"Ano ba, Castor Troy? Let me go!" asik ko sa kaniya habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig.
Pinilit ko siyang itulak sa dibdib ngunit walang silbi ang lakas ko sa mahigpit na pagkakayakap niya sa aking baywang.
"Let you go? But why? I thought you missed me, baby. Or should I say, babe?" nang-aasar niyang tanong habang bahagyang nakayuko at pilyong nakangiti sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko.
"Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng baby dahil hindi ako natutuwa," may diin kong saad.
"Ouch! Ang sakit mo namang magsalita, babe," sagot niya.
"Cas, isa na lang talaga!" nandidilat ang mga mata kong babala sa kaniya.
"But why? Ano ang mali sa sinabi ko? You said huwag kitang tawaging baby. Kaya babe na lang ang ginamit ko. May mali ba roon? Gusto mo sweetie na lang? Well, for me it's way better because it sounds cute. It's... It's so you," buong kainosentehan at kaseryosohan niyang sagot.
Mas lalo akong nakaramdam ng inis ngunit hindi ko rin maiwasang makonsensiya lalo na nang unti-unting napalis ang masaya niyang ngiti. Pero hindi ko ipinahalata sa kaniya iyon. I don't want to give him mixed signals. Baka mamali siya ng pagkaintindi at mabigyan niya iyon ng ibang kahulugan.
Bumuntong-hininga ako bago sumagot.
"I'm sorry, Cas," saad ko sa kalmadong boses. "I didn't mean to be rude. Ayaw ko lang talaga ng mga pinaggagawa at pinagsasabi mo."
"Pinaggagawa? Wala pa naman akong ginagawa, ah. And what's wrong with what I said? Naging bastos ba ako? You can tell me. Nang sa ganoon ay maitama ko kung ano man ang pagkakamaling nagawa ko."
"Alright. But first, bitawan mo muna ako. Yakap ka nang yakap eh," nahihiya kong saad sa mas mababang tono.
Nagtaka ako nang bigla siyang tumawa. Napakadaling nagbago ng mood niya. Gusto kong mapailing because somehow, he reminded me so much of Ali. One moment he's mad, and the next he's laughing. Si Cas naman malungkot tapos bigla na lang tatawa. Napapatanong tuloy ako kung ganito ba talaga ang mga lalaki.
"Wait, Mam Toni. Sa pagkakatanda ko, ikaw ang unang nangyakap. Hindi ako," sagot niyang naiiling.
Well, he has a point but...
"Kasalanan mo dahil niloko mo ako, Castor Troy!"
"Niloko? Saang banda, Mam Toni? Sige nga, ipaliwanag mo. Please, enlighten me." Muli na naman siyang tumawa.
"You lied to me!"
"Lied to you? When? Where? And how?" he asked with amusement in his voice, his eyes twinkling as he waited for my reaction.
"Eh, kung kutusan kaya kitang bata ka?"
"Mam Toni naman, eh. Seryoso kaya ako," protesta pa niya.
"Ikaw? Sa lagay na iyan? Seryoso ka? Tingnan mo nga ang mukha mo sa salamin. Kung makangisi ka para kang puppy. Kulang nalang sa'yo mag-wiggle ng buntot."
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa baywang ko. Ang malanding bata, hindi pa pala ako pinakakawalan.
"Sino ang puppy, Mam Toni? Ako ba? Alam mo bang nangangagat itong sinasabihan mong puppy?" saad niya habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.
"Bibitaw ka sa pagkakayakap sa akin o gusto mong sa sahig ka pupulutin? I'm warning you, Cas!" nagngingitngit kong asik sa kaniya. Muli na namang nabuhay ang inis ko.
"Bibitaw na," maagap niyang sagot sabay taas ng mga kamay niya na tila sumusuko. "See? Bumitaw na, Mam, kaya relax."
"Relax mo ang mukha mo, Castor Troy!" singhal ko sa kaniya.
"Alright. Alright. I'm sorry. Ang totoo, inaasar lang talaga kita, Mam Toni."
"Bwisit kang bata ka. Mang-aasar ka na lang, pinapunta mo pa ako rito sa napakalayong lugar! Dami mong time, ha?"
Natigil ako sa pagsasalita nang bumuntong-hininga siya.
"Actually, I just wanted to escape from reality and from the pressures around me. Nakakapagod, Mam Toni, sa totoo lang," seryoso niyang sagot. Kababakasan ng kalungkutan ang kaniyang boses.
"W--What do you mean, Cas? May problema ba?" Hindi ko napigilang makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya.
"Wala naman."
"Wala? I don't believe you. Ramdam kong may dinadala kang problema."
"Just forget about it, Mam Toni. Kumain na muna tayo. Nagugutom na talaga ako. Hindi pa kasi ako nakakapag-almusal."
"Anong oras na, Cas? Lunch na nga ngayon kung tutuusin."
"I know. I just got back from Manila. Pagbaba ko ng eroplano ay sa parking lot kaagad ako dumiretso upang kunin ang sasakyan ko at nag-drive papunta rito."
"Are you serious?"
"Yup. So, come on. Let's eat, Mam," saad niya sabay hawak sa kamay ko at iginiya ako palapit sa medyo malapad na lamesa na puno ng mga pagkain. Napangiti ako nang ipinaghila niya ako ng upuan. "Have a seat, Mam Toni."
Hindi ko napigilang makaramdam ng paghanga nang napagtanto kong napaka-gentleman ng gesture niya.
"Thank you, Cas," tanging saad ko na sinagot lang niya ng isang ngiti.
Pagkatapos manalangin na siya ang nanguna kay kaagad niya akong inasikaso. Natutuwa ako sa kaniyang mga kilos dahil ramdam ko ang sinseridad doon. No one would ever know that he's just sixteen years old. Halatang pinalaki nang maayos ng kanilang mga magulang katulad din ng kakambal niyang si Pollux.
"W--Wait. Nasaan ang kakambal mong mabait na ay pogi pa?"
"Are you referring to Pollux?"
"Why? May iba ka pa bang kakambal?"
"Nope. He's the only twin brother I have. But I beg to disagree. He's not pogi. Ah, ah!" naiiling niyang sagot. "Mabait siguro pwede pa."
"Ano ba ang pogi para sa'yo?"
"Mga katulad ko."
Muntik ko nang maibuga ang pagkaing nginunguya ko dahil sa kaniyang naging sagot.
"Ah, Cas, okay ka lang?"
Nagtataka siyang tumitig sa akin.
"Y--Yeah. Why?"
"Nakalimutan mo yatang magkamukhang-magkamukha kayo ng kakambal mo."
"Oh! That's right," napatango-tango siya. "Nakakalimutan ko kasi minsan dahil pakiramdam ko ay mas gwapo ako sa kaniya ng ilang paligo."
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. He sounded a lot like Ali. Ayaw na ayaw masapawan lalo na pagdating sa kapogian.
"Pero hindi hamak naman na mas gwapo sa'yo ang boyfriend ko," buong pagmamalaki kong sagot. Kahit wala kaming label ni Ali ay feel na feel ko talagang tawagin siyang boyfriend ko. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag narinig niya ako? Tanong ko sa isip ko.
"So, totoo ngang may boyfriend ka na? Hindi mo lang sinasabi iyan upang sirain ang loob ko at huwag kang ligawan?" Bigla na naman siyang sumeryoso.
"Of course not! Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Ibig mo bang sabihin, kung wala ka lang boyfriend ngayon ay hahayaan mo akong ligawan ka, Mam Toni?"
Natigilan ako dahil sa kaniyang naging tanong.
"Cas---"
"Alam mo kasi, Mam, ikaw ang tipo ko sa isang babae. Iyan siguro ang rason kung bakit nahihirapan akong tanggalin ka sa sistema ko. It's my first time feeling this way, you know." Pakiramdam ko ay parang bata siyang nagsusumbong sa kaniyang Nanay. Pero hindi ko napigilang humanga sa pagiging tapat niya sa kaniyang nararamdaman. Magkaibang-magkaiba sila ni Ali sa puntong ito. Si Ali kasi ay hindi maamin sa akin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.
"Castor Troy---"
"I maybe young, Mam Toni, pero siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko para sa'yo. I haven't felt this way with anyone my whole life. If you don't have a man in your life now, I'll surely stop at nothing to make you officially mine. That's how hard I fell for you the first time I saw you playing basketball at the arcade." Inabot niya ang baso at uminom ng tubig bago nagpatuloy." Talagang nakuha mo ang atensiyon ko, Mam Toni. Hindi lang atensiyon, pati yata puso ko nakuha mo." Bahagya siyang natawa sa huli niyang sinabi.
Sa kabila ng pinag-uusapan namin at sa mga ipinagtapat niya ay hindi ako nakaramdam ni katiting man lang na pagkaasiwa. Instead, I found the young boy who's sitting across from me amazing. Naaaliw ako kay Castor. Napakasuwerte ng kung sino mang babaeng mamahalin niya balang-araw. Pero alam kong hindi ako iyon. Dahil kung gaano siya kasigurado sa nararamdaman niya para sa akin ay mas doble-doble roon ang kasiguraduhan ko sa nararamdaman ko para kay Ali. My dearest Ali, my one and only man. Napangiti ako dahil sa naisip ko. Hindi ko napigilang makaramdam ng kilig at kasabay niyon ay ang matinding pangungulila para sa kaniya. Kaagad kong iwinaksi ang damdaming iyon. Ayaw kong mag-emote sa harapan ni Cas.
"You know what, Cas, I can't help but admire you and your courage. You seemed so genuine with how you feel. But I'm sorry, hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo para sa akin. I'm not saying this to hurt you. Instead, I wanted to protect you from getting hurt and broken. Hindi ako ang babaeng para sa'yo, Cas. Bata ka pa. Marami ka pang makikilalang babaeng mas higit kompara sa akin," prangka kong sagot sa kaniya sa malumanay na boses. I never sugarcoat things or conversations.
Nakaramdam ako ng awa nang makita ko siyang mariing napapikit. At hindi ko naiwasang masaktan para sa kaniya nang pumatak ang ilang butil ng luhang alam kong sinikap niyang pigilan. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi bago bahagyang tumingala. When he finally opened his eyes ay diretso niya akong tinitigan sa mga mata ko.
"Ang sakit pala ng unang kabiguan sa pag-ibig, Mam Toni. I never thought that it would hurt me this much. Pero mas okay na rin ito. At least I know where I stand as early as now." Tumigil siya sa pagsasalita at bumuntong-hininga. "Thank you for listening to what I had to say. Nailabas ko rin sa wakas ang bigat na ilang araw ko nang dala-dala sa dibdib ko, Mam. Hindi man ito ang inaasahan ko, pero this is way better than assuming things." Pasimple niyang pinalis ang luha sa magkabila niyang pisngi.
"For whatever it's worth, I want you to know that you are a good man, Cas, and you deserve a great woman, too."
"Thank you very much, Mam Toni. But can I ask you for a favor?"
"Sure. What is it?"
"Pwede bang hayaan mo lang akong mahalin ka mula sa malayo?"
"What?"
"Kahit man lang hanggang mahanap ko ang babaeng muling magpapatibok nang malakas sa puso ko. Iyong mas malakas pa sa t-ibok nito ngayon para sa'yo."
Sa kabila ng kaseryosohan niya ay hindi ko napigilang bahagyang matawa.
"Mam, naman eh. Seryoso ako."
"Cas, lumapit ka nga. Ilapit mo nang kaunti ang mukha mo," utos ko sa kaniya na walang salita niyang sinunod. Bahagya siyang dumukwang at inilapit ang mukha niya sa akin. Kaagad kong dinampot ang panyo ko at idinampi iyon sa gilid ng kaniyang bibig.
"What are you doing now?"
"Nothing. Pinupunasan ko lang ang gatas sa labi mo," nang-aasar kong sagot na kaagad niyang ikinasimangot.
"Mam Toni, inaasar mo na naman ako," ang tila batang reklamo niya bago dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo.
"Ikaw kasing bata ka! Masyado kang seryoso."
"Seryoso naman kasi talaga ako. Please, Mam Toni. Just let me love you from afar. I promise, hindi ako magiging sagabal o abala sa'yo," pakiusap niya na hindi ko alam kong sasang-ayunan ko.
"Bahala ka sa buhay mo, Cas. Basta walang masasaktan."
"Yes, Mam Toni. Pangako, hindi ako masasaktan. At saka hindi mo ba alam, Mam?"
"Alam ang ano?"
"Napakasarap magmahal ang bata," he said matter-of-factly.
"Weh? Di nga?"
"Totoo iyan, Mam Toni."
"At paano mo naman nasabi iyan?"
"Dahil nakikita ko iyan kay Nanay araw-araw, Mam. Nakikita ko kung paano niya mahalin si Tatay," sagot niya na tila nagd-daydream.
"Ows? Talaga?"
"Yup. Kaya sana hayaan mo akong mahalin ka mula sa malayo, Mam Toni. Hanggang sa magising na lang ako isang umaga, at mapagtanto kong hindi na kita mahal."