Chapter 21 - Jealousy

1803 Words
"How's the photoshoot going, Monique?" I casually asked when Ali and I arrived at the pool area. Walang nakapansin sa pagdating naming dalawa dahil abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho. "Wow! Nandito na kayong dalawa? Ang bilis n'yo naman yatang nilabasan, este lumabas ng kuwarto ninyo?" pasaring ni Monique habang nakatutok ang mga mata niya sa assistant niyang si Abraham na nag-aassemble ng camera. "Watch your mouth, Monique. Maraming tao sa paligid," saway ko sa kaniya na sinagot lang niya ng isang irap. "K fine! Anyway, we have a problem, Mam Toni. One of our models got sick and has to be rushed to the clinic. Wala po tayong model para sa final piece, Mam," seryoso niyang sagot. Wala na ang kaninang ekspresyon niya na tila naaasar at nang-aasar. "What? We don't have a model for the final piece, yet you didn't bother to inform me?!" "Hello! Pumunta ako sa kuwarto mo, remember? Pero ano'ng napala ko? Wala. Dahil busy kayo ng lovey dovey mo sa pag-ungol, este, sa honeymoon ninyo. Jusmiyo ka! For the first time, naging pangalawa na lang ang trabaho sa priorities mo. Nakakagulat sa totoo lang," pagak siyang tumawa habang naiiling. "I can't believe that the great CEO of the Cuizon Group of Companies would ditch work because of her love life. Oh well. Work is important but love life is importanter ika nga." "Monique, you know that's not true," depensa ko sa sarili ko. "Whatever." "So, what's gonna happen now?" "I don't know, Mam Toni. We already checked, pero walang ni isa sa mga models natin ang pwedeng magsuot ng final piece. Hindi kakasya sa kanila. W--Wait! Bakit hindi nalang ikaw ang magsuot?" "Are you out of your mind? Ako ang magsusuot ng two-piece lingerie?" gulat na gulat kong tanong. "Why not? It's your size, Mam Toni. Bagay na bagay sa'yo iyon." "Monique, alam mong kahit mag-swimming sa public resort ay hindi ko ginagawa dahil ayaw kong magsuot ng mga ganyan sa harap ng ibang tao." "I know, I know. But we don't have a choice. It's either you wear them, or walang final photoshoot na mangyayari. Anyway, we can just do it some other time. Pwede ring sa penthouse mo na lang gagawin." "You know I don't allow people in my penthouse, Monique," walang kagana-gana kong sagot. "So, what now? Will just exclude the final piece sa buong collection? Nanghihinayang ako sa totoo lang. Hindi lamang sa ginastos diyan, but most of all, sa effort mo sa pag-design niyan." Kahit ako man ay nanghihinayang din. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ayaw ko rin namang ibalandra ang katawan ko sa harap ng maraming tao. Napapailing akong bumaling kay Ali na nagkibit-balikat lang. Ngunit maya-maya ay bumulong siya. "What are you hiding, Rie Rie? Ang ganda naman ng katawan mo. Kaya bakit hindi na lang ikaw ang magsuot? Mabilis lang naman siguro iyon, 'di ba?" "Nababaliw ka ba? Hindi nga ako sanay maghubad sa harap ng maraming tao," sagot ko sa mahinang boses. "At sino ba kasi ang nagsabing maghuhubad ka? Do you think I'd allow it? Remember, Rie Rie, you are only allowed to get completely naked in front of me, hmmm? Don't ever forget that," bulong niyang muli. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa kaniyang sinabi. Ini-imagine ko pa lang ang sarili kong hubo't hubad sa harap ni Ali ay pinaninindigan na ako ng balahibo. "At sino ang nagsabi sa'yong maghuhubad ako sa harapan mo?" "Ako. Itaga mo sa bato iyan, Rie Rie. Hinding-hindi mo ako matatanggihan. Muntik na nga kanina, 'di ba? Kung hindi lang dumating iyang pinsan mong saksakan ng kakulitan." Sasagot pa sana ako ngunit biglang nagsalita si Monique. "So, magbubulungan nalang kayo? Siguraduhin ninyong pagkatapos niyan ay may maganda kayong solusyon." "A--Alright. I'll do it," matapang kong sagot pero sa loob-loob ko ay sobra akong kinakabahan. "Really? Ganyan ka convincing si Ali at napapayag ka?" pang-aasar ni Monique. "This is my decision, Monique. Mr. Almirante has nothing to do with this." "Mr. Almirante raw. Eh, kanina kung makaungol ka sa pangalan niya---" "Shut up, Monique. Hindi mo kailangang i-announce iyan sa maraming tao," saway ko sa kaniya. "Woahhh! So, totoo ngang inungol mo ang pangalan ni Alaric? Damn! Talagang sa bibig nahuhuli ang isda. Tsk tsk!" saad niyang naiiling. "A--Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko ngunit tuluyan na siyang tumalikod. Nagtataka akong lumingon kay Ali. "Hindi totoong narinig tayo ng pinsan mo kanina, Rie Rie. Hinuhuli ka lang niya. Pero sa sinabi mo para mo na ring inamin na may ginawa nga tayo." Napaawang ang bibig ko nang makuha ko ang ibig niyang sabihin. Ang galing talagang magpaamin ng pinsan ko. Wala na akong kawala nito. "Alam mo, Rie Rie, ikaw lang yata ang CEO na kilala kong slow din minsan. Huwag ka kaagad maniwala sa pinsan mong magaling manghuli. Ikaw rin." "Aba! Malay ko ba." "Ewan ko sa'yo, Rie Rie. Nakakapagtaka na sa bata mong edad ay magaling kang CEO, pero sa mga maliliit na bagay gaya nalang ng tamang paghalik ay wala kang alam. Sayang ang oras na ginugugol mo sa panonood ng porn kung wala ka rin lang namang natututunan," naiiling niyang sagot. "Ang bibig mo, Ali. Ang sarap mong sapakin." "Mam Toni, hindi pa rin ba kayo tapos diyan? Kailangan n'yo na pong maghanda," sabat ni Monique habang nakatayo sa entrance ng dressing room. "I'm coming!" pasigaw kong sagot at akmang tatalikuran ko na si Ali ngunit pinigil niya ako sa kamay. "Sa susunod, gusto kong iyan ang isigaw mo habang kinakain kita. Pero gusto ko may kasamang ungol," bulong niya. Hindi ako nakakibo. "Now go and make me proud, baby," he said before he finally let go of my hand. Naiiling ako habang naglalakad patungo ng dressing room habang iniisip ang sinabi ni Ali. Minsan ay kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Pero sa kabila nito ay hindi ko rin maipagkakaila na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam ang kaniyang mga pasaring. "Buti naman at natapos din kayo ng bodyguard mo. Akala ko hindi ka na niya bibitawan. Pero teka, patingin nga ng mukha mo habang inuungol mo ang pangalan ni Alaric," salubong ni Monique pagpasok na pagpasok ko pa lang. "Not now, Monique. Let's start and get this over with. Gusto ko nang makauwi," balewalang sagot ko. Hindi ko na siya pinatulan pa dahil sigurado akong talo rin naman ako sa huli. Pagkatapos akong ayusan ng make up artist ay inabot na sa akin ni Monique ang isusuot ko sa photoshoot. It's a two-piece lingerie na ako mismo ang gumawa. "Here. Tutulungan ka ni Czarina na magpalit," saad niyang ang tinutukoy na Czarina ay ang isa sa mga tauhan ni Maverick. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano ka sexy iyon. "G--Ganito pala ito ka-sexy, Monique? It never crossed my mind. Sa drawing ko kasi ay hindi---. Ah, bahala na." "Don't worry. May isusuot kang see-through sa ibabaw niyan." "Oh, thank, God!" Nakahinga ako nang maluwag nang maisuot ko na ang sheer mesh bell sleeve long kimono robe na katerno ng lingerie na suot ko. Paglabas namin ng dressing room ay iginiya niya ako sa parte ng pool kung saan ako pupuwesto. Ngunit nagulat ako nang may maabutan kami roong lalaking model na tila hinihintay ang pagdating namin. Nakasuot ito ng isang puting loose pants ngunit top less ito. "What's the meaning of this, Monique?" "Oh, I forgot to tell you. May partner ka pala. One of our most valued models, si Caspian." "What?!" Hindi ko napigilan ang reaksiyon ko dahil sa pagkagulat kaya medyo tumaas ang boses ko. Ilang segundo lang ay nakita ko na ang papalapit na si Ali. "Is there a problem, Miss Cuizon?" "Nothing I can't handle, Mr. Almirante," sagot ko habang nakatutok ang mga mata ko sa direksiyon ng lalaking model. "Who is he?" Tila nag-isang guhit ang kaniyang mga kilay. "That's Caspian. My p--partner," may pag-aalangan sa boses ko. "Partner? May partner ka? Bakit hindi ko alam 'to?" Bahagyang tumaas ang kaniyang boses na mas nagpatindi pa sa nararamdaman kong kaba. "Ni hindi ko nga alam na ako ang CEO, ikaw pa kaya na bodyguard ko lang?" asik ko sa kaniya. Dahil sa sitwasyon ay hindi ko na naisip ang mga binitawan kong salita sa harap pa mismo ni Monique at ng iba pang crew ni Maverick. Ngunit napagtanto ko lamang iyon nang makita kong natahimik si Ali at pasimpleng lumayo at pumuwesto sa isang tabi. Sinikap kong hulihin ang mga mata niya upang sa pamamagitan man lang niyon ay maipaabot ko ang paghingi ko ng sorry, pero halatang iniiwasan niya ang mga mata ko. Nawalan na ako ng gana habang ginagawa namin ang photoshoot sa parteng iyon ng pool. Despite that, I did my best to follow Monique's instructions upang hindi kami matagalan. Walang ibang nasa isip ko nang mga oras na iyon kung hindi ang tapusin na ang ginagawa namin at nang makausap ko si Ali. Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan upang alamin kong nanonood ba siya pero sa bawat sulyap ko sa gawi niya ay sa ibang direksyon siya nakatingin. "Alright! Perfect, Mam Toni," sigaw ni Monique. "One final shot and we're done." Ang huling shot ay pabukakang nakaupo si Caspian sa hagdanan ng pool, samantalang ako naman ay nakaupo sa kasunod na baitang habang nakasandal sa kaniyang katawan. Nakapuwesto ako sa pagitan ng kaniyang mga hita at nakayakap ang mga kamay niya sa balikat ko. Napalingon akong muli sa gawi ni Ali. Sa pagkakataong ito ay nakita ko siyang tiim-bagang na nakatitig sa gawi namin ni Caspian. Nagkasalubong ang aming mga mata at naaninag ko sa mga mata niya ang pagbabanta, galit, selos, hindi ko alam. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. It's the first time that I've seen him wear such an expression since he started working for me. Pagkatapos ng huling shot ay kaagad akong tumayo upang lapitan si Ali. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Caspian. "Mam Toni, suotin n'yo po itong roba para hindi po kayo ginawin," saad ni Caspian mula sa likuran ko at akmang ipapatong ang roba sa magkabilang balikat ko. Ngunit nagulat ako nang may kamay na bigla nalang pumigil dito kaya hindi nito nagawa ang sanay gagawin nito. "It's not part of your job, Sir. I can take it from here," malamig ngunit maawtoridad ang boses na saad ni Ali sabay balot sa katawan ko ng bitbit niyang roba. "A--Alright. I am sorry," sagot ni Caspian. "Mam Toni, maraming salamat po. Masaya po akong nakatrabaho ko po kayo." "You don't have to mention it. It has to be done, kaya ginawa ko. I'll go ahead," walang emosyon kong saad bago tumalikod. Pinilit kong pakalmahin ang boses ko pero ang totoo ay gusto ko nang manginig dahil sa ginaw at higit sa lahat dahil sa ekspresyong nakikita ko sa mukha ni Ali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD