Chapter 34 - Danger

1674 Words
Masaya nang nag-iinuman at nagkukuwentuhan ang dalawa kong kaibigan at si Monique. Sinikap kong makisabay sa kanila upang itago ang totoo kong nararamdaman ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko makuhang lubusang magsaya. Sumisingit sa isipan ko ang sinabi ni Monique tungkol sa nakita niyang pakikipaghalikan ni Ali sa isang babae. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit bigla na lang nawala si Ali sa counter na sinabi ni Monique. Abala ako sa paglalaro sa bibig ng shot glass na hawak ko nang walang ano-ano'y humahangos na bumalik si Clarish sa lamesa namin. Nagpaalam kasi siyang lalabas sandali at may tatawagan daw. "Oh, my God! As in, oh, my God! Girls! You won't believe who I just saw!" she exaggeratedly exclaimed. "Who?" interesadong tanong ni Lizzy samantalang si Monique ay tila walang pakialam na nakatanaw sa ibabaw ng stage at ini-enjoy ang panonood sa macho dancer na gumigiling sa pole. Hindi rin ako nagpakita ng interest dahil abala ako sa pag-iisip ng tungkol kay Ali. Pero kahit papaano ay nakikinig ako sa kuwento ni Clarish. "Si Mr. Porn Star! Naaalala n'yo? Omg! I just saw him! And damn! Walang sinabi ang kagwapohan niya sa video kumpara sa personal! Pwede na yata akong mamatay! As in now na!" Kulang na lang ay maibuga ko ang alak na nasa bibig ko nang marinig ko ang sinabi ni Clarish. Alam kong si Ali ang tinutukoy niya. Pero hindi ako nagpahalata at pasimple pa ring nakinig kahit ang totoo ay gusto ko na siyang kuwelyuhan at tanungin kung saan niya nakita si Ali. "Gaga! Para iyon lang, mamatay---," sabat ni Lizzy bago biglang natigilan. "W--Wait! Ang porn star ba kamo? Si Crossing the line chuchu ba ang tinutukoy mo?" "Naman!" "Saan? Gusto ko siyang makita! Dalhin mo ako sa kaniya, Clarish!" "Hoy! Magtigil kayong dalawa!" Kunwari ay galit kong sita sa kanila. Kaagad naman silang tumahimik sabay tutop ng kanilang mga bibig. "Para kayong ewan na 'di mapakali. Ano ba'ng problema ninyong dalawa?!" "Toni, nasa labas ng bar si Mr. Porn Star!" Napalunok ako hindi dahil sa pagtili ni Clarish, kung hindi dahil sa kaalamang nasa labas lang ng bar si Ali. "Mr. Porn Star? Who are you talking about?" painosente kong tanong. "Sino pa? Eh, di iyong nasa video sa link na ipinadala ko sa inyo a few months ago. Naaalala mo?" Umakto akong nag-isip na parang may inaalala. "Ah, yes. Yes, naaalala ko. Ibig sabihin ay nasa labas siya? Anong ginagawa niya roon?" Kalmado pa rin ang boses ko kahit ang totoo ay gusto ko nang kumaripas ng takbo palabas ng bar at hanapin si Ali. "Clarish, sinong porn star ba ang tinutukoy mo?" Napapikit ako nang marinig ko ang tanong ni Monique. I didn't want her to know na si Ali ang pinag-uusapan namin. "It's no one, Monique. Mag-enjoy ka na lang diyan. Umorder ka pa kung gusto mo. Magpakalasing ka. Ako ang bahala sa'yo," sabat ko na ikinangiti niya nang malapad. "Alright. Sinabi mo iyan, ha?" pagkompirma niya na tinanguan ko lang bago ko muling hinarap si Clarish. "Nasa labas siya, Toni, nakasandal sa pader sa medyo dulong bahagi ng parking area malapit sa kotse mo. Doon ako pumuwesto, eh. At eksaktong may nag-park na kotse kaya nakita ko ang mukha niya. Naroon siya at tahimik na humihithit ng cigar yata iyon." "Cigar?" gulat na gulat kong tanong. Ni minsan ay hindi ko nakitang humithit ng sigarilyo si Ali, cigar pa kaya? "Yes. Cigar. You can go outside and see for yourself. Alert! Baka umalis na iyon at hindi mo na maabutan." Kaagad akong tumayo dahil sa takot na hindi ko na nga maabutan si Ali. "Teka, sasama ako, Toni," angal ni Lizzy ngunit sinenyasan ko siyang tumigil sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay ko bago ako tumalikod at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang exit. Dumiretso ako malapit sa sasakyan ko ngunit wala akong nakitang Ali o kahit isang tao roon. Naglakad pa ako hanggang sa umabot ako sa parteng hindi na abot ng mga ilaw. "Ali, nandito ka ba? Please magpakita ka naman. Bakit ka ba nagtatago?" tanong ko kahit wala namang tao. Ngunit natigilan ako nang pagpihit ko ay may biglang tumakip sa bibig ko at bumulong sa aking tainga. "Don't you dare scream or else I'm going to kill you," pabulong na saad ng isang lalaki sabay tanggal ng kamay nito sa bibig ko. Base sa tunog ng boses nito, sigurado akong nakasuot ito ng face mask or something that would hide his face. Napapikit ako nang maamoy ko ang pabango nitong napakasarap sa ilong. Ngunit kaagad din akong napamulat nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa tagiliran ko. It's a f-ucking gun! "What do you want?" I tried to sound unbothered. I will never give him the satisfaction of hearing or seeing me weak. "I want you," sagot nito bago ako hinawakan sa braso at iginiya papunta sa sasakyan ko. "What? Are you f-ucking crazy?" "Yes, I am crazy. Kaya huwag na huwag mo akong susubukan. Now open your car. Open it!" may diin nitong utos sa akin. Gusto ko mang sumigaw at humingi ng tulong ay hindi ko magawa. Isang kalabit lang niya ng gatilyo ng hawak niyang baril ay malaki ang chance na mamamaalam ako sa mundong ibabaw. "Alright! Just take it easy," I answered as I carefully calculated my next move. "Timing is everything," I said to myself. Pakiramdam ko ay manginginig ako sa galit. Gustong-gusto ko nang umalma. I yearned for the perfect moment to strike back. Drawing upon every ounce of self-defense knowledge I possessed, I steeled myself for the inevitable confrontation with the man who had underestimated my strength and resolve. "Lintik lang ang walang ganti! Kapag nabaligtad ang pagkakataon, hinding-hindi ako mangingimi o magdadalawang-isip na iputok ang baril sa ulo mong hayop ka!" Nanggigigil na saad ko sa sarili. "Miss, ayos ka lang ba? Sir, may problema po ba kayo?" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang tanong ng isang lalaki na marahil ay may-ari ng kotseng katabi ng sasakyan ko. Lumapit din sa tabi nito sa may driver's side and dalawa pa nitong kasama. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak ng lalaki sa braso ko at ang pagkawala ng baril sa tagiliran ko dahil pasimple nito iyong isinuksok sa pantalon nito. Bahagyang iniyapos nito ang bisig nito sa aking baywang. Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban. Sa isang iglap ay bigla akong naging alerto. I felt the surge of adrenaline electrified every fiber of my being, sharpening my focus and heightening my senses. I immediately reacted to the man's grip loosening around me from behind. Remembering my self-defense training, I swiftly stomped on his foot, causing him to completely loosen his hold. Seizing the opportunity, I forcefully thrust my elbow backward, connecting with his abdomen. As he recoiled in pain, I spun around, using my momentum to deliver a sharp strike to his vulnerable areas. Pinuntirya ng sipa ko ang kaniyang harapan na kaagad niyang ikinahiyaw. Susugurin ko pa sana siyang muli ngunit mabilis na siyang nakatakbo habang sapo ng isang kamay niya ang pag-kalalaki niyang nasaktan. Kaagad siyang sumakay sa isang itim na kotse na bigla na lang huminto sa tapat naming dalawa. Marahil ay naalarma siya dahil nakaagaw na kami ng atensyon ng mga taong papasok at paalis ng bar. Tumakbo ako sa gilid ng kalsada at kaagad na tiningnan ang plate ng get away vehicle pero sadyang pinlano talaga ng kung sino mang gumawa nito ang lahat. Walang plate o kahit na anong pagkakakilanlan ang sasakyan. Dismayado akong bumalik sa sasakyan ko kung saan naabutan ko ang humahangos kong bodyguards. "Mam Toni, ano po ang nangyari? Pasensiya na po. Nagkagulo po kaso sa loob kaya hinanap pa po namin kayo roon," hinihingal na saad ni Jimenez. "Oo nga po, Mam. Bigla nalang po kasing may gumawa ng eksena. Nang sinabi ng mga kaibigan mong lumabas ka ay kaagad kaming pumunta rito. Ayos lang po ba kayo, Mam?" nag-aalalang tanong ni Alvaro. "Yeah, I'm okay. Huwag kayong mag-alala," sagot ko habang pilit na pinapakalma ang malakas na t-ibok ng puso ko. Ayaw kong malaman nila ang nangyari dahil tiyak kong magagalit si Papa kapag nakarating ito sa kaniya. And only God knows what he's going to do. Nabaling ang atensyon ko sa tatlong lalaki na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin at tulalang nakatitig sa akin. "Hi, thanks for the help. I really appreciate it," nakangiti kong saad sabay yuko ng ulo ko. Binalingan ko ang dalawa kong bodyguards. "Let's go, gentlemen. I'll just inform the girls that I am going home. Biglang sumama ang pakiramdam ko." "Noted po, Mam Toni." Pagdating sa loob ng bar ay parang walang nangyaring nag-iinuman pa rin ang tatlo. "So ano, Toni? Nakita mo ba siya?" nakangiting salubong ni Clarish na inilingan ko lang. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko dahil sa nangyari. "Girls, as much as I would love to stay, I am not feeling well. Biglang sumama ang pakiramdam ko dahil sa lamig sa labas. Mauuna na ako sa inyo. Don't worry, I have already instructed them to put everything on my tab. Enjoy the rest of the night." Isa-isa silang tumayo at nilapitan ako upang makipag-beso. "Couz, you rest well, okay? Extend my best regards to Tito and Tita," saad ni Monique pagkatapos akong halikan sa pisngi at yakapin. "Thanks, Monique. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Kaagad kaming lumabas at dumiretso sa parking area. Sa Mercedes ako sumakay kasama si Jimenez, samantalang pinakiusapan ko si Alvaro na imaneho ang sasakyan ko pauwi ng mansyon. Habang nakapikit akong nakasandal sa likurang upuan ay hindi ko napigilang balikan ang mga nangyari sa parking area. Nang dahil kay Ali, nang dahil sa kagustuhan kong makita siya ay muntik na akong mapahamak. Napailing ako. "Ali, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ba nagtatago ka? Bakit ba parang pinapahirapan mo ako? Ayaw ko mang isipin, pero parang sadyang napakahirap mo yatang mahalin," ang pipi kong saad sa sarili ko bago ako hinila ng antok at tuluyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD