Pangatlong araw na namin sa resort kaya naman ang lahat ay excited nang umuwi pagkatapos ng huling photoshoot na mangyayari sa pool area.
Maaga pa kaming gumising ni Ali kanina at nagligpit ng aming mga gamit.
"Toni, are you coming with us?" tanong ni Monique. Nakatayo siya sa nakabukas na main door ng kuwartong inuukupa namin ni Ali.
"Of course. Gusto kong makita ang gagawing photoshoot para sa mga undergarments."
"Okay. Bilisan n'yo na riyan at hapon na. Kailangan nating maabutan ang papalubog na araw para sa photoshoot. Nasaan nga pala si Alaric?"
"Nasa kuwarto niya siguro. Why? Oh, here he is."
"Good afternoon, Monique," bati ni Ali na dagling nagpabago sa seryosong aura ni Monique. Bigla ang paglitaw ng masayang ngiti sa mga labi nito.
"Good afternoon, Alaric. Parang ang saya mo yata ngayon ah."
"Excited lang akong umuwi, Monique," sagot niya bago ako binalingan. "Hello, boss. How do you feel? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?"
Sasagot na sana ako pero naunahan na naman ako ng madaldal kong pinsan.
"Ang lagay ba, eh, pinagod ninyo ang isa't isa buong araw? O baka simula pa kagabi? Magdamagan ba ang ginawa ninyong dalawa kaya pareho kayong pagod at puyat?"
"Monique, what are you talking about?"
"Ikaw, Toni, tigil-tigilan mo iyang drama mo, ha. Sabihin mo nga, pinatulog ka ba nitong bodyguard mo kagabi? Buong araw kang hindi lumabas dito upang magpahinga pero nangangalumata ka pa rin."
"Hoy, Monique. Iyang marumi mong utak ha! Sumusobra ka na!"
"Ilang beses ko bang dapat sabihin? Hindi ako ipinanganak kahapon, Toni. Kaya huwag ako. Manalamin ka nga. Ayusin mo ang mukha mo. Maglagay ka ng maraming concealer."
"Loka-loka! May ginawa akong report kagabi at kaninang umaga kaya ako napagod. Ang hilig mo talagang gumawa ng kuwento riyan sa utak mo."
"O, sige, kunwari naniniwala na ako," saad nito bago humagikhik. "Alaric, pwedeng humingi ng favor? Pakidala naman nitong bitbit ko sa pool area. Medyo mabigat kasi."
"Sure. Just leave it there. Ako na ang bahala."
"Monique, bakit siya ang magdadala niyan?"
"Aba at bakit ikaw ang nagrereklamo, kamahalan? Ikaw ba ang magdadala? Besides, sigurado akong kayang-kaya iyan ni Alaric."
"Pero hindi trabaho ni Mr. Almirante iyan. At isa pa, ang bigat niyan. Mag-utos ka na lang ng iba."
"Miss Cuizon, it's okay---"
"Ay grabe! Protective ang boss sa kaniyang bodyguard. Anong meron, Toni?"
Sa halip na sagutin si Monique ay si Ali ang binalingan ko.
"Sigurado ka bang kaya mong buhatin iyan, Mr. Almirante?"
"Yes po, boss. Ikaw nga nakaya kong buhatin noong nakaraang gabi, ito pa kaya? And take note, I did it thrice at hindi naman ako nabigatan sa'yo."
"Holy s-hit! Binuhat mo si Toni ng tatlong beses pero kung makatanggi at makarason na may ginawa siyang report, wagas!" Humalakhak nang malakas si Monique. "I can't f-ucking believe this! Tell me, Alaric, marunong bang humalik itong amo mo?"
"Monique!"
Natilihan ako sa tanong ni Monique. Si Ali naman ay pinamulahan ng mukha.
"My goodness! The two of you looked so effing guilty!" Muli siyang tumawa. "Alaric, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
Nanlaki ang mga mata ko nang gumuhit ang isang pilyong ngiti sa mga labi ni Ali. Unti-unti nang nawala ang pamumula niya.
"Don't worry, Monique. Magaling naman akong trainer. She isn't that good but she's getting the hang of it," buong kompiyansang saad ni Ali na labis kong ikinagulat.
"Mr. Almirante! What do you think you're doing? Do you want me to fire you?" pasigaw kong tanong.
"Nagbibiro lang ako, boss. Ikaw talaga. Ang bilis mong---"
"Don't you dare, Mr. Almirante!"
"magalit," dugtong niya habang malapad na nakangisi.
"Bahala na nga kayong dalawa. Ang isa umaamin na, pero ang isa todo tanggi pa. Hay! Bilisan n'yo na riyan! Nagpapainggit lang kayo, eh!"
Walang lingon-likod na iniwan kami ni Monique. Kaagad kong isinarado ang pinto at hinarap si Ali.
"Sira-ulo ka talaga, Ali! Bakit mo sinabi iyon kay Monique?!"
"Biro ko lang naman iyon, Rie Rie. Biro na may halong katotohanan."
"At ngingiti ka pang talaga! Hindi mo kilala si Monique. Siguradong hindi na ako tatantanan ng isang iyon." Napahawak ako sa aking sintido habang napapailing. "Kung alam mo lang kung gaano katinding mang-asar ang pinsan kong iyon, Ali. Reyna ng pang-aasar ang lukaret na iyon."
"Wait! Totoong pinsan mo si Monique?" tanong niya. Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Kaya pala pareho kayong loka-loka," dagdag pa niya.
"Bakit gulat na gulat ka yata? Ano ba sa tingin mo? Hahayaan ko lang ang kung sino-sino na asarin ako? Of course not. Monique is my cousin, Ali. Magkapatid ang Mommy niya at ang Papa ko kaya unlimited ang pang-aasar niya sa akin. What's even worse, binigyan mo pa siya ng rason at idea kung paano ako mas inisin at asarin sa harap ng pamilya namin," mahabang pahayag ko habang nakapamaywang sa harap niya.
"I am sorry, Rie Rie. I didn't know. Don't worry. Babawiin ko ang mga sinabi ko kanina. Hmmm? Kaya please, kumalma ka na."
"Hindi mo na mababawi iyon. Kaya sa susunod, ilagay mo sa tamang lugar ang pagbibiro mo," saad ko. Hindi ko na naitago pa ang nararamdaman kong inis. Gusto kong umiyak kaya mabilis akong tumalikod upang bumalik sa kuwarto ko. Ngunit sa isang iglap ay nahawakan na niya ang kamay ko. Kinabig niya ako at mahigpit na niyakap.
"I'm sorry, Rie Rie. Please forgive me. Hindi ko kasi talaga alam. Hindi ko sinasadya."
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa sobrang inis.
"I--It's okay, Ali."
"Hey. Why are you crying? Is it really that big of a deal?" Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha ko sa kaniyang dibdib at pinalis ang luha sa mga pisngi ko. "I'm really sorry. I promise, I'll talk to Monique kaya huwag ka nang umiyak."
"A--Alright," sagot ko at bahagyang tumango.
Buong akala ko ay bibitawan na niya ako. Pero kabaligtaran ang nangyari.
Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng yakap niya habang unti-unting bumaba ang kaniyang mukha sa mukha ko. At sa halip na umiwas ay kusang napapikit ang aking mga mata hanggang sa dumampi ang mainit niyang halik sa aking mga labi. Dahan-dahang gumalaw ang kaniyang mga labi na tila ba inaanyayahan akong sumabay na siya ngang ginawa ko. Kaagad kong iniyapos ang mga bisig ko sa kaniyang leeg. Napaatras ako nang nagsimula siyang humakbang hanggang sa narinig ko ang pagtunog ng lock ng main door ng aming kuwarto. Isinandal niya ako sa likod ng pinto at mas pinalalim pa ang aming halikan.
"O--Open your mouth, Rie Rie," utos niya na kaagad kong sinunod. Hanggang sa ginagalugad na niya ang loob ng bibig ko na tila may hinahanap. Alam ko kung ano iyon kaya kaagad ko siyang pinagbigyan. Sinabayan ko ang ginagawang paggalaw ng kaniyang dila. Banayad lamang iyon na tila tinuturuan at sinasanay ako.
"Hmmm. A--Ali," sambit ko nang unti-unting bumaba ang kaniyang mga halik. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas at basta nalang nagpaubaya. Idagdag pang nakakawala sa sarili ang eksperto niyang kamay na banayad nang humahaplos sa katawan ko na unti-unti nang tinutupok ng init na dulot ng aming ginagawa. At laking gulat ko nang maramdaman ko ang pagsapo ng mainit niyang palad sa aking dibdib, kasabay nang pagsubo at bahagyang pagkagat niya sa naninigas kong tuktok sa kabila. Napahiyaw ako dahil sa sabay niyang pag-atake sa magkabilang korona ko.
"A--Ali!"
"Sshhh! B--Be quiet, baby," bulong niya sa pagitan ng ginagawa niyang pagsipsip sa aking sensitibong tuktok. Hindi ko lubos maisip kung paanong nakalas na niya ang pagkakabuhol ng straps ng romper na suot ko. At dahil padded iyon ay wala akong suot na brassiere kaya diretso niyang naangkin ang aking magkabilang dibdib.
"Ohhh, A--Ali. That is so g--good," halinghing ko sa mahinang boses. Pigil na pigil kong mapaungol nang malakas sa pangambang may makarinig mula sa labas.
"I--Is this good, baby?" tanong niya habang mabilis niyang pinapasayaw ang kaniyang dila sa aking korona at may diing nilalapirot ang kabila.
"Ohhh, y--yes! Yes, Ali!" sagot ko habang mahigpit na nakasabunot ang mga kamay ko sa kaniyang buhok.
Hanggang sa naramdaman ko ang pagsipsip niya sa balat ko sa ibabaw ng aking tuktok. Medyo masakit iyon ngunit hindi niyon nabawasan ang sarap na ipinapadama niya sa akin.
Paglipas ng ilang minutong pagsipsip ay naramdaman kong tumigil siya. Unti-unti akong napamulat at natagpuan ko siyang titig na titig sa dibdib kong ginawan niya ng marka. Nakaramdam ako ng hiya sa isiping maliwanag niyang nakikita ang hubad na itaas na bahagi ng katawan ko kaya dahan-dahan kong binitawan ang buhok niya upang itabon ang kamay ko sa nakahantad kong dibdib. Ngunit pinigil niya ako.
"Don't, baby. They're beautiful. You don't have to hide them in front of me."
Nag-angat siya ng tingin kaya nagkasalubong ang aming mga mata.
"D--Did you just add another h--hickey, Ali?" tanong ko sa nanginginig na boses.
"Yes, baby. I'm just marking what's mine," sagot niya habang unti-unting ibinababa ang suot kong romper. Binaha ng kaba ang dibdib ko sa isiping huhubarin iyon ni Ali.
"A--Ali," saad kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa romper ko.
"It's okay, Rie Rie. I'll never cross the line. Hmmm?"
"P--Promise?" parang bata kong paniniguro dahil sa takot kong baka lumagpas kami.
"I promise, princess," sagot niya bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
Pakiramdam ko ay nanginig ang katawan ko nang nasa baywang ko na ang romper na suot ko.
"A--Ali..."
"Sshhh..." tanging sagot niya habang magkahinang ang aming mga mata.
"N--Natatakot ako, Ali," muling saad ko nang maramdaman kong inabot niya ang maiksing zipper sa ibabaw ng pang-upo ko. Akmang ibaba na niya iyon ngunit natigil siya dahil sa malalakas na katok sa kabilang bahagi ng pintong kinasasandalan ko.
"Toni! Ano ba? Bakit ang tagal ninyong dalawa?! Kanina pa kami naghihintay sa pool area," sigaw ni Monique mula sa labas.
Sasagot na sana ako ngunit pinigil ako ni Ali sa pamamagitan ng pagpatong ng hintuturo niya sa ibabaw ng mga labi ko.
"Bahala ka riyan, Toni. We will proceed with the photoshoot with or without you!" muling sigaw ni Monique. "Guys, pakibitbit nitong mga gamit. Kayo na ang magdala," utos nito sa kung sino mang kasama nito na ang tinutukoy ay ang ipapabuhat sana nito kay Ali. "Sige! Ituloy n'yo na lang ang honeymoon ninyo! Kaloka kayo!" ang papalayong boses ulit nito.
Nang tumahimik na sa labas ay sabay kaming napangiti ni Ali hanggang sa ang aming mga ngiti ay naging halakhak.
"Come on, princess. Let's fix this," saad niya habang inaayos ang straps ng aking suot. "Baka sugurin ulit tayo rito ng makulit mong pinsan kapag muli akong natukso sa alindog mo at hindi na tayo makalabas," dugtong niya na naging dahilan upang mag-init ang magkabilang pisngi ko bago ako ginawaran ng magaang halik sa aking noo at pagkatapos ay sa aking mga labi.
"A--Alright. G--Gusto ko rin talagang mapanood ang photoshoot," nauutal kong sagot habang pinapakalma ko ang mabilis na t-ibok ng puso ko.