Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Kaagad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kuwarto upang tulungan si Ali sa kusina. Naabutan ko siyang nakatalikod sa entrance at abala sa harap ng kitchen island kung nasaan ang lutuan. He was wearing a pair of white t-shirt and gray sweat pants, and black rubber slippers.
Sumandal ako sa may pintuan at pinanood siya sa kaniyang ginagawa. Nakakaengganyo siyang panoorin dahil napaka-hands on niya sa kitchen. Idagdag pa ang kaniyang katawan na talaga namang---. Napailing at napabuntong hininga ako habang nakatitig sa malapad niyang balikat. Bakat na bakat sa suot niyang puting t-shirt ang mga muscles niya roon. Pinaglandas ko pa ang aking mga mata pababa hanggang sa dumako ang mga iyon sa maumbok niyang pang-upo. Muli ko na namang naalala ang mga nangyari sa aming dalawa. Ngunit bago pa ako mapaiyak ay nagpatuloy na ako sa pagpasok at dinaluhan siya sa harap ng induction cook top.
"Ano ang niluluto mo, Ali?"
"Kung ano lang ang nasa loob ng fridge mo na pwede pang makain. Nag-experiment lang ako ng bagong dish. I hope you'd like it," sagot niya habang paminsan-minsang sumusulyap sa gawi ko. Tutok na tutok siya sa kaniyang ginagawa.
"Basta ikaw ang ihahain, I'm sure sobrang sarap," saad ko na tila kinikilig.
"Ano'ng sabi mo?" sagot niya. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo.
"Ha? Ano ba ang sinabi ko? Sabi ko sure akong masarap iyang niluluto mo. Ikaw ba naman ang maghahain."
"Oh, I thought I heard something else like ako ang ihahain."
"Ikaw talaga, Ali. Nag-iimagine ka na naman," nakangiti kong sagot.
"Hmmm. I guess you feel better now. Bumalik na kasi ang kakulitan mo."
Marahan niya akong pinitik sa noo ko bago maingat na inilapag sa 8-seater na dining table ang mangkok na may lamang ulam. Nakita kong may kanin na ring nakahain. Nakaramdam ako ng tuwa dahil parang bumalik na sa dati ang pakikitungo niya sa akin.
"Yeah. Maraming salamat nga pala kanina ha."
"You don't have to mention it. It's part of my job after all."
Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot dahil sa kaniyang sinabi. Kamuntik ko na nga palang makalimutan na ginawa n'ya lang ang sa alam niyang dapat dahil parte iyon ng kaniyang trabaho bilang bodyguard ko. Iwinaksi ko ang isiping iyon at umakto pa rin akong masigla.
"Ano ang pwede kong maitulong sa'yo?"
"Umupo ka na lang mahal kong prinsesa. Kayang-kaya ko na ito."
Pakiramdam ko ay lumundag ang puso ko nang marinig ko ang kaniyang sinabi.
"Really, Ali?" I excitedly asked.
Tila naguguluhan niya akong tinitigan.
"Really what, Rie Rie?"
Parang gusto ko siyang yakapin dahil sa itinawag niya sa akin. Rie Rie na ulit ako sa kaniya. Pero sa halip ay nagpatuloy ako.
"Na---"
"Na?"
"Na mahal mo ako?" lakas-loob kong tanong. I saw him froze for a second before he burst out laughing. Tila aliw na aliw siya.
"Rie Rie, ekspresyon lang iyon. Haven't you heard of it?"
Pakiramdam ko ay nadapuan ng mag-asawang sampal ang mga pisngi ko dahil sa sobrang init na naramdaman ko roon. Sigurado akong pulang-pula ang mga iyon dahil sa sobrang kahihiyan.
Nag-aalangan akong ngumiti upang kahit papaano ay mabawi ang pagkapahiya ko.
"Of course, I have. Ikaw naman. Nagbibiro lang ako, talagang sineseryoso mo lagi ang mga sinasabi ko," saad ko sabay talikod at tinungo ang fridge. Kaagad kong binuksan iyon at kunwari ay naghanap ako ng maiinom. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko, tila mauubusan ako ng hangin.
"Hey, are you okay? Kanina ka pa riyan. Ano ba ang hinahanap mo?"
"Ammm, juice! Yes, naghahanap ako ng juice," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay gusto ko lang talagang umiwas. Nalulungkot at nakakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Ali. Alam ko namang naging honest lang siya kaya hindi ko siya masisisi. He already made it clear to me na hindi siya ang lalaking panghabang-buhay.
"Juice? Nandito na sa table ang paborito mong fresh orange juice, Rie Rie kaya halika na at kumain na tayo. It's getting late."
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti bago humarap sa kaniya. Kaagad kong tinungo ang dining table at umupo sa silyang nakalaan para sa akin. Malapad pa rin akong nakangiti.
Nagsimula na kaming kumain nang bigla siyang magsalita.
"Care to tell me what happened at the office earlier?"
Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari sa conference room dahil hindi ko siya isinasama sa tuwing may meeting ang board doon. Kahit sina Alvaro at Jimenez ay hindi ko rin dinadala sa tuwing may meeting ako sa conference room ng kompanya.
"Nothing. It was just a little misunderstanding. Anyway, I deserved every word they threw at me. It's true that I am headstrong, self-centered and I don't listen to reason," sagot ko pagkatapos lunukin ang pagkaing nasa bibig ko. "M--Masakit, yeah. But what can I do? That's there own perspective of me. Pero sana, sana alam nilang sa bawat desisyong ginagawa ko, I always have the company's best interest in mind. Siguro ganito nga talaga ang buhay. Kapag nakagawa ka ng isang pagkakamali, buburahin nito ang lahat ng mga magagandang nagawa mo in the past. Magiging masama ang tingin nila sa'yo. Well, that's human nature. I can't really blame them."
Napatango-tango siya na tila ba iniisip niya ang mga sinabi ko.
"You know what's important, Rie Rie? Tinanggap mo ang pagkakamali mo at alam ko namang handa kang itama iyon."
"Oo naman. Para sa akin, ang pride isinasabon, hindi inuugali."
Biglang siyang natawa.
"Ikaw talaga at ang mga linyahan mo," naiiling niyang sagot bago nagpatuloy sa pagkain.
Hanggang sa natapos kami ay hindi na kami muling nag-usap pa.
"Ali, magpahinga ka na. I'll do the dishes kasi ikaw ang nagpakapagod sa pagluluto."
"Tutulungan na kita para madaling matapos," sagot niya at tinabihan ako sa harap ng sink.
"Thanks, Ali."
"Ahm, Rie Rie," saad niya pagkatapos ilagay sa dish rack ang huling plato.
"Yes? May sasabihin ka?"
"Magpapaalam sana ako." Napahawak siya sa kaniyang batok. "May kailangan lang akong gawin kaya mawawala ako ng ilang araw. It's a family matter."
"Alright," diretso kong sagot kahit sa loob-loob ko ay nalulungkot ako. "Pamilya mo ang pinag-uusapan dito. Hindi ko pwedeng ipagkait iyon sa'yo."
"Thank you, Rie Rie. Babalik kaagad ako kapag natapos ko na ang inaayos ko. And maybe, when everything is settled..." Tumingala siya at malalim na huminga.
"And maybe what, Ali?"
"N--Nothing. Kalimutan mo na ang sinabi ko. I don't want to make promises I can't keep."
"Okay. Kung iyan ang gusto mo. Anyway, matulog na tayo," sagot ko sabay talikod.
"D--Do you still need me to sleep with you?" tanong niya habang nakasunod sa akin.
"Yes please. Don't worry. Matutulog lang tayo, kaya huwag kang matakot. I won't rape you, Ali, kung iyan ang iniisip mo."
"Tangi! Hindi, 'no!"
"Sus! Kunwari ka pa. If I know, natatakot kang mapikot. Huwag kang mag-alala, hindi ko kailan man ipagsisiksikan ang sarili ko kahit kanino. Mataas ang respeto ko sa sarili ko."
"Hey! Wala akong sinasabing ganyan, Rie Rie," saad niya bago binuksan ang pinto ng kuwarto ko.
"Nagbibiro lang ako, Ali."
"Alright. Papasok muna ako sa kuwarto ko. Babalik ako kaagad."
"Sure," balewalang sagot ko bago ko isinara ang pinto.
Nagbabasa ako ng libro nang pumasok si Ali sa kuwarto ko. Nakasandal ako sa head board ng kama. Hindi ko siya pinansin nang bigla na lang niyang hawakan ang libro at kinuha iyon sa mga kamay ko. Inayos niya ang bookmark bago iyon isinarado at ipinatong sa ibabaw ng side table.
"That's enough, Rie Rie. Matulog na tayo."
Inangat niya ang comforter na nakapatong sa katawan ko at pumasok sa loob na tila ba normal lang iyon para sa kaniya.
"W--What do you think you're doing, Ali?"
"Matutulog. Bakit? May iba ka pa bang gustong gawin?" tanong niyang tiningala ako.
"Make love with me," diretsong deklara ko habang titig na titig ako sa kaniyang mga mata.
"Baliw! Antok lang iyan, Rie Rie," natatawa niyang sagot bago ako niyakap sa baywang at dahan-dahang hinila pahiga sa tabi niya. Tumagilid siya paharap sa akin at mahigpit akong niyakap. Hindi pa siya nakontento, ipinatong pa niya ang kaniyang binti sa mga hita ko. Natigilan ako nang maramdaman ko ang matigas niyang pag-kalalaki lalo at boxer shorts lamang ang kaniyang suot.
"Ali, bakit ang tigas?"
"Ng ano?"
"Ng baby mo."
Humalakhak siya.
"Hay! Heto na naman kami. Huwag mo nang pansinin iyan. Matutulog din iyan mamaya kapag nakatulog ka na. Good night, Rie Rie." Hinalikan niya ako sa noo bago ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Good night, Ali," sagot ko at binigyan siya ng magaang halik sa kaniyang mga labi. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko, not knowing that I won't be able to find Ali sleeping next to me the following morning.