Chapter 36 - Castor Troy

1829 Words
"Woah! You see that? Napangiti natin si Miss Ganda!" masayang wika ng nagngangalang Pol. "Right! So, I guess you've won!" nakangiting saad ng kambal na si Cas sabay tapik sa balikat ni Pol bago ako binalingan. "My twin brother seemed to have bested me again. As a man of my word, I'll honor the bet. Now, let's see if we can persuade you Miss Sexy to join us for a game of basketball." "W--What did you say? Pinagpustahan ninyo akong dalawa?" "Oh, no! Don't get me wrong, Miss Sexy. We came here para maglaro ng basketball. Nakakahiya namang paalisin ka namin kaya bakit hindi nalang tayong tatlo ang maglaro? And of course, dapat may pusta," maangas na paliwanag ni Cas. "Ako ba ay pinagloloko ninyong dalawa? Kay babata n'yo pa pero ewan!" nandidilat ang mga matang angil ko sa kanila. "Oy, hala! Nagalit na si Miss Ganda, Cas!" "Oh, shut up, Pol! Ikaw ang pasimuno nito!" paninisi ni Cas sa kakambal while dismissively waving his hand. "Bago kayo mag-away na dalawa, ito ang bola. The place is all yours, kids," sabat ko sabay dutdot ng bola sa dibdib ni Cas. "Adios!" "Miss Sexy, wait!" tawag niya at hinawakan ako sa kamay. Pagalit ko siyang binalingan at muling pinandilatan ng mga mata ko. "Tatanggalin mo ang kamay mo o manghihiram ka ng mukha sa aso?" may diin kong saad habang titig na titig ako sa mga mata niya. "Oh, I--I'm sorry. Hindi namin intensiyon na bastusin ka or what. Gusto lang talaga naming makipagkilala and perhaps you know, makipagkaibigan," he apologetically said. Nag-aalangan niyang binitawan ang kamay ko. "Makipagkaibigan? Bakit? Wala ba kayong magawa sa mga buhay ninyo at gusto ninyong makipagkaibigan with a random stranger like me? Bakit hindi kayo umuwi at mag-aral nang mabuti at nang may maiambag man lang kayo sa bansang Pilipinas?" pangaral ko sa dalawa pero kay Cas pa rin ako nakaharap. Narinig kong napasipol ang kakambal niya. "Pasensiya na talaga. But please know na hindi kami masamang tao. Gusto lang talaga naming makipagkaibigan. Right, Pol?" Tila humihingi ng saklolong binalingan niya ang kaniyang kakambal. Pigil na pigil ko ang sarili kong mapangiti. Nakikita ko naman kasi sa nababahala niyang mukha at naririnig ko sa kaniyang boses ang sincerity. Gusto ko lang talaga silang pangaralan. "Y--Yeah, right. We're sorry if we acted like some kind of jerk just now. We just wanted to be friends with you," pagsang-ayon ni Pol. "Be friends, my ass!" asik ko sabay irap. "Magsiuwi na kayo!" "Hey! I'm sorry. Please give us a chance to prove na mabuti kaming tao at wala kaming balak na masama sa'yo," pagmamakaawa niya. "Pol! Come on, man! Help me convince her! Please!" Doon na lumapit sa aming dalawa ang kakambal niya. "Miss Ganda, totoo ang sinasabi ng kakambal ko. Mabuti ang intensiyon namin sa paglapit sa'yo. I guess, we just started on the wrong foot. I'm really sorry," paliwanag nito sabay yuko. "Alright. Sa susunod huwag kayong umasta na parang mga anak kayo ng Presidente ng bansa. Ang yabang ng dating ninyo sa totoo lang. At pwede ba? Tigilan ninyong dalawa ang kakatawag sa akin ng Miss Ganda at Miss Sexy? Kinikilabutan ako sa inyo! Kapag narinig kayo ng boyfriend ko, ewan ko na lang. Isa lang ang sigurado ako, mababalian kayo ng buto. Kuha n'yo?" muling asik ko sabay angat ko pa ng kamay ko at dinuro sila. Parang mga batang napagalitan ng Nanay ang dalawa at sabay na napatango-tango. "Yes, Mam," they answered in chorus. "Now that's better. Goodbye." "W--Wait. Mam, ako nga pala si Castor, and this is my brother, Pollux." Nahinto ako sa akmang pagtalikod nang marinig ko ang kanilang mga pangalan. Mga constellations iyon. And as someone who's fascinated with Astronomy ay bigla akong na-curious. "What did you say your names are?" "I am Castor, Mam, and this is Pollux." "Wow! Ang ganda ng mga pangalan ninyo," hindi ko napigilang sabihin. Bigla na lang nag-iba ang mood ko. "Well, thank you, Mam. Si Nanay namin ang nagbigay niyan. Castor Troy and Pollux Troy," sagot ni Pollux. "Just wow! Ang galing naman ng Nanay ninyong pumili ng mga pangalan." "Actually, it's in the fam, sa side ni Tatay. Halos puro kasi constellations ang mga pangalan nila," paliwanag ni Castor. Napangiti ako nang mapagtanto kong Nanay at Tatay talaga ang tawag nila sa kanilang mga magulang. Kita naman kasi sa kanilang pananamit at sa kabuuan nilang aura na galing sila sa may kayang pamilya, kaya nakakatuwang Nanay at Tatay ang gamit nila. Napaka-humble ng dating. "I see. By the way, my name's Toni," pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko na kaagad namang tinanggap ni Castor. "Hello, Mam Toni. It's our pleasure to get to know you," saad ni Castor na lihim kong ikinangiti dahil biglang naging Mam ang kaninang tawag niya sa akin na Miss Sexy. "Hi, Mam Toni. Pollux is the name, basketball is the game," pakwelang saad naman ng isa sabay abot ng kaniyang kamay. Doon na nagsimula ang pag-uusap namin ng kambal. Hanggang sa nangyari nga ang paglalaro namin ng basketball na may kasamang pusta. At dahil si Castor ang nanalo ay wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanilang kumain sa isang fast food chain sa loob ng mall. Habang naglalakad kami ay nag-vibrate ang cellphone ko. Kaagad ko iyong sinagot nang makita kong si Jimenez ang tumatawag. "Yes, Jimenez?" "Mam Toni, sino po iyang mga kasama ninyo?" tanong niya sa kabilang linya. "Don't worry. Mga kaibigan ko sila. Just follow us," halos pabulong ang boses kong sagot. Kaagad kong tinapos ang tawag sa pag-aalala kong marinig ng dalawa ang pakikipag-usap ko sa aking bodyguard. Pagpasok ng fast food chain ay ang kambal ang nagpresentang umorder ng mga pagkain. Nang makabalik sila ay kaagad naming nilantakan ang pizza at fried chicken na kanilang inorder. Masaya kaming kumain at nagkuwentuhan. Doon ko nalamang Grade Twelve pa lang ang dalawa at kapwa honor students sa kinukuha nilang strand na STEM o Science, Technology, Engineering, and Mathematics. "So, you are eighteen now. Tama?" tanong ko habang kumukurot sa fried chicken na hawak ko. Mas gusto ko kasi talagang nagkakamay kapag pizza at fried chicken ang kinakain ko. "Nope, Mam. Sixteen," sagot ni Pol bago isinubo ang straw ng kaniyang inumin. "Grade Twelve? Sixteen? Niloloko mo ba ako, Pol?" "Iyan ang totoo, Mam. Our parents did what they needed to do upang payagan kaming makapag-aral when we were only five years old. It was some kind of special program for the gifted. I don't know, pero parang hindi naman kami gifted," natatawang paliwanag ni Castor. "I see. Well, since pinayagan kayo and you were able to make it, so siguro nga, gifted kayo. Baka mana kayo sa Tatay at Nanay ninyo?" "I don't think so. Wala yata kami sa kalingkingan ng talino ni Tatay and of course, ni Nanay. Exceptional ang mga iyon, Mam. I hope you could meet them one of these days. I'm sure magkakasundo kayo ni Nanay. You have the same temper, I'd say," balewalang saad ni Pollux bago kumagat sa hawak niyang malaking slice ng pizza. "What do you mean we have the same temper?" sita ko sa kaniya. "Nothing, nothing," sagot niyang nakataas ang mga kamay. "Ang totoo, Mam, para kang si Nanay namin nang pinagalitan mo kami kanina. Nakakatakot kang magalit, Mam. Pero teka, totoo bang may boyfriend ka na?" Castor curiously asked. "Yeah. Why do you ask?" nakataas ang isang kilay kong tanong pabalik. "Wala lang." Nagkibit-balikat siya bago nagpatuloy. "Akala ko kasi may chance ako," seryosong saad niya habang nagkakamot ng ulo. "May chance? Chance saan?" "Chance na manligaw sa'yo," diretso niyang sagot na ni hindi man lang kumurap. Napaawang ang bibig ko sa sobrang pagkagulat. Hindi ko inakala na ganito siya ka-straightforward at kasigurado sa mga sinasabi niya sa mura niyang edad. Nakabawi lamang ako sa pagkabigla ko nang marinig kong tumikhim si Pollux. "Hoy, Cas! Tumigil ka! Ang bata mo pa para sa ligaw-ligaw na iyan!" sita ko sabay turo sa kaniya gamit ang hawak kong tinidor. "And do you even know how old I am? I'm twenty-five for Chrissake!" "And so? Naniniwala ako, Mam, na wala naman sa edad iyan," seryoso pa ring sagot niya habang si Pollux ay tahimik lang na nakikinig habang kumakain. "Age doesn't really matter, does it?" tanong pa niya habang tinititigan ako sa mga mata. As I gazed into his eyes, I couldn't help but notice the captivating depth within them. They held a magnetic quality, much like his twin brother's. There was something about the way they sparkled with a mixture of mischief and kindness that made it impossible to look away. It was as if those eyes held a magic of their own, capable of captivating anyone who dared to meet their gaze. Kahit sino ay talagang mapapahanga. "My God! Are you serious?" naiiling kong tanong. "Of course! What made you think I am kidding?" "Oh, God! Let's stop this nonsense, Cas. Kumain ka na lang. Gutom lang iyan, hijo." "Mam! Will you please don't call me that?" "Call you what?" "Hijo? Really?" tila naiinis niyang sagot. "Alright! Alright! My goodness! Ano na ba ang nangyayari sa mundo at sa mga kabataan ngayon?" pabulong kong saad habang naiiling. Laking pasasalamat ko dahil hindi na siya muling nagsalita pa. Sa halip ay tahimik siyang nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa dalawa dahil mag-aalas otso na ng gabi. "Guys, thank you for treating me to dinner." "Nope. Huwag ka munang magpasalamat, Mam. Dahil sa susunod, ikaw naman ang manlilibre," pabirong sagot ni Pollux. "I wasn't told that there is going to be a next time." "Now you know, Mam. So, may I please have you phone number," sabat ni Castor sabay abot ng mamahalin niyang cellphone sa akin. "And why would you be needing my phone number, young man?" "Will you please stop treating me like a kid?" naaaburido niyang reklamo na ikinangiti ko. Typical rich kid. I said to myself before I took his phone and saved my phone number in his contacts. "There. Happy?" saad ko sabay abot sa kaniya ng kaniyang cellphone. Malapad siyang ngumisi habang pinamumulahan ng mukha. Sandali niyang tinitigan ang screen ng cellphone niya bago ako hinarap. "Ecstatic! Thanks, Mam Toni," saad niyang nakangiti sabay abot ng kamay ko at ginawaran iyon ng magaang halik na sobra kong ikinagulat. Katulad na katulad ito ng ginawa ni Kuya Rius nang una kaming magkita sa mansyon. "This day is one for the books, Mam," masayang wika pa niya bago binitawan ang kamay ko at isinisuksok ang hawak niyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Bye, guys. Ingat kayo," nag-iinit ang magkabilang pisngi kong pagpapaalam sa kanila. Kumaway pa ako bago naiiling na tumalikod at naglakad patungo ng exit. "Bye, Mam Toni," rinig kong sabay nilang sigaw habang papalayo ako. "Kids these days!" nakangiting bulong ko sa sarili. "Castor Troy, maginoo pero medyo bastos," saad kong natatawa at naiiling habang inaalala ang mga kalokohan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD