Chapter 31 - Meeting

1678 Words
Paggising ko kinabukasan ay wala na si Ali sa tabi ko. Naisip kong baka lumipat lang siya sa kuwarto niya nang makatulog ako kagabi dahil iyon naman ang sinabi ko sa kaniya. Pagkatapos kong magbihis at maghanda sa pagpasok sa opisina ay kaagad akong lumabas ng kuwarto upang magtungo sa kusina at magtimpla ng kape. Ngunit nagtaka ako nang madatnan ko roon sina Alvaro at Jimenez. Nakaupo sa high chair sa harap ng counter si Alvaro, samantalang nagtitimpla ng kape si Jimenez. "Good morning, Mam Toni," sabay na bati ng dalawa. "Magkape po muna kayo, Mam," saad ni Jimenez sabay lapag ng isang tasang kape sa kabisera ng lamesa. "Good morning. Bakit ang aga ninyo yata? Teka, where's Ali?" tanong ko bago umupo at humigop ng kape. Nakita kong nagkatinginan ang dalawa na tila nagtataka bago bumaling sa akin si Jimenez. "Ah, Mam, hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? Maaga pa po siyang umalis. In fact, kagabi pa niya kami tinawagan at sinabihang pumunta rito nang maaga upang humalili sa kaniya habang wala raw po siya." "Ah, y--yeah," sagot kong napatango-tango na parang may naaalala. "Yeah, right. He will be on leave for several days. Anyway, wait for me outside. May kukunin lang ako sa kuwarto ko." "Sige po, Mam Toni." Paglabas ng dalawa ay bumalik ako sa kuwarto ko at kinuha ang Glock 19 kong ilang linggo ko na ring hindi dinadala dahil na rin sa kagustuhan ni Ali. With him on leave, I couldn't shake the feeling of vulnerability creeping in again. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. It's why I thought of keeping my gun close by, a comforting weight against the uncertainty of being alone while Ali's not around. Lalo pa't nitong mga nakaraan ay palagi kong nararamdamang may nakatitig o nakasunod sa akin. Maayos kong inilagay ang baril sa loob ng aking bag bago ako lumabas ng penthouse upang pumasok sa trabaho. Pagdating ko sa harapan ng pinto ng opisina ko ay nadatnan ko si Remus na abala sa harap ng kaniyang computer monitor. "Oh, good morning, Mam Toni. Nandito na po pala kayo," bati niya sa masiglang tono sabay tayo. "Good morning, Remus. Could you kindly update me on my schedule for the day?" "Sure po, Mam." Kaagad siyang tumalima at tiningnan ang kaniyang notepad. Gusto kong abalahin ang sarili ko buong araw dahil ayaw kong ukupahin ni Ali ang isipan ko. "Mam Toni, wala po kayong maraming schedule ngayon. Aside from your meeting with Mr. Sagittarius Dela Victoria at nine this morning ay wala na po kayong ibang engagements, Mam." "I see. Baka pupunta ako ng Wear It Proudly mamayang alas tres ng hapon. Pakidagdag nalang sa notepad mo." "Sige po, Mam. May iba pa po ba kayong pupuntahan?" "Nope. I think that should do it. Maiwan na kita," sagot ko bago binuksan ang pinto ng opisina ko at tuluyang pumasok. Pag-upo ko sa swivel chair ay kaagad kong hinarap ang mga dokumentong kailangan kong basahin at pirmahan. I want everything done bago dumating si Rius dahil magiging abala na ako hanggang lunch time. At around eight forty-five ay nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. "Come in." Kaagad na bumukas iyon at pumasok si Remus. "Mam, ito po pala ang kontratang ipinagawa ninyo para po kay Mr. Dela Victoria," saad niya sabay abot ng hawak niyang mga folders. "Alright. Thank you, Remus. Kapag dumating si Mr. Dela Victoria, just send him in right away." "Sige po, Mam." Bahagya siyang yumuko bago tumalikod at lumabas ng opisina ko. Pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng mga papeles ay maayos ko ang mga iyong ipinatong sa gilid ng office table ko. Maya-maya ay nakarinig ulit ako ng katok at kasunod niyon ay ang bahagyang pagsilip ni Remus. "Mam, Mr. Dela Victoria is here." "Please send him in, Remus." "Sige po, Mam Toni." Kaagad akong tumayo at inayos ang suot kong blazer at palda bago naglakad upang salubungin si Rius. Nang bumukas ang pinto ay malapad akong ngumiti. Somehow ay excited akong muli siyang makita. Ngunit nang pumasok siya ay napako ang mga mata ko sa nakangiting magandang babaeng kasama niya. Magkahawak-kamay silang dalawa na tila teenagers na magkasintahan. As they stood side by side, the contrast between their heights was strikingly apparent. While he towered over her with a commanding stature, she possessed a delicate frame that barely reached his shoulder, their heights in complete contradiction yet somehow harmonizing in their connection. Bagay na bagay silang dalawa. Sa isang iglap ay napahanga ako ng babaeng sa tantiya ko ay mas bata lang kay Rius ng limang taon. She's a beautiful paradox, embodying simplicity with an understated grace that exudes elegance and radiates undeniable beauty. Ni wala itong make-up maliban sa light pink lip gloss na ginamit nito. Napakalinis nitong tingnan lalo pa't naka-brush up ang mahaba at straight na ash gray nitong buhok. Idagdag pa ang suot nitong kulay old rose na casual dress na talagang bumagay sa mala-gatas nitong balat. Pinaresan nito ang dress ng puting... wait... sneakers? Napako ang mga mata ko sa Chuck Taylor sneakers nitong suot. Napatanong tuloy ako sa isip ko kung ilang taon pa lang ang babaeng kaharap ko. Well, sa aura nito ay nasa mid-twenties siguro ito, kaedad ko lang o mas matanda lang sa akin ng ilang taon, ngunit parang teenager ito kung pumorma. "Good morning, Miss Cuizon!" masayang bati ni Rius na siyang naging dahilan upang mag-angat ako ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sigurado akong nahuli nila akong nakatitig sa sapatos ng babaeng kasama niya. "Oh, h--hi! Good morning! I--I'm sorry, Mr. Dela Victoria. I know that was so rude of me. I just can't help but admire your companion," I honestly answered. Muli kong pasimpleng tinitigan ang mukha ng babae. She somehow reminded me of someone. Hindi ko nga lang matukoy kung sino. Or maybe, I've already seen her somewhere before that's why she looked familiar. Malapad na ngumiti si Rius bago muling nagsalita. "Don't worry about it. Pasensiya na at hindi man lang ako nakapagpasabi na may kasama ako sa pagpunta ko rito." Tumigil siya sa pagsasalita at sinulyapan ang babaeng kasama niya. "Miss Cuizon, I would like you to meet my gorgeous wife, Mrs. Margaux Cuevas Dela Victoria," proud niyang deklara. Maririnig sa boses niya ang paghanga at pagmamahal para sa asawa... Asawa?! "W--What? This goddess you're with is your wife? Oh, my God! You're right, Mr. Dela Victoria, napakaganda ngang talaga ng asawa mo," bulalas ko na ikinangiti nilang pareho. "Thank you, Miss Cuizon," sagot ni Rius bago binalingan ang babaeng kasama na asawa pala niya. "Honey, I would like you to meet the one and only Princess of the Cuizon Empire, the beautiful and talented Marrie Toni Ybarzabal Cuizon." "She's indeed a beauty, daddy. At talaga namang napaka-successful sa mura niyang edad," masiglang sagot nito sabay lahad ng kamay nito sa akin. "Hello, Miss Cuizon. Ikinagagalak kong makilala ka. Ako nga pala si Margaux. You can call me Ate Margaux or Ate Marg kung gusto mo." Daddy. Ang cute naman ng endearment niya para kay Rius. Nakakakilig pakinggan. Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa naisip, idagdag pa ang mga adjectives na ginamit ni Rius sa pagpapakilala sa akin sa kaniyang asawa. "Hello, Mrs. Dela Victoria. I mean, A--Ate Marg. Toni nalang po. At masaya rin po akong nakilala ko po kayo." Nag-init ang mukha ko nang tanggapin ko ang pakikipagkamay ng asawa ni Rius. Sa hindi ko malamang dahilan ay tila ba hinaplos ang puso ko nang magdaop ang aming mga palad. Ano ba itong mag-asawang ito?! Parehong gwapo at maganda! Talagang nakaka-starstruck! Kinikilig na wika ko sa sarili. "My husband here told me a whole lot about you, Toni. Anyway, mamaya na tayo magchikahan. I know may mahalaga kayong pag-uusapan ni Sagittarius. At saka, pakitanggal na ang po," nakangiti nitong sagot sabay kindat na ikangiti ko rin. "Ah, s--sige, Ate. I would love that. Maupo na muna tayo." Iginiya ko ang dalawa sa couch upang pag-usapan ang kontrata sa pagitan ng kompanya ni Rius at ni Papa. "I guess everything is in order, Miss Cuizon. I don't have questions whatsoever regarding the contract," saad ni Rius pagkatapos basahin ang kontrata. Kaagad nitong tinanggap ang sign pen na inabot sa kaniya ni Ate Margaux. "Langyang kasweetan naman ito! Pati ba naman sign pen? Nakakainggit!" Hindi ko mapigilang isipin. "Now, everything is settled. Thank you very much, Miss Cuizon." Inabot niya sa akin ang mga folders. "Kapag nakapagtapos na at nakakuha ng lisensya ang panganay namin, I'm sure he'll be working for your airline company." "Wow! Talaga, Mr. Dela Victoria?" "Yes, Toni. Sigurado ako riyan. Anyway, since tapos na ang tungkol sa business, you can call me Rius now. Or better yet, call me Kuya Rius kasi Ate na rin naman ang tawag mo sa asawa ko." "Really?" parang bata kong sagot. "Yup. Wala kasi akong nakababatang kapatid, si Margaux ay ganoon din. I bet masarap sa pakiramdam kapag tinatawag na Kuya. But please, just remove the po." "Sige. Kung iyan po... Kung iyan ang gusto ninyo, K--Kuya Rius." "Now that's better. So paano? I'll leave the two of you for a while. Since magchichikahan pa kayo whatever that means. Ayos lang ba sa'yo kung maaabala ka nitong makulit kong Reyna, Toni?" "Sige, Kuya. Ayos na ayos lang. Wala naman na akong gagawin hanggang lunch time." "Thanks, Toni," sagot niya bago binalingan si Ate Margaux. "Honey, will you be alright?" "Yes, daddy. Mag-iingat ka." "I will, baby. I'll come pick you up in an hour or two, okay?" "Sure, dad. I love you," mahinhing sagot ni Ate Margaux sabay gawad ng magaang halik sa labi ni Kuya Rius. Pakiramdam ko ay maiihi ako sa kilig habang nakikita ko kung gaano sila kalambing sa isa't isa. "I love you too, baby," sagot ni Kuya bago ako binalingan. He raised his arm for a handshake na kaagad kong tinanggap. "Thank you, Toni. I'll go ahead." "Thank you, Kuya Rius. Stay safe." "Thanks." Niyakap muna niya si Ate Margaux bago tumalikod at tuluyang lumabas ng opisina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD