Chapter 17 - Souvenir

1536 Words
"Good morning, Miss Cuizon," magalang na bati ni Ali sa akin nang makalapit siya bago binalingan sina Monique at Maverick. "Good morning, Mam. Good morning, Sir." "Holy cow!" tanging saad ni Monique bago tumayo at inilahad ang kaniyang kamay kay Ali. "Hello, I'm Monique Ildefonso. Single, and very much ready to mingle. How about you?" "Alaric po, Mam. Alaric Almirante. I am Miss Cuizon's personal bodyguard," malapad ang ngiting sagot ni Ali sabay tanggap ng pakikipagkamay ni Monique. Tumikhim ako na ikinabaling nila sa gawi ko. Walang emosyon kong tinitigan si Ali sa mga mata niya bago ang magkahugpong nilang kamay ni Monique. "Ngiting-ngiti ka yata?" nakataas ang isang kilay kong sita kay Ali. Bigla akong nakaramdam ng inis nang hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Narinig kong napasipol si Maverick bago nagpaalam na tatawag sa reception desk at magpapahatid ng almusal. "Ateng, magpapahatid na lang ako ng breakfast dito para makakain na tayo at makapagsimula nang maaga." "Alright, Mave. Thanks," sagot ko habang hindi inaalis ang mga mata ko mula sa pagkakatitig kay Ali. "Ah, Alaric. I'll just call you Alaric. Okay lang ba?" "S--Sure po, Mam Monique," nag-aalangan niyang sagot kay Monique ngunit ang mga mata niya ay sa akin nakapako. "Ah, ang kamay ko, Alaric, baka pwede mo nang bitawan? Dahil kong hindi, sa tingin ko ay may bubulagta na rito sa sala ano mang oras dahil sa sobrang selos. By the way, just call me Monique at pakitanggal na lang ang po," natatawang saad ni Monique. "Oh, I'm sorry, M--Monique. Anyway, it's nice to meet you," sagot ni Ali sa pormal na boses habang unti-unting bumaling sa direksyon ni Monique ang kaniyang mga mata. Nakita kong balewalang binitawan niya ang kamay nito. "The pleasure is mine, Alaric," nakangiting saad ng lukaret bago ako binalingan. "Toni, kumuha ka pala ng bagong bodyguard? Alam ba ito nina Tito Miguel at Tita Marissa?" "Of course," sagot ko bago umupo sa pang-isahang sofa. "I see," seryoso niyang saad bago muling ngumiti nang nakakaloko. "Pero in fairness, napakagaling mong pumili. Mukhang artistahin itong si Alaric. Saan mo ba ito nahanap at maghahanap din ako. Sa tingin ko kasi ay kailangan ko na ring magkaroon ng bodyguard na magbabantay sa akin. Otherwise, baka maagaw ko itong si Alaric mo mula sa'yo." Inabot ko ang throw pillow sa katabi kong sofa at ibinato kay Monique. Diretsong tumama iyon sa kaniyang mukha. "Aray, Toni! Namimisikal ka na, ah! Ano ba'ng problema mo? Kay aga-aga pero sing init ng tirik na araw ang ulo mo," reklamo niya sabay bato ng throw pillow pabalik sa akin na maagap na nasalo ni Ali. "Ay wow! Ibang klase ang reflex at ang concern ng bodyguard. Pag inggit, pikit na lang ba ako?" "Gusto mo bang lunurin kita riyan sa kapeng iniinom mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ibubuhos ko sa'yo iyan," saad ko. Kababakasan ng inis ang boses ko pero tila wala lang iyon kay Monique. "Grabe! Territorial ka pala, Toni. Nagbibiro lang ako. Akala mo naman aagawin ko ang asukal de papa mo. Excuse me, hindi ko siya type," saad niya at binalingan si Ali. "Sorry, Alaric, ha? Huwag ka sanang ma-hurt, pero iba kasi ang tipo ko sa lalaki, iyong mga Honey My Love So Sweet Henry Cavill ang datingan." "No big deal, Monique," sagot ni Ali. "Pero ang taas pala ng standard mo," nakangiting komento pa niya. "Ali, pwede bang tigilan mo ang kakangiti mo? Nakakabwisit na sa totoo lang. Ngiti ka nang ngiti na wala namang karason-rason," sita ko sa kaniya. Hindi ko na naitago ang inis sa boses ko. "Ali? At kailan mo pa tinawag sa nickname nila ang mga empleyado mo, Toni? And to think, bagong hire lang itong si Alaric. I didn't know na nagbago na pala ang rules mo?" nakataas ang kilay na tanong ng marites sa harap ko. "It's none of your business, Monique. Halika na sa kusina at tinatawag na tayo ni Maverick. We need to start moving if we want to get things done on schedule," sagot ko sa seryosong boses sabay tayo upang pumunta ng kusina. Nakita kong tumayo rin siya. "Wait. Aayusin ko lang ang shoelace ko," rinig kong saad niya at kaagad na yumuko. Tatalikod na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Teka nga. Ano 'to? Brassiere?" Pakiramdam ko ay nabingi ako nang marinig ko ang kaniyang tanong. Biglang kumabog ang dibdib ko. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang bra kong hinubad ni Ali sa akin kagabi. Dahan-dahan siyang tumayo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kulay itim na bra na nakasabit sa kaniyang daliri na tila sinusuri iyon. "Is this yours, Toni?" tanong niya habang nakapako ang mga mata niya sa hawak niyang bra. "O--Of course not. Bakit naman mapupunta riyan ang brassiere ko?" tanggi ko. Sinikap kong huwag ipahalata ang kabang nararamdaman ko. "I guess this is yours. Ito iyong binili mo last Christmas when we went shopping. Look at the brand," puno ng kasiguraduhan niyang saad bago ako binalingan. "And yes, bakit napunta ito rito? Dito ka ba hinubaran, este, naghubad kagabi?" Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Lalapitan ko na sana siya upang kunin ang bra ngunit naunahan ako ni Ali. "Monique, ako na lang ang magliligpit. Pasensiya na. Kasalanan ko." Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ali. Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko. "Kasalanan? Bakit naman, Alaric?" "Ah, ano kasi. Sobrang nainis ako kay Miss Cuizon kagabi kaya pinagtripan ko siya." "Pinagtripan?" "Yeah," tanging sagot ni Ali bago kinuha ang bra ko sa kamay ni Monique. "Miss Cuizon, I'm sorry. Babayaran ko nalang po ito. Sa inis ko kagabi, ipinangpunas ko po ito sa sahig." Hindi ko alam kong magagalit ako o matatawa sa kasinungalingan ni Ali. But he was very convincing that he was able to make Monique believe him. "Sobra ka namang mainis, Alaric. Bra talaga? Gusto ko na tuloy isipin na member ka ng federation. Well, anyway, tama lang ang ginawa mo. Sa kamalditahan nitong boss mo, kulang pa nga iyan. Sa susunod, sunugin mo ang mga damit niya," natatawang panunulsol ni Monique bago umalis ng sala. Naiwan kaming dalawa ni Ali. Pasimple ko siyang nilapitan. "Peste ka, Ali! Bakit hindi mo niligpit ang brassiere ko?" pabulong kong sita sa kaniya. "I'm sorry. Nawala sa isip ko. Nakakawala kasi sa sarili ang alindog mo, Rie Rie. At isa pa, hindi ko kasi alam na kasama pala iyan sa job description ko," natatawa niyang sagot. "Ibalik mo sa akin iyan, sira-ulo ka!" "Nope. Total, babayaran ko na rin lang naman ito kaya ako na ang magtatago. From now on, this brassiere belongs to me. This is better para kahit saan ako magpunta ay parang kasama pa rin kita." "Nababaliw ka ba? Ano ang gagawin mo riyan?" Nakiliti ako nang inilapit niya sa tainga ko ang kaniyang bibig. "Souvenir, baby. Mamayang gabi ko nalang ito babayaran. Just tell me what you want. Kahit ano ay gagawin ko para sa brassiere na 'to," pabulong niyang saad sabay kindat na ikinatindig ng mga balahibo ko. "Toni!" Natigil kami sa pagbubulungan nang marinig ko ang pagsigaw ni Monique mula sa kusina. "What now, Monique?" sigaw ko sa kaniya pabalik. "Ano ang ginagawa ng sando mo rito sa kusina?" "What?" sagot ko habang malalaki ang mga hakbang kong nilapitan siya. Sa ikalawang pagkakataon ay nanigas na naman ako sa kinatatayuan ko nang makita kong hawak niya ang puting sando kong hinubad ni Ali sa akin kagabi. Nag-init ang buong mukha ko dahil sa labis na pagkapahiya. "What? Whatwhatin kita riyan eh! Grabe kayo, ha! Nag-uumapaw ba ang pagkasabik ninyo sa isa't isa na hindi na kayo umabot pa sa kuwarto?" "Ano?" tanging nasabi ko. I heard Ali clear his throat. "Oh, shut up, Toni. Hindi ako ipinanganak kahapon. Kaya pala selos na selos ka. Hmmm. May dapat ka nga naman pala talagang ikaselos. Kaya pala binabakuran mo. Kasi property mo na." Bahagya siyang tumawa. "Now I know kung bakit napaka-blooming mo ngayon. Bagong dilig pala ang bulaklak mo. Sana all, nadiligan," tudyo ni Monique na ikinangiti ni Maverick. "Don't even think about it, Mave. Makakatikim ka sa akin." "Okay, Ateng. At saka, wala naman akong sinasabi," maarteng sagot ni Maverick. Akmang sasagot si Ali ngunit naunahan na siya ni Monique. "Huwag ka nang magpaliwanag, Alaric," saad ni Monique na sinenyasan pa talaga si Ali na tumahimik. "And Toni? Don't worry. Your secret's safe with us. Huli kayo, pero 'di kulong." "Monique---" "Tumigil ka, Toni. Sa pamumula pa lang ng buong mukha mo, malalaman talagang guilty ka. And look at Alaric's face, halatang-halata na may ginawa kayong kababalaghan," putol niya sa sasabihin ko. Nilapitan niya si Ali. "O, ayan, Alaric. Sa'yo na rin ang sando ni Toni. Idagdag mo roon sa brassiere niya at gawin mong collection." Nag-aalangang tinanggap ni Ali ang sando kong inabot ni Monique. Nakita kong pulang-pula ang kaniyang magkabilang pisngi. "Pinagtripan si Miss Cuizon, ha? Ang husay ng actingan mo sa totoo lang. Paniwalang-paniwala na sana ako, eh. Kaso nag-iwan pa kayo ng isa pang ebidensya. Sa susunod, subukan n'yo namang umabot sa kuwarto, ha? Hindi iyong kung saan-saan kayo nagkakalat," naiiling niyang dugtong sa sinasabi niya bago tumawa nang malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD