Chapter 35 - Twin

1643 Words
Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang gulo sa bar. Simula nang araw na iyon ay hindi na ako naging kampante pa lalo na sa tuwing umaalis ako ng bahay. Sinisigurado kong palagi kong kasama ang dalawa kong bodyguards kahit saan man ako magpunta. "Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Papa habang nasa dining table kami at kumakain ng hapunan. "Yes, Papa. Okay na okay po ako," nakangiti kong sagot. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko upang hindi sila makahalata na may bumabagabag sa akin. "Sure ka ba, anak?" tanong ni Mama. "At teka, akala ko ba ilang araw lang na mawawala si Alaric? Sobrang tatlong linggo na yata, bakit hindi pa rin siya nakakabalik?" Natigil ako sa akmang pagsubo ko ng pagkain dahil sa tanong ni Mama. Muli kong ibinaba ang kutsarang hawak ko bago sumagot. "Ahm, ano kasi, Mama... N--Natagalan po ang inaayos niya sa kanila kaya hindi pa po siya nakakabalik sa trabaho." I tried to sound as convincing as possible para wala ng maraming tanong pa. Sinulyapan ko si Papa pero parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagkain. "I see," tumatangong sagot ni Mama. "Kaya pala. Anyway, kapag nakabalik siya ay dalhin mo ulit siya rito sa bahay, anak. Na-miss ko ang batang iyon." "Sure po, Mama," tanging sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain. Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok sa trabaho. Naging ganito na ulit ang buhay ko simula nang umalis si Ali. Bahay-trabaho, trabaho-bahay. Pag-uwi ay inaabala ko palagi ang sarili ko sa ibang bagay. Minsan ay inuuwi ko ang mga papeles na dapat kong pag-aralan at binabasa ang mga iyon hanggang sa makaramdam ako ng antok at tuluyang makatulog. Kapag kasi wala akong ginagawa ay si Ali lang ang umuukupa nang libre sa isipan ko. Napangiti ako nang maalala ko na naman si Ali at ang mga nangyari sa amin sa loob ng maikling panahong nakasama ko siya. Masasabi kong iyon ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay ko. Having him around was like having a friend and a brother. Kahit papaano ay naramdaman ko ang malasakit at pagpapahalaga niya sa akin, kahit sabihin pang parte lang iyon ng kaniyang trabaho. Bukod kasi sa mga magulang at pamilya ko ay wala ng ibang taong nakapasok sa buhay ko maliban kay Ali. Siya lang ang bukod tanging hinayaan kong maging parte ng mundo ko. At hindi lang basta maging parte, I allowed him to break the walls that I have built around me, around my heart. Hinayaan ko siyang makilala ang totoong ako at makita ang mga kahinaan ko. Hinayaan ko siyang iparanas sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan. Hinayaan ko siyang turuan ako kung paano ang magmahal. As I look back on it now, it's almost ironic—after all those years of guarding my heart, of building walls so high they seemed impenetrable, when I finally let myself fall, it was into a love that couldn't catch me. It's a cruel twist of fate, isn't it? To finally find the courage to love, only to have it met with indifference. But perhaps that's the way of the world, a reminder that vulnerability doesn't always guarantee reciprocation. And so, I'm left with the bittersweet ache of a love that was never meant to be. Tanggap ko na. Mahalaga ako para kay Ali, pero hindi mahal. Sapat na siguro ang isang buwang paghihintay. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong umasa pa na babalik siya. Who knows? He might already have completely forgotten about me. Samantalang ako, ito at ni ayaw bumitaw. Nasasaktan ako sa isiping hindi ko na siya makikita pa. Pero damdamin lang 'to. Si Toni ako, matapang at hindi basta-basta nagpapatalo sa ano mang laban. Isa lang ang hinihiling ko, sana kapag bumalik man siya at handa nang mahalin ako... Sana ay ako pa rin si Toni na nagmamahal sa kaniya. Napapikit ako at hinayaang dumaloy ang masaganang luha sa magkabilang pisngi ko. Nasasaktan akong isipin na baka dumating ang araw na tuluyan nang mawawala ang pagmamahal ko para kay Ali. Pero siguro ganyan nga talaga ang buhay. Some people enter our lives like shooting stars, leaving a trail of brilliance before fading into the night. Others linger, leaving indelible marks upon our hearts, shaping us in ways we never imagined. Maybe, just maybe, each person serves a purpose, whether it's to love us, challenge us, or simply teach us something about ourselves. Hindi lahat ng taong dumarating sa buhay natin ay mananatili. Some people just come and go. That's a sad reality. Mabilis kong pinahid ang luha sa magkabilang pisngi ko at kaagad inayos ang aking sarili nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto ng aking opisina. "Come in." "I'm sorry sa abala, Mam Toni. Pero dumating na po ang invitation para sa inyo." "Invitation? Para saan iyan, Remus?" "Ito po yata ang speaking engagement na dadaluhan ninyo, Mam sa isang university. Let me see," sagot niya sabay tingin sa hawak na envelope. "Yeah, Aeronautical University of the Philippines, Mam Toni." "I see. Sige, pakilagay nalang sa schedule ko, and please remind me a few days before the event. Alam mo namang nagiging makakalimutin na ako these past few days." "Sige po, Mam," sagot niya sabay abot ng envelope sa akin. Kaagad ko iyong binuksan. "Matagal pa naman pala ito, Remus. I still have more or less a month and a half to prepare. Here, please add this to your notepad," pakiusap ko sa kaniya. Muli niyang kinuha ang sulat bago nagpaalam at lumabas ng opisina ko. Pagdating ng hapon ay nagdesisyon akong dumaan sa isang mall upang maglibot-libot. Nagbihis muna ako ng simpleng t-shirt at denim pants. Pati ang pumps ko ay pinalitan ko ng isang pares ng sneakers. Paglabas ko ng aking opisina ay nakita kong nagulat si Remus, marahil ay dahil sa ayos ko. "Mam Toni, may lakad po yata kayo?" "Yeah, I just want to go somewhere upang mag-unwind ng ilang oras." "Ah, ganoon po ba? Mag-iingat po kayo, Mam," sagot niyang nakangiti. "Thanks. Magligpit ka na rin at umuwi, Remus. Bye," saad ko bago tumalikod. Ang totoo ay gusto kong maglibot hanggang sa mapagod ako at mabilis na makatulog pagdating sa mansyon mamaya. Kapante akong gawin iyon dahil alam kong ang dalawa kong bodyguards ay nasa paligid lang at binabantayan ako saan mang parte ng mall ako magpunta. Sa department store ako unang naglibot pagkarating ko. Ngunit tanging isang pirasong lipstick lang ang nabili ko sa loob ng halos thirty minutes na pananatili ko roon. Paglabas ko ay bumili ako ng milk tea at umupo sa may fountain area habang pinapanood ang mga taong abala rin sa paglilibot at pamimili. Isa ito sa mga bagay na nami-miss kong gawin. Dahil sa dami ng trabaho, minsan ay nakakalimutan kong tulad ng mga ordinaryong tao, kailangan ko rin pala ng pahinga. Napabuntong-hininga ako bago tumayo at tinungo ang escalator. Naisipan kong dumaan muna sa arcade na nasa third floor ng mall bago ako umuwi. Napangiti ako nang pagdating ko roon ay walang kahit isang naglalaro ng basketball. Solo kong magagamit ang parteng iyon ng arcade. Nasa kasarapan na ako ng paglalaro nang bigla kong maramdamang may pares ng mga matang nakatitig sa akin. Pagbaling ko sa likuran ko habang hawak-hawak ang bola ay nakita ko ang dalawang lalaking nakangiti at nakahalukipkip na nanonood sa paglalaro ko. Sa tantiya ko ay hindi bababa sa five feet, ten inches ang height ng dalawa. At hindi lang basta lalaki, parehong magaganda ang tindig nila, halatang alaga sa exercise ang katawan. Bakat iyon sa itim na t-shirt nilang suot na pinaresan ng tattered denim pants. Wait. Pati ba naman sapatos nila ay magkapareho? Mabilis akong nag-angat ng tingin at pinaglipat-lipat ang mga mata ko sa kanilang dalawa. My! My! Identical twin ang dalawang lalaking kaharap ko. Sa katulad kong hindi sila kilala ay mahihirapan yata ang sino man na sabihin kung sino si sino. Napako ang mga mata ko sa gwapo nilang mukha. Yes. Hindi lang basta gwapo, as in nag-uumapaw ang kagwapohan at karisma nilang dalawa. Iyong tipong campus crush ang dating. There was something about their features, the way they carried themselves, and the curves of their smiles, that reminded me of someone I couldn't quite recall. "Ah, Miss Ganda, excuse me. Baka mapasukan ng langaw ang bibig mo?" saad ng isa sa kambal sa tonong nagbibiro na siyang nagpabalik sa akin sa huwisyo ko. Doon ko lamang napagtantong nakaawang ang bibig ko habang titig na titig ako sa kanilang mga mukha. "Miss Sexy, don't you know that it is rude to gape at someone like that?" pilyong nakangiting tanong ng isa. Shutang-ina! Parang sinilaban ang magkabilang pisngi ko dahil nagpahabol pa ng isang kindat ang loko. "Oh! I--I'm sorry. P--Pasensiya na. It wasn't my intention t--to make you f--feel uncomfortable. May b--bigla lang kasi akong n--naalala nang makita ko kayo," nauutal ko sagot. "Ah! Cas, ganoon siguro ka-common ang mukha mo at may biglang naalala si Miss Ganda," natatawang saad ng unang nagsalita kanina sabay baling sa kakambal nito. "Of course not. Mukha mo lang ang common, Pol," ganting biro naman ng isa na Cas ang pangalan. "Hindi ba, Miss Sexy?" tanong nito sa akin na parang nagpapa-cute. Sa halip na sumagot ay napakagat ako ng aking pang-ibabang labi habang naiiling. Ang totoo ay gusto kong matawa dahil parang mga sira-ulo sila kung mag-usap. Nakalimutan yata nilang magkapareho sila ng mukha. Halatang mga bata pa talaga. Base sa pananalita nila, sigurado akong teenagers pa lang ang dalawa. Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla kong naalala si Ali. Iyong pagiging maangas at pilyo ng kambal, somehow reminded me of him. Napangiti ako nang dumaan sa isip ko kung paano siya umasta sa tuwing nag-aasaran o nagbibiruan kami noon. Ganitong-ganito sa dalawang loko-lokong nasa harapan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD