"Ang daming arte! Kakain na lang ng ice cream, iyong doon pa mabibili sa mall na ilang kilometro ang layo," mahinang bulong ni Ali na umabot pa rin sa pandinig ko. Makikita sa kaniyang mukha ang inis habang isinusuot ang kaniyang mamahaling coat.
"Nagrereklamo ka?" tanong ko habang tumatakbo sa treadmill. Nasa loob kami ng mini gym sa penthouse ko. Nakaupo siya sa sofa malapit sa glass wall simula pa kanina at may kinakalikot sa kaniyang cellphone.
"May sinabi ba ako?" pabalang niyang tanong. "Alam mo, Rie Rie, kung ako sa'yo, itigil mo na iyang pagtakbo mo riyan. Wala rin namang silbi dahil kain ka rin naman nang kain. Hindi ko alam kung matakaw ka lang o sadyang patay-gutom ka," pang-iinsulto pa niya. Minsan talaga ay napakatalim din ng dila ng lalaking ito.
I turned the treadmill off. Kaagad akong bumaba roon at kinuha ang face towel kong nakalagay sa maliit na coffee table kasama ang water bottle ko.
"Duh! Libre ang gumamit ng utak, Ali. Kaya nga ako nag-eexercise, para makakain ako ng mga pagkaing gusto ko," sagot ko habang nagpupunas ng pawis sa mukha at leeg ko. "Sa palagay mo magpapagod ako rito para sa wala? Sige na. Bumili ka na. Kunin mo ang credit card ko sa loob ng purse ko."
"Are you kidding me? Ice cream lang ang bibilhin ko tapos gagamitan ko talaga ng credit card?"
"Right! Sige, iyong debit card ko nalang ang dalhin mo."
"Gaano ba karami ang bibilhin ko?"
"Isang mini cup lang."
Napakamot siya ng ulo.
"Ako ba, Rie Rie ay pinagtitripan mo?"
"Of course not. Wala kasi akong cash, Ali. Dati naman kapag nagpapabili ako kay Alvaro, wala namang problema. Walang maraming tanong, echos, ganern. Ni hindi na nga ako nagpapadala ng card."
"My God! Pati ice cream mo, bodyguard mo pa ang gumagastos? Pati kakarampot nilang sweldo ay talagang hindi mo na pinatawad. Ibang klaseng amo 'to," saad niyang naiiling.
"Excuse me! Naka-charge lahat iyon sa akin, 'no. Kahit anong bilhin nilang pagkain nila ay ako ang nagbabayad. At sino ang nagsabing kakarampot ang sweldo nila? You have no idea, my dear. Sige na, pera mo nalang muna ang gamitin mo," pagtataboy ko sa kaniya bago kinuha ang water bottle ko upang uminom.
"Rie Rie, naglilihi ka ba?" maya-maya ay tanong niya.
"Why? Kapag ba nagki-crave ang babae, naglilihi agad?"
"Oh well, who knows?"
"At sino naman ang ama, aber? Ikaw?" nakataas ang isang kilay kong tanong.
"Kung makapag-react ka parang ayaw mo pang ako ang ama. If I know, gustong-gusto mo."
"Naman, Ali! Kung kasing galing mo sa kama ang magiging ama ng mga anak ko, aba'y hindi na ako lugi. Kahit araw-arawin mo ako ay hindi ako aayaw. Baka ako pa nga ang mag-aya."
"Loka-loka!" asik niya sabay talikod.
"Ali, wait!" pahabol kong sigaw na nagpatigil sa kaniya. Dahan-dahan siyang umikot, paharap sa gawi ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang bigla akong tumalon at walang salitang ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at ang mga binti ko sa kaniyang baywang. Napangiti ako nang awtomatikong napahawak siya sa aking likod at pang-upo.
"W--What now, woman?" nauutal niyang tanong.
"Huwag ka na lang kayang umalis? Gawa nalang tayo ng mga anak natin?"
Kaagad niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. Maingat niya akong ibinaba bago mabilis na tumalikod.
"F-uck!" rinig kong bulong niya habang palabas ng gym. Natatawa ko siyang sinundan ng tanaw.
Wala pang sampung minuto ay nakita kong nag-register ang kaniyang pangalan at numero sa screen ng cellphone ko. Kaagad ko iyong sinagot.
"Yes, dear? May nakalimutan ka? Ah yes, nakalimutan mo akong i-kiss bago ka umalis."
"Hoy, ilusyonada! Tumawag ako para ipaalam sa'yong tinawagan ko si Alvaro. Siya na muna ang magbabantay sa'yo habang wala ako."
"Oyyyy! Concern sa akin si future hubby ko. Kikiligin na ba ako, Ali?"
"Kiligin kang mag-isa mo!" Tumawa ako nang malakas nang walang paalam niyang tinapos ang tawag.
Nag-eenjoy talaga akong asarin si Ali, lalo na kapag pinapatulan niya ang mga banat ko. Nakakatuwa siyang mainis. Lumalabas ang pagkaisip-bata niya. Napangiti ako habang ini-imagine ko ang napipikon niyang mukha.
Pagkatapos ng halos tatlumpung minuto ay narinig ko ang pagbukas ng main door ng penthouse. Dali-dali akong lumabas ng kusina upang salubungin ang bagong dating. Alam kong si Ali iyon.
"Wow! Ang bilis naman! Thank you, Ali. I-charge mo nalang sa akin ang ipinambayad mo."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay inabot niya sa akin ang isang maliit na plastic na may tatak ng mall kung saan mabibili ang ice cream na paborito ko.
May pagmamadali kong kinuha ang cup sa plastic at kaagad itong binuksan. Ngunit nadismaya ako nang makita kong lusaw na ang ice cream sa loob nito.
Pagbaling ko sa kaniya ay nahuli ko siyang palihim na ngumiti na ikinainis ko.
"Bakit lusaw 'to, Ali? Paano ko pa ma-eenjoy ito?" sita ko sa kaniya.
"Malay ko. Ang layo naman kasi ng mall. Talagang malulusaw iyan pagdating dito. At isa pa, pagsubo mo niyan sa bibig mo, malulusaw din naman iyan, so ano'ng pinagkaiba? "
"My goodness! Hindi ka ba nag-iisip? Eh, di sana nagdala ka ng cooler! At tatanungin mo pa talaga ako kung ano ang pinagkaiba ng matigas at hindi. Ibabalik ko sa'yo ang tanong. Kung iyang sa'yo ba hindi matigas kapag isinubo ko ay masarap? Sigurado akong hindi! Kaya huwag ako, Ali!"
"Pinagloloko mo ba ako, Rie Rie? Cooler? Ano ang bibilhin ko? Isda sa talipapa? At iyang bibig mo, lagyan mo ng filter minsan, parang hindi ka CEO at milyonarya kung magsalita."
"Excuse you! Bilyonarya!" pang-aasar ko sa kaniya.
"Whatever! Wala akong paki," sabat niya bago umupo sa pang-isahang couch sa may entrance ng penthouse.
"Really? We'll see. Baka magulat ka."
"Alam mo, Rie Rie, kung sana sumama ka na lang sa akin kanina at doon mo kinain iyan, na-enjoy mo pa. Minsan talaga shunga ka rin, eh. Noon yatang umulan ng kashungahan ang langit, siguro malaking kawa ang hawak mo at ang dami mong nasalo."
"Ano'ng sabi mo?"
"Ang sabi ko, magbihis ka at aalis tayo."
"Ha? Magdi-date tayo?"
"Aalis ang sabi ko. Hindi magdi-date. Ano? Sasama ka ba? Kung ayaw mo, maiwan kang mag-isa rito."
"Oy, sandali! Sasama na," sagot ko sabay habol sa kaniya palabas ng penthouse.
"What do you think you're doing?"
"Sasama sa'yo. Aalis tayo, 'di ba?"
"Shunga ka talaga, Rie Rie! Lalabas kang walang bra? Nahihibang ka ba? Look at your---. S-hit!" Hindi na niya tinapos ang kaniyang sinasabi. Nang sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya ay doon ko napagtantong ang tinutukoy niya ay ang dalawang nagtatayuang mga tuktok ng dibdib ko na bakat na bakat sa suot kong puting sando. Mabilis akong naghalukipkip at nagmartsa papasok ng penthouse. Narinig ko siyang tumawa nang malakas. "Ganyan nga, Rie Rie! Itago mo ang mga iyan. They're for my eyes only. And of course, for my mouth. They're mine!!" pahabol niyang sigaw bago muling humalakhak.
"Bastos! Manyak!" sigaw ko pabalik na tinawanan lang niya.
Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko siyang may kausap sa kaniyang cellphone na kaagad rin niyang tinapos nang matanaw niya ako. Nakabihis na siya ng tattered blue jeans at puting polo shirt. Tamang-tama sa suot kong blue denim at white spaghetti strap crop top. Nakasuot ako ng kulay puting sneakers habang siya ay ang Onitsuka Tiger niya.
"Let's go?"
Hindi siya sumagot kaya sumunod nalang ako nang maglakad siya palabas ng penthouse.
"Saan tayo pupunta, Ali?"
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tinitigan lang niya ako sa rear view mirror.
"Hoy! Kinakausap kita."
"Tumahimik ka at nagmamaneho ako. Huwag mo akong kausapin."
"Bakit? Bibig mo ba ang may hawak ng manibela?"
"Hindi. Sa ibang bagay ko ginagamit ang bibig ko. Doon sa tipong masasarapan ako."
"Really? Like eating?"
"Ah huh!"
"Why don't you eat me, then. I'm pretty sure masasarapan ka."
Hindi siya pumatol sa pang-aasar ko. Muli siyang nanahimik. Maya-maya pa ay nakita kong sumulyap siya sa side mirror ng sasakyan.
"What are you looking at? May problema ba?"
"Nothing. Why don't you take a nap, Rie Rie? I'll wake you up kapag nandoon na tayo sa pupuntahan natin," saad niya sa seryosong boses.
Nakaramdam ako ng kaba lalo na nang makita kong naging alerto ang kaniyang mga mata.
"A--Ali, umuwi nalang kaya tayo? Kinakabahan ako, eh. Hoy!" dinungaw ko siya sa front seat, nakahawak ako sa head rest ng upuan.
"Rie Rie, kahit ngayon lang. Please huwag mo akong kulitin. Sundin mo na lang ang mga sinasabi ko," may diin niyang saad habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa rear view at sa side mirrors.
Doon lamang ako nakaramdam ng takot. Kaya itinikom ko ang bibig ko at bumalik sa maayos na pagkakaupo sa likuran niya.
Nagulat ako nang pabigla ngunit maingat niyang iniliko ang sasakyan sa isang eskinita. Muli siyang lumiko pagdating sa isang kanto at diretsong ipinasok ang sasakyan sa loob ng isang car wash service. Bahagya niyang binuksan ang windshield sa gawi niya at nagbigay ng instructions sa crew na siyang naglinis ng aming sasakyan habang nanatili kami sa loob nito.
"My God! Magpapalinis ka lang pala ng sasakyan pero ang dami mo pang drama. Nag-mala action star ka pa kanina. Baka nakalimutan mo, Ali. Porn star ka, hindi action star." Matalim ko siyang tinitigan sa rear view mirror. "Hay nako! Kinabahan lang pala ako sa wala," dagdag ko ba sabay ikot ng mga mata ko na tila naiinip.