Chapter 7 - Crazy

1653 Words
"Mam Toni, magandang umaga po." "Good morning, Alvaro. Nasaan si Jimenez?" tanong ko habang isinusuot ang photochromic eyeglasses ko. Pababa ako ng hagdan mula sa second floor ng bahay. Dumaan ako sa kuwarto ng mga magulang ko upang magpaalam. "Nasa sasakyan po, Mam. Sa opisina po ba tayo didiretso ngayon?" "Yes," tanging sagot ko sabay liko patungo sa parking area sa basement ng mansyon. "Mam, nasa harapan na po ng bahay ang sasakyan," puna ni Alvaro habang sumasabay sa akin sa paglalakad. "I know. But I am driving a separate car today." "Po?" "Alvaro, hindi ako sasabay sa inyo ni Jimenez. Kung gusto ninyo, sumunod kayo sa akin." "Pero, Mam Toni, magagalit po si Don Miguel." "Bakit? Sasabihin n'yo ba?" "H--Hindi naman po, Mam," sagot niya habang nakahawak ang isang kamay sa likod ng kaniyang ulo. "Problem solved." "Ang tigas talaga ng ulo ninyo, Mam," naiiling niyang saad. Silang dalawa lang ni Jimenez ang hinahayaan kong punain, sawayin o pagalitan ako. Kahit mga bodyguards ko kasi sila ay hindi ko sila itinuturing na ibang tao. Lumaki akong sila ang kasa-kasama ko since I was fifteen. They have proven their loyalty to the family so many times than I can count. Kaya naman napakalaki ng tiwala ni Papa sa kanilang dalawa. "Matagal mo nang alam iyan, Alvaro. Hindi ka na dapat magtaka. Kung gusto ninyong sumunod ni Jimenez, mabuti pang puntahan mo na siya sa sasakyan ngayon." Nginitian ko siya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng matingkad na kulay pulang Porsche sports car. Nakita ko siyang tumalikod at may pagmamadaling nilisan ang basement habang nagkakamot ng ulo. Napapangiti ako habang inaalala ko kung gaano karaming sakit ng ulo na ang naidulot ko sa kanila ni Jimenez, mula noon hanggang ngayon. I opened the compartment on the passenger side and placed the Glock inside before I carefully maneuvered the car out of the basement. Simula noong nakarinig ako ng kaluskos sa veranda ng penthouse ay hindi ko na hinihiwalay ang baril na ito sa akin. I felt something was off that night. Hindi ko lang sinabi kay Papa. Nang tuluyan nang makalabas ang sasakyan ay kinawayan ko ang dalawa kong bodyguards at sinenyasang sumunod. Paglabas ng sasakyan sa magarang gate ng Cuizon Estate ay diniinan ko ang pagtapak sa gasolinador at pinaharurot ito sa malapad na kalsada. Nagpatugtog ako sa stereo at itinudo ang volume nito. Panay ang pitik ng mga daliri ko sa manibela habang sumasabay sa pagkanta nang biglang tumunog ang cellphone kong nakakonekta sa bluetooth speaker ng sasakyan. Nakita kong si Ali ang tumatawag. Nakangiti ako habang sinasagot iyon. "Who dared disturb me?" pang-aasar ko sa kaniya. Medyo mataas ang boses ko dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng sasakyan. "You very well know who I am." Tila tumalon ang puso ko nang marinig ko ang napakaganda niyang boses. Maawtoridad ngunit may kasamang lambing at pagmamahal. Naks! Napahampas ako sa manibela dahil sa naisip. "Baliw na nga siguro talaga ako. Baliw kay Ali," pipi kong saad sa sarili habang masayang nakangiti. Finally, I now have Alaric Almirante in the palm of my hands. Nakaramdam ako ng kilig nang maisip kong araw-araw ko na siyang makakasama simula ngayon. "Nasaan ka na?" pukaw niya sa sandaling pananahimik ko. "Ano? Hindi kita marinig!" Ang totoo ay naririnig ko siya. Gusto ko lang talaga siyang galitin. "Bullshit! Turn down that damn stereo, will you?" rinig kong sigaw niya na mas lalo kong ikinangiti. "What did you say?" "Kapag iyan hindi mo hininaan, may kalalagyan sa akin iyang stereo na iyan. Naiintindihan mo?!" Halata na ang galit sa kaniyang boses kaya kaagad kong hininaan ang volume. "Ano ba kasi ang kailangan mo? Ang aga-aga nang-iisturbo ka ng buhay ng may buhay!" "Where are you, woman?" "Pakialam mo?" "Shunga ka ba? May pakialam ako dahil ako ang bodyguard mo!" "Oh, I'm sorry, Ali. Nakalimutan kong pumirma ka na nga pala upang maging alipin ko." "Alipin mo mukha mo, Rie Rie!" "Bakit ba ang init ng ulo mo? Gusto mo tulungan kita para lumamig iyan?" patuloy kong pang-aasar sa kaniya. "Teka, anong ulo ba ang umiinit, sa taas o sa baba?" Alam ko na ngayon ang ulo na sinabi niya sa akin sa loob ng washroom ng Club X. May pagkamanyak din talaga ang lalaking ito. "Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga sana binilinan mo ang security ng building na may bago kang bodyguard. Alam mo bang hindi ako pinapasok? Nagmumukha na akong ewan dito sa kakahintay sa'yong babae ka!" "Bakit ba kasi ang aga-aga mo? Hindi nagbibigay ng award ang kompanya ko for Most Punctual kaya huwag kang umasa." "Hindi mo ba alam kung anong oras na? Naturingan kang CEO pero hindi ka nagsi-set ng example sa mga empleyado mo!" galit na sigaw pa rin niya sa kabilang linya. "Bilisan mo riyan at naiinip na ako rito!" "Teka nga, Ali. Sino ba ang boss sa ating dalawa?" "Wala akong pakialam sa pagiging CEO mo. Ang trabaho ko ay masiguro ang kaligtasan mo. Iyon lang." "May kulang yata?" "Isa! I'm warning you, Rie Rie! "Wala naman akong sinasabi, ah. What I mean was, kulang ang sinabi mong trabaho mo. Dahil bukod sa kaligtasan ko, ay tatrabahuhin mo rin ako from time to time. If you get what I mean, Ali." "Damn you, woman! Umiiral na naman iyang kabastusan mo!" "Hello! Sino nga ulit sa atin ang porn star? Ako ba? Duh! Nakalimot ka yata?" "Aalis na ako rito sa labas ng building mo. Bahala ka sa buhay mo!" Nag-panic ako nang marinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan. "Oy! Ali! Alaric! Mr. Almirante! Nagbibiro lang ako. Please huwag kang umalis diyan. Malapit na ako. Heto na, bibilisan ko na. Oh, s-s-hit! Ang bilis pala ng one hundred twenty kilometers per hour! Ahhhh! Helllppppp! Aliiii!" "Hoy! Rie Rie! F-uck! Are you okay? N--Nasaan ka na? Sino ang kasama mo riyan? Toni! Sumagot ka!" puno ng pag-aalala niyang sigaw na kulang nalang ay lumusot siya sa cellphone upang mapuntahan ako. Pigil na pigil ko ang humalakhak nang malakas dahil sa panloloko ko sa kaniya. Ganoon pa man, hindi ko pa rin napigilan ang tumawa pagkatapos naming mag-usap. Ang totoo ay nasa sixty kilometers per hour lang ang takbo ko at nakasunod pa sa akin sina Alvaro at Jimenez. Isang block nalang at mararating ko na ang Cuizon Building. Nang matanaw ko na ang matayog na building ay inayos ko kaagad ang aking sarili. I made sure to wear a serious expression, masking the laughter that had bubbled up just moments ago. It's important for me to appear composed, dahil iyan ang pagkakakilala ng mga empleyado at ng mga tao sa akin, maliban sa mga malalapit kong kaibigan at pamilya. Itinigil ko ang kotse ko sa harap ng entrance ng building at dahan-dahang bumaba mula sa driver's side. Kaagad ko iyong ini-lock at akmang haharap na ako upang pumasok ng building. Ngunit laking gulat ko nang ang nag-aalalang mukha ni Ali ang aking nabungaran. "Rie Rie, are you okay? May masakit ba sa'yo?" Kababakasan ng takot at pag-aalala ang kaniyang boses. "Mr. Almirante, good morning to you too," bati ko sa kaniya sa seryosong boses. Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong. "M--Miss Cuizon, I'm sorry. G--Good morning, Mam. How do you feel?" "Why? Is anything the matter?" "I--I thought you were in danger." "Ang bilis mo namang maniwala, Mr. Almirante. Don't worry. Your boss is one of the top race car drivers in the country. Alam kong wala kang pakialam sa impormasyong iyan. Pero sinasabi ko lang upang mapanatag ka. Halata kasi sa mukha mong sobrang kang nag-alala sa akin. Nakakaantig ng puso, alam mo ba?" nakangiti kong saad sabay lapat ng palad ko sa tapat ng dibdib ko at umarteng na-touch kunwari ang damdamin ko. But honestly, nakaka-touch talaga ang pag-aalalang makikita sa kaniyang mukha. "You're f-ucking crazy!" "Oh, you have no idea what you have gotten yourself into. Here's my bag. Ikaw na ang magbitbit," may puwersang idiniin ko ang dala kong bag sa kaniyang dibdib. Nakita ko siyang namula ngunit wala akong narinig na reklamo sa kaniya. Sa halip ay natuon ang mga mata niya sa likuran ko. Pagbaling ko ng tingin ay nakita kong sina Alvaro at Jimenez ang tinitingnan niya. "Oh, they're my bodyguards." "Akala ko ba kailangan mo ng bodyguard? Eh, nariyan naman pala ang dalawang iyan." "Mr. Almirante, iba ang job description mo. Ikaw kasi, hindi mo binasa ang kontrata. Come on. Kailangan na nating pumasok. It's getting late." Pagtalikod ko ay naramdaman kong sumunod siya sa akin. Binati kami ng security personnel na nasa main entrance ng building. "Good morning po, Mam Toni. Good morning din po, Sir." Inabot ko sa security personnel ang susi ng kotse ko. "Lastimosa, pakisabihan ang in-charge na i-park nang maayos ang sasakyan ko. Maraming salamat." Kaagad akong tumalikod at hindi na hinintay ang sagot ni Lastimosa. "You know what? You could have done it yourself if you want to," walang ano-ano'y saad ni Ali. "The what?" "Parking your car." "That's not my job." "Miss Cuizon, hindi ka naman siguro PWD para ipagawa mo pa sa iba ang ganyang kasimpleng bagay?" "Eh, di sana hindi nalang ako nag-hire ng tao para gumawa niyon kung gagawin ko rin lang naman. I have something else better to do than parking a damn car, Mr. Almirante," walang gana kong sagot sabay baling sa kaniya. Nasa harap na kami ng aking private elevator. "Pakipindot ng button, Mr. Almirante," utos ko sa kaniya. "Ano'ng silbi ng kamay mo, Miss Cuizon?" "Ano ang silbi ng sahod mo at ng katawan kong pambayad sa'yo, Mr. Almirante?" balik tanong ko sa kaniya sabay irap. "Unbelievable!" mahinang bulong niya bago pinindot ang button ng elevator. I pressed my lips together, biting the inner flesh to suppress the smile threatening to spread across my face. "This is just the beginning, Ali. Marami pang susunod." I thought to myself as I stepped inside the elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD