Narinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone kong nakapatong sa office table habang abala ako sa ginagawa kong speech para sa event na dadaluhan ko sa AUP.
Wala sa sariling dinampot ko iyon at binuksan ang mensahe. Nakita kong galing iyon sa isang unsaved mobile number.
"Good evening, gorgeous!"
Tumaas ang isang kilay ko nang mabasa ko iyon.
"Sino naman ang magpapadala sa akin ng ganitong text message?" tanong ko bago ibinaba ang cellphone at nagpatuloy sa pagtipa sa aking laptop.
Maya-maya pa ay muling tumunog iyon kaya muli ko na namang dinampot at binasa ang message.
"Hey, baby! Miss me?"
Literal yatang tumalon ang puso ko nang mabasa ko ang mensahe.
"Baby."
Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganito, si Ali lang.
With trembling fingers, I did my best to type a reply to the text message, my heart racing with every word I managed to string together.
"Ali, how are you? Kailan ka babalik?"
Nang pipindutin ko na ang send button ay biglang nagbago ang isip ko. Dali-dali kong binura ang text at sandaling nag-isip ng tamang sasabihin. Pero ano nga ba ang tama at hindi? Napailing ako.
With a deep breath, I again typed slowly and carefully, my fingers still unsteady.
"Hey, I miss you," I wrote. "Where are you? Why haven't you contacted me in so long?"
I immediately pressed the send button. Nag-aalala akong baka magbago na naman ang isip ko at buburahin ko na naman ang text message kapag pinatagal ko pa. My heart raced as I waited for a response, hoping for answers. Kagat-kagat ko ang aking daliri dahil sa labis na kaba.
"I miss you, too. I'm really sorry. I had a lot on my hands these past few days. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na mag-message sa'yo. Actually, I'm in a meeting now. Kaya panakaw lang itong pagte-text ko sa'yo ngayon."
Sa ikalawang pagkakataon ay muling tumaas ang isang kilay ko. Ganoon ba talaga siya ka-busy na kahit ang magpadala ng text sa nakalipas na ilang linggo ay hindi niya nagawa? Pero tulad nga nang sinabi niya bago siya umalis, may kailangan siyang asikasuhin sa pamilya nila. Gustuhin ko mang magtanong pa pero hindi ko na ginawa upang hindi na humaba pa ang usapan. Nasa meeting pa naman siya.
"That's okay. Naiintindihan ko. I hope you are well. Sana makita na kita."
"I'm coming back this weekend. Pwede ba tayong magkita? Lunch tayo."
Pakiramdam ko ay biglang tumigil sa pagt-ibok ang puso ko nang mabasa ko ang kaniyang sagot. Tuluyan ko nang iniwan ang ginagawa kong speech at itinuon ang buong atensiyon ko sa pakikipagpalitan ng text messages sa kaniya. Wala sa sariling iniwan ko ang laptop ko at naglakad patungo sa kama at nahiga.
Sa nanginginig pa ring mga kamay ay muli akong nagtipa ng sagot.
"Sure. Where would you like us to meet?"
"I'll send you the address."
"Alright," tanging sagot ko dahil bigla yata akong naubusan ng sasabihin.
"You take care of yourself, baby. See you."
"You too, babe."
Akala ko ay hindi na siya magre-reply pero nagulat ako nang pinadalhan niya ako ng maraming hug, kiss at heart emojis. Hindi ko napigilang mangisay sa kama at tumili nang malakas dahil sa labis na kilig na nararamdaman ko. Sa wakas, naalala rin ako ni Ali. Ang lahat ng lungkot at tampo ko ay biglang naglahong parang bula. Natulog ako nang gabing iyon na may ngiti sa mga labi.
Dahil excited akong dumating na ang weekend ay parang napakabilis lang lumipas ng mga araw. Lunes lang noong nag-text si Ali pero heto at Friday na. Maaga akong umalis ng opisina at nagpasama sa dalawa kong bodyguard sa paborito kong salon upang magpaayos ng buhok at kung ano-ano pa. Gusto kong maganda ako kapag nagkita kami ni Ali.
"Mam Toni, may dadaluhan po ba kayong conference bukas?" tanong ni Jimenez na s'yang naging dahilan upang lingunin ko siya. Nasa sasakyan na kami pauwi ng mansyon.
"Conference? None that I know of. Wala namang sinabi sa akin si Remus. Why?"
"Ah, ganoon po ba? Wala naman. Napakaganda po kasi ninyo ngayon. Siguro may date kayo, 'no?" tanong pa niya sa nanunuksong tono.
Nakita ko sa rear view mirror na napangiti si Alvaro na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin ni Jimenez.
"D--Date? Wala. May kikitain lang akong kaibigan bukas," mabilis kong sagot bago muling bumaling sa labas ng bintana ng kotse. Ayaw kong makita nila ang pamumula ng mga pisngi ko.
"Anong oras po ang alis natin bukas, Mam?"
"Ahm. Hindi n'yo na ako kailangang samahan. Kakain lang naman kami," sagot ko. Dahil si Ali naman ang kikitain ko ay hindi ko na isasama ang dalawa. Alam kong ligtas ako basta si Ali ang kasama ko.
"Sigurado po kayo?" hindi napigilang sabat ni Alvaro.
"Yup. Magpahinga na lang kayong dalawa bukas."
"S--Sige po, Mam Toni," magkapanabay nilang sagot.
Pagdating sa mansyon ay maaga akong naglinis ng katawan at natulog. Punong-puno ng pananabik ang puso kong muling makita si Ali.
Kinabukasan habang naghahanda ako ay nakatanggap ulit ako ng message.
"Good morning, sexy. May tatapusin lang akong gawain. Then, I'll be at the place at around ten o'clock. See you."
Napangiti ako nang mabasa ko ang message. Nasundan iyon ng isa pa na naglalaman ng address ng lugar kung saan kami magkikita, isang restaurant iyon.
"Hello, anak! Ang ganda-ganda mo yata ngayon. May lakad ka ba?" nakangiting mukha ni Mama ang sumalubong sa akin pagbaba ko sa ground floor ng mansyon.
"Good morning, Mama. I'll be meeting a friend po. Kakain lang po kami ng lunch sa labas," sagot ko bago siya niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Ganoon ba? Isama mo ang mga bodyguards mo, okay?"
"No need, Mama. Morning naman po ngayon kaya kahit wala po sila ay okay lang."
"Sigurado ka? Baka magalit ang Papa mo kapag nalaman niyang umalis ka ng bahay na walang kasama, anak."
"Yeah, I'm sure, Mama. Huwag n'yo na lang pong sabihin kay Papa. Teka, nasaan nga po pala siya?"
"Maagang umalis dahil pupunta ng golf course ang papa mo, anak. May kakatagpuing investor doon."
"I see. Anyway, aalis na po ako," muli ko siyang niyakap.
"Alright, anak. Mag-iingat ka."
"Sige po, Mama. Bye po."
Habang nasa daan ay unti-unti akong nakakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita na kami ni Ali.
"Ah, bahala na. I'll just go with the flow," saad ko habang maingat akong nagmamaneho ng kotse ko.
Medyo malayo ang restaurant na pupuntahan ko. Nasa isang mountain resort iyon sa labas ng siyudad. Nagtataka man kung bakit doon kami magkikita ay hindi na ako nagtanong pa. Ang mahalaga sa akin ay makakasama ko si Ali kahit ilang oras lang. Hindi rin kasi ako sigurado kong babalik na nga siya sa trabaho.
Pagka-park ko ay kaagad akong bumaba ng sasakyan. Tinanggal ko ang suot kong photochromic eyeglasses at inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Napakaganda ng buong resort. Napakatahimik at napapalibutan ng matatayog na pine trees. Kung titingnan ay parang wala ako sa Pilipinas.
It's the kind of place I had been longing to visit, an escape from the hustle and bustle of city life. Surrounded by nature's tranquility, it was a haven where I could leave behind the noise and rush, finding peace in the quiet serenity of the mountains. Napakagaling nga namang pumili ni Ali ng lugar. Alam na alam niyang ito ang kailangan ko.
I took a deep breath and filled my lungs with crisp, fresh air. The cool morning breeze carried the scent of pine, and with each breath, I felt invigorated and alive. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang kaba ko.
Isinuot kong muli ang aking eyeglasses bago inayos ang suot kong long dress na pinaresan ko ng flat sandals. Nang kontento na ako sa ayos ko ay saka ako naglakad papasok ng restaurant ng resort. Dumiretso ako sa reception desk.
"Good morning, Miss."
"Good morning, Mam. Welcome to La Vista Highlands!" nakangiting bati ng receptionist.
"Thanks, Miss. I am meeting someone. I'm not sure if he already made a reservation."
"Wala pong problema, Mam. May I please have your ID."
Inabot ko ang ID ko sa babaeng hindi na yata mawala-wala ang ngiti. Kaagad itong may tiningnan sa computer screen nito.
"Here, Mam Toni," saad nito sabay abot sa akin ng aking ID. "Nasa terrace na bahagi ng restaurant po ang table ninyo. I'll have someone assist you po."
"Maraming salamat," nakangiti ko ring sagot bago tumalikod.
Pagdating ko sa parteng iyon ng restaurant ay nagtaka ako dahil wala iyong katao-tao. Nilingon ko ang crew na kasama ko at tinanong.
"Ahm, Miss. Bakit ang tahimik yata rito. Wala ba kayong ibang customer?"
"Actually, Mam, mayroon po sa ibang bahagi ng restaurant. Dito po wala because your date had the entire place reserved just for the two of you."
Natutop ko ang bibig ko dahil sa sobrang pagkabigla.
"You say what?"
Malapad na ngumiti ang babae.
"Yes po, Mam. That's how special you are to him," saad nito na tila kinikilig.
Itinuro niya sa akin kong saang banda naghihintay si Ali.
"Alright. Thank you, Miss."
"You're welcome, Mam. Enjoy your stay."
Magalang siyang yumuko bago tumalikod. Naiwan akong tulala at hindi maproseso ang mga nangyayari. Bakit pina-reserve ni Ali ang buong lugar? Parang napaka-special naman yata ng lunch date naming dalawa. Napangiti ako dahil sa naisip. Napapailing kong tinahak ang direksyong sinabi ng babae.
As I reached the part of the terrace facing the slope dotted with rooms and cottages, napako ang mga mata ko sa nag-iisang tao roon. Si Ali. Nakatalikod siya sa akin. He was standing a few steps from me, a solitary figure against the backdrop of the breathtaking view. There was a quiet intensity to his stance, as though he was lost in thought, and I found myself momentarily captivated by his presence.
Napalunok ako bago malapad na napangiti. At sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng sobrang pananabik para kay Ali na kahit ang hiya ko ay bigla kong nakalimutan. Maingat akong humakbang palapit sa kaniya. I wanted to surprise him, kaya nang nasa likuran na niya ako ay walang salita ko siyang niyakap. Ipinulupot ko ang aking mga bisig sa kaniyang baywang at isinandal ko ang aking pisngi sa kaniyang likod.
"Hi, babe. I miss you so much," saad ko bago ko ipinikit ang mga mata ko at nilanghap ang pamilyar niyang bango.
Naramdaman kong unti-unti siyang umikot paharap sa akin.
"Hello, Mam Toni, I miss you too."
Bigla akong napamulat ng mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Ali... No, hindi iyon boses ni Ali. Boses iyon ni...
"Castor?" nanlalaki ang mga mata kong saad habang nakatingala at nakatitig sa nagniningning na mga mata ni Castor Troy. "What the hell?" bulalas ko sabay tulak sa kaniya.