"Good afternoon, Remus."
"Good afternoon, Mam Toni. May delivery po pala para sa inyo," bungad ni Remus pagdating ko sa harap ng pinto ng opisina ko. Kagagaling ko lang sa isang lunch meeting kasama ang bagong investor na kinausap ni Papa sa isang golf course kamakailan.
"Delivery? Ano ba ang delivery na iyan?" nagtataka kong tanong habang nakahawak ako sa knob ng pinto. I was about to step inside my office ngunit natigil ako dahil sa sinabi ni Remus. Napaisip ako kung paano ako magkakaroon ng delivery, eh, wala naman akong in-order na kahit ano.
"Nasa ibabaw po ng office table ninyo, Mam Toni. Ang sweet naman po ng suitor ninyo, Mam. Ang aga kong kinilig sa totoo lang," sagot niya na may papikit-pikit pa ng mga mata.
"Suitor ka riyan! Wala akong manliligaw, Remus. Ma-issue ka rin talagang babae ka. Wala kang pinagkaiba kay Maverick," nakangiti kong saad habang naiiling.
"Ay, bet ko po ang pagtawag ninyo sa akin ng babae, Mam Toni. Sasang-ayon po talaga sa inyo ang sugay daddy ko kung naririnig lang niya ang sinasabi ninyo. Keep it up po," pagbibiro niya na muli ko lang inilingan.
"Ang kulit mo talaga, Remus," saad ko bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ko.
Kaagad akong lumapit sa office table ko upang tingnan ang sinabi ni Remus na delivery daw. Malapad akong napangiti nang makita ko sa ibabaw ng lamesa ko ang malaking bouquet ng naggagandahang mga bulaklak.
Habang tinititigan ko iyon ay biglang dumaan sa alaala ko ang nangyari sa mansyon nang binigyan ako ni Kuya Rius ng isang bouquet. Napailing ako at bahagyang natawa nang maalala ko ang ginawang kuwento ni Ali na may allergy ako sa bulaklak dahil lang ayaw niyang tanggapin ko ang ibinigay ni Kuya. Hindi man niya diretsong sinabi pero hindi ko maiwasang isipin na nagselos siya noong araw na iyon. Dahil sa naisip ay muli ko na namang naramdaman ang labis na pangungulila ko kay Ali. Wala sa sariling dinampot ko ang bouquet at dinala iyon sa aking ilong.
A smile formed across my lips as the sweet, delicate scents of roses and lilies, mixed with the earthier notes of fresh greenery, created a captivating blend that danced through my senses. Hindi ko napigilang mapapikit nang malanghap ko ang halimuyak na nanggagaling sa mga bulaklak na hawak ko. I deeply inhaled, and let the aroma transport me to a serene garden on a sunlit afternoon. Ngunit bigla akong napamulat nang maalala kong tingnan ang card na kasama ng bouquet upang alamin kung sino ang nagpadala.
To my Forever Baby,
Missing you each passing day.
Babe
Literal na lumundag ang puso ko dahil habang binabasa ko ang maikling mensahe ay ang boses ni Ali ang naririnig ko sa isip ko. I was unable to help myself from thinking that the bouquet was from him. Muli na namang nabuhay sa puso ko ang pag-asang hindi niya ako nakalimutan. Ngunit ang pag-asa at ang sayang naramdaman ko ay dagling nawala nang maisip kong baka kay Castor iyon galing. Tulad nang nangyari noong nagkita kami, baka isang malaking scam na naman ang mangyayari sa akin dahil sa mga bulaklak na nasa harapan ko.
Upang makasiguro ay kinuha ko ang cellphone ko at kaagad na tinawagan si Castor. Ngunit nakailang ring na ay hindi pa rin niya sinasagot ang tawag, so I decided to just cancel the call.
Nasundan pa ang unang delivery ng mga bulaklak ng ilang deliveries pa. At katulad ng nauna ay pagpapahiwatig ng pananabik ang nakasulat sa card. Hanggang sa siguro ay nagsawa na ang nagpadala at tumigil din kinalaunan.
"Mam Toni, it's time to go. Magdadapit-hapon na po, Mam. Tumawag na po si Don Miguel at hinahanap kayo."
Boses ni Alvaro iyon mula sa likuran ko. Kasama ko silang dalawa ni Jimenez sa boulevard. Nakaupo ako sa sementadong sea wall at kumakain ng hot cake habang hinihintay ang paglubog ng araw. It's nearing the summer solstice, the longest day of the year kaya naman unti-unti nang humahaba ang araw kompara sa gabi. Kung sana nandito lang si Ali, siya sana ang kasama ko ngayon.
Si Ali... Kumusta na kaya siya?
Napailing ako. Sinabi ko na sa sarili kong hindi na ako aasa pa na babalik siya. Pero bakit sadyang nahihirapan akong kalimutan siya? Heto ako, the same old Toni. Ang malala pa, dahil sa halip na patayin ang nararamdaman ko para sa kaniya ay mas lalo pa yatang tumitindi sa paglipas ng mga araw. Umaasa pa rin akong babalikan niya ako.
It has been more than two months since he left ngunit kahit isang tawag ay wala man lang akong natanggap mula sa kaniya. Gusto ko siyang tawagan at kumustahin. But every time I had the chance ay pinangungunahan ako ng hiya. Hanggang sa nagkalakas-loob akong tawagan siya, but sadly, hindi na ma-contact ang kaniyang mobile number. Ayaw ko rin namang ipahanap siya sa mga bodyguards ko dahil mas lalong nakakahiya iyon. Ang pinanghahawakan ko na lang talaga ngayon ay ang sinabi niyang babalik siya. Palagi kong ipinagdarasal na sana ay malayo siya sa kapahamakan at ligtas na makakauwi sa akin. Yeah, kahit wala kaming label ay hindi ko maiwasang isipin na akin si Ali, that he belongs to no one else but me. Baliw na talaga siguro ako. Nagmamahal ako ng isang taong ni hindi ko lubusang kilala at ni hindi ako magawang mahalin pabalik.
Pasimple kong pinalis ang luhang naglandasan sa magkabilang pisngi ko bago sumagot.
"Give me a few minutes, Alvaro. Hihintayin ko lang ang paglubog ng araw."
Pigil na pigil kong pumiyok dahil ayaw kong malaman niyang umiiyak ako. Simula nang magtagpo ang landas namin ni Ali ay naging iyakin na yata ako. Ilang araw na akong ganito dahil siguro sa sobra kong pananabik sa kaniya. Mas okay pa noon kahit hindi niya kayang ibigay ang pagmamahal o kahit ang security sa pagitan naming dalawa, ang mahalaga ay nasa tabi ko siya. Masaya na ako roon. At least araw-araw kaming magkasama.
"Sige po, Mam," tanging sagot ni Alvaro.
Naghintay pa ako ng sampung minuto bago ko napagdesisyonang tumayo. Tinulungan niya akong makababa at iginiya pabalik ng sasakyan.
"Jimenez, can we drop by a nearby restaurant? If possible, doon sa paborito kong puntahan. I'll order some dishes for take out."
Ang tinutukoy kong restaurant ay ang pinuntahan naming dalawa ni Ali noong pinag-usapan namin ang tungkol sa kontrata niya. Napakatahimik at private ng lugar na iyon dahil kaunti lang ang pumupunta roon.
"Sige po, Mam. Ako na lang po ang papasok at bibili."
"No. Ako na. Hintayin n'yo na lang ako rito sa sasakyan."
"Pero gabi na po, Mam," sabat ni Alvaro.
"Mahigpit ang security ng restaurant na iyon kaya huwag kayong mag-alala. Siguradong ligtas ako roon," sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse at umaasang sa mga taong naglalakad sa footwalk ay makikita ko roon si Ali.
"Sige po, Mam Toni. Ahm, Mam, tumawag nga rin po pala si Sir Hamilton. Kinukumusta po kayo. Hindi n'yo raw po sinasagot ang tawag at text messages niya."
"Did Jam mention anything about business?"
"Hindi po, Mam."
"Then, there is no reason for me to answer his calls and messages," matabang kong sagot. Kahit kailan talaga itong si Hamilton Vista Alegre ay napakakulit. Dalawang linggo na niya akong hindi tinatantanan. Bagong investor siya ng kompanya ni Papa at simula nang naging parte siya ng board ay para bang anino ko siya kung makadikit. Kung sana ay nandito lang si Ali, sigurado akong hindi niya hahayaang makalapit sa akin ang Vista Alegre na iyon.
Napailing ako. Ali na naman.
"Ah, Mam Toni, kumusta na po pala si Alaric. Babalik pa po ba siya sa trabaho?"
"O--Of course. At bakit naman hindi?"
"Ang tagal na rin kasi niyang nawala, Mam. Gusto n'yo po bang hanapin namin siya? O 'di kaya ay ipa-trace n'yo po."
"No. That's not necessary. Maayos siyang nagpaalam sa akin."
"Ah, ganoon po ba? Sige po."
Hindi na ako sumagot pa. Sa halip ay naisipan kong buksan ang online bank account ko. Gusto kong malaman kung nabawasan ba iyon ng sweldo ni Ali. I issued him a check sa dalawang buwang pagtatrabaho niya sa akin. Nang mabuksan ko ang account ko ay nagtaka ako. Dahil kahit piso ay walang nabawas doon. Isa lang ang ibig sabihin, hindi pa nakukuha ni Ali ang kaniyang sweldo.
"Mam, nandito na po tayo," untag ni Jimenez kaya kaagad akong nag-log out sa app at bumaba ng sasakyan nang pagbuksan ako ni Alvaro. Walang salita kong tinungo ang entrance ng restaurant at kaagad akong nag-order ng pagkain.
Naglalakad na ako patungo ng exit nang bigla akong nadulas dahil sa natapong tubig sa sahig.
As I lost my footing, panic surged through me, the floor looming closer with each passing second. Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig. Yet, just as I braced for impact, a pair of strong arms swooped in, wrapping around me like a lifeline. Pigil na pigil ko ang hininga ko.
In that fleeting moment, as I found myself suspended between gravity and safety, I couldn't help but feel an unexpected surge of relief and gratitude. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko at handa na sanang magpasalamat. Ngunit tila nalunok ko yata ang mga sasabihin ko nang ang mukha ni Hamilton ang aking nabungaran. As his creepy grin spread across his face, a shiver ran down my spine, causing every hair on my skin to stand on end. Hindi ko matagalan ang pagkakadikit ng balat ko sa kaniya kaya kaagad akong umayos ng tayo at bahagya siyang itinulak.
"Ah, m--maraming salamat, Mr. Vista Alegre. I'll go ahead."
"Hey," saad niya sabay hawak sa kamay ko. "Nagmamadali ka yata, Miss Cuizon? May pupuntahan ka pa ba?"
"W--Wala. Naghihintay kasi ang mga bodyguards ko sa harap ng entrance. I need to go. A--Ang kamay ko please."
Wala sa sariling napatingin ako sa harap ng function hall na ilang metro lang mula sa likuran ni Hamilton. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakatitig sa akin mula roon. Nang mapako ang mga mata ko sa parteng iyon ay siya ring pagtalikod ng isang lalaki. Pero kahit maliit na parte lang ng kaniyang mukha ang nakita ko ay alam kong si Ali iyon.
"Ali," pabulong kong saad. "Ali!" Hindi ko napigilang tawagin siya, nilakasan ko ang aking boses ngunit hindi siya lumingon. Sa halip ay ang dalawang kasama niyang babae ang napabaling sa gawi ko. Kaagad kong nakilala ang mga iyon. Sila ang kasama ni Ali sa video niyang napanood ko.
Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit. Hindi ko na namalayang nabitawan ko na ang mga paper bags na may lamang pagkain. Tila libo-libong karayom ang itinarak sa dibdib ko lalo na nang mapagtanto kong hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Ali. So, all this time, habang kinakain ako ng kalungkutan ay nagpapakasaya siya kasama ang mga babae niya. Sila ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Ali ng commitment? Kung bakit hindi niya ako kayang bigyan kahit kaunting pagmamahal?
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng masaganang luha sa mga mata ko. Nakalimutan kong nasa harapan ko pa rin si Hamilton.
"Miss Cuizon, what's the matter? You looked like you've seen a ghost tapos ngayon ay umiiyak ka na. Ano'ng problema?"
"N--Nothing, Mr. Vista Alegre. S--Sige, bye."
Kaagad akong naglakad papunta sa exit. I didn't even bother picking up the paper bags from the floor. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa sahig kapag nagtagal pa ako sa loob ng restaurant.
Pagkakita ko sa sasakyan kong naghihintay sa kabilang bahagi ng main entrance ng restaurant ay malalaki ang hakbang kong tinungo iyon. Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni Alvaro habang nakahawak sa pinto sa likurang bahagi ng sasakyan.
"Mam Toni, may problema po ba? Nasaan po ang mga binili ninyong pagkain?"
Doon lamang ako nahimasmasan at nakapag-isip nang maayos.
What am I doing running away like this? Wala naman akong kasalanan kay Ali. Hindi nga ba at siya ang dapat na may ipapaliwanag sa akin dahil ang sinabi niyang ilang araw lang siyang mawawala ay naging ilang buwan?
Sa halip na pumasok sa nakabukas na sasakyan ay basta ko na lang tinalikuran ang naguguluhang si Alvaro at muli akong bumalik sa loob ng restaurant habang pinapahid ang luha ko gamit ang aking kamay.
"Mam, ang mga paper bags n'yo po pala." Narinig kong saad ng guard.
"Sa inyo na po iyan, Sir," sagot ko na hindi lumilingon.
Isa lang ang nais kong mangyari. Ang pumasok sa loob ng function hall kung saan nakita kong pumasok si Ali at ang mga babae niya.
"Mam, may I help you with anything po."
"Nope. Pupuntahan ko lang ang boyfriend ko sa loob ng function hall na iyan," sagot ko sa receptionist sabay turo sa function hall na pakay ko.
"Oh, I see. Pwede ko po bang hingin ang pangalan ng taong pupuntahan ninyo?"
"What?"
"Hindi po kasi pwedeng basta-basta na lang po kayong papasok, Mam. Kailangan ko pong ipaalam dahil may private meeting pong nanggaganap sa loob ngayon."
"Private meeting or mating?" nakataas ang isang kilay kong sagot. Nakaramdam ako ng inis dahil sa kahigpitan ng policy ng restaurant. But what can I do? Policy nila iyon.
"Alright," ang sumusuko kong sagot. "It's Alaric Almirante."
"Sige po. One moment."
Dinampot niya ang telepono at may kinausap. Bahagya niyang inilayo ang receiver at binalingan ako.
"Mam, wala raw pong Alaric Almirante sa loob."
"That's ridiculous. Can you please ask again?"
"S--Sige po."
Muli niyang kinausap ang nasa kabilang linya. Nang natapos siya sa pakikipag-usap ay kaagad niyang ibinaba ang telepono.
"Mam, wala raw po talaga. Pero kung gusto raw po ninyo ay pwede raw po kayong pumasok sandali, so you can see for yourself."
"Aright, then I'll go ahead and check. This won't take long," I confidently said and left in an instant. Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Pagdating ko sa front door ng function hall ay may lalaking nakatayo sa labas na tila ba hinihintay ako. Nakasuot siya ng black suit at black leather shoes. He looked like some kind of agent sa mga Hollywood films. He had this intimidating aura.
"Good evening, Sir."
"Good evening, Mam. Come in."
Nagulat ako sa kaniyang bungad sa akin.
"Ahm, sisilip lang ako sandali. May hinahanap lang kasi ako."
"Alright," sagot niya at bahagyang binuksan ang pinto.
Kaagad akong sumilip. May roon ngang tila business meeting na ginaganap sa loob. Mga nakasuot lahat sila ng black suit at seryosong nakikinig sa speaker. Ni hindi nga ako tinapunan ng tingin. Isa-isa kong tiningnan ang mga lalaking naroon ngunit wala sa mga iyon si Ali. Kahit ang dalawang babaeng kasama niya kanina ay wala rin doon.
Nanlulumo akong isinarado ang pinto at nagpasalamat sa lalaking nakatayo pa rin malapit sa pinto. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa sobrang pagkadismaya.
Baka nagkamali lang talaga ako. Baka dahil sa sobrang pananabik ko sa kaniya ay gumagawa na ang utak ko ng kung ano-anong imahe. Naiiling akong lumabas ng restaurant at diretsong pumasok sa kotse ko.
"Let's go home," saad ko bago isinandal ang pagod kong katawan sa upuan. Kasabay ng pagpikit ko ng mga mata ko ay siya ring pagdaloy ng masaganang luha sa aking magkabilang pisngi.
"Ali, nasaan ka na ba? Babalikan mo pa kaya ako?" ang piping tanong ko sa sarili ko.