Chapter 29 - Fear

1944 Words
Magdadalawang buwan nang nagtatrabaho si Ali bilang personal bodyguard ko. Sa loob ng panahong iyon ay nakita kong sanay na sanay na siya sa ugali ko at sa pakikitungo ko sa kaniya. May mga pagkakataong naaasar pa rin siya pero sadyang napakagaling niyang magdala dahil kaagad din iyong nawawala at kaagad siyang kumakalma. Minsan ay nagagalit siya sa akin hindi dahil sa pang-aasar o panloloko ko sa kaniya, kung hindi dahil sa katigasan ng ulo ko. Ang nangyari sa mansyon mahigit tatlong linggo na ang nakararaan ay hindi na muling nangyari pa. I can still clearly recall everything he said that night. "I'm sorry, Rie Rie, but I can't. I don't want to take advantage of you. Magiging unfair ako sa'yo kung sasang-ayon ako sa gusto mong mangyari. I don't want us to end up regretting our decisions. I hope you'd understand. I'm just trying to protect you from getting hurt," mahabang paliwanag niya habang pinupunasan ang aking magkabilang pisngi. "Hindi mo deserve ang maging f-uck buddy lang. You deserve so much more, baby," pagpapatuloy niya bago ako magaang hinalikan sa aking noo. "I understand, Ali. I'm sorry, too. Nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi ko rin naman gugustuhing maging parausan lang." Pinilit kong patatagin ang sarili ko habang nagsasalita. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa kaniyang harapan. "Asahan mong mula ngayon ay wala ka nang maririnig mula sa akin tungkol sa bagay na ito. But I want to thank you. Thank you for allowing me to experience things I never thought I would. Anyway, gusto ko nang matulog. Maraming salamat ulit sa mga ipinaranas mo sa akin. Please make sure to lock the door when leave." Pagkatapos kong sabihin iyon ay inabot ko ang comforter at itinabon iyon sa hubad kong katawan bago ako tumagilid upang talikuran siya. Ayaw kong makita niya ang muling pagdaloy ng aking mga luha. "Where are we headed, Miss Cuizon?" pormal niyang tanong na pumukaw sa akin mula sa pagbabalik-tanaw ko. Kalalabas ko lang ng Cuizon Building at nakaabang siya sa likurang bahagi ng sasakyan. Nakahawak siya sa pinto nitong nakabukas na. Hindi lang isang bodyguard ang naging papel ni Ali. Naging driver ko na rin siya, personal alalay, errand boy, at marami pang iba. Noong una ay may mga pagkakataong nagrereklamo pa siya. Subalit nagsimula siyang magbago pagkatapos nilang magkausap ni Papa sa mansyon. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Papa sa kaniya that it completely changed the way he's treating me. Kung noon ay palagi niya akong binabara, ngayon ay hindi na. Naiinis pa rin naman siya sa akin paminsan-minsan ngunit hindi na siya pumapatol sa mga banat ko sa kaniya. Pwera nalang kapag napupuno na siya o 'di kaya ay wala siya sa mood. To sum it all up, naging professional ang pakikitungo niya sa akin. Nawala na ang closeness naming dalawa. Tuluyan na siyang dumistansiya sa akin. Ang malala, he doesn't call me Rie Rie or baby anymore. At isa iyon sa mga nami-miss ko sa kaniya. Habang lumilipas ang mga araw, ang simpleng paghangang nararamdaman ko sa kaniya ay unti-unting lumago. Hindi na yata paghanga o obsession lang ang nararamdaman ko ngayon. I guess, I have fallen in love with him. Mahal ko na yata siya. Pero nunca na sasabihin ko sa kaniya iyon. Hindi niya pwedeng malaman dahil sigurado akong pagtatawanan lang niya ako o 'di kaya ay susupalpalin at sasabihang ano ang alam ko sa pagmamahal na ni hindi nga ako marunong humalik. Ang malala ay baka magalit siya sa akin. "I want to go to the mall," balewalang sagot ko bago binuksan ang pinto sa passenger side at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan. Maya-maya pa ay nakadungaw na siya sa nakabukas na pinto sa tabi ko. Nakatukod ang kanang braso niya sa pinto samantalang ang kabila ay nasa ibabaw ng kotse. "What are you doing sitting on the front seat?" tanong niya sabay kagat ng kaniyang pang-ibabang labi na tila ba nagpipigil ng inis. "Mas gusto kong dito umupo sa harap," sagot ko habang nakatutok ang mga mata ko sa dashboad. "I feel safer whenever you're near me." "Move." "W--What?" nakatingalang tanong ko sa kaniya. "Lumipat ka sa likurang upuan." "No. Ayaw ko roon," I answered with conviction while slowly shaking my head. "Lilipat ka? O hindi tayo aalis?" muling tanong niya ngunit hindi ako kumibo. "Hindi ko alam kung ano. Tanga ka lang ba talaga o sadyang bob---. F-uck! Sa dinami-daming CEO na kilala ko, ikaw lang yata ang bukod tanging mahina ang pick-up. O sadyang hindi ka nag-iisip at tanging kapritso mo lang ang mahalaga sa'yo?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang init ng ulo niya ngayon pero nasaktan ako sa mga sinabi niya. Totoong hindi ako komportableng umupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nitong mga nakaraang araw kasi pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin kahit saan ako magpunta. Kaya palagi kong sinisiguradong nasa tabi ko siya. Pakiramdam ko kasi ay ligtas ako. "Baba!" may diing singhal niya na ikinaigtad ko. Kulang nalang ay sigawan niya ako. "A--Ali. P--Please," panimula ko sa nanginginig na boses na hindi ko na natapos dahil nag-unahan na sa pagpatak ang malalaking butil ng luha sa aking magkabilang pisngi habang nakatingala ako sa kaniya. Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang mukha niya. His expression was filled with concern. "Hey, Miss Cuizon. What's wrong? I'm sorry kung naging harsh ako. It wasn't my intention to insult you. Oh, I am really sorry. Please stop crying." Nang marinig ko ang pag-aalala sa malumanay niyang boses ay mas lalo akong naiyak at tuluyang humagulgol lalo pa at bumalik sa alaala ko ang mga eksena sa conference room kani-kanina lang kung saan ay inulan ako ng pangbabatikos ng buong board. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi sa boses pa lang niya. For the first time in years, I let my guard down and showed my weakness to someone I barely even knew. Ang huling pag-iyak ko nang husto maliban noong nanaginip ako sa resort at doon sa mansyon three weeks ago ay noon pang thirteen years old ako sa harapan ng lalaking bully na nagngangalang Q. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon dahil dala ko sa dibdib ko hanggang ngayon ang sakit ng mga panlalait ng lalaking iyon. Humagulgol ako sa kaniyang harapan. Nawalan na ako ng pakialam kahit pagtawanan pa niya ako pagkatapos nito. Ang mahalaga ay mailabas ko ang magkahalong sakit at takot na nararamdaman ko. "A--Ali, n--natatakot ako," saad ko sa pagitan ng pag-iyak. Mabilis niya akong kinabig ng isa niyang kamay at isinandal ang ulo ko sa kaniyang dibdib habang ang kabila ay napunta sa nanginginig kong mga kamay na nakapatong sa kandungan ko. Mahigpit niyang hinawakan ang mga iyon. "Miss Cuizon, huwag kang matakot. I'm always here for you. Hmmm? I'm so sorry if I scared you. Please, tahan na," pang-aalo niya habang hinahagod ang aking likod. "I w--want to go home, Ali. P--Please take me home," pakiusap ko sa pagitan ng paghikbi. "Alright. We're going home now. Just relax. Nandito lang ako. I'm going to protect you," paniniguro niya na nagdulot ng kapanatagan sa puso't isip ko. Maingat niya akong inilayo sa katawan niya at inalalayan pasandal sa upuan ng sasakyan. Ini-adjust niya ito upang makapuwesto ako nang maayos. Bago siya umikot papunta sa driver side ay hinubad muna niya ang suot niyang coat at ipinatong sa katawan ko. "Here, so you'd feel better." Tama siya. Nakaramdam ako ng ginhawa nang lumapat sa katawan ko ang kaniyang coat. I felt safer with just the mere scent that's coming from it. Dahan-dahan akong pumikit. Nang maramdaman ko ang presensya niya sa driver seat ay unti-unti akong nagmulat at bumaling sa gawi niya. "Ali, please d--don't leave me," I pleaded in a shaky voice. He started the car before he turned to look at me. He wrapped his arm around my shoulders and pulled me closer to him. Walang salitang isinandal niya ako sa kaniyang dibdib bago pinatakbo ang sasakyan. "Take a nap, Miss Cuizon. I'll wake you up once we are home," mahina ang boses niyang saad at ginawaran ako ng magaang halik sa aking ulo. Hanggang sa hindi ko na namalayan at tuluyan na akong hinila ng antok. Nagising ako sa isang pamilyar na lugar na may malamlam na mga ilaw, ang basement ng building kung nasaan ang penthouse ko. Pag-angat ko ng mukha ay ang seryosong mukha ni Ali ang sumalubong sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko. "How do you feel?" "I feel a little b--better now. Teka, b--bakit dito mo ako dinala?" "I can't take you to the Cuizon Estate, can I? Siguradong magtataka ang mga magulang mo kapag nakita nila ang ayos mo ngayon." "O--Okay. I wanna go upstairs now. G--Gusto ko nang magpahinga." "Alright." Pagkasabi niyon ay dahan-dahan niya akong pinasandal sa upuan ng sasakyan bago siya may pagmamadaling bumaba at umikot sa gawi ko. Kaagad niyang binuksan ang pinto at inalalayan akong lumabas ng sasakyan. "Kaya mo bang maglakad?" "Y--Yeah," sagot ko. "Wait, I'll just get your bag inside." Narinig kong ini-lock niya ang sasakyan pagkatapos kunin ang bag kong hindi ko namalayan ay nasa sahig na ng kotse. Dahan-dahan niya akong inalalayan sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng private elevator. I was confident that I'd be able to walk. Ngunit nakaramdam ako ng panghihina sa aking mga binti. Sinabayan pa iyon ng bahagyang pagkahilo. Kung hindi dahil sa maagap niyang pagsalo ay tuluyan na sana akong bumagsak sa sahig ng basement. "I'm s--sorry. Bigla akong nahilo." "Let me carry you upstairs." Bago pa ako makahuma ay walang kahirap-hirap na niya akong binuhat pasaklang sa kaniyang baywang. Magpoprotesta pa sana ako ngunit kaagad niya akong pinigil. "You know, it's not a crime to admit and show your weakness sometimes. Masarap din sa pakiramdam ang dumepende sa ibang tao paminsan-minsan lalo na kapag pakiramdam mo ay nasa balikat mo ang bigat ng mundo." "Gusto ko naman sanang dumepende sa'yo, Ali. Ikaw lang itong ayaw." Ngali-ngaling isagot ko sa kaniya. But I chose to stay quiet. Dahil kasi sa nangyari sa mansyon ay tila bumalik ako sa dating Marrie Toni na matapang. Sa halip na magsalita ay iniyapos ko na lang ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. At nang magsimula siyang humakbang ay humilig ako sa kaniyang balikat. Napahugot ako ng malalim na hininga at kasabay niyon ay ang pagbitaw ko sa lahat ng takot at pag-aalalang nararamdaman ko. Wala kaming imikan habang nasa loob ng elevator hanggang sa marating namin ang penthouse. Buhat-buhat pa rin niya ako na parang bata. Alam niya ang combination kaya walang kahirap-hirap niyang nabuksan ang main door. Pagkapasok ay dumiretso siya sa kuwarto ko at maingat akong inihiga sa kama bago siya umupo sa tabi ko. "Thank you, Ali." Hindi siya sumagot. Sa halip ay naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa aking buhok. "Would you like to take a bath first? I'll prepare for dinner while you are in the shower." "Y--Yeah. Magpapahinga lang ako sandali." "Alright. Do you need help with anything?" "No. I g--guess I can manage." "Hmm. Are you sure?" "Yeah. Ahmm, Ali. Pwede ba akong humingi ng pabor?" "Sure. What is it?" "Pwede bang d--dito ka matulog sa k--kuwarto ko mamaya? Kahit hanggang sa makatulog lang ako, then, you can go back to your own room." Natahimik siya sandali bago nag-aalangang sumagot. "S--Sige. Kung iyan ang gusto mo." "M--Maraming salamat." Hinaplos niya ang pisngi ko bago siya tumayo at isa-isang tinanggal ang suot kung pumps. Maayos niyang iniwan iyon sa sahig bago walang salitang lumabas ng kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD