Nang kami na lang ni Ate Margaux ang naiwan ay nagkayayaan kaming umorder ng pagkain.
"Ano ang gusto mong kainin, Toni?"
"Ikaw na ang bahala, Ate."
"We'll have pizza and friend chicken. Okay lang ba? Namimiss ko na rin kasing kumain niyon. Anyway, hindi ba talaga ako nakakaabala sa'yo?"
"Hindi ka nakakaabala, Ate, wala na naman akong gagawin. And yes, ayos na ayos sa akin ang pizza dahil paborito ko iyon. Mahilig kasi ako sa cheese."
"Ay bet. Paborito ko rin ang pizza, Toni, since I was in college," ang tila teenager niyang sagot. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa edad niya but I was hesitant because I might sound rude. Hihintayin ko nalang na kusa niyang sabihin iyon sa akin.
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pagkain. Habang kumakain ay nag-usap kami ng tungkol sa negosyo. Napakasarap din niyang kausap. Halatang matalino siya katulad ni Kuya Rius. Hanggang sa umabot sa puntong ikinuwento niya sa akin ang love story nila ni Kuya.
Habang nagkukuwento siya ay hindi ko napigilang kiligin. Sino ba ang hindi? Chatmate na naging magkaibigan at nagkaibigan, mayaman si Kuya at kilala sa bansa ang angkan, magaling na professor sa New York, samantalang si Ate ay isang college student galing sa isang simpleng pamilya. Libo-libong milya ang layo nilang dalawa ngunit nagawa nilang panindigan at tuparin ang kanilang pagmamahal at mga pangako.
My goodness! Akala ko sa mga novels lang mababasa ang mga ganitong kuwento. Nangyayari palang talaga ito sa totoong buhay.
Pero ang kilig ko ay biglang napalitan ng lungkot at sakit na ni hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Hanggang sa natapos sa pagkukuwento si Ate Margaux ay hindi pa rin ako matigil-tigil sa pag-iyak.
"Hey, Toni. Tahan na. Pasensiya ka na kung pinaiyak kita sa kuwento ko."
"I'm sorry, Ate, kung naging emotional ako. Sobrang nakakadala ang story ninyo ni Kuya Rius. Grabe rin pala ang pinagdaanan ninyo, Ate, lalong-lalo ka na."
"Yeah. Ang mga karanasan ko ang humubog sa akin kung ano man ako ngayon. Naging duwag ako, oo, at pinagsisihan ko iyon nang sobra." Bumuntong hininga siya na tila ba may naaalala bago nagpatuloy. "Kaya ikaw, Toni, matuto kang ipaglaban ang mga bagay na inaasam at minamahal mo for as long as alam mong may dapat ka pang ipaglaban. Kung matatalo ka man sa huli, at least, wala kang pagsisisihan. At kung sakali mang dumating ka sa punto na kailangan mong mamili, piliin mo ang pagmamahal sa halip na ang galit. Dahil ikaw din naman at ang taong mahal mo ang mahihirapan. Huwag na huwag kang magpatangay sa galit at paghihiganti. Revenge may feel satisfying in the moment, but it'll consume you in the long run. Don't let it tarnish your spirit or define who you are. Huwag ka sanang matulad sa amin ng Kuya Rius mo."
"Maraming salamat, Ate Marg. I will always remember that."
"Walang ano man, Toni. Teka, may boyfriend ka na ba?"
"Boyfriend, Ate?"
Hindi ko inaasahan ang kaniyang tanong.
"Yup, boyfriend. Sa ganda mong iyan, imposibleng wala."
"A--Ang totoo, Ate, wala pa po akong boyfriend at never pa po akong nagkaroon."
"Talaga? But I'm sure may mga nanliligaw, tama?"
"Yeah, may nagpaparinig pero hindi ko sila gusto, Ate."
"Why? May iba ka bang gusto?"
Dahil sa tanong niya ay bigla kong naalala si Ali. And that's when it hit me, si Ali lang talaga ang gusto ko. Hindi lang basta gusto. Pakiramdam ko ay mahal ko na yata siya. Pero ano nga ba ang alam ko sa pagmamahal?
"Ahm... H--Hindi ko alam, Ate," tanging nasabi ko dahil muli na namang nagbagsakan ang aking mga luha nang maalala ko si Ali. Magkasama lang kami kagabi pero parang kaytagal ko na siyang hindi nakikita. Miss na miss ko na ang presensiya niya. Ngayon ko napagtanto na nasaktan ako dahil sa pag-alis niya na hindi man lang nagpaalam nang maayos. Katulad ng ikinuwento ni Ate Marg na iniwan din siya ni Kuya Rius noon nang walang paalam.
"Hmmm, so mayroon nga? Alam mo, Toni, kung may nakababatang kapatid lang akong lalaki, ikaw ang gugustuhin kong maging girlfriend niya. Hindi dahil sa mayaman ka. Nakikita at nararamdaman ko kasing totoo ka kung magmahal. You won't be sobbing and crying your eyes out right now kung hindi mo mahal ang lalaking nagugustuhan mo ngayon. Ang suwerte niya sa'yo, Toni. I hope he knows that." Sandali siyang tumigil at sumubo ng kapirasong pizza. "Hay. Hindi naman kasi pwede ang mga anak ko. Masyado pang isip-bata ang mga iyon at sixteen," napangiti siya sa huling sinabi niya.
"S--Sixteen years old na ang anak ninyo, Ate?"
"Mga anak, Toni, kambal kasi sila. And yes, sixteen na sila. I was only nineteen when I had them."
"Ha? Ibig sabihin ay thirty-five ka na ngayon? At si Kuya Rius? Siguro nasa forty na, tama?" Hindi ko na napigilang itanong dahil sa sobrang pagkagulat habang nagpupunas ako ng magkabilang pisngi kong basa ng luha. Tumawa siya bago sumagot.
"Yeah, I'll be turning thirty-five in a few weeks. At ang Kuya Rius mo? Forty? Wow! Kikiligin iyon kung narinig lang niya ang sinabi mo, Toni."
"Ang buong akala ko kasi ay magkaedad lang tayo, Ate or that you're only a few years older than me."
"I'm way older than you, Toni, and your Kuya Rius is turning fifty-four this December. Hindi basta-basta ang agwat ng edad naming dalawa. Nineteen years ang age gap namin."
Nawindang ako sa narinig ko. She was only eighteen and Kuya Rius was thirty-seven nang maging sila. Pwede pala talagang mangyari ang ganoon.
"Bakit parang nagulat ka?" tanong niya nang hindi ako nakakibo.
"I'm sorry, Ate. I didn't expect that Kuya Rius is already fifty-four. Napakabata pa kasi niyang tingnan lalo na sa pananamit niya at ganoon ka rin, Ate. Nakakainggit kayong dalawa. Mapapa-sana all nalang talaga ako nito," bulalas ko na ikinatawa niya.
"Alam mo, Toni, hindi rin halata na twenty-five ka na. At ang dami mo nang napatunayan sa edad na iyan. Siguro iyan din ang rason kung bakit wala ka pang boyfriend. Kahit sino siguro sa katayuan mo ay magkakaroon ng mataas na standard at pangingilagan ng mga kalalakihan."
"Hindi naman, Ate. Sadyang busy lang ako sa trabaho."
"Hmmm. Pero may isang bukod-tanging nakabihag ng puso mo. Mind telling me about the guy who has captured your heart?"
"O--Okay lang sa 'yo kung ikuwento ko ang tungkol sa kaniya, Ate?"
"Yup. No problem, Toni. I'm all ears. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako mapanghusga lalo na kung pag-ibig ang pag-uusapan. A lot of people lose their sense of reasons when they fall in love. At isa na ako roon kaya maiintindihan kita."
As I sat there, my mind swirling with apprehension, the gentle reassurance in Ate Marg's voice seemed to form a protective shield around and somehow soothed my nerves. Her words, gentle and understanding, created a safe space where I felt compelled to share my deepest secret—the feelings I harbor for a man whose presence consumes my thoughts and dreams, a man whose profession as a porn star both fascinated and intimidated me.
Ate Marg never interrupted me habang nagkukuwento ako. Makikita sa pabago-bagong ekspresyon sa kaniyang mukha ang bawat emosyong hatid ng mga ikinuwento ko sa kaniya.
"Wow! You have one amazing story with that man, Toni," ang tanging nasabi niya pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang lahat. "Bakit parang kinikilig ako para sa inyong dalawa?"
"Thank you, Ate Marg."
"Teka, what's keeping the both of you from taking your relationship to the next level? Pareho naman na kayong nasa tamang edad. How old is he again?"
"Ahm, actually, hindi ko alam ang eksaktong edad niya, Ate. Siguro ay magkaedad kayo o mas bata lang siya sa 'yo ng ilang taon. Ang totoo, Ate, somehow ay alam niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. But he already told me na hindi pa siya handa. Marami pa yata siyang unresolved issues sa personal niyang buhay. At hindi ko naman gugustuhing ako ang maging rason upang hindi niya maayos ang mga dapat niyang ayusin. Isa pa, handa ko naman siyang hintayin kung kailan niya kayang suklian ang kung ano mang damdaming mayroon ako para sa kaniya."
"Wow! Just wow! Does he know the sacrifices that you are willing to make for him?"
"I don't know, Ate. Nahihiya kasi akong sabihin sa kaniya. Pero siguro naramdaman din naman niya iyon sa maikling panahong magkasama kami. Ewan ko ba, Ate, sinikap ko namang labanan ang nararamdaman ko pero sadyang may mga bagay talaga siguro minsan na mahirap labanan at itanggi sa sarili natin. Because deep inside us, we know that it's what we really want. It's what we need."
"I perfectly understand, Toni, and I admire you for who you are, for being so sure of what you want in life. Alam mo bang ganyan din ako kasigurado sa Kuya Rius mo noon? Umabot pa nga sa puntong isinuko ko ang lahat sa kaniya, dahil ganoon ko siya kamahal at hindi ko nakikita ang sarili kong ibang lalaki ang kasama ko sa pagtanda. Masuwerte ako sa Kuya Rius mo, Toni. At ipagdarasal kong sana ay ikaw rin sa lalaking napili mong mahalin at pag-alayan ng lahat. Kahit hindi ko pa siya nakikita at nakikilala, basi sa kuwento mo, I can tell that he's a good man. Kaya nga siguro nakuha niya ang loob mo at higit sa lahat, ang pagmamahal mo. Huwag kang mag-alala. Ibabalik siya sa'yo ni Lord kung talagang para kayo sa isa't isa. Just do what you need to do and make sure to always do the right thing for the both you. Ang mahalaga ay hindi ka nagkulang. Whatever happens, remember that God's plan is always better than ours."
"Thank you, Ate Marg. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi mo. Sana magkaroon ulit tayo ng oras na mag-usap. Marami akong matututunan sa'yo paniguro."
Bahagya siyang tumawa.
"Hay nako, Toni, marami ka talagang matututunan sa akin lalo na kung tungkol sa mga kalokohan."
Sasagot pa sana ako nang mag-ring ang kaniyang cellphone.
"One moment, Toni. Ang Kuya Rius mo, sasagutin ko lang," saad niya na kaagad kong sinagot ng isang tango. "Yes, dad? Yeah, sure. Katatapos lang din naming mag-usap ni Toni. Alright. Hintayin mo na lang ako sa entrance. I love you."
Pagkatapos ng tawag ay kaagad niyang isinilid sa kaniyang bag ang cellphone.
"Toni, I would really love to stay, but your Kuya is already here. We need to go."
"It's alright, Ate. Pwede kang dumalaw dito o 'di kaya sa bahay anytime. Thank you for coming, Ate Marg. Masaya akong nakilala kita."
"Ako rin, Toni. It's really wonderful talking to you."
Pagkatapos naming magyakapan ay inihatid ko siya sa elevator. Pagbalik ko sa opisina ko ay kaagad kong tinawagan ang dalawa kong bodyguards upang maghanda sa pagtungo ko sa Wear It Proudly.