Chapter 12

2110 Words
Dominus Gising na ang aking diwa ng madaling araw pa lang at kahit ano’ng pikit ko ay hindi na ako makabalik sa pagtulog. Umupo ako sa aking kama at pagtingin ko sa aking orasan ay nakita kong alas-dos pa lang ng madaling araw samantalang alas-sais ang gising ko. Ano naman ang gagawin ko sa apat na oras? Kinuha ko ang aking bathrobe at saka sinuot ito sabay lumabas ng aking kwarto. Alam ko naman na tulog na ang lahat kapag ganitong oras kaya ayos lang sa akin ang maglakad-lakad. Napadpad ang aking paa sa isang terrace ng OA kung saan ay tanaw na tanaw ko rito ang kabuuan ng Italy. Pagtingin ko sa baba ay nakita ko ang mga guards na abalang umiinom ng kape at iyong iba ay naggigitara pa. “Can’t sleep?” Napalingon ako at nakita ko ang aking ama na may dalang malaking mug. Umiling ako. “You?” “Same.” Tumabi siya sa akin at parehas namin na tinitignan ang nangyayari sa baba kung saan ay kitang-kita namin ang tawanan nila. Napatingin ako sa aking ama at agad naman niyang inalol sa akin ang kanyang iniinom na kape. Kinuha ko ito at sumimsim ako ng kunti lang bago ko ito binalik sa kanya. “Dad? Noong nakita niyo ho ba si Mama ay ano ang unang tumakbo sa utak niyo at bakit niyo siya minahal?” Natawa naman siya na para bang may naaalala siyang magandang memorya ng aking ina. “Believe it or not, but me and your mom are sworn enemies even before I became Dominus.” Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi kaya sinabi ko na magkwento pa siya. “We are both competitive. Bago ko nakilala ang Tita Vanessa mo ay parehas kami ng pinasukan noon na school simula elementary at high school. Typical rivalry between students only. “Nagpapalitan kami noon ng pwesto sa honor roll. Kapag siya na ang first honor ay ako na sigurado ang second at vice versa naman. Naging gano’n iyon hanggang sa magkolehiyo kami. I hate your mother to the core that I want to win against her. Gusto ko ay ako lang palagi ang first honor dahil pakiramdam ko noon ay natatapakan ang pride ko bilang lalaki kapag nananalo siya noon. “Noong nag-graduate kami ay akala ko hindi ko na siya makikita pero nagulat na lamang ako nang makita kong nagtratrabaho na rin pala siya rito sa OA. When I became the Dominus, your mother was one of my Manus Dextras.” Maang akong napatingin sa kanya. “Yes. Nakakagulat pero hindi na rin nakapagtataka dahil tulad nga ng sabi ko sa iyo ay pareho kaming competitive. “Noong nalaman niya na ako ang Dominus ay halos mamuti noon ang mukha niya dahil hindi niya akalain na sa wakas ay nanalo na rin ako. But little did I know, that she was being competitive with me because she was in love with me before. Ginagawa niya iyon para lang mapansin ko siya at nagtagumpay nga siya dahil isang araw ay nagising na lang ako na mahal ko na siya. We were called the Royal Couple of OA before because they think that the two most powerful people in OA got married.” Napangiti ako sa kwento ni Papa. Parang gusto ko tuloy makita ang aking mga magulang noong kabataan nila dahil pakiramdam ko ay parehas na parehas sila sa kanina Vincent at Alessia. Nag-aaway, nagbabangayan pero mahal naman nila ang isa’t isa. “Dad? Hindi mo ba ako kinamuhian kasi ng dahil sa akin ay nawala si Mama sa iyo?” Nawiwirduhang napatingin sa akin si Papa. “What? No way. When you were born, I must say that I am so sad that your mother left us. Pero hindi iyon naging dahilan para kamuhian kita. Noong lumalaki ka ay para ko lang kasama ang ina mo dahil kamukhang-kamukha mo siya. You are always my baby girl, and I promised your mom that I will protect you no matter what.” Naiyak ako kaya hindi ko mapigilan ang mapayakap sa aking ama. “Thank you, Dad.” Humiwalay ako sa kanya sabay pinahid ko ang aking luha at hinaplos naman niya ang aking likod. “Dad? Hindi ka na po ba naghanap ng iba pagkatapos ni Mama? I mean, you look still young, and I am not stopping you from loving again.” Napatingin siya sa langit sabay napangiti. “Alam mo anak, meron iyong sabi nila na other half mo na kukumpleto sa buhay mo. When I fell in love with your mom, I know that she is already the other one who would complete me. To be honest, after five years that your mom died, I tried dating again. But I never felt the same spark that I felt with your mother. Ever since, hindi na ako naghanap ng iba pa at hihintayin ko na lang na kunin ako ni Lord hanggang sa makasama ko na siya ulit,” paliwanag niya. I can see pure happiness and joy in Dad’s eyes. Habang kinukwento niya si Mama ay alam kong hanggang ngayon na kung anuman ang pagmamahal na pinaramdam niya kay Mama ay hindi ito nagbago. Bagkus ay mukhang mas tumibay pa ito at hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkikita silang muli. “Dad? Ano’ng spark nga po pala iyong tinutukoy niyo?” tanong ko sa kanya. “Oh. It’s where when you touch a person, you can instantly feel this electricity that runs in your body. Nakukuryente ka at imbes na masakit ito ay parang masarap pa ito sa pakiramdam. Once you felt that, you will know instantly that that is the right person for you.” Tipid akong napangiti. Napahawak ako sa aking kamay nang maalala ko iyong pakikipagkamay ko kay Earl at noong time na hinalikan niya ang aking kamay. I felt this electricity all over my body. Iyon kaya iyong tinutukoy ni Papa na spark? But that’s impossible because dad already knows my mom for a very long time before they had their spark. Si Earl naman ay kakikilala ko pa lang at walang posibilidad na siya na iyong the right person for me. Natahimik kaming dalawa ni Papa nang makita namin mula sa malayo ang sunrise at tanda na umaga na. Agad akong nagpaalam kay Papa na kailangan ko nang maghanda dahil marami pa ang gagawin sa ngayon. Naghiwalay na kami ni Papa at pumasok sa sari-sarili naming kwarto sabay naligo at nagpalit na ng damit. Habang papunta ako sa aking opisina ay nakita ko sina Alessia at Vincent na mukhang kababalik lamang nila sa kanilang misyon. Mukhang ayos na rin si Vincent sa mga natamo niyang mga sugat noon. Ngayon ay parang wala namang nangyari sa kanya. Nang makita nila ako ay agad silang kumaway at agad ko naman silang nginitian ng tipid sabay sinabi na sumunod na muna sila sa akin sa opisina. Binati ako ni Samantha at pumasok ako sa aking opisina habang nakasunod naman sa akin ang magkasintahan. Pinaupo ko sila at agad kong kinamusta ang kanilang kalagayn pagkatapos ng kanilang misyon. “We are okay, Dominus. Nairaos naman namin ang misyon salamat sa Diyos at ayos naman na ho si Vincent,” sagot ni Alessia sa akin. “Buti naman kung gano’n. I received your complete reports the other day, and you said that the guy who attacked you has a black spider tattoo?” Tumango naman silang dalawa. “I heard one of them saying that they are planning to bring down OA.” Napatingin ako sa malayo dahil tama nga ang hinala ko sa mga nangyayari. Agad naman akong nagpasalamat sa kanilang dalawa at lumabas naman sila sa aking opisina. Black spider tattoo, huh? Agad ko namang tinawagan si Samantha at sinabi sa kanya na tawagan ang mga may matataas na assassin deaths at tanungin sa kanila kung may nakikita ba silang kakaiba. Agad namang tumalima si Samantha habang nagtipa naman ako sa aking laptop. Habang abala akong nag-iisip habang nakatukod ang aking mga siko sa ibabaw ng aking mesa at nakapatong ang aking ulo sa aking kamay ay nakarinig ako ng katok sa aking pinto. Sinabihan ko siyang pumasok ng hindi man lang tinitignan kung sino ito nang mapaangat ang aking tingin sa pamilyar na boses na aking narinig. “You are in deep thought.” Nakita ko si Earl na aking ikinabigla at napalibot ang kanyang tingin sa buo kong opisina. Hinanap ko si Samantha at pagtingin ko sa aking orasan ay alas-singko na ng hapon kaya sigurado ako na wala na iyon sa kanyang pwesto. Ang bilis ng oras na halos hindi ko namalayan na hapon na pala at tapos nanaman ulit ang isang araw. Nanatiling tumitingin si Earl sa kabuuan ng aking opisina at ipinagpapasalamat ko na walang kahit na anong litrato ng mga dating Dominus ang nandito. Napatayo naman ako kaya naituon na sa akin ang kanyang atensyon. Ngumiti siya sa akin at kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako kinakabahan. “Ano’ng ginagawa mo rito at paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kanya pero linagpasan lang niya ako at tumayo siya sa may malaking bintana ng aking opisina. “You have a nice office here. You know for a secretary.” Lumingon siya sa akin sabay ngumiti at binalik ang pagtingin niya sa labas ng aking bintana. “Well, sinisigurado lang ni Dominus na maganda ang bawat opisina ng bawat sekretarya niya. Uulitin ko ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo rito lalo na at tapos naman na ang oras ng trabaho? We are supposed to meet next week, right?” Humarap siya sa akin at tumayo ng diretso. Hindi niya ako sinagot at tumitig lang sa aking mga mata na aking ipinagtaka. Habang tumatagal siyang tumitig sa akin ay medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Lalo na at nasisinagan ng araw ang gwapo niyang mukha at mas tumitingkad ang kulay ng kanyang mga mata. “Simula kagabi ay iniisip ko ang offer mo sa akin na trabaho at pumayag ako agad ng walang kapalit.” Tinaasan ko naman siya ng kilay. “What kind of compensation do you want, Earl?” Humalukipkip ako at huminga naman siya ng malalim. “Dominus. It’s been said that since the 19th century no one knows what’s the identity of the Dominus. You are being at stake right now because of the problem that you are facing—” “Just cut to the chase, Earl. Ano’ng klaseng kapalit ang gusto mo?” Pigil ko sa pagsasalita niya. “Once I am done with this job, I want to know the identity of the Dominus.” Maang akong napatingin sa kanya at agad na napaiwas ng tingin. “M-May I know the reason why you suddenly wanted to know the Dominus’ identity?” tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya. “I’m just curious. Humans are born curious. Gusto ko lang malaman kung sino ang nagpapatakbo ng buong operasyon na ito. Gusto kong makita kung ano’ng klaseng tao si Dominus.” Muli siyang tumingin sa akin at lumapit. “Oras na pumayag siya ay saka ko lang tatanggapin ng buo ang trabaho. Oras na hindi ay maghanap na lang kayo ng ibang ahente na tutulong sa inyo.” Napakunot naman ang aking noo. “Are you trying to blackmail me, Mr. Ferrer?” Natawa naman siya ng mahina sabay napailing. “No. This is what you call as business proposal, Ms. Sovrano. I will help you with your situation right now, but I will only do that once your Dominus agrees to tell me who he/she is. Simple lang naman ang hinihingi ko Brielle, ‘di ba? Isa pa hindi ko naman ipagkakalat ang identidad ni Dominus oras na makilala ko siya. I assure you that Dominus’ identity is safe with me.” Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. “Is this how you manipulate your clients, Mr. Ferrer? Because as far as I remember, we won’t be able to be working with each other without this crisis. It’s not like you are Sherlock Holmes or something.” “Hmmm. Try me.” “You are a spoiled brat.” “I will take that as a compliment.” Kinindatan niya ako at agad na naglakad palapit sa may pinto. Bago siya lumabas ay napatigil siya. “I will give you a day to talk to your Dominus. Oras na pumayag siya ay alam mo kung saan mo ako tatawagan.” Lumabas na siya ng aking opisina at halos napabuga ako ng hangin na kanina ko pa pala pinipigilan. Tsk! What do I do now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD