Hawak ko ang draft ng speech na ginawa ko para sa mga mag-aaral ng AUP nang umilaw ang cellphone kong nakalagay sa stand na nasa bandang kanan na parte ng study table. Nasa loob ako ng library sa mansyon. Kinuha ko iyon at kaagad na sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Castor sa screen.
"Yes, young man? What can I do for you?" nakangiti kong bungad kay Cas na umani ng isang malalim na paghinga mula sa kaniya.
"Babe, please stop calling me that. Pakiramdam ko ay parang bata ako sa tuwing tinatawag mo akong young man," reklamo niya na hindi ko pinansin dahil nakuha ang atensiyon ko ng ginamit niyang endearment.
"Ano'ng sabi mo? Pakiulit nga," sita ko sa kaniya sa seryosong tono.
"Which one, babe? Ang dami kong sinabi," painosenteng sagot niya.
"Gusto mo bang magalit ako sa'yo? O baka gusto mong kutusan kita sa susunod na magkita tayo?"
"Alright, alright. I'm sorry, Mam Toni. Gusto lang kitang pangitiin."
"Now, that's better. Anyway, napatawag ka?"
"Ahm, ano kasi, paano ba 'to?"
"Spit it out, Cas. Huwag ka nang magpa-suspense."
"Okay." Narinig kong napabuga siya ng hangin. "Ahm, I would like to invite you to my cousin's birthday. Would you be my date, Mam Toni?" diretso niyang tanong na bahagya kong ikinagulat.
"D--Date? Are you kidding me, young man?"
"Mam Toni, naman eh."
"Bakit? Mas gusto mo bang tawagin kitang young boy?"
"Alright, young man is way better. Anyway, seryoso ako, Mam Toni."
"Bakit ako? Wala ka bang makuhang date sa mga kaklase mong kaedaran mo?"
"Wala naman akong ibang gusto kung hindi ikaw. Sige na, please. Pumayag ka na," pakiusap niya sa mababang tono.
Napabuntong-hininga ako. Somehow ay nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. He's like a little brother to me. Naging malapit na rin kasi kami sa isa't isa pagkatapos ng lunch namin sa mountain resort. Kahit sa text at tawag lang kami nag-uusap ay masasabi kong kaibigan ko na siya. At isa pa, wala naman sigurong mawawala o magiging problema kung dadalo ako.
"Alright. Just text me the details, okay? I'll check if available ako."
"Really? Pumapayag ka na, Mam Toni?" tanong niya. Kababakasan ng kasiyahan ang kaniyang boses.
"Ay hindi. Nabingi ka lang. Wala akong sinabi."
"Narinig ko kayang pumayag ka."
"Narinig mo naman pala. Nagtatanong ka pa," pambabara ko sa kaniya na ni hindi man lang niya pinansin.
"I just wanted to make sure, Mam Toni. Ayaw kong mag-assume."
"Alright. May kailangan ka pa ba?"
"I think that should do it."
"Teka. Thank you nga pala sa mga bulaklak na ipinadala mo."
"B--Bulaklak?" nagtataka niyang tanong. "I'm not a chocolate and flower kind of guy, Mam Toni. Kung magreregalo man ako, siguro sasakyan o kaya ay house and lot. Pwede rin namang yate. Do you want one?"
"Do I want what?" tanong ko kahit ang isip ko ay lumilipad na sa mga bulaklak na natanggap ko na hindi pala galing sa kaniya. Kung ganoon, posibleng galing nga ang mga bouquet kay Ali. Hindi ko napigilang makaramdam ng tuwa sa isiping iyon.
"Sasakyan."
"Sasakyan?"
"Gusto mo ba ng sasakyan? I'll give you one as a gift."
"Loko-loko! Aanhin ko naman ang sasakyan, aber? Marami ako niyan."
"Hmm. Yate, you want?"
"Tumigil ka na, Castor Troy," saway ko sa kaniya.
"Okay. Well, I won't take so much of your time, Mam Toni. I know you're busy."
"Okay, Cas. Thanks for the invite."
"Nope. I should be the one thanking you, Mam. Makakabawi rin ako sa susunod. Thanks and good night."
"Good night, Cas," I answered and ended the call.
Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang tungkol sa mga bulaklak at muling ibinaling ang atensiyon ko sa speech na hawak ko nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto.
"Toni, anak, may I come in." Boses iyon ni Papa.
Kaagad akong tumayo at tinungo ang pinto upang pagbuksan siya.
"Good evening, Papa. Pasok po."
"Thank you, princess. How are you doing?" tanong niya habang naglalakad papunta sa sofa na nasa harapan ng study table kung saan nakapatong ang aking laptop.
Isinarado ko ang pinto at kaagad na naglakad pabalik sa study table.
"I'm doing good, Papa. Kayo po? Kumusta po ang pakiramdam ninyo?"
"Never been better, anak. Anyway, I heard from Remus that you have a speaking engagement at the Aeronautical University of the Philippines."
Umupo siya sa mahabang sofa at inabot ang kaniyang paboritong libro na nakapatong sa center table sa harapan niya.
"Yes po, Papa."
"How's your preparation going?"
"Okay naman po. I'm just finalizing my speech."
"Alright. That's good to know." Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Anyway, how are you coping with Alaric's absence?"
"Po?"
Nagulat ako sa kaniyang tanong na tila nalunok ko yata ang iba ko pang sasabihin. Ito ang unang beses na nagtanong siya sa akin ng tungkol kay Ali.
"Hmmm. Maybe you are thinking I haven't noticed. Since Alaric left your side, alam kong may nagbago sa'yo. I mean, bigla kang bumalik sa dating si Toni na puro trabaho at ni hindi na makuhang ngumiti."
Kung nagulat ako sa tanong niya ay mas nagulat ako sa kaniyang sinabi. I never thought that he's been observing me all this time.
"Papa---"
"I'm sorry kung ginulat kita, anak. Siguro inakala mo na parang wala lang akong pakialam sa'yo. Pero gusto kong malaman mo na mahalaga ka kay Papa, anak. Wala akong ibang hiling kung hindi ang kaligtasan at ang kaligayahan mo. Mahal na mahal kita, at ako, kami ng Mama mo ang unang-unang nasasaktan sa tuwing nasasaktan ka." Bahagya tumigil si Papa sa pagsasalita at itinaas niya ang kaniyang mga bisig. "Come here, princess."
Kaagad akong tumayo at maingat na naglakad palapit sa kaniya. Patagilid akong umupo sa kaniyang kandungan katulad noong bata pa ako at may kahigpitang yumakap sa kaniyang leeg. Nasa balikat niya ang aking ulo. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban nang maramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod.
"P--Papa..." naiiyak ang boses kong sambit habang unti-unting nangilid ang aking mga luha.
"Oh, I guess my princess has finally met her match," natatawa niyang saad. "Huwag kang mag-alala, anak. Nararamdaman kong babalik si Alaric sa tamang panahon. Ikaw na rin ang nagsabi, may inaayos lang siyang problema sa pamilya. Please try to understand the man. Pamilya niya ang pinag-uusapan natin dito. Hindi mo naman siguro gugustuhing pabayaan niya ang pamilya niya para sa'yo. Would you want that?"
Napakamalumanay ng boses ni Papa at tila napakabilis lang nitong pinahid ang mga pag-aalala sa puso ko.
"O--Of course not, Papa. K--Kaya ko nga po siya p--pinayagang umalis kahit labag sa k--kalooban ko," saad ko sa pagitan ng paghikbi.
"Hmmm. My princess has finally fallen in love. Maybe you aren't aware or you are just denying the fact that you love the man, anak. Kasi ang ginawa mo, that's an act of love."
Unti-unti akong bumitaw sa pagkakayakap sa leeg ni Papa. Dahan-dahan niya akong pinaupo sa kaniyang tabi bago kinabig ang ulo ko at pinahilig sa kaniyang dibdib.
"Toni, anak, I want you to understand that love is about more than just holding onto someone tightly. It's about understanding and kindness. Iyong handa kang pakawalan ang mahal mo kung kinakailangan niyang hanapin ang sarili niya o kung kailangan niya ng oras para sa pamilya niya." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at masuyong pinalis ang luha sa aking magkabilang pisngi. "True love is about supporting each other's growth and happiness, even if it means temporary separation. I want you to know that love should always be compassionate and selfless."
Sobrang naantig ang puso ko sa mga sinabi ni Papa. I never expected that I would hear him talk about something like this.
"Maraming salamat, Papa. Siguro nga po mahal ko na si Alaric. Otherwise, I won't be feeling like this if I don't."
"You are right, Toni. At hindi masama ang magmahal at mahalin. Pero palagi mong tatandaan, kapag nagmahal ka, magtira ka rin ng kapiraso ng sarili mo para sa'yo. Don't lose sight of your own dreams, passions, and individuality in the process of loving too much. Keep nurturing your own happiness and growth, so that your love for others complements your life rather than consuming it entirely. Kasing halaga ng kaligayahan ng iba ang sarili mong kaligayahan, including in matters of the heart. Kaya kahit wala si Alaric sa tabi mo ngayon, ipagpatuloy mo ang buhay. Huwag mong hayaang kainin ka ng lungkot at mga alalahanin. Focus on your personal growth, anak. When he returns, you'll have grown and accomplished so much, and you'll have much to be proud of."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Papa. I was totally in awe of his wisdom.
"Maraming salamat, Papa. Ang dami kong natutunan sa inyo tungkol sa pagmamahal."
"Alam mo, anak, nangyari na rin ito noon sa amin ng Mama mo. Ang kaibahan lang, wala akong nakuhang suporta mula sa pamilya ko. It also took me too long to realize my priorities, kaya nga naranasan mo ang halos lahat ng klase ng paghihirap noon. Ayaw kong maranasan mo ulit iyon. Kaya gagawin namin ng Mama mo ang lahat, maprotektahan ka lang at masigurong nasa maayos kang kalagayan."
"Thank you is never enough to express how grateful I am for having you and Mama as my parents. Kahit papipiliin akong muli, kayo pa rin po ang pipiliin kong maging mga magulang ko," madamdaming pahayag ko habang nakayapos sa baywang ni Papa.
"And you are the best daughter we could ever hope to have, Toni. Basta tandaan mo, ang mga ginagawa ko na may kinalaman sa'yo ay para sa ikabubuti mo, anak. Sa ngayon, hayaan mo muna si Alaric na ayusin ang mga bagay na kailangan niyang ayusin. Hayaan mong hanapin niya ang sarili niya at alamin kung ano ba talaga ang pinakamahalaga para sa kaniya. If he's meant to be yours, he'll find his way back to you. True love has its own timing. It has a way of finding its path, no matter the obstacles."
Habang nakahiga ako sa kama ko ay binabalikan ko pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Papa. Ngayon ay mas naiintindihan ko na. Hindi ko dapat ipilit ang mga bagay na may kinalaman kay Ali. As much as I long for him to come back, I've decided to let things unfold as they may. I'll patiently wait for his return, trusting that love will guide him back to me when the time is right. Sana lang, sana lang mahal din ako ni Ali.