Chapter 10 - Tease

1447 Words
"Good morning po, Papa! Napatawag po kayo?" "Anak, what are you doing staying in your penthouse two nights in a row? Bakit hindi ka umuuwi ng Cuizon Estate?" malumanay ang boses na tanong ni Papa ngunit hindi maitatago ang pag-aalala roon. "I'm sorry, Papa. I'm just a little tied up at the moment kaya sa penthouse na po muna ako umuuwi. Sayang kasi ang oras kung uuwi pa ako sa mansyon araw-araw." "Hmmm. You are overworking yourself, anak. Hindi maganda sa kalusugan iyan." "Don't worry po. I'm still taking enough rest naman. At isa pa, Remus is always with me, so hindi naman po ako masyadong nahihirapan sa opisina." "But how about your safety, Toni? Nag-aalala kami ng Mama mo. Speaking of which, how's your new bodyguard? I thought you are taking him home with you?" "Ahmm, pasensiya na po talaga, Papa. I promise, I will come home this weekend at isasama ko po si Ali sa bahay." "Ali?" Kababakasan ng pagtataka ang boses ni Papa. "Sino iyan, anak? Manliligaw mo ba?" "No, of course not, Papa. He's my new bodyguard." "I didn't know you're on first name basis with him. Akala ko ba ayaw mong tinatawag ka ng ibang tao sa pangalan mo lang, anak?" "Ahmm, ano po, we're not on first name basis po. His name is Alaric Almirante. Yeah, he's Mr. Almirante po, Papa." "Alright. Anyway, I won't take up so much of your time, anak. Are you at the office now?" "Yes po. I have a meeting with the board in an hour. We'll discuss the newest addition to the Toni Collection which will be released in two months." "Talagang nag-eenjoy ka riyan sa pagdidisenyo mo ng mga damit, anak. Are you sure being the CEO of the Cuizon Group of Companies isn't a burden to you? Pwede naman akong pumili ng papalit sa'yo, anak. That way, nasa negosyo mo ang buong atensiyon mo. Ayaw kong ma-pressure ka sa trabaho na dapat ako ang gumagawa." "Papa, alam n'yo naman pong libangan ko lang ang pagdidisenyo ng damit. At huwag po kayong mag-alala. Ginagampanan ko po ang pagiging CEO dahil gusto ko. Hindi ako napipilitan lang. Isa pa, alam ko naman pong malapit na po kayong gumaling. I know you will be coming back healthy and strong in no time. Ipagdarasal po natin iyan palagi." "Maraming salamat, anak. Napakasuwerete namin ng Mama mo sa'yo. Basta kapag nahihirapan ka na, do not hesitate to tell me. I would definitely understand kung bibitawan mo ang posisyon." "I will po, Papa. Anyway, I have to go now. Maghahanda na po ako para sa meeting." "Sige, anak. Remember that your Mama and I love you so much. You take care. Bye." "I love you both din po. Bye." Paglapag ko ng cellphone sa ibabaw ng lamesa ay siya ring paglabas ni Ali mula sa pantry sa loob ng opisina ko. "I heard you talking to someone, Miss Cuizon." "Yeah, si Papa iyon. Nangungumusta. He wanted to know kung buo pa rin ba ako hanggang ngayon kahit nasa tabi kita palagi," sagot ko habang nag-aapply ng lipstick. "Papa mo?" tanong niya habang nakatayo sa harapan ng lamesa ko. "Nope. Papa nating dalawa. Future father-in-law mo, Ali." "Tsk! Hindi ka talaga matinong kausap kahit kailan." "Bakit, Ali? Ayaw mo ba sa akin? Sabihin mo nga, ano ba ang tipo mo sa isang babae?" Itinigil ko ang pag-aayos at nakatingala akong hinarap siya. "Oh, Rie Rie. Stop asking questions you do not want to know the answers to. Baka masaktan ka lang." "Why don't you try me? I've been through worst. So, a mere rejection from you is really nothing. Alam ko rin namang bibigay ka sa alindog ko sooner THAN later." "Huwaw! Sobrang yabang natin, ah. Tell me, Rie Rie, saan nanggagaling iyang kayabangan mo?" "Ako? The feared CEO Marrie Toni Ybarzabal Cuizon, mayabang? Huh! Diyan ka nagkakamali, Ali. Kaya huwag kang magsalita nang patapos. Dahil natitiyak kong kakainin mo rin ako, este, kakainin mo rin ang mga sinabi mo sa huli." "Never." "Really? Bakit? Hindi ba ako pasado sa panlasa mo?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko. "Matamis at masarap ako, Ali. Sa bibig mo na mismo nanggaling iyan habang sarap na sarap ka sa pagdila ng mga daliri mong namasyal sa kaharian ko sa baba. Nakalimutan mo na ba? Gusto mo ulitin natin para ma-refresh ka? May thirty minutes pa ako bago ang meeting." "Oh, s-hit! Here we are again," rinig kong sagot niya bago tinatamad na umupo sa mahabang sofa. "Siyanga pala, thanks for taking me out to the car wash service last weekend. Nag-enjoy ako, sobra!" sarkastikong saad ko habang bahagyang nakatirik ang aking mga mata. "Oh, that," mabilis niyang sagot at bahagyang humarap sa gawi ko. "I apologize. It wasn't really planned. Nakita ko kasing marumi na ang sasakyan mo kaya naisipan kong dalhin doon. Anyway, nag-enjoy ka naman sa kakakain ng balut pagkatapos, 'di ba? Ilang piraso nga ulit ang naubos mo?" "I wasn't really sure," sandali akong tumahimik at inaalala kung ilang balut ang nakain ko. "Mga nasa pito yata. Yeah, seven." "What? Saan mo inilagay ang mga iyon?" "Saan pa? Eh, di sa tummy ko." "Grabe! Ang takaw mo. Aayaw-ayaw ka pa noong una. Tapos mas marami ka pa palang nakain kumpara sa akin. Hoy, charged sa'yo iyon ha." "Sa akin? Bakit? Ako ba ang nagyayang mag-date?" "Rie Rie, favor nga." "Yes?" "Pwedeng pakibawasan ang pagiging ambisyosa mo? Hindi iyon date." "Whatever! Ayaw ko rin namang ang first date ko ay sa car wash at sa tindahan ng balut no!" "W--Wait. You've never been to a date? Like a real one?" "Nope. Kaya nga hindi ko alam kung paano iyan." "Damn! Sa ganda mong iyan, wala man lang nagkamali?" "Papuri ba iyan o insulto?" "Both," mabilis niyang sagot na sinabayan ng mahinang pagtawa. "At sa yaman mong iyan, wala man lang nagtangkang ligawan ka?" "Nope." "Ang sama kasi ng ugali mo. Kahit ako, never akong manliligaw o magkakagusto sa'yo. Mabilis akong tatanda panigurado. Sakit ka sa ulo, Rie Rie," pagtatapos niya bago kinuha ang kaniyang cellphone at kinalikot iyon habang pabukakang nakaupo. Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong pumps at walang ingay na naglakad patungo sa kinauupuan niya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya nang walang salitang kinuha ko ang cellphone sa mga kamay niya at ipinatong iyon sa side table. "Sa halip na cellphone mo ang kalikutin mo, Ali, bakit hindi nalang ako?" sensuwal kong tanong bago ipinatong ang isang tuhod ko sa sofa sa pagitan ng kaniyang mga hita. "What are you doing, Rie Rie?" "What do you think, Ali?" balik-tanong ko. Inabot ko ang kaniyang kamay at dinala iyon sa baywang ko sabay haplos ko sa kaniyang pisngi. "Hold me, Ali." Gusto kong matawa nang maramdaman kong medyo humigpit ang paghawak niya sa baywang ko. "Rie Rie, stop. May meeting ka." "Kung wala ba akong meeting ay okay lang na magpatuloy ako?" pabulong kong tanong habang pinapadaanan ko ng hintuturo ko ang mga labi niyang bahagyang nakaawang. Nagbunyi ako nang makita ko siyang napalunok. "P--Please, T--Toni." Nakaramdam ako ng tuwa nang bahagyang nag-iba ang kaniyang boses. "Please what, Ali? Do you want me to cancel my meeting?" muling tanong ko bago tuluyang ipinatong sa sofa ang kabilang tuhod ko. Nakaluhod na ako sa kaniyang harapan. Nakayapos ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. "Y--Yes. N--No. I mean, y--yes, " hindi magkamayaw niyang sagot habang nakatingala sa akin. Pinagdikit ko ang aming mga noo. "Which is which, Ali? Linawin mo," utos ko na pabulong ang kinalabasan dahil naramdaman ko ang pagpisil ng mga kamay niyang pareho nang nakahawak sa aking baywang. Naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam. "C--Cancel that d--damn meeting, Rie Rie." "Are you sure about that?" I asked while softly brushing my lips against his. "Y--Yes, I am." "Give me your phone, Ali. I'm gonna call Remus now." Muli akong napangiti nang wala sa sariling inabot niya ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng side table sa kaniyang tabi. "H--Here," saad niyang namumungay na ang mga mata habang ibinibigay iyon sa akin. Ngunit hindi ko iyon tinanggap. Sa halip ay malakas akong humalakhak. Nakita ko ang gulat sa mukha niya habang dahan-dahan akong bumaba ng sofa. "Do you really think I'd cancel a very important meeting just for you, Ali? Ganyan ba ako kadesperada sa paningin mo?" Muli akong tumawa nang malakas habang naglalakad pabalik sa office table ko. Isinuot kong muli ang aking pumps. "Now you tell me, Ali. Tell me na hinding-hindi ka magkakagusto sa akin," nakangiting saad ko bago inayos ang suot kong blazer habang nakatitig sa namumula niyang mukha. "F-uck!" may kalakasang saad niya bago tumayo at walang kaabog-abog na lumabas ng opisina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD