Nagising ako dahil sa ingay na tila nagmumula sa living room ng kuwartong inuukupa namin ni Ali. Pagbaling ko sa gawi niya ay nakita kong mahimbing pa rin siyang natutulog. Nakayakap siya sa akin habang nakaunan pa rin ako sa kaniyang braso. Nasa ilalim kaming dalawa ng makapal na comforter.
Dahan-dahan akong bumangon upang sana ay abutin ang cellphone ko sa night stand at tingnan ang oras ngunit hindi ko magawa dahil biglang humigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ko. Idagdag pa ang kaniyang binti na nakapatong sa aking legs. Muli akong nagtangkang bumangon ngunit natigilan ako nang maramdaman ko sa hita ko ang matigas niyang pag-kalalaki.
"R--Rie Rie, ang aga pa. Please. Matulog muna tayo," parang bata niyang pakiusap sa paos na boses habang nakapikit ang kaniyang mga mata.
Nakangiti ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Napakasimple ng ayos niya. Kapag nasa opisina kasi kami ay palagi siyang nakasuot ng designer suit. Samantalang t-shirt at jogging pants naman kapag nasa penthouse kami.
Nag-eenjoy akong pagmasdan siya habang natutulog. Ngunit gustuhin ko mang magpatuloy ay hindi maaari dahil ngayon ang unang araw ng photoshoot.
"Anong ang aga pa? Gumising ka na riyan dahil may mga tao sa living room. Baka sina Maverick at Monique na iyan," sagot ko habang niyuyugyog siya sa kaniyang balikat.
"Sinong Monique ba iyan?"
Hindi niya kilala si Monique dahil hindi pa sila nito nagkakaharap kahit minsan. Nakabase kasi ito sa head office ng Wear It Proudly, Inc. kung saan ito ang fashion designer s-lash photographer.
"Bumangon ka na kasi riyan at nang makilala mo siya. Sige na, Ali. Parang nagkakagulo na sila sa labas."
"A--Alright. Babangon na, boss. But please, just give me a sec. Hayaan mo munang i-enjoy ko ang amoy-baby na nanunuot sa ilong ko," saad niya habang tila inaamoy ang aking leeg.
"Amoy-baby ka riyan! Amoy-pawis kamo. Ki aga-aga nang-uuto ka na. Ayyyy! Ano ba, Ali?"
Napatili ako nang bigla siyang gumalaw at kinubabawan ako.
"Alam mo, boss? Napakaingay mo. Hindi pa sumisikat ang araw pero tinatalakan mo na ako. Kung hindi mo lang ako pinatikim ng alindog mo kagabi, hindi ko palalagpasin itong ginagawa mong pang-aalipin sa akin ngayon," nakangisi niyang saad habang nakatukod ang isa niyang siko sa gilid ng ulo ko. Ang kabila niyang kamay ay nasa ulo ko at pinaglalaruan ang aking buhok.
"Pang-aalipin? Ginigising lang kita, pang-aalipin agad? Exaggerated ka, ha! Sa penthouse nga palaging ikaw ang unang nagigising. Pero dito, bakit parang patamad-tamad ka yata?" paninita ko sa kaniya. Pero ang totoo ay unti-unti na akong nakakaramdam ng kaba dahil sa pagkakadaiti ng aming mga katawan.
"Ang sarap kasing matulog, boss, lalo na at nasa tabi kita. Ang himbing ng tulog ko kung alam mo lang."
"Hindi ako interesadong malaman ang tungkol sa tulog mo. Ang gusto kong mangyari ngayon ay umalis ka sa ibabaw ko dahil pupunta ako ng shower room at mag-aayos. Baka mamaya magtaka sila dahil ang tagal kong lumabas."
Bahagya ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib pero parang walang epekto ang ginawa ko sa kaniya.
"Eh, di sabihin mong nag-ano tayo---"
"Anong nag-ano? Ang bastos mo talaga."
"Natulog ang ibig kong sabihin. Ikaw talaga, ang advance mong mag-isip."
"Ah, ewan. Bumangon ka na. Bilis! Kung hindi ka aalis sa ibabaw ko, kakaltasan ko ang suweldo mo. That's not a threat, Ali. That's a warning," saad ko sa medyo mataas na tono.
"Wala akong paki sa suweldo ko, boss. Sa ginawa mong paggiling sa kandungan ko kagabi, bayad mo na ang isang buwang suweldo ko. Kaya okay lang kahit wala ka nang ibibigay sa akin. At kung aaraw-arawin natin ang ginawa natin kagabi, baka ako pa nga ang magkakautang at magbabayad sa'yo."
"Loko-loko! Ano ang tingin mo sa akin? Bayarang babae? Baka ikaw ang bilhin ko," pairap kong sagot.
"Heto na naman ang Super Typhoon Rie Rie. Ang lakas ng hangin. Makabangon na nga. Mamaya, matangay pa ako."
Pagkasabi niyon ay kaagad nga siyang bumangon at naglakad patungo ng shower room.
"Hoy, Ali! Ano ang gagawin mo riyan?"
"Maghihilamos? Ano ba sa tingin mo? Magsasariling-sikap?"
"Sariling-sikap? What is that?" kunot-noo kong tanong.
Bahagya siyang sumilip sa pinto ng shower room.
"Gusto mong malaman? Halika rito sa loob. Ipapakita ko sa'yo ko paano ang magsariling-sikap."
"Bahala ka sa buhay mo. Bilisan mo na lang diyan at mag-aayos ako," balewalang sagot bago dinampot ang aking cellphone. Nakita kong alas singko pa lang ng umaga.
Muling sumara ang pinto ng shower room. Naghintay akong lumabas siya. Nang hindi pa rin siya lumalabas paglipas ng sampung minuto ay lumapit ako sa pinto at kumatok.
"Ali, hindi ka pa ba tapos? Naiihi na ako. Lumabas ka na riyan."
"Pumasok ka nalang! Lalabas na rin naman ako!" pasigaw niyang sagot.
Kaagad kong pinihit ang siradora ng pinto at itinulak iyon habang nakatutok ang mga mata ko sa screen ng hawak kong cellphone. Pagpasok ko ay nag-angat ako ng ulo.
"Ali, labas---. Ayyyyyy! Peste ka, Ali! Ang laswa mo!"
Natigil ang pagsasalita ko at sa halip ay malakas akong napasigaw dahil tumambad sa harapan ko si Ali na halos nakahubad na at tanging boxer briefs nalang ang suot. Mabilis akong napapikit at itinabon ang isang palad ko sa mga mata ko.
"Ako? Malaswa? Nagpapatawa ka ba? May suot ako, Rie Rie. In case hindi mo nakita, tanggalin mo ang kamay mo."
"Bastos! Lumabas ka rito, Ali! Labas!" sigaw ko habang nasa mga mata ko pa rin ang palad ko.
Narinig kong sumara ang pinto kaya dahan-dahan kong tinanggal ang palad kong nakatabon sa mga mata ko. Ngunit nagulat ako dahil pagmulat ko ay nasa harapan ko na siya at nakakalokong nakangiti. Dahan-dahan siyang naglakad at mas lumapit pa sa akin. Habang ginagawa niya iyon ay unti-unti rin akong umatras upang maiwasan siya. Ngunit ilang hakbang ko pa lang ay naramdaman ko na ang malamig na dingding ng shower room.
"A--Ali."
Tanging pangalan lang niya ang lumabas sa mga labi ko dahil pakiramdam ko ay bigla akong nablangko. Hindi ko makapa ang sasabihin. Sa halip ay ang hubad lang niyang katawan ang rumihestro sa utak ko.
"Bakit ka nauutal, Rie Rie? Kinakabahan ka ba?" nang-aakit niyang tanong. Itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"A--Ali, please. L--Lumabas ka na. N--Nagmamadali ako," pakiusap ko. Unti-unti nang bumibilis ang t-ibok ng puso ko lalo na nang maramdaman ko ang init na nagmumula sa hubad niyang katawan.
"Don't worry, Rie Rie. Wala akong gagawin sa'yo," saad niya at mas lumapit pa. Kulang nalang ay idikit niya ang kaniyang katawan sa akin.
"A--Ali, d--don't," natataranta kong muling pakiusap. Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ko ang pagkakadiin ng harapan niya sa aking gitna.
"Rie Rie, puwede ba?" namumungay ang mga mata niyang anas.
"H--Ha? P--Pwedeng a--ano?"
"Pwede bang umalis ka riyan? Aabutin ko lang ang towel sa cabinet sa ibabaw mo."
Sa isang iglap ay biglang bumalik sa normal ang kaniyang boses.
"W--What?"
"You're blocking my way, Rie Rie. I thought you were in a hurry?"
Doon ko lamang napagtantong niloloko lang niya ako. At upang itago ang pagkapahiya ko ay gumanti ako.
"Gusto mong tuhurin kita? Ha? Ali?" nakataas ang kilay kong tanong habang hinahagod ko ang tuhod ko sa kaniyang harapan. Pinigilan kong mapalunok nang maramdaman ko kung gaano iyon katigas. Sinikap kong mapanatili ang maayos na pagsasalita. "Saan ba? Dito ba? Oww! Ang tigas! Parang ang sarap---" Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga. "isubo." Pagpapatuloy ko sa nang-aakit na boses bago ko pinadaan ang dila ko sa kaniyang punong-tainga.
"R--Rie Rie. Enough," umiigting ang panga niyang saad na para bang nagpipigil ng galit.
"Why, Ali dear? Apektado ka? Sa susunod, huwag na huwag mo akong paglaruan. Dahil sinisiguro ko sayong sa ating dalawa, puson mo ang sasakit. Maliwanag?" Bahagya ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib. "Tabi," saad ko bago siya tuluyang tinalikuran. Diretso kong tinungo ang nakabukas na pinto ng shower stall na gawa sa frosted tempered glass. At habang naglalakad ako ay sinadya kong unti-unting hubarin ang t-shirt niyang suot ko at basta nalang iyon inilaglag sa sahig.
Habang nasa loob ako ng shower stall ay narinig ko ang pagsarado ng pinto. Napangiti ako.
"Alaric, hindi mo ako kilala. Lintik lang ang walang ganti."
Natatawa kong bulong sa sarili ko habang naliligo.
Paglabas ko ng shower stall ay wala na si Ali sa loob ng kuwarto. Pumili ako ng isang white flowy long dress at isinuot iyon. Nang nakontento na ako sa ayos ko ay kaagad akong lumabas at tinungo ang living room. Hindi nga ako nagkamali. Nadatnan kong nagbubulungan sina Maverick at Monique habang nagkakape roon.
"Ano'ng pinag-uusapan ninyong dalawa at nagbubulungan kayo?" seryosong tanong ko.
"Good morning, Ateng," nakangising bati ni Maverick.
"Good morning, Mave. What's with that grin? Itigil mo na iyan dahil nagmumukha kang tuta," pasaring ko na sinagot lang niya ng isang irap.
"Good morning, cousin dearie. Mukhang blooming ka ngayon, ah? Ang gwapong lalaki bang iyon ang dahilan?" bungad ni Monique.
"Lalaki? The who?"
"Tigilan mo ako, Toni. The who, the who ka riyan. Napakalaki ng ano niya para hindi namin makita."
"M--alaki? Ang alin?" nagtataka kong tanong. Nakita ba niyang nakahubad si Ali?
"Ang katawan ang ibig kong sabihin. Masyado kang nerbyosa. Don't worry. Wala kaming ibang nakita dahil nakasuot siya ng roba nang sumilip siya kanina para batiin kami. Pero teka lang. Bakit sa kuwarto mo siya nanggaling? Magkatabi ba kayong natulog? Sino ba kasi iyon? Boyfriend mo?"
"Tumigil ka nga, Monique. Napakadaldal mo talaga. Umaandar na naman iyang pagiging intrigera mo. Nandito ka para magtrabaho. Hindi para magmarites."
"Ay, suplada talaga sa personal. Pero ang totoo? Boyfriend mo iyon, 'no?" muling tanong niya habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.
"Of course not."
"Talaga? So, meaning... Pwede ko siyang maging jowa?"
"Ano? Subukan mo lang!" sagot ko habang pinandidilatan ko siya ng mga mata ko.
"Aw! Selosa ang r-uthless CEO. Tell me, Toni. Tinamaan na ba ni Kupido ang puso mong bato?"
"Kapag hindi ka tumigil, ikaw ang tatamaan sa akin, Monique."
Akmang sasagot pa siya ngunit tila may nahagip ang mga mata niya sa likuran ko at napako ang mga iyon doon.
"Shutang-ina, Toni! Saang lupalop ng Mount Olympus mo nahanap iyang asukal de papa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong.
Maging si Maverick ay napanganga rin habang nakatuon ang kaniyang paningin sa aking likuran.
Dahan-dahan akong pumihit. Paglingon ko ay ang nakangiting si Ali ang nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin.