"Baliw!"
Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang isinagot niya.
"W--What did you say?"
"Akala ko ba CEO ka? Sinong tao na nasa matinong pag-iisip ang magbabayad ng ganyan kalaking halaga para sa isang bodyguard? Are you even thinking?" nang-uuyam niyang tanong.
"Oh, well. Why not? I can afford it," balewala kong sagot.
"Not because you can, you will."
"Whatever! At isa pa, hindi nga lang bodyguard ang papel mo, 'di ba? Paliligayahin mo rin ako sa kama. So, ano na?" Muli akong napangiti nang makita ko siyang bahagyang tumingala na tila sumusuko. "Yes, Mr. Almirante? Payag ka na ba?"
Naalarma ako at dagling napalis ang ngiti ko nang seryoso siyang tumitig sa akin. At bago pa ako makahuma ay nakita ko na siyang naglakad pabalik sa kinatatayuan ko. As he approached me, his strides purposeful and confident, I couldn't help but notice the intensity in his dark eyes, like pools of midnight drawing me in with every step. Nakakalusaw ang kaniyang mga titig. Nakakapanghina. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa sahig. At ang mabilis na t-ibok ng puso ko ay mas domoble pa nang walang babala niya akong kinabig sa baywang at idinikit sa kaniyang katawan. Kulang nalang ay maglapat ang aming mga labi kaya bahagya akong lumiyad upang mailayo ang mukha ko sa kaniya. Ngunit nabigo ako nang napunta sa aking leeg ang kabila niyang kamay at kinabig ang ulo ko dahilan ng pagkakadikit ng aming mga ilong. At sa ganoong posisyon ay nang-aakit siyang nagsalita nang pabulong na halos ikalaglag ng puso ko mula sa rib cage nito.
"It's Alaric, Toni. Call me Alaric. And yes, I will accept your offer. Willing akong maging personal bodyguard mo. At kung kasama nga ang paligayahan ka sa kama sa serbisyong ibibigay ko, kahit hindi ka na magbayad. YOU are more than enough p*****t for my service. On one condition, though. From now on, you are MINE. At malaya akong gawin sa'yo ano man ang gustuhin ko at kahit anong oras at kahit saan ko gustuhin. Payag ka ba?"
Napalunok ako hindi lamang dahil sa kaniyang mga sinabi kung 'di pati na rin sa nakakalasing niyang bango. Idagdag pa ang init na nagmumula sa katawan niya na kahit may suot kami ay ramdam ko pa rin.
"Ahmm, Mr.---"
Nanlaki ang mga mata ko at natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang sinakop ng mainit na halik ang bahagyang nakaawang kong mga labi. Hindi ako nakahuma. Nakita kong unti-unti siyang napapikit na tila ba damang-dama niya ang kaniyang ginagawang paghalik. Pakiramdam ko ay naestatwa ako at kasabay niyon ay ang tila pagkawala ng lakas sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing itulak ko siya ngunit tila ayaw ng mga kamay kong gawin iyon. Hanggang sa naramdaman kong naglandas ang kaniyang mga halik sa panga ko.
"K--Kiss me back, Toni," bulong niya sa punong tainga ko.
Ngunit wala akong karanasan sa pakikipaghalikan kaya hindi ko alam kung paano tutugon.
"B--But I don't k--know how, Ali." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pangalang Ali. Kusa na lang iyong lumabas sa mga labi ko.
Dahan-dahan akong nagmulat nang maramdaman kong inilayo niya ang kaniyang mukha. Bumungad sa akin ang napakatamis niyang ngiti.
"Ali. It's the first time someone called me by that name. Hmmm," he uttered softly as he was caressing my slightly parted lips with the tip of his thumb. "It actually has a nice ring to it. Kaya sige, you can call me Ali from now on." Unti-unting gumuhit ang isang nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. "Now why won't you follow my lead and move your lips, Toni. I'm gonna teach you how to properly kiss a man as a woman should," saad niya bago muling sinakop ang mga labi ko.
Dahil sa kaniyang sinabi ay unti-unti akong napapikit. Mahigpit kong naikapit ang mga kamay ko sa suot niyang polo shirt. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga labi. I was following his every move. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sensasyong hatid ng pagkakalapat ng aming mga labi. Ganito pala ang totoong halik. Masarap, nakakakiliti na tila may pinupukaw na damdaming hindi ko mapangalanan.
Mas lalo akong natuliro nang ipinasok niya ang kaniyang dila sa bibig ko at diretsong tinukso ang dila kong tila may sariling isip at basta na lang gumalaw at sinabayan siya. Nang magsimulang maglaro ang aming mga dila ay awtomatikong napayapos ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. Kasabay niyon ay ang unti-unting paghakbang niya patungo sa lamesa sa aking likuran. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat at pinaupo sa ibabaw niyon habang abala pa rin kami sa aming halikan. Nakahawak siya sa likod ng aking ulo.
Pumuwesto siya sa pagitan ng aking mga hita. At dahil lasing na lasing ako sa mga halik niya ay wala sa sariling naipulupot ko ang aking mga binti sa kaniyang balakang. Naramdaman ko ang isang matigas na bagay sa aking gitna na naging dahilan upang mapaungol ako.
"Uhmmm.. A--Ali---"
Ngunit napamulat ako nang bigla siyang tumigil.
"Are you really sure you don't know how to kiss?"
Itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa lamesa sa magkabilang gilid ko. Mariin niya akong tinitigan.
"Y--Yes." Dahan-dahan akong tumango. Ramdam kong nag-init ang aking magkabilang pisngi.
"So no one else has ever kissed you but me. Is that what you are trying to say?" muling tanong niya na sinagot ko ulit ng marahang pagtango.
"Y--Yes."
"Pero ang lakas ng loob mong hamunin ako sa kama," he said with a smirk. "Alam mo ba kung ano ang pinasok mo?" dahan-dahan akong yumuko dahil sa labis na pagkapahiya. Ngunit napakislot ako nang hawakan niya ako sa baba at inangat ang ulo ko na naging dahilan upang magkatitigan kami.
"Ramdam mo ba kung gaano ako kagalit ngayon?" muli niyang tanong na bahagya kong ikinagulat.
"G--Galit ka?" balik tanong ko. Kahit anong pilit kong magsalita nang maayos ay hindi ko magawa. Iratiko pa rin ang t-ibok ng puso ko.
"Sa higpit ng pagkakayapos ng mga binti mo sa balakang ko ay hindi mo maramdaman?" Napaigtad ako nang bigla niyang iginalaw ang kaniyang balakang dahilan upang maramdaman kong muli ang pagtusok ng matigas na bagay sa aking gitna. Naghatid iyon ng kiliti sa katawan kong bahagya pa ring nanghihina. "Do you feel how mad my buddy down there is right now?"
Mabilis kong ibinaba ang mga binti ko nang marinig ko ang kaniyang tanong. Bigla akong naasiwa sa posisyon naming dalawa. Alam kong namumula na ang mga pisngi ko lalo na nang biglang dumaan sa isip ko ang mga eksena sa porn videos niyang pinanood ko.
"And why are are you blushing? May naaalala ka ba?" Gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang mga labi.
"W--Wala. W--Wala, Mr. Almirante!"
"What did you just call me? I thought I am Ali to you, Toni? Or should I call you Rie Rie? Mas bagay kasi sa'yo ang pangalang iyan dahil parang bata ka kung umasta sa harapan ko." Bahagya niyang kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi kaya sandaling nalipat ang mga mata ko roon. "But you know what?" he asked while gently brushing his lips against mine. "Your ways are f-ucking turning me on," he seductively said. "Kaya please lang, huwag mo akong demonyohin. Dahil tinitiyak ko sa'yong iiyak ka kapag sineryoso ko ang mga kakulitan mo. Am I clear?"
"B--But I thought you already agreed to work for me?"
"Work for you, yes. But f-uck you? Iyan ang hindi ako sigurado. Ayaw ko pang mamaalam sa mundo. Marami pa akong pangarap."
"M--Mamaalam? What does that even mean?" kunot-noo kong tanong dahil hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin.
"I know who your father is, Miss Cuizon. Hindi mo na kailangang itago."
"I thought I am Rie Rie to you, Ali?" panggagaya ko sa kaniyang sinabi.
Napangiti siya habang napapailing.
"Please, Rie Rie. If you want me to work for you, umayos ka. Ayaw ko sa mga babaeng makukulit. If you can't do that, then my answer is "NO".
"Of course, I can," mabilis kong sagot.
"Are you sure?"
"Yes. Yes, I am, Ali."
"It's a deal, then."
"Really?"
"Ayaw mo?"
"No. I mean, gusto ko. I'll call my lawyer now, so he can prepare the contract. Can you come back tomorrow, so we can discuss the details?"
"Sure."
"P--Paano nga pala---," nag-aalangan kong saad.
"Paano ang?"
"A--Ang t--trabaho mo? You know, sa movie industry."
"Do you mean sa porn industry? Nah! Don't worry about it. Ako na ang bahala roon."
"A--Alright. I'm looking forward to a smooth and peaceful working relationship with you, Ali."
"Rie Rie, I don't want you calling me that in front of other people. Hindi rin kita tatawaging Rie Rie sa harap ng ibang tao. Professional ako sa trabaho ko. Naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin, hindi ba?" seryoso niyang saad.
"O--Oo naman. Professional din naman ako."
"Alrighty!" sagot niya bago ako hinawakan sa baywang at maingat na ibinaba sa lamesa. "I'll get going now. I have some arrangements to make. It's great doing business with you, Miss Cuizon."
"Thank you, Mr. Almirante," sagot ko at nakangiting tinanggap ang nakalahad niyang kamay.