"Ali, can you accompany me to the resort's restaurant? Gusto kong kumain ng dinner doon," pagkausap ko kay Ali na abala na naman sa kaniyang cellphone.
Pangalawang araw na namin sa resort ngayon and as expected, the activities in the past two days were a huge success. Thanks to the staff of Wear It Proudly, Inc. na talaga namang magagaling sa kanilang mga trabaho.
"Sure. That's my job after all. But---"
"But?"
"Next time, baka naman pwede mong lagyan ng please? Pakiramdam ko kasi parang alipin mo talaga ako kung ituring."
"Oh, shut up. Alipin naman talaga kita," I dismissively replied.
"Rie Rie, sa kama mo lang ako magiging alipin, nowhere else," sagot niya na naging dahilan ng pag-init ng buong mukha ko.
"At bakit naman kita aalipinin sa kama?"
"Why? Would you rather I do that to you? Will you be my willing sub?"
"Sub?" nagtataka kong tanong. Hindi ko na masundan ang usapan.
"Sub as in submissive. You know, B.D.S.M.?"
"What is that?"
"Nevermind, wala ka rin namang alam sa ganyan," balewalang sagot niya na ikinainis ko.
"Kaya nga ako nagtatanong, 'di ba? Para may alam ako."
"Rie Rie, libre ang gumamit ng Google kaya iyon ang gamitin mo. Doon mo alamin kung ano ang B.D.S.M. Kung gusto mo, subukan mong hanapin sa porn site. Total naman, suki ka roon," sarkastiko niyang sagot.
"Hoy!" saad ko sa mataas na boses. Dinuro ko siya habang naglalakad ako palapit sa kaniya. "Maka-suki ka naman! Parang sinasabi mong mahilig ako sa porn, ah," pagpapatuloy ko.
"Bakit, Rie Rie? Hindi nga ba?"
"For your information, Mr. Almirante, ang threesome mo ang kauna-unahang porn na napanood ko sa buong buhay ko."
"Ows? Talaga? Pinanood mo iyon? As in tinapos mo?" nakangisi niyang saad habang komportable pa ring nakaupo sa sofa. Parang hari siyang nakasandal habang ang kaliwang kamay niya ay nakapatong sa sandalan nito. Pinaikot-ikot niya sa kanan niyang kamay ang kaniyang cellphone na tila laruan. Natameme ako. Nahihiya akong aminin na tinapos ko iyon at pinanood ko pa ang ibang videos niya. "Bakit 'di ka makasagot?"
"Ahh, a--ano---"
"Don't bother. Kitang-kita naman sa reaksiyon mo ang sagot."
Naalarma ako nang dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palapit sa kinatatayuan ko. Napako sa kaniyang mga mata ang mga mata ko nang walang babala niya akong kabigin sa baywang ko.
"A--Ali."
"Tell me, Rie Rie. Nag-enjoy ka ba sa panonood?" sensuwal niyang tanong. Napalunok ako habang pilit kong nilalabanan ang unti-unting pagbilis ng t-ibok ng puso ko. "What can you say? Was I good in bed?" Umawang ang bibig ko dahil sa kaniyang tanong. Hindi ko mahanap ang boses ko lalo na nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na humahaplos sa likod ko hanggang sa unti-unti iyong bumaba patungo sa aking pang-upo at mas idiniin ako sa kaniyang katawan.
"Ali---"
"I was just kidding, Rie Rie," saad niyang kaagad akong binitawan. "Teka, bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawa niyang tanong. "Natatakot ka bang aminin na bumilib ka sa performance ko sa kama? Hmmm. I will let you experience it sooner, baby. For now, magbibihis muna ako at nang masamahan kong kumain ng dinner ang prinsesa ko."
Magaan niya akong hinalikan sa mga labi ko bago siya tumalikod at parang walang nangyaring iniwan akong nakatulala sa living room. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sadyang napakalakas ng epekto ni Ali sa akin. His mere presence is enough to make me shiver in anticipation. Nakakatakot but at the same time nakaka-excite.
Baby. Prinsesa ko. Napangiti ako nang maalala ko ang kaniyang sinabi. For me, Prinsesa is the sweetest and most special endearment dahil tanging sina Papa at Mama lang ang tumatawag sa akin ng ganoon. Ngunit napailing ako nang mapagtanto kong wala nga naman palang gagamit ng endearment para sa akin kung hindi ang parents ko dahil never pa naman akong nagkaroon ng boyfriend simula noon. Si Ali ang pinakaunang lalaking gumamit ng endearment para sa akin.
Paglabas niya ng kuwarto ay kaagad kaming umalis. Nasa malapit lang naman ang restaurant ng resort. Mga ilang metro lang iyon mula sa kuwarto namin ni Ali.
When we arrived at the place, it seemed that every seat was already taken, leaving me momentarily disheartened.
"Ano ba ang mayroon ngayon at parang napakaraming tao? Sayang. Gusto ko pa naman sanang matikman ang mga pagkain nila rito."
"I don't know. Baka may event," sagot niya. Nakatanaw siya sa dulong bahagi ng malapad na lugar. "Wait. Parang may bakante pa roon. Let's go." Nag-alangan akong tanggapin ang nakalahad niyang kamay. Sa halip ay napatitig ako roon. "Rie Rie, instead of just staring at my hand, take it. Hindi pwedeng basta-basta ka nalang papasok diyan. Hindi natin alam, baka may lasing na customer at biglang magkagulo."
"A--Alright," sagot ko sabay abot ng kaniyang kamay. Naramdaman ko ang magaang pagpisil ng mainit niyang palad bago bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya. I was a bit shocked when I felt him intertwined our fingers. Nilingon ko siya ngunit tila balewala lang sa kaniya iyon.
Medyo nasa gilid at dulong bahagi ng restaurant ang pandalawahang lamesang napili ni Ali. Iyon nalang kasi ang bakante na medyo malayo sa maraming customers. Mga ilang hakbang din iyon mula sa entrance kung nasaan kami.
When we approached our table, he swiftly took out a chair, nodding for me to take a seat. It was a silent gesture, yet it spoke volumes of his unwavering dedication to my safety and comfort. With a grateful smile, I settled into the chair, feeling both protected and valued in his presence. For the nth time, naramdaman ko na naman ang mga nagliliparang paro-paro sa aking tiyan. Kinikilig ako sa simpleng mga bagay na ginagawa ni Ali para sa akin kahit na alam kong trabaho lang ang mga iyon para sa kaniya.
Expecting him to take the seat across from me, I watched as he instead turned around, standing silently behind me. His protective presence felt like a shield, reassuring me in a way words never could. Kahit sa casual niyang suot na blue jeans at white shirt na pinatungan niya ng black leather jacket, hindi maipagkakaila ang maawtoridad niyang aura. Idagdag pang nakasuot siya ng itim ding steel-toe shoes. Ibang-iba siya sa Ali na kasama ko kapag kaming dalawa lang. But no matter where we are, I always feel secured and safe whenever he's around.
Naghintay ako ng ilang sandali. Akala ko ay aalis siya mula sa pagkakatayo sa likod ko at uupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Pero hindi iyong nangyari kaya bahagya ko siyang nilingon at sa pabulong na boses ay tinawag ko siya.
"Ali!"
Ngunit tila hindi man lang niya ako narinig.
"Alaric, hoy!" tawag kong muli sa pangalan niya ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot kaya mas nilakasan ko pa ang aking boses.
"Mr. Almirante!"
"Yes, Miss Cuizon?" sagot niya sa seryosong tono.
"Punyemas ka, Ali! Ang arte mo, ha! Bakit ka nakatayo riyan? Hindi ka ba kakain?"
"I'm alright, Miss Cuizon."
"Alright? Ikaw, oo. Pero ako, hindi. Halika. Dito ka sa kaharap kong upuan." Hindi siya tuminag. "Ayaw mo? Makakatikim ka sa akin kapag hindi mo ako sinunod," may pagbabanta sa boses ko habang pinanlalakihan ko siya ng mga mata ko.
Sumagot siya na hindi man lang ako nililingon. Diretso lang ang kaniyang mga mata sa kaniyang harapan.
"If that's the case, then, hinding-hindi na kita susundin kahit kailan."
"What did you say?"
"Nothing, Miss Cuizon."
"Ali, sa kakatawag mo sa akin ng Miss Cuizon, pakiramdan ko ay high school teacher ako. Kaya please lang, itigil mo na iyan. Wala tayo sa opisina parang awa mo na! Umupo ka na rito at nang makapag-order na tayo."
"My job is to ensure your safety especially in public, Miss Cuizon."
"Alam ko, Mr. Almirante. At magagawa mo pa rin naman iyon kahit nakaupo ka. And don't worry, hindi naman ikaw ang magbabayad kung iyan ang ikinakatakot mo."
"Damn!" pabulong niyang anas. "Alright."
Napapailing siyang tinungo ang upuan at walang salitang umupo roon.
"Now that's better. So, ano ang gusto mong kainin?"
"Kung ano ang kakainin mo, iyon na rin ang sa akin."
"Are you sure? You might not like it dahil magkaiba tayo ng taste, Ali. Kaya umorder ka kung ano man ang gusto mo. It's on me."
"I'm telling you, Rie Rie, basta magustuhan mo, I'm sure magugustuhan ko rin," balewalang sagot niya habang inililibot ang kaniyang mga mata sa buong paligid.
"Hoy! Ano ba? Parang praning ka. Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo sa kung saan-saan. May problema ba, Ali?"
"Nothing. I'm just making sure na ligtas ka. Don't mind me," saad niya na sinagot ko na lang ng isang tango.
Nang dumating ang mga inorder ko ay kaagad kaming kumain. Natutuwa akong kahit sa pagkain ko ay inaasikaso niya ako.
"Here, kare-kare. Masarap."
"I'm okay, Ali. Hindi pwede sa akin iyan."
"Bakit mo inorder kung ganoon?" nagtataka niyang tanong.
"Because I know you'd like it," nakangiti kong sagot. Nakita kong namula ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Well, thank you. I like it, Rie Rie. Teka, bakit nga pala hindi ka pwedeng kumain nito?"
"I'm allergic to peanuts, Ali."
"I see," sagot niyang napatango-tango. "I'll bear that in mind."
Napangiti ako nang makita kong namumula pa rin ang kaniyang mukha kaya naisipan kong asarin siya. "Hey! Why are you blushing, Ali? Kinikilig ka, 'no? Ayieeee, kinilig s'ya dahil sa kare-kare."
"Stop it, Rie Rie. Kumakain ako."
"Nope." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. "Aminin mo muna na kinikilig---."
"Titigil ka nang kusa? O kakainin kita para tumigil ka?" putol niya sa sinasabi ko na ikinatikom ng bibig ko.