Chapter 33 - Heartache

1781 Words
"Hello, Monique!" masiglang bati ko sa aking pinsan pagpasok ko ng opisina niya sa Wear It Proudly. Naabutan ko siyang prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nakapatong sa ibabaw ng office table niya ang kaniyang mga paa. "Oh, hi! How are you, Toni? Mabuti naman at naisipan mo pang bisitahin itong kompanyang malapit ko nang ibenta dahil mukha namang walang pakialam ang may-ari," mahaba at sarkastikong litanya niya habang tutok na tutok sa screen ng kaniyang cellphone. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Sigurado akong naglalaro na naman siya ng Mobile Legends, kung ano man ang larong iyan ay wala akong idea. "Sobra ka naman. Naging busy lang ako sa opisina dahil sa sunod-sunod na investors na kailangan kong kausapin. Actually, I was supposed to be here last week. In fact, tinawagan ko na sina Alvaro at Jimenez pero bigla na lang akong tinamad kaya hindi natuloy," mahabang paliwanag ko habang naglalakad patungo sa couch na nakaharap sa kaniyang lamesa. Nagulat ako nang bigla na lang niyang ibinaba ang kaniyang mga paa at balewalang sumandal sa kaniyang swivel chair na para bang nag-aabang ng chismis. "W--Wait! Ansabe? Alvaro at Jimenez? What happened to your beloved Mr. Almirante? Nagsawa na ba sa ugali mo? Sayang naman. Ni hindi ko pa natitikman ang hunk na iyon," exaggerated niyang sagot. Nawala na sa cellphone niya ang kaniyang atensyon. "Gaga! Subukan mong tikman at malilintikan ka sa akin!" sagot kong inismiran siya. "Woahh! Tama ba ang narinig ko? Nagseselos ang malditang pinsan ko nang dahil lang sa isang hamak na bodyguard? I can't effing believe this! I guess this calls for a celebration! The Ruthless CEO has finally fallen in love!" Kulang na lang ay magsisigaw siya habang nagsasalita. "Know what, Monique? Masyadong mahina iyang boses mo. Baka gusto mo pang lakasan? Iyong tipong maririnig ka sa buong building." Bigla siyang natahimik nang marinig ang sinabi ko. "And mind you, hindi hamak na bodyguard lang si Ali. Kung makapanglait ka, akala mo naman top grade ang mga naging boyfriend. At least si Ali, masarap! Duh!" napipikon kong sagot. Hindi ko hahayaang hamakin si Ali nino man, kahit kapamilya ko pa. "What did you say? Masarap si Ali? So, totoo nga? Nagtikiman na kayong dalawa ng pinakamamahal mong bodyguard. Woah! This is another reason to celebrate, dahil hindi ka na virgin!" Dahil sa inis ko ay binato ko siya ng throw pillow na mabilis din niyang inilagan. "Lintik kang babae ka! Anong hindi na virgin?! Of course, I am a virgin! Baliw ka ba?" "Kung ganoon paanong naging masarap si Ali para sa'yo?" nagtataka niyang tanong habang nagkakamot ng ulo. "Masarap siyang k--kumain, ang ibig kong sabihin." "Kumain? Ng ano?" kunot-noo niyang tanong. "Winner ka sa kabastusan, Monique pero minsan ang hina rin ng kukote mo! Ano pa? Eh, di kumain ng... Ah wala! Peste ka! Wala kang kwentang kausap!" nag-iinit ang mukha kong asik sa kaniya. Kung slow ako minsan, mas slow pa kumpara sa akin itong pinsan ko. "Teka! Hmmm. Are you trying to tell me na kinain ka ni Ali down there?" Hindi ko siya sinagot. I just rolled my eyes on her, instead. "So, tama nga ako! Yawa ka, Toni! May tinatago ka rin palang... Ay peste! Parang kinikiliti iyong ano ko sa'yo! So ano? Masarap ba talagang kumain ng mani ang isang Alaric Almirante? Tell me, Toni, ilang beses ka niyang dinala sa langit? Tumirik ba ang mga mata mo? Umungol ka ba? Pa-sample nga!" pambubuska niya sa akin na mas lalong nagpatindi sa init na nararamdaman ko sa magkabilang pisngi. Sigurado akong pulang-pula ako. "Kung makatanong ka, akala mo naman hindi ka pa nakatikim ng langit. Tigilan mo ako, Monique. Alam kong alam mo na ang pakiramdam ng kinain." "Oo, alam ko. Pero hindi ang pakiramdam ng kinain ng isang Alaric Almirante. Ang suwerte mo, Toni. Napaka-papable ng nakaunang tumikim sa'yo down there. Ang ibang babae siguro, gagawin ang lahat matikman lang ng bodyguard mo. Pero ikaw, no sweat. As in walang kahirap-hirap. Siguro ginayuma mo si Ali, 'no?" "Sira! Bakit ko siya gagayumahin, aber?" pairap kong tanong. "Aba! Malay ko! Baka malakas pala ang tama mo sa isang iyon. Who knows? Pero teka lang, nasaan siya? Hindi mo kasama o nasa labas lang? Tawagin mo! Dali! Papasukin mo rito at uulanin ko ng tukso." Kung makautos talaga minsan itong baliw kong pinsan ay parang siya ang boss. "He's not here," walang gana kong saad. "What do you mean he's not here?" "He's on leave since last week. Actually, isang linggo na ngayon." "What? Pagkatapos kang matikman ay basta ka nalang iniwan? Ano iyon? Trip-trip lang, ganern?" "Of course not! He's on leave due to personal reasons, family matter." "Oh! I never thought that your bodyguard is a family-oriented man. Ang pamilya ba ninyong dalawa, kailan niya balak ayusin? Ayieeee! Kilig yarn? Selfie nga ng kinikilig, Toni!" Try as I might, I couldn't contain the smile that crept across my face at my cousin's jokes. Napakakwela rin kasi nitong si Monique na talagang natatawa ako kahit anong pigil ko sa aking sarili. Her infectious humor always had a way of breaking through even my most determined facade. Hanggang sa ang ngiti ko ay naging halakhak. "Sira ka talaga, Monique! Baliw!" naluluhang saad ko. "Hindi talaga ako nagkamali sa pagpunta ko rito," dugtong ko habang pikapakalma ang sarili. "Teka, bakit ka nga pala nandito? I'm sure it's not about the company because you know very well that Wear It Proudly is in good hands." "Gusto sana kitang yayaing lumabas kasama sina Clarish at Lizzy." "Saan? Kakain ba tayo? Sagot mo? Iba pala kapag nakain ng isang gwapong Alaric Almirante, nagiging galante!" "Hay ewan ko sa'yo, Monique! Napakakuripot mo talaga kahit kailan. Oo na, sagot ko. Pero sa isang bar tayo pupunta." "Bar? Anong klaseng bar?" "Ah, basta! Sumama ka na lang. I'm sure mag-eenjoy ka roon." "Alright. Good thing may dala akong damit. Ikaw ba ay magbibihis pa?" "Of course! Alangan namang itong corporate attire ko ang irarampa ko sa lugar na iyon? Anyway, you wear something sexy, Monique. Malay mo, makatagpo mo roon si Henry." "Baliw! Iisa lang ang Henry na gusto ko. At alam kong hindi magiging akin ang Henry na iyon. O s'ya, umuwi ka na at nang makapaghanda ka." "Alright. See you later sa may downtown area para sabay na tayong pupunta sa bar," saad ko sabay tayo upang lumabas ng opisina niya. "Okie dokie, cousin dearie. See yah!" pahabol niyang sigaw bago ko tuluyang isinara ang pinto. Paglipas ng dalawang oras ay nasa kahabaan na ako ng highway papunta sa downtown area kung saan kami magkikita ni Monique. Isang Aston Martin sports car na kulay yellow ang dala ko samantalang ang dalawa kong bodyguards ay nakasunod gamit ang itim na Mercedes. Isinama ko silang dalawa dahil hindi ako panatag na ako lang mag-isa ang bibiyahe lalo pa't alas otso na ng gabi. Ewan ko ba, naging paranoid na ako simula nang wala na si Ali sa tabi ko. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang pearl white na Camry ng pinsan kong nakapark malapit sa isang gasoline station. Pagtapat ko sa sasakyan niya ay binuksan ko lang ang windshield at sinenyasan siyang sumunod. Nang makita ko sa rear view mirror na nakasunod na siya ay kaagad kong pinaharurot ang sasakyan ko sa maluwang na kalsada. Pagdating namin ay dumiretso kami sa lamesang palagi naming inuukupa ng mga kaibigan ko sa tuwing nasa bar kami. Ilang lamesa pa ang daraanan namin ngunit nakita ko nang umiinom na ang dalawa habang pinapanood ang isang macho dancer na sumasayaw sa stage. "Gaga ka talaga, Toni! Bakit hindi mo sinabing dito tayo sa bar na ito pupunta?" bulong ni Monique habang naglalakad kaming dalawa patungo sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan ko. "What's the matter? Okay naman ang suot mo, ah." "Shunga ka ba! Eh, di sana nag-shave man lang ako!" Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. "Ano ang kinalaman ng pagpunta natin dito sa pagsi-shave? Gaga na 'to!" pairap kong sagot habang inililibot ko ang mga mata ko sa paligid. "Hay nako! Palibhasa, wala kang alam! Dapat sa mga ganito, girl scout ka! Laging handa!" "Bahala ka sa buhay mo, Monique. Ang hirap mong intindihin." Nang wala akong makuhang sagot ay nilingon ko siya. Nagtaka ako nang makita ko siyang nakatayo lang na tila may tinitingnan. "Hoy! Monique!" Nang hindi pa rin siya kumibo ay nilapitan ko siya. "Monique! Bakit ka natulala riyan? Halika na!" "T--Toni, hindi mo ba napansin?" saad niyang inililibot ang paningin na parang may hinahanap. "Napansin ang alin? Gutom lang iyan. Come on. Kumain na muna tayo bago tayo uminom." "Toni, hindi, eh. Sigurado akong nakita ko si Alaric ngayon-ngayon lang." "Si A--Ali? Imposible!" Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko dahil sa kaniyang sinabi. "Totoo. Sa banda r--roon," saad niya sabay turo sa may counter ng mini bar. "Nakatalikod siya noong una. Pero biglang may b--babae---. Nevermind, nagugutom nga lang siguro ako. Let's go." Akmang tatalikod na siya ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Biglang may babaeng ano? Tapusin mo ang sinasabi mo, Monique," tanong at utos ko habang pilit kong nilalabanan ang nararamdaman kong kaba. "H--Huwag mo nang isipin iyon. Nagkamali lang ako." "Bullshit!" singhal ko dahil sa magkahalong kaba at pag-aalalang nararamdaman ko. Alam kong hindi ako maririnig ng ibang tao dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar. "A--Alright. Biglang may b--babaeng yumakap sa kaniya. Tumagilid siya at humarap sa babae at... at h--hinalikan niya ito sa mga labi. I'm sorry, Toni." Pakiramdam ko ay mauupos ako dahil sa sinabi ni Monique. Si Ali, may kahalikang ibang babae? Imposible! Tanggi ng isip ko. "That can't be right. Ali is busy with his family right now kaya imposibleng siya ang nakita mo. Tama. Gutom lang iyan." Kaagad ko siyang hinawakan at hinila palapit sa puwesto ng mga kaibigan ko. Pero sa loob-loob ko ay gusto kong humagulgol ng iyak. Pakiramdam ko ay sinaksak ang dibdib ko ng libo-libong kutsilyo sa tindi ng sakit na tila ba hindi ako makahinga. Parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay sa paligid ko. Oo at nasaktan na ako noon, pero ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong mali. Alam kong hindi dapat dahil wala namang kami ni Ali. Pero sadyang hindi ko napigilan ang sarili kong makaramdam ng sobrang sakit. Ito ba ang kabayaran sa sinabi ni Ate Margaux na pagmamahal ko para kay Ali? Kung ito iyon, parang ayaw ko na yatang magmahal. Pasimple kong pinalis ang butil ng luhang pumatak sa pisngi ko bago humugot ng malalim na hininga. "If this is love, then I certainly do not want it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD