Chapter 12 - Baby

1448 Words
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko dahil pakiramdam ko ay gumagalaw ako habang nakalutang sa ere. Huminga ako nang malalim bago muling pumikit. Isang pamilyar na amoy ang nanuot sa aking ilong. Ali. Iyon ang rumihestro sa isip ko nang mapagtanto kong ang mabangong amoy ni Ali ang nalalanghap ko. Doon ako tuluyang napamulat at bahagyang napabitaw sa kung anong yakap-yakap ko. Nakaramdam ako ng kamay sa likod ng ulo ko at kasabay niyon ay ang malumanay na boses ni Ali. "Hey, Rie Rie. It's me. Ali. Just go back to sleep. Malapit na tayo sa kuwarto natin." "W--Wait. K--Kuwarto natin?" paos ang boses kong tanong. "Yeah. Nandito na tayo sa resort. It's past seven in the evening already. Tulog ka kanina kaya binuhat na lang kita." "Ha?" Napabalikwas ako mula sa pagkakayakap ko sa kung ano at ang magandang mga mata ni Ali ang nakasalubong ng mga mata ko. Doon ko lamang napagtantong nakayakap pala ako sa kaniyang leeg at bahagyang nakayapos ang mga binti ko sa kaniyang baywang. Nakasuporta ang isang kamay niya sa aking pang-upo.. "Hey. Easy. Baka mabitawan kita." "You can put me down, Ali. M--Mabigat ako," saad ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. I heard him chuckle sa halip na ibaba ako. "Relax. Sumandal ka lang sa balikat ko." Nahihiya man ay sinunod ko pa rin ang kaniyang sinabi. Muli akong napapikit nang nalanghap ko na naman ang nakakalasing niyang bango. Naramdaman kong magaang dumampi ang mainit niyang mga labi sa aking noo bago siya muling nagsalita. "Nakalimutan mo na bang walang kahirap-hirap kitang binuhat noon at pinaupo sa ibabaw ng office table mo? You know, the first time that I taught you how to kiss? You remember that?" may panunukso niyang tanong. "Do you really have to remind me?" "Why? Nahihiya ka ba?" "Of course not." "Hmmm, kinikilig?" "Spell asa, Ali." "Talaga? Wala ka man lang bang naramdaman nang mga oras na iyon? Ako kasi---" "Ali, please. Just stop." "Hmmm. My outspoken CEO has suddenly become shy. Bakit kaya?" "I'm sleepy and tired, Ali. Wala ako sa mood para makipagbardagulan sa'yo ngayon." "I see. Kaya pala," sagot niya habang mabagal pa ring naglalakad. "Don't worry. Pwede kang matulog pagdating sa kuwarto natin. Magpahinga ka muna. I'll just set up the alarm and will wake you up when it's time for dinner. Dala ko naman ang cereal na kinakain mo sa gabi. I also have a few packs of your favorite ramen. Baka kasi wala silang tinda rito. O, nandito na pala tayo." Nagulat ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Dala niya ang mga pagkaing paborito ko? Hindi ko alam kung paano magre-react. "Sige na, ibaba---" Ngunit bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Nai-swipe na niya ang card key. Pagkatapos isarado ang pinto ay binuksan niya ang mga ilaw. Tumambad sa amin ang may kalakihang sala. "I'll take you to the bedroom," saad niya na hindi ko na sinagot. I was expecting he'd put me down pagdating sa loob ng bedroom pero sa halip ay inihiga niya ako sa malapad na kama bago inayos ang comforter sa ibabaw ko. "T--Thanks, Ali," nahihiya kong saad. "Wala iyon, Rie Rie. Ginagawa ko lang ang trabaho ko." Naglahong parang bola ang nararamdaman kong kilig at saya dahil sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko. So, trabaho lang pala ang lahat ng ito para sa kaniya. Masyado yatang naging advance ang isip ko. "Still, I wanna thank you." "Alright. Sige na, magpahinga ka na kahit isang oras lang. Gigisingin kita before nine o'clock," saad niya habang hinahaplos ang buhok ko. Akmang tatayo na siya nang hinawakan ko siya sa braso. "A--Ali..." "Yes? May kailangan ka ba?" "Can you k--kiss me? P--Please?" nag-aalangan kong tanong. Gusto ko lang malaman kung trabaho nga lang ba talaga ang lahat para sa kaniya. Hindi ko alam pero iyon yata ang isa sa mga bagay na mahihirapan akong tanggapin. "W--What?" "Halikan mo ako, Ali." "Rie Rie, pagod ka lang. You're just sleepy. Hmmm? Kaya sige na, magpahinga ka na." "A--Alright. I'm s--sorry." Napahiya ako dahil sa pagtanggi niya kaya binitawan ko ang kaniyang braso bago dahan-dahang tumagilid upang talikuran siya. Ngunit nabigla ako nang walang babala niya akong kinabig paharap sa kaniya. Hinawakan niya ako sa panga at kaagad niyang sinunggaban ang nakaawang kong mga labi ng isang mapusok at tila nananabik na halik. Kaagad kong ikinapit ang mga kamay ko sa kuwelyo ng suot niyang polo shirt at sinuklian ng kaparehong intensidad ang kaniyang mga halik. Ngunit napatigil kaming pareho nang bigla siyang napadaing. "Ouch!" "Oh, I'm sorry, Ali. Hindi ko sinasadya," nag-aalalang paghingi ko ng paumanhin habang hinahaplos ko ang kaniyang pisngi. Malapad siyang ngumiti bago pinagdikit ang aming mga noo. "Iba ka palang manggigil CEO ko. Nangangagat ka ng labi," tukso niya bago ako binigyan ng magaang halik sa tungki ng ilong ko. CEO ko. Dalawang salita ngunit sapat iyon upang makaramdam ako ng tila mga nagliliparang paru-paro sa tiyan at sikmura ko. "Ikaw naman kasi bodyguard ko, ibang klase ka palang manabik. Bigla ka na lang nananalakay. Akala ko nga hindi mo na ako bibitawan," nakangiti kong ganti sa biro niya. "Kung hindi mo lang ako kinagat, baka kung saan na tayo umabot. Kaya sige na, magpahinga ka na. Baka lalo kang mapagod kapag natukso ako." "Hmmm, ayos lang sa akin kung ganyang klaseng pagod naman ang ipaparamdam mo. Kaya sige na. Matukso ka na, Ali." Bigla siyang tumawa. "Timang ka talaga," naiiling niyang sagot. "Good night, Rie Rie." "Good night, Ali. Thank you again kahit nabitin ako." "Baliw! Kung makapagsalita ka, akala mo ikaw lang ang nabitin? Mas nabitin kaya ako," sagot niya sabay hawak sa tungki ng aking ilong. "I'll be outside if you need anything. Tawagin mo lang ako." Hinalikan niya ako sa noo bago siya tumayo at tuluyang lumabas ng kuwarto. Nang narinig kong sumara ang pinto ay doon ko lang pinakawalan ang nararamdaman ko. Nangingisay ako sa kama habang nasa mukha ko ang isang unan upang ikulong ang ingay nang tumili ako nang malakas. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa kabila ng sinabi ni Ali na ginagawa lang niya ang trabaho niya. I know there's more to it than meets the eye. Hindi ko napigilan ang sarili kong makaramdam ng pag-asa. Pinilit kong matulog upang makabawi sa apat na oras na biyahe. Nang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang oras sa cellphone kong nakapatong sa night stand. It's eight fifteen. Kaagad akong pumasok ng shower room at naligo. Mga bandang alas nuwebe ay lumabas ako ng kuwarto, suot ang isang cotton shorts at puting sando. Naabutan ko si Ali na naghahanda ng dinner sa kusina. "Hey. Gising ka na pala. Naihanda ko na ang cereal mo." "Thanks, Ali. Halika. Sabayan mo akong kumain. Ayos lang ba sa'yo ang cereal?" "Yeah, I'm fine with it. At isa pa, hindi pa naman ako nagugutom." "If you want, you can cook ramen," saad ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa high chair na kaharap ng inuupuan niya sa kitchen counter. "Nah, I'm fine, Rie Rie." "Hmmm. Baka kasi iba ang gusto mong kainin? Huwag ka nang mahiya. Hindi naman ako tatanggi tulad ng ginawa mo kanina," biro ko sa kaniya. Nginitian niya ako. "I'm sorry. I was just thinking, pagod ka kasi kanina kaya nag-alala ako. It didn't mean---" "It didn't mean?" putol ko sa sinasabi niya. Hinuli niya ang tingin ko at matiim akong tinitigan sa mga mata. "It didn't mean that I didn't want to kiss you." "Talaga? So paano ngayon 'to? Hindi na ako pagod. I'm well-rested. Pwede na ba nating ituloy?" pangbubuyo ko sa kaniya. "Damn, Rie Rie. You and your jokes," naiiling niyang saad habang nag-aalangang nakangiti. "I'm not joking, Ali," sagot ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. "F-uck!" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo dahilan upang matumba ang high chair na kinauupuan niya. Naglikha iyon ng ingay ngunit tila bingi siya at hindi iyon pinansin. Sa halip ay mabilis siyang naglakad at umikot sa counter patungo sa kinauupuan ko. Tumagilid ako ng upo upang humarap sa kaniya. Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na niya akong nakabig sa batok at kinuyumos ng halik. Kaagad akong napapikit. Iniyapos ko ang aking mga bisig sa kaniyang leeg at sumabay sa galaw ng kaniyang mga labi. Pakiramdam ko ay miss na miss ko siya na ayaw ko nang tumigil pa kami sa aming halikan. "Hmmm, Ali," ungol ko nang maramdaman kong gusto niyang ipasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko. Magaan niyang kinagat ang aking pang-ibabang labi bago siya tumigil sa paghalik na naging dahilan upang mapamulat ako. "E--Easy, baby. J--Just take it easy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD