Jethro Nandito na ako ngayon sa tapat ng apartment ni Cherry para sunduin siya. Ngayon ang punta namin sa apartment ng kanyang ama. Magandang ideya nga naman iyong naisip niya dahil maaari kaming makakita roon ng mga bakas na maaaring tumulong sa amin sa paglutas ng kaso ni Tito Anton. Maya-maya ay nakita ko na si Cherry na pababa galing sa kanyang apartment. Nginitian ko siya at agad naman siyang tumakbo palapit sa aking sasakyan. Pagsakay niya ay agad ko siyang ginawaran ng halik sa mga labi. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkabalikan na kami ulit. “Good morning, baby,” bati ko sa kanya at nginitian niya lang ako. “Good morning. Tara na?” Tumango ako at nagsimula nang nagmaneho. Minaneho ko ang aking sasakyan at si Cherry ang nagturo sa akin ng direksyon papunta
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books