"Stephen, pinagtatanggol kita sa kanila na wala kang alam dito." Bigla akong nanghina habang nakatukop sa buong mukha ko. "Sorry." Bumuga siya ng hangin at sumandal. "Raf, pwede bang 'wag na nating sabihin 'yon sa kanila?" Tinignan ko siya, nagmamakaawa para kay Stephen. Kaming dalawa lang ang kinausap niya. Naiwan silang lahat sa loob ng kwarto ni Tita Marga habang kami naman ay nandito ngayon sa tabi ng vending machine, nakaupo at si Raf naman ay nakatayo sa harapan namin. "Please?" "Ayos lang kung madamay ako. Malaki rin naman ang kasalanan ko." "Stephen, oo, malaki ang kasalanan mo! Pero..." madiing sabi ko sabay iwas ng tingin. "Kailangan mong ayusin 'yang buhay mo para kay Tita Marga. Ikaw na lang ang meron siya ngayon." Nasulyapan kong napapikit si Raf nang madiin, mukhan