Chapter 11 - Street Food

1404 Words
"Maverick, how is the preparation going for the upcoming event?" tanong ko sa binabaeng kaibigan ko na s'yang fashion show director ng aking clothing company, ang Wear It Proudly, Inc. "Ateng---," maarteng panimula niya ngunit bigla siyang napatabon ng kaniyang bibig nang makita niyang pinandidilatan ko siya ng mga mata. "Este, Mam Toni, it's going smoothly naman po," namumula ang mukhang pagpapatuloy niya. "Can you please provide me with an update for the upcoming fashion show? I'm eager to hear about the progress," saad ko sa seryosong tono. Pero sa loob-loob ko ay gusto kong bumunghalit ng tawa dahil sa nakikita kong reaksiyon sa mukha niya. "Everything's under control po, Mam. Wala naman pong problema so far." "I see. That's good to hear. How about the photoshoot?" "Ah, yes po. It's going to be a three-day event po and I have already booked a reservation sa isang sikat na resort kung saan po iyon gaganapin." "Great! Is there anything else that I should know about?" "I don't think so po. Oh!" saad niyang tila may biglang naalala. "Yes?" "There's just one thing, Mam. Are you coming with us po ba?" "Of course. I want to oversee everything myself." "Okay po, Mam. I'll have a separate room reserved for you. Bukas nga po pala ng hapon ang alis natin, Mam Toni. It's going to be a four-hour drive from here." "Thanks, Maverick," sagot ko bago binalingan ang ibang mga kasama namin sa conference room na karamihan ay mga involved sa gagawing photoshoot at sa mangyayaring fashion show. Ang mga members ng board ay nagsilabasan na pagkatapos naming mag-usap tungkol sa mga bagay na halos may kinalaman sa kompanya ni Papa. "How about you, guys? Is everything ready?" "Yes po, Mam Toni. Handa na po ang lahat ng mga kakailanganin natin sa resort," sagot ng isang tauhan ni Maverick. "Very good. Kung wala na tayong pag-uusapan, I guess you can go now and prepare para sa lakad natin bukas." Paglabas ng mga empleyado ko kasama sina Remus at Maverick ay siya namang pagpasok ni Ali. Hindi siya sumasama sa loob ng conference room sa tuwing may meeting ako. "Miss Cuizon, uuwi na ba tayo?" "Yeah. By the way, you are coming with me to Palm Spring Resort." "Really? Resort? I'm surprised that despite your busy life ay may oras ka pa palang magliwaliw." "Liwaliw?" I asked, smirking. "Trabaho ang gagawin ko roon, Ali. Hindi pasyal o field trip." "Oh," saad niyang napatango-tango habang inaayos ang mga gamit ko sa ibabaw ng conference table. Sa ilang meeting na dinaluhan ko simula nang magtrabaho siya sa akin ay parang nasanay na siyang gawin ito. Ni hindi ko na siya kailangang utusan. Pagkatapos niyang ligpitin ang mga gamit ko ay balewalang binitbit niya ang aking bag na tila ba normal na iyon para sa kaniya. "Shall we, Miss Cuizon?" tanong niya sabay lahad ng kaniyang kamay na kaagad kong tinanggap. "Thanks, Mr. Almirante." Nang nakatayo na ako ay kaagad niyang binitawan ang kamay ko. "After you, Miss Cuizon," saad niya habang nakahawak sa pintong nakabukas. Habang binabagtas ang daan pauwi ay nadaanan namin ang mga nakahilerang food carts sa gilid ng kalsada. "Ali, will you please stop the car?" Tinitigan niya ako sa rear view mirror bago sumagot. "Why?" "Nakikita mo ang mga iyon? Gusto kong kumain doon." "Are you sure?" "Yes. Ayon may bakanteng space, doon ka mag-park," utos ko na kaagad naman niyang sinunod. "Pakidala ng bag ko, Ali." Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto. Kusa na akong bumaba ng sasakyan at dumiretso sa isang food cart. "O, Mam Toni, kayo pala." "Good afternoon po, Mang Cardo. Hindi n'yo po yata kasama si Tita Joy?" bati ko sa may edad nang lalaking may-ari ng food cart. Ang tinutukoy kong Tita Joy ay ang masayahing asawa nito na kasa-kasama nito palagi sa pagtitinda ng mga street food at kakanin sa parteng ito ng siyudad. "Ay, oo nga pala, kaaalis lang kahapon ng Tita Joy mo, Mam Toni." "Po? Saan po, Mang Cardo?" "Nangibang bansa, Mam Toni. Alam mo namang ilang taon na lang ay magkokoliheyo na ang panganay namin. Engineer pa naman ang kursong gustong kunin ng aming anak kaya kailangan talagang paghandaan. Hindi rin naman kasi kalakihan ang income sa maliit naming negosyo." "Ah, ganoon po ba? Buti at nakakaya n'yo naman pong i-manage nang mag-isa itong negosyo ninyo pati na ang pag-aalaga sa dalawa ninyong anak." "Ay oo naman. Sanayan lang talaga iyan, Mam Toni. At ang Tita Joy mo, matapang iyon kaya siguradong kakayanin noon ang lahat para sa pamilya namin." "Ang suwerte n'yo naman po sa isa't isa." "Sinabi mo pa, Mam. Teka, ano nga pala ang order mo at nang maihanda ko?" "Iyon pa rin po, Mang Cardo. Tempura, kwik-kwik, at bottled water. Pero gawin n'yo pong dalawang order." "Dalawa?" Sasagot pa sana ako ngunit biglang sumulpot si Ali sa tabi ko. "I didn't know na mahilig ka pala sa ganito, Rie Rie," pabulong niyang saad sa tainga ko. "At mukhang close kayo ng may-ari," saad pa niya. "Marami ka pang hindi alam tungkol sa akin, Ali," sagot kong hindi siya nilingon. Nakatutok ang mga mata ko sa ginagawa ni Mang Cardo. "May kasama ka yata ngayon, Mam? Boyfriend n'yo po?" tanong ni Mang Cardo habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Ali. Nakita kong sasagot na sana si Ali kaya inunahan ko na siya. "Ah, hindi ko po siya boyfriend, Mang Cardo. Hindi ko pa kasi siya sinasagot. Ano po ba sa tingin ninyo? Sasagutin ko na po ba?" Mahinang tumawa si Mang Cardo habang inaabot sa akin ang isang order ng tempura. "Aba, Mam Toni, sa ganda niyang lalaki, bakit hindi n'yo pa po sinasagot?" tanong niya habang inaabot naman kay Ali ang isa pang order. Narinig kong nagpasalamat si Ali. "Mukhang mabait pa ang binatang ito. Ano nga pala ang pangalan mo, Sir?" "Magandang hapon po. Alaric po ang pangalan ko." "Ako naman si Cardo. Tawagin mo na lang akong Mang Cardo." Napangiti ako nang makita kong nagpalitan ng handshake ang dalawa. "Mabait po iyan, Mang Cardo, at mahal na mahal ako," saad ko habang kumakain ng tempura. "Iyon naman pala, Mam. Huwag n'yo nang patagalin. Ang pogi pa ni Sir. Sayang ang lahi." Napatawa ako sa sinabi ni Mang Cardo. Si Ali naman ay napaubo. Kaagad niyang binuksan ang bottled water at inisang lagok lang ang halos kalahati ng laman niyon. "Narinig mo iyon, Ali? Sayang daw ang lahi mo. Kaya pag-igihan mo pa ang panliligaw mo sa akin." "Itigil mo ang kalokohan mo, Rie Rie," bulong niya na nginitian ko lang. "Teka, Mang Cardo, magkano po itong order ko?" "One hundred thirty lang, Mam Toni." "Isama n'yo na po ang utang ko noong nakaraang buwan. Pasensiya po at medyo natagalan. Sobrang busy ko po kasi sa kompanya." Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Ali nang marinig ang sinabi ko. Muli kong naramdaman ang init ng hininga niya sa tainga ko. "You're unbelievable! Nangungutang ka sa maliit na negosyante?" "Wala kasi akong dalang cash last month kaya inutang ko na lang," pabulong ko ring sagot sa kaniya. "Bale two hundred twenty po lahat, Mam," saad ni Mang Cardo. "Ngayon ba may dala kang pera?" muling tanong ni Ali. "Oo naman. Pakibuksan ang bag ko. May cash diyan sa long wallet ko." Nakita kong natigilan siya nang mabuksan ang bag ko at akmang kukunin na ang aking wallet. "Rie Rie." "Yes? What's wrong? Natulala ka na riyan." Bahagya siyang humarap patagilid sa akin at sa mahinang boses ay nagsalita. "What's a f-ucking Glock 19 doing inside your bag?" may diin ang boses niyang tanong. "Nababaliw ka na ba?" "Later, Ali. For now, just get my wallet at magbabayad ako." Walang reklamong sinunod niya ako. Kumuha ako ng limang libo sa wallet ko at ibinigay kay Mang Cardo. "Mam Toni, ang laki naman nito." "Itago n'yo na lang po iyan, Mang Cardo. Baka po kasi sa susunod ay wala na naman akong dalang pera. Mangungutang ulit ako." "A, sige, Mam. Maraming salamat dito." "Walang ano man po. Aalis na po kami. Pakikumusta na lang po ako kay Tita Joy." "Sige, Mam Toni," sagot niya habang isinisilid ang pera sa kaniyang belt bag. "Sir Alaric, maraming salamat po. Ingatan n'yo po si Mam Toni. Mabait iyan. Masuwerte po kayo sa kaniya." Ngumiti si Ali kay Mang Cardo. "Makakaasa po kayo, Mang Cardo. Maraming salamat po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD