Chapter 19 - Unease

1645 Words
Pagkatapos ng sinabi ni Ali ay hindi na ako muling nagsalita pa. Bigla kasi akong naasiwa at nakaramdam ng kaba kaya mas pinili ko nalang na manahimik. "Iyon lang pala ang makakapagpatahimik sa'yo," he said with a smirk. "Bakit, Rie Rie? Natatakot ka bang kainin kita?" "Zip your mouth, will you? Kita na ngang nananahimik na ang tao panay kulit mo pa," pairap kong saad. Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. "Don't be afraid, baby," saad niyang nakangiti bago inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. "Magaling akong kumain. Sigurado akong mapapasigaw ka sa sarap. Gusto mo bang subukan natin mamaya pagbalik natin sa kuwarto?" Halata sa kaniyang boses na tuwang-tuwa siya sa ginagawang pang-aasar sa akin. "Wala ka naman na sigurong gagawing trabaho, 'di ba? Oras na para ikaw naman ang trabahuhin ko." Nanindig ang mga balahibo ko sa tinuran niya pero pinilit kong labanan ang nararamdaman ko. "Walang hiya ka, Ali! Nasa public place tayo. Dito mo pa talaga gustong pag-usapan iyan? Ilagay mo nga sa lugar ang kamanyakan mo," nanggagalaiti kong saad na ikinatawa niya nang mahina. "Magsisimula kang mangulit pero 'di mo pala kayang panindigan." "Tumahimik ka. Bwisit ka!" "Alright. Tatahimik na, boss." Laking pasasalamat ko nang tumigil siya sa pang-aasar sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Itinutok ko na rin ang buong atensiyon ko sa pagkaing nasa harapan ko. But just as I focused on my meal, a prickling sensation crept over me, as though invisible eyes were fixed upon me. Sa pag-aakala kong si Ali ang nakakatitig sa akin ay nag-angat ako ng tingin. Ngunit katulad ko ay nasa pagkain rin ang kaniyang atensiyon. Despite the bustling ambiance of the restaurant, an unease settled in, making me pause, fork halfway to my mouth, as I couldn't shake the feeling of being watched. Ibinaba ko ang hawak kong tinidor. I glanced around discreetly, searching for the source of the unsettling sensation. "What's wrong, Rie Rie?" Nabaling ang atensiyon ko kay Ali na matiim na nakatitig sa akin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata at nakakunot ang kaniyang noo. "H--Ha? W--Wala. Nagagandahan lang ako sa lugar na 'to, " kaila ko bago ipinagpatuloy ang pagkain. Siya naman ay muli ring tumahimik. Ngunit sa loob-loob ko ay hindi ako mapakali. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ngali-ngaling yayain ko na lang siyang umuwi. "Excuse me for a while, Rie Rie." Natigil ako sa pagnguya at napatitig sa kaniya nang marinig ko siyang nagpaalam. "W--Where are you going? Tapos ka na bang kumain?" Biglang akong kinabahan sa isiping maiiwan akong mag-isa sa table namin. "Yeah. Busog na ako. I'll just go to the washroom. I'll be right back," saad niya bago tumayo at naglakad palayo. Napapailing ako habang sinusundan ko siya ng tanaw. Sa kabila ng pagkabalisa ko ay hindi ko maiwasang muling mag-init ang buong mukha ko nang maalala ko ang sinabi niya kanina na kakainin niya ako para tumigil ako. At mas tumindi pa ang nararamdaman ko nang dumaan sa isip ko ang eksena kung saan nagsisigaw ako sa sarap habang nasa pagitan ng mga hita ko ang mukha niya. "F-uck!" I silently cursed. Ibang klase talaga siyang bumanat. His way with words was unparalleled. Whether he was throwing jokes, making sarcastic remarks, or simply expressing himself or flirting with me, there was an undeniable power in his delivery that left me silenced. Each quip or clever retort was like a verbal slap, leaving me momentarily stunned and unable to muster a response, in awe of his sharp tongue and quick wit. Minsan ay nakakainis, pero madalas ay nag-eenjoy ako lalo na kapag nasasabayan ko siya. Dahil sa mga naisip ay tila nawala ang pag-aalala at kaba na nararamdaman ko. Kahit ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin ay dagli ring nawala. Huminga akong nang malalim bago inabot ang halo-halong inihatid ng service crew at sinimulang kainin iyon habang hinihintay si Ali. Lumipas ang halos tatlumpong minuto ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Muli na namang bumangon ang pag-aalala ko. Reaching for my phone, which lay beside my plate, I swiftly dialed Ali's number. With my shaking hand, I pressed the phone to my ear, hoping for a response as I felt a creeping sense of unease settle in the pit of my stomach. Nakatatlong ring na ang cellphone niya ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ko habang nagpatuloy sa pag-ring ang kaniyang cellphone. With each ring, my heart pounded even louder, a sense of urgency driving my actions as I waited for him to pick up on the other end. Napapapitik na ang mga daliri ko sa ibabaw ng lamesa nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Nakahinga ako nang maluwag. At dahil sa nag-uumapaw na sayang naramdaman ko ay hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo at yakapin siya nang mahigit. "Thank, God. You are alright." "Hey. A--Ano'ng nangyari? N--Namiss mo ba ako kaagad? Ilang minuto pa nga lang akong nawala," pagbibiro niya habang hinahaplos ang aking likod. Ngunit nang kabigin niya ang ulo ko at idinikit ang pisngi ko sa kaniyang dibdib ay doon ko naramdaman ang malakas na t-ibok ng kaniyang puso. Unti-unti akong nag-angat ng ulo. At sa nagtatanong na mga mata ay nagsalita ako. "Bakit ang lakas ng t-ibok ng puso mo, Ali? May nangyari ba?" "Nope. Malakas ang t-ibok niyan dahil nasa malapit ka. You are the reason for that loud heartbeat, Rie Rie," seryoso niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko. "Naku! Bola! Itigil mo na iyan at bumalik na tayo sa kuwarto." "Hmmm. Bakit ka ba nagmamadaling makabalik doon? Gusto mo na ba talagang kainin kita mamaya?" "Tumigil ka, Ali!" Mahina ko siyang hinampas sa dibdib at pasimple akong bumitaw mula sa pagkakayakap ko sa kaniya. "Teka, bakit ang tagal mo sa washroom? May ginawa ka bang milagro roon? Alam mo na, tulad nang ginawa mo sa akin sa washroom ng Club X?" "Ang dumi talaga ng utak mo! Natagalan ako kasi ang daming customers na gumagamit." "Eh, bakit ka hinihingal pagbalik mo? Tapos may mga mumunting pawis ka pa sa noo." "Natakot ako na baka magalit ka kasi ang tagal ko kaya halos tumakbo ako pabalik." "Talaga?" pang-aarok ko dahil hindi ako kumbinsido sa kaniyang sinabi. Alam kong may mali pero hindi ko lang matukoy kung ano iyon. "Oo sabi. Ang kulit talaga," nakangiti niyang saad ngunit kahit ang mga ngiti niya ay tila kakaiba rin, parang napipilitan lang. "A--Alright. Sinabi mo, eh. Anyway, I'll go ahead and settle the bill at nang makaalis na tayo rito." "Oh, that. There's no need. Nabayaran ko na ang mga inorder natin." "Ano? Paano?" "Dumaan na ako sa cashier bago kita binalikan para makauwi na tayo kaagad. Hindi na kasi ako makapaghintay na makakain ng dessert." "Kakain ka ng dessert? Eh, bakit sa kuwarto? Wala tayong dessert doon." Natahimik ako nang inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko. "You'll be my dessert, Rie Rie. Excited na nga akong matikman ka mamaya," bulong niya na nagdulot ng kiliti sa kaibuturan ko. Unti-unti akong nakaramdam ng init na pilit kong binalewala. "W--What? Ahh---" Natigil ako sa pagsasalita nang tahimik niyang inabot ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri bago siya nagsimulang humakbang palabas ng restaurant. Wala kaming imikan habang mabagal kaming naglalakad pabalik ng kuwarto namin hanggang sa makapasok kami. Kaagad niyang binitawan ang kamay ko at dumiretso siya ng kusina. "Do you want a glass of water?" tanong niya habang nasa kitchen island at nagsasalin ng tubig sa baso. Umupo ako sa high chair sa harap niya bago sumagot. " No, I'm good, Ali. Thanks." Uminom muna siya ng tubig bago muling nagsalita. "Rie Rie, napansin ko kanina sa restaurant, bakit parang balisa ka? May problema ba?" "Ha? W--Wala, w--ala." "Sigurado ka?" "Yup." "Hmm, okay. Anyway, matagal ko nang gustong itanong sa'yo. About that Glock I found inside your bag, bakit may ganoon ka?" "Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka. Kompleto ang papeles ng baril na iyon. I also have a permit to carry that gun kahit sa labas ng sasakyan ko." "No, that's not what I meant. Nagtataka lang ako kung bakit nagdadala ka ng baril." "Wala lang. Pakiramdam ko kasi ligtas ako." "Do you still carry it with you until now?" "Not anymore, no. Iniwan ko na iyon sa kuwarto ko sa penthouse." "Why?" "Kasi nandyan ka naman na para protektahan ako kung sakali. There's no use having it with me." "Right. Huwag ka nang magdala ng baril, Rie Rie. I'll always be here to keep you safe. Hmmm?" "Yup. Thanks, Ali." "Trabaho ko iyon, Rie Rie. Hindi mo kailangang magpasalamat." At sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli na naman akong nasampal ng katotohanang trabaho lang ang lahat para kay Ali. Walang ibang ibig sabihin ang mga biro niya. "Right. Trabaho mo iyon." "Sige na. Pumasok ka na sa kuwarto mo at magpahinga." Utos niya habang papalapit sa kinauupuan ko. "H--How about you?" "I'll sleep in a bit, Rie Rie . I'll just have a very important call to make." "Alright." Tinulungan niya akong makababa mula sa high chair. "Good night, Ali," saad ko. Akmang tatalikod na ako ngunit mabilis niya akong kinabig sa batok ko at mainit akong hinalikan sa aking mga labi. Pakiramdam ko ay biglang nalusaw ang mga binti ko at parang babagsak ako sa sahig. Ngunit hindi nangyari iyon dahil ang kabila niyang kamay ay may kahigpitan niyang iniyapos sa aking baywang. Kung gaano kabilis niya akong hinalikan ay singbilis din niya iyong tinapos. "Good night, princess." Magaan niya akong hinalikan sa noo bago ako tuluyang binitawan. Walang salita akong tumalikod at tinungo ang kuwarto ko. Pigil na pigil ko ang sariling mapatili dahil sa nag-uumapaw na kilig na nararamdaman ko. Ah, bahala na. I'll enjoy what little time I have with Ali. Bulong ko sa sarili ko bago ko isinara ang pinto ng kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD