Chapter 4 - Offer

1540 Words
Pakiramdam ko ay tinakasan ng lakas ang buong katawan ko pagkatapos kong mapanood ang kabuoan ng video nang gabing iyon. Hindi ko lubos maisip na makakapanood ako ng ganoon at threesome pa talaga. Ang pinakamatindi sa lahat, ang taong hindi ko mahanap-hanap sa nakalipas na mahigit isang buwan ay doon sa video ko pa makikita. Kung alam ko lang, hindi na sana ako nag-aksaya ng perang pambayad sa mga investigators. "Napakaliit nga talaga ng mundo," naiiling kong bulong sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin nang gabing iyon at sa halip na matulog ay naghanap pa ako ng ibang videos ng lalaki. Hindi naman ganoon karami ang nakita ko na halos sa lahat ay ang dalawang babaeng ka-threesome niya ang kaniyang kasama, ni hindi nga iyon umabot ng sampu, ngunit tumatak talaga sa utak ko ang mga galaw nito sa kama. Ibang klase kung magpaligaya. Talagang napapatirik ang mga mata ng mga babaeng kapareha nito. Ang iba ay halos magsisigaw na sa tindi nitong bumayo sa kahit ano mang posisyon. Ngayon ay alam ko na kung bakit napakaeksperto nito sa ginawa nito sa akin sa loob ng washroom. "This is insane! Bakit ko ba naiisip ang mga ito?" saad ko. Ngunit hindi ko maikakaila sa sarili kong kahit papaano ay naapektuhan ako ng mga napanood ko. At sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kakaiba hindi lamang sa kaibuturan ko kung hindi maging sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay kinukurot iyon. Pinilit kong iwaksi ang mga isipin ko at nagdesisyong matulog. Ngunit sadyang napakailap ng antok kaya sa halip ay tinawagan ko si Jimenez. I told him where and how to find the man. It took them almost a week to get a hold of him but all their efforts have now paid off. Finally, I will be meeting him face to face in about an hour. Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyong nararamdaman ko habang naghihintay. Excitement, kaba, inis, galit, and the list goes on. Napahawak ako sa dibdib ko upang pakalmahin ang mabilis na t-ibok ng puso ko. Nakatayo ako paharap sa glass wall ng opisina ko sa likod ng aking office table at nakatanaw sa malapad na siyudad sa ibaba habang hinihintay ang pagdating ng bisita ko. Abala ang isip ko sa pag-eensayo ng mga sasabihin ko nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. Kaagad kong inayos ang postura ko. Sinigurado ko ring seryoso ang mukhang ihaharap ko sa kung sino mang papasok. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at muling sumara. "Mam Toni, magandang umaga po. Nandito na po ang bisita ninyo," rinig kong saad ni Jimenez. "Alright. Please leave us alone," walang emosyong saad ko. "Okay po, Mam. We'll be outside if you need us." Huminga ako nang malalim bago ako humarap sa bagong dating na bisita. I was expecting he'd be surprised to see me. Pero wala akong nakitang reaksiyon sa kaniyang mukha. Parang kabaligtaran pa nga ang nangyari nang mapatitig ako sa kaniyang mga mata na tila nang-aarok kong makatingin. Pakiramdam ko ay ako ang nabigla sa aming dalawa. Binigyan ko siya ng isang mapanuring tingin mula ulo hanggang paa at pabalik upang itago ang aking pagkagulat. "Good morning, Mr. Almirante. Have a seat," alok ko sa kaniya sa kalmadong boses ngunit binalewala lamang niya iyon. "What am I doing here? Do I owe you anything?" aroganteng tanong niya. Ni hindi man lang ako nagawang batiin pabalik. "Manners, Mr. Almirante. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" tugis ko sa kaniya. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa kaniyang kayabangan. Tila isang hari siya kung umasta sa harapan ko. "Don't you f-ucking talk about how I was raised by my parents especially in my presence, because you don't know s-hit," tiim-bagang niyang sagot. Halata ang pinipigilang galit sa nag-iigtingan niyang panga. Hindi ko alam pero parang naging trigger sa kaniya ang aking sinabi. "Oh, sensitive, huh?" I sarcastically replied. "What do you want, woman?" "Ako tigil-tigilan mo sa kaka-woman mo, Mr. Almirante. I have a name, sakaling hindi mo alam," I calmly said while my hands were nestled comfortably within the pockets of my slacks. "Wala akong pakialam. Just spit it out at nang makaalis na ako. Sakaling hindi mo rin alam, I am a very busy man," may diin niyang saad habang nakatayo pa rin sa harapan ng office table ko. Katulad ko ay nasa magkabilang bulsa rin ng kaniyang faded blue jeans ang kaniyang mga kamay. Nakasuot siya ng dark blue Onitsuka Tiger sneakers. Napakasimple ngunit napakaguwapo niyang tingnan lalo pa't mas pinatingkad ng kulay itim niyang polo shirt ang may kaputiang kulay ng kaniyang balat. As I observed him, a thought flitted through my mind: he was like one of those chaebol characters from a Korean drama came to life. He radiated an air of sophistication and authority, with an aura of mystery that seemed to envelop him like a cloak. There was an undeniable charm to his presence, a magnetic pull that drew me in despite my best efforts to resist. Ngunit sa kabila ng karisma at kagwapuhan niya ay hindi ko napigilang makaramdaman ng inis dahil sa kaniyang isinagot. "Hmp! Lintik lang ang walang ganti," I thought to myself. Bigla akong nakaisip ng kalokohan. I walked towards him, my steps were deliberate and unhurried. I made sure I exuded an air of casual confidence. As I closed the distance between us, I couldn't help but notice the way his brown hazel eyes followed my every move, a flicker of curiosity mingled with anticipation. Tumigil ako sa kaniyang harapan. Sinigurado kong ilang pulgada lang ang layo niya sa akin. Doon ko napagtantong hindi nagkakalayo ang aming taas. I stood five feet, six at sa tantiya ko ay nasa five feet, nine inches ang taas niya. At dahil nakasuot ako ng three-inch pumps ay halos magkasingtangkad lang kaming dalawa. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tainga. "Mr. Almirante, sa tono ng pananalita mo, parang wala naman tayong pinagdaanan. Oh, how easily did you forget what you did to me a month ago? Ganyan ka bang talaga?" bulong ko sa nang-aakit na boses sabay hinga nang malalim na tila nilalanghap ko ang kaniyang amoy. "Hmmm, Chanel Grand Extrait. What an expensive choice?" "B--Back off, woman. W--What do you want from me?" I detected a faint stutter in his response. Habang buong-kompiyansa akong nakatayo sa kaniyang harapan ay napansin ko ang bahagyang pagbabago sa kaniyang kilos at pananalita. The confident facade he had worn moments ago weakened in the wake of my proximity. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan na parang kahit ang paghinga ay ayaw niyang gawin. It was as if my mere nearness had thrown him off balance, crumbling the carefully constructed mask he had donned. Nagbunyi ang kalooban ko. Balewala akong sumandal sa office table na nasa likod ko at naghalukipkip. "Oh, nothing. I just have a proposition to make. By the way, I am Marrie Toni Ybarzabal Cuizon, the CEO of the Cuizon Group of Companies---" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumabat. "So? Dapat ba may pakialam ako?" saad niya sa tonong nang-iinsulto. "Not necessarily, no. Pero sa oras na pumayag ka, then yes," bahagya akong tumigil sa pagsasalita at tinitigan siya sa mga mata. "Be my personal bodyguard, Mr. Almirante---" "Bodyguard? Hindi ko linya iyan, Miss Whoever You Are!" muling putol niya sa aking sinasabi na mabilis kong sinagot. "Alam ko kung ano ang linya mo, Mr. Almirante. I've seen your videos, you know." Umalis ako sa pagkakasandal sa lamesa at muli siyang nilapitan. Itinaas ko ang aking kamay at pinaglandas ang aking mga daliri mula sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang tiyan. Napalunok ako nang maramdaman ko kung gaano iyon katigas. Halatang alaga sa exercise. Binalewala ko ang kakaibang pakiramdam na sumakop sa sistema ko at sa halip ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "At upang hindi masayang ang talentong mayroon ka, you can act as my bed warmer at the same time. What do you think?" Kitang-kita kong nanlaki ang may kasingkitan niyang mga mata. "Are you out of your mind?" Gusto kong matawa sa nakita kong reaksiyon niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip ay pinaglandas kong muli ang kamay ko patungo sa laylayan ng kaniyang polo shirt at walang babalang kinapa ko ang waistline ng suot niyang jeans sa loob niyon. I firmly held on to the waistline of his jeans and pulled him a bit closer. "Have you forgotten what you told me, Mr. Almirante?" I smiled when I saw panic in his eyes. "You said you'd f-uck me the next time we meet," pagpapatuloy ko sabay pakawala ng nang-aasar na ngiti. "S--Stop it, woman! Don't make me do it. Dahil sisiguraduhin kong mababaliw ka sa sarap. And trust me, you'd definitely be asking for more." May diin ang bawat salitang binitawan niya. "Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako," pasuplado niyang saad sabay tabig sa kamay kong nakahawak pa rin sa waistline ng kaniyang pantalon. Kaagad siyang tumalikod. Pero bigla rin siyang napatigil sa paghakbang nang magsalita ako. "Magkano ba ang serbisyo mo, Mr. Almirante?" Dahan-dahan siyang humarap sa akin. "Isang milyon, isang gabi, Miss Cuizon," walang kakurap-kurap niyang sagot. "Maliit na bagay. Kailan ka pwedeng magsimula?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD