"Good evening po, Papa, Mama. Mano po," bati ko sa mga magulang kong nadatnan kong naglalambingan sa living room ng mansyon. Kararating ko lang galing ng opisina.
"Good evening, anak. Kaawaan ka ng Diyos. Naghapunan ka na ba?"
"Yes po, Mama. Kumain na po ako kanina sa business meeting na dinaluhan ko."
Ang tinutukoy ko ay ang meeting namin ni Ali kanina sa isang sikat na restaurant sa siyudad.
"Kumusta naman ang araw ng prinsesa ko?"
"It was great po, Mama."
"Anak, nag-hire ka raw ng bagong bodyguard. Is it true?"
Umupo ako sa pang-isahang sofa na kaharap ng mga magulang ko.
"Yes po, Papa. I already had him sign the contract just this afternoon."
"How sure are you about this man, anak? Saan mo ba siya nakilala? Dumaan ba siya kay Jimenez o 'di kaya kay Alvaro?"
"He was introduced by a good friend, Papa. Kamag-anak n'ya po kaya huwag po kayong mag-alala," pagsisinungaling ko. Tiyak kong magagalit siya kapag sinabi ko ang totoo.
"I see. I want to meet him. Gusto kong makilatis iyang lalaking iyan. Ayaw kong basta-bastang ipaubaya sa kung sino-sino lang ang buhay at kaligtasan mo."
"Sure po, Papa. I'll introduce him to you one of these days."
"Good. Anyway, nagtataka ako."
"Nagtataka po?"
"Bakit nag-hire ka ng bagong bodyguard, eh, halos ipagtabuyan mo nga sina Jimenez at Alvaro."
"A--Ano po. Kailangan daw po kasi ng trabaho nitong bodyguard ko sabi po ng kaibigan ko," dagdag pagsisinungaling ko pa.
"Ganoon ba?"
"Yes po."
"Okay. Dalhin mo ang taong iyan dito sa bahay. Gusto ko siyang makausap nang personal."
"Sige po, Papa. I'll take him with me tomorrow."
"Paano na ngayon ang dalawa mong bodyguard?"
"Ah, Papa---"
"I suggest you keep them, anak. Mas mabuti kung marami ang security personnel na kasama mo araw-araw," putol ni Papa sa sasabihin ko.
"Sure po, Papa. I will po. Anyway, aakyat na po muna ako sa kuwarto at magpapahinga."
"Sige, anak. Alam kong pagod ka sa trabaho. Just let me know if there is anything you need."
"Thank you po, Mama," sagot ko sabay tayo. Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Gusto mo bang i-massage kita, anak?"
"Ayos lang po ako, Mama," saad ko habang nakangiti. "Asikasuhin n'yo nalang po ni Papa ang paggawa ng kapatid ko," biro ko sa kanila na ikinahalakhak ni Papa.
"Marrie!" saway ni Mama.
"Darling, tama ang prinsesa natin kaya tara na sa kuwarto at nang makarami tayo," natatawang saad ni Papa na umani ng isang hampas sa kaniyang braso mula kay Mama.
"Aray, darling!"
"Loko-loko ka talaga, Antonio. Ang tanda na nating dalawa pero napakaharot mo pa rin," saad ni Mama at piningot pa si Papa na ikinadaing niya.
"Bye, lovebirds," paalam ko bago tumalikod at umakyat sa ikatlong palapag ng mansyon kung nasaan ang kuwarto ko. Napapangiti ako habang inaalala ang harutan ng aking mga magulang.
Gusto kong kapag nagkaroon ako ng asawa ay ganoon din kami. Napailing ako dahil sa naisip ko lalo pa at ang nakangiting mukha ni Ali ang naalala ko.
Ali. Alaric Almirante. Napakagandang pangalan. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kaniya at hindi ko siya maiwaksi sa isip ko simula noong nagkaharap kami sa loob ng washroom. Was it because of what he did? Talaga nga bang hinahanap-hanap ko iyon? Or was it because of something deeper than just a mere feeling of... No. It's because I was mad at him and I wanted to get even.
"Talaga? Pagkatapos ng mga nangyari at napag-usapan ninyo kahapon at kaninang nagkita kayo ay galit ka pa rin sa kaniya?" tanong ng isang bahagi ng isip ko.
"Galit pa rin ba talaga ako kay Ali?"
Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko habang naghahanda sa pagtulog. At iisa lang ang sagot, wala na akong makapang galit sa dibdib ko para sa kaniya.
Habang nakasandal sa head board ng kama ko at nagpapaantok ay dumaan sa isip ko ang usapan namin kanina.
"Miss Cuizon, sigurado ka na ba talagang gusto mo akong maging bodyguard?" tanong niya habang hawak ang personalized pen ko na siyang gagamitin niya sa pagpirma ng kontrata.
"Of course, Ali, I mean Mr. Almirante," mabilis kong sagot. Nag-aalala akong baka magbago ang kaniyang isip.
"Tell me your reason, Miss Cuizon. After what I did to you at the club, bakit mo gugustuhing maging bodyguard ako? Gusto mo akong gantihan? Kung iyan ang reason mo, then I'm telling you, huwag mo nang ituloy dahil alam kong matatalo ka."
"Of course not. Well, at first, I wanted to get even. But---"
"But?" bahagyang nakataas ang isang kilay niyang tanong.
"But everything changed when I met you face to face yesterday."
"And why was that?"
"There's just one reason now why I wanted to hire you," yumuko ako at tumitig sa pagkain sa harapan ko.
"Continue, Miss Cuizon. I am listening."
"D--Do I really have to answer that?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa pagkain.
"Yes, Miss Cuizon. You have to if you want me to affix my signature on this contract."
Nag-angat ako ng ulo at tinitigan siya sa mga mata.
"Gusto kita, Mr. Almirante. Gusto kitang maging akin," walang preno kong sagot na ikinagulat niya.
"W--What?"
"You wanted to know my reason. Well, that's it. Gusto kong nasa tabi kita palagi. Gusto kong kasama at nakikita kita araw-araw."
"What did I tell you yesterday, Miss Cuizon? Ayaw ko sa mga babaeng makukulit. I'm leaving," saad niyang ipinatong ang pen sa ibabaw ng kontrata bago mabilis na tumayo.
Nataranta ako sa takot na tuluyan siyang umayaw kaya mabilis din akong tumayo.
"You said you wanted to know my reason, Mr. Almirante. Huwag ka namang maging unfair. Naging honest lang ako. I really, really l--like you."
Napalunok ako nang biglang dumilim ang kaniyang mukha.
"Ano ang alam mo sa ganyang bagay na ni hindi ka nga marunong humalik? If you wanted a toy that you can play with, please spare me, Miss Cuizon. Wala akong oras upang makipaglaro o makipaglokohan."
Tatalikod na sana siya nang muli akong nagsalita.
"Somebody's trying to kill me, Mr. Almirante. I don't feel safe around anyone anymore."
"Sit."
"W--What?" naguguluhan kong tanong.
"Ang sabi ko, umupo ka. Upo!" umiigting ang panga niyang saad.
Nakaramdam ako ng takot kaya dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo nang maunawaan ko ang kaniyang sinabi.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko rin siyang muling umupo sa harap ko.
"N--Now what?" tanong ko sa kaniya.
"Ano'ng sabi mo? Somebody's trying to kill you?"
"Y--Yes."
"At sino naman? O baka guni-guni mo lang iyan. You're just being paranoid dahil sa sama ng ugali mo."
"Ano?"
"Akala mo hindi ko alam kong ano kang klaseng tao, Miss Cuizon? I did my research and I found out how ruthless of a businesswoman you are. Ang dami mong inagrabyado."
"That's not true. Bad publicity lang ang lahat ng iyon upang sirain ang pangalan ko."
"Napakagaling mo nga talagang umarte, Miss Cuizon. Kaunti nalang ay mapapaniwala mo na ako. Iyong hindi marunong humalik, I doubt kung totoo rin iyon. According to what I've read, ilang lalaki na ang dumaan sa'yo. Kaya hindi ako sigurado kong virgin ka pa hanggang ngayon," nang-iinsulto niyang saad na sinabayan pa ng nakakalokong ngisi.
"This conversation is over, Mr. Almirante. I don't owe you or anyone else an explanation. So go ahead, makakaalis ka na. Hindi ko ugaling mamilit ng tao," walang emosyon kong saad habang pigil na pigil kong ipakita ang nararamdaman kong galit. Nangangati ang kamay kong sampalin siya. Hindi siya kumilos kaya mabilis akong tumayo at dinampot ang kontrata at ang pen. Ngunit natigil ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
"What if ako pala ang gustong pumatay sa'yo? Hindi ka ba natatakot?"
"Ikaw? Papatay sa akin? Paano? Sa sarap?" pamimilosopo ko na binalewala lang niya.
"Provided I agree and sign this contract, are you willing to do everything that I'll tell you to do?"
"Of course not. Gagawin mo akong puppet sa kama? Ano ka sinusuwerte? Masaya ka," paismid kong saad sabay irap.
"I'm talking about your safety, Miss Cuizon. Huwag marumi ang utak. Kaligtasan mo ang pinag-uusapan natin kaya umayos ka," may pagbabanta ang boses niyang sagot.
"Aba, malay ko bang kaligtasan ko ang ibig mong sabihin. Sa tono mo kasi parang may iba kang ipinapahiwatig."
"Green-minded ka lang talaga. Kaya bawas-bawasan mo ang panonood ng porn. Walang magandang maidudulot iyan," nakangiti niyang saad habang bahagyang nakatingala sa akin. Nakatayo pa rin ako at hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Nagsalita ang bida sa porn video na pinanood ko. Walang magandang maidudulot pero gumagawa ka. At isa pa," bahagya akong yumuko at bumulong sa tainga niya. "Kung ikaw ang mapapanood ko, aba'y hindi nakakasawa. Sulit na sulit ang puyat ko, Mr. Almirante. Baka naman," ibinitin ko ang aking sinasabi at inamoy ang kaniyang leeg bago nagpatuloy. "Baka naman, pwedeng maranasan ko rin sa'yo ang ganoon. You know, c-unnilingus."
Bahagya siyang natigilan. Namayani ang sandaling katahimikan bago ko naramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
"I'm wondering kung saan mo natutunan ang salitang iyan, Rie Rie. But be careful what you wish for. Baka kapag pinatulan kita, hindi mo mapanindigan? So, you behave if you want me to sign this contract now," sensuwal niyang bulong sabay dila sa aking punong-tainga na ikinaigtad ko.
"Ikaw naman, Mr. Almirante. Hindi ka na mabiro," saad ko na sinabayan ng mahinang paghampas sa kaniyang balikat. "Nagbibiro lang ako, masyado kang seryoso. Go ahead and sign it now before I change my mind," matamis ko siyang nginitian.
Bahagya akong nagulat nang binitawan niya ang kamay ko at walang salitang pinirmahan ang kontrata.
"Teka, hindi mo man lang ba babasahin? Manloloko pa naman ako sa pagkakaalam mo. Malay mong nakalagay pala riyan na ipapakulong kita."
"Ako? Ipapakulong mo? Saan, Miss Cuizon? Sa kuwarto mo? O sa puso mo?"
"Huh! Yabang! Hoy, let me inform you. Nakalagay diyan na hindi ka na pwedeng gumawa ng porn videos kapag sa akin ka na---nagtatrabaho. At lahat ng videos mo online, burahin mo. Maliwanag?"
"I had my team delete them last night. Kaya hindi mo na ako kailangang utusan. May iba pa ba akong dapat malaman?"
"I guess none, oh, wait. Kung nasaan ako ay doon ka rin matutulog. Kapag nasa mansyon ako, sasama ka. Kapag nasa condo ako o sa penthouse, dapat nandoon ka rin."
"Grabeng kontrata naman iyan. Sigurado kang hindi marriage contract ang pinapirmahan mo sa akin?"
"Bakit? Gusto mo ba ng marriage contract? Wait, I'll call my lawyer now," saad ko sabay dampot ng cellphone ko at nag-dial.
"Baliw! Hoy! Itigil mo iyan! Rie Rie!" saway niya na hindi ko pinansin. Sa loob-loob ko ay natatawa ako.
"Hello, Attorney. You remember that marriage contract I requested from you? Pakitago nalang muna sa ngayon. Hindi pa handa ang mapapangasawa ko."
"Oh, okay. Noted po, Mam Toni."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sagot ng abogado ko sa kabilang linya.
"Bye, Attorney."
"Oh, God! Baliw ka ngang talaga, Rie Rie," naiiling niyang saad.
"It's Miss Cuizon in public, Mr. Almirante."