong iiwan na bakas palagi. They are not those clean workers yet, but I still managed to find them. Though masasabi ko na hindi pa talaga sila ang mismong hinahanap mo. They are just the pawns.” Napataas naman ang aking dalawang kilay sa kanya.
“Pawns? Bitag?” Tumango siya.
“Yup! These people are what we call as distractions. At may napansin pa ako sa mga reports na binigay mo.” Napatingin naman ako sa tinuro niya at agad na binasa ito. “All the assassins that they are being killed are high profile.”
“Veterans,” mahinang sambit ko.
“Correct. Now, this is also bothering.”
“Why?”
Humingi siya sa akin ng isang papel at ballpen at agad ko naman itong binigay sa kanya. May mga ginuhit siya sa nasabing papel at saka pinakita ito sa akin. Nakita ko na nag-drawing siya ng isang gagamba na aking ipinagtaka kaya napatingin naman ako sa kanya.
“Nalaman ko na lahat ng pawns na tinutukoy ko ay may itim na gagamba na tattoo sa likod ng kanilang kamay. We all know that spiders don’t hunt in groups. They like to hunt by themselves, but what if these spiders decided to make a group and make a colony.” Nahilo ako at napailing sa ibig niyang sabihin.
“Well, if that happens then it would be a disaster because spiders have poison that can kill you instantly,” sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin na nasagot ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Holy s**t,” mahina kong sambit at bigla na lang akong napatayo.
“Holy s**t it is. The most concerning part is these people know what you are planning already. Alam nila na oras na ginawa nila ang pagpatay sa bawat assassins ay sigurado sila na ipapasara ninyo ang buong OA.”
“Which I did.” Tumango naman si Earl.
“Hindi ako mind reader pero may matindi silang plano at iyon ang hindi natin alam. I looked up the OA’s history, and I found out that you own an island called the Rogue Island, right?” Tumango naman ako.
“Wait. Are you telling me that I need to evacuate in that island?” Umuo siya at napahilamos ako sa aking mukha. “But how sure are you that these people would come in here? Marami kaming mga armas dito at hindi basta-basta napapasok ang OA. Wala pang nakagagawa nito.” Napahilot na lamang ako sa aking noo nang maramamdaman ko ang paghawak ni Earl sa aking kamay.
“Hey. I know this information are a lot to take in, and it’s impossible it would happen. But this is really happening whether you like it or not. You need to trust me on this, Brielle. Evacuate immediately.” Nagpaalam na siya at agad na lumabas ng aking opisina habang naiwan akong namromorblema.
Lumabas ako at sinabihan si Samantha na magkaroon ng emergency meeting ngayon din. Mabilis akong pumunta sa meeting room at agad na drinawing ang binigay sa akin ni Earl. Habang hinihintay ko ang mga assassins na dumating ay nababahala na lang ako na ewan at hindi ako mapakali.
Isa-isang dumating ang mga assassins at pati si Papa ay nagtataka dahil bakit bigla nanaman akong nagpatawag ng emergency meeting sa kanila. Hinintay ko na munang makapasok silang lahat. Nang makaayos na silang lahat ay huminga ako ng malalim at napatingin kay Papa sabay sinimulang magsalita.
“I would like to let you all know that these past few days, we’ve been studying the events that have been happening in OA lately. We decided to hire the best agent in the whole world, and in the process, we learned something.” Nagtingin ang mga assassins sa isa’t isa.
“Our agent from the Secret Agency of the Government, Earl Ferrer, told me a shocking news. Lately, one of our witnesses, Alessia and Vincent, during a mission was attacked by one of them. They told me that the people who are doing this wanted to bring OA down, and they have a black spider tattoo on the back of their hands.
“These people are killing Veteran assassins to be exact. According to what we’ve learned, they planned to kill the Veterans because they know that once we panicked, we are going to shut down OA temporarily. Which I did.” Narinig ko na napasinghap sila.
“Now it’s only a matter of time before they attack us. Although, we don’t know this for sure, but it is best to plan ahead already. I decided to evacuated in an island for our safety because as much as I would like to say that OA is still safe, I am afraid that it isn’t anymore. I’m sorry.” Nagsimula nang magsalita ang bawat isa at medyo nagkakagulo na.
Gusto kong maiyak dahil akala ko ay ginagawa ko ang tama pero hindi ko alam na linalaro kami ng aming mga kalaban. They are the spiders, and we are the insects in the web. They are waiting for the right moment to attack us before they kill us slowly.
Napapikit na lang ako ng mariin at naiinis ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko ay hindi ko ginagawa ang aking trabaho bilang Dominus. Everyone is expecting me to save them, but who am I kidding? Hindi naman ako Avengers para iligtas ang isang buong siyudad dahil normal lang naman akong tao.
Napatingin ako sa mga assassins na kita sa kanilang mga mukha ang takot at pangamba pero hindi ko man lang kayang pawiin iyon dahil wala naman akong maipapangako sa kanila. Ano ba ang pwede kong gawin para sa kanila? Pero oras na binukas ko ang aking bunganga ay sigurado ako na iiyak lamang sila.
Marami sa mga assassins ay may mga pamilya na at hindi ko man masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Nailibot ko ang aking buong tingin sa buong kwarto at kita ko ang mga nag-iiyakang mga assassins pati na rin ang mga iba na pakiramdam ko ay nagagalit na sa akin. Sa sobrang sama ng aking loob ay bigla na lamang dumilim ang aking paligid at ang huling naalala ko na lamang ay ang pagtawag ng mga assassins sa aking pangalan. Sana naman paggising ko ay malaman ko na panaginip lamang ang lahat ng ito dahil hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang aking mga assassin.