CHAPTER 1 - DATING APP

1503 Words
Hindi kami tumuloy sa restaurant. Hinatid niya ko agad sa bahay at nagpalusot na may tumawag daw sa kanya mula sa office. Importante raw 'yon kaya kailangan niyang unahin. "Sa susunod na lang. Sorry talaga," saad niya habang paatras na lumalakad palabas ng gate. "Ayos lang, pero teka pala!" Habol ko. "Itong bahay natin. Sure ka bang ipapangalan mo na lang sa akin? Ayaw mo bang ibenta tapos paghatian natin ang mapagbibilan?" "Sa'yo na 'yan. May nabili naman na kami ni Pia na lote. Baka next week pasimulan na rin naming magpatayo doon," nakangiti niyang sagot. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. Parang tanga talaga siya, nakakainis. Lagi niya na lang binubugbog 'tong puso ko nang paulit-ulit. Pia, Pia, Pia, edi wow. Buong araw akong nakahiga lang. Para ngang wala ng pakiramdam ang katawan ko dahil sa kumikirot kong puso. Humanap kaya ako ng bago? Sa dating apps. "Tama," nakangiti kong bulong sa hangin. Kagat labi akong nag-download ng isang dating app at mabilis na nag-sign in. Hindi talaga totoo ang advertisement tungkol dito. Wala namang gwapo. Kung mayroon man, hindi naman naka-verifed ang account. Mga scammer. Nagulat ako at mabilis na napabangon mula sa pagkakahiga noong makita kong may account din doon si Stephen. Ang ganda ng ngiti niya sa profile. "Swipe left ba? o swipe right?" Naguguluhan ako dahil siguradong pagtatawanan niya ko oras na makita niyang may account ako dito. Baka sabihin niyang, malandi ka na ngayon? Anong napala mo sa pag-iwan mo sa akin? Dapat lang sa'yo 'yan. Sumakit bigla ang ulo ko. Humiga ulit ako at napatitig na lang sa profile niya. FLASHBACK "Ahhh! Ano ba?!" natatawa kong angal habang hinahabol niya ko, hawak ang hose ng tubig. "Tita!" sigaw ko. "Sige, kahit magsumbong ka pa," tuwang-tuwa niyang sabi. Sumilip lang sa amin nang nakangiti ang mama niya at hinayaan kaming maglaro na parang mga bata. "Huli ka!" Hinapit niya ko sa bewang saka itinutok sa mukha ko ang tubig. "Stephen!!!" angal ko. Tinawanan niya lang ako. Pikon kong inagaw sa kanya ang hose at ako na ngayon ang humahabol sa kanya. END OF FLASHBACK "Bakit ba nakangiti ka?!" Gulat kong sinampal ang sarili ko at muling bumalik ng tingin sa screen. Nagulat ako nang makitang naka-heart na siya sa akin. Isa siya sa mga lalaking nag-swipe right! Anong gagawin ko?! Kahihiyan 'to! Pilit akong huminahon. Kinalma ko sandali ang sarili ko bago bumalik ulit ng tingin sa screen. Mahihimatay na yata ako. Pero mas nakakahiya siguro kung hindi ko siya isa-swipe right, 'no? "Bakit mo 'yon ginawa?! Baliw! Baliw!" alma ko sa sarili nang mag-match kaming dalawa. Mabilis kong tinitigan ang chat box namin para makita kung magcha-chat ba siya. "Baliw ka talagang babae ka," kabado kong bulong sa hangin. Nabato ko ang cellphone ko nang may biglang tumawag. Para kong tanga na pinulot ulit 'yon at nangiwi nang mabasag ang screen. "Hello, Raf?" Kunyari akong tumawa. "Ha? Wala. Hindi naman sa akin tumatawag si Pia. Bakit ba? Ha? Hindi, 'wag kang mag-alala. Kapag tumawag siya ako na ang magpapaliwanag nang mabuti." Pia na naman. Inis akong napapikit. Tumunog ulit ang cellphone ko at kunsumido 'yong sinagot. "Oo na, Raf. Ako na ang bahala." Tinawanan niya ko na ikinalaki ng mga mata ko. "Stephen," gulat kong bigkas. "Saka na lang siguro ko tatawag. Akala ko hindi ka busy," nakatawa niya pa ring sabi. "H-hindi! Mali ka ng iniisip!" "Anong mali sa iniisip ko?" Natigilan ako sabay tapik sa nuo. "Alam mo ba kung ano ang iniisip ko?" Mapang-asar na ang tono niya ngayon. "Hello? Nandiyan ka pa ba?" "Ha? Oo, nandito pa." Dismayado kong humiga ulit sa kama. Kanina kabang-kaba ko. Samantalang ngayon naman ay may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko mapaliwanag. "Ikaw 'yung nasa dating app, 'di ba? Don't get me wrong. Nagulat lang kasi ko biglang nag-pop-up 'yung picture mo." "Kung sasabihin ko bang hindi ako 'yon, maniniwala ka ba?" sarkastiko kong sagot na tinawanan niya ulit. "Hindi, naka-verified ka, e." "HA.HA. Matulog ka na." "So, type mo ko ulit?" Natigilan ako sa sinabi niya. Rinig ko ang pagtikhim niya na para bang may kaba siyang nararamdaman. "Gusto mo bang lumabas? Bukas?" Hindi ko alam ang isasagot. "Kahit friendly date lang. Come on, matagal na rin naman tayong hiwalay." "Hindi ba alam mong kasal na ko?" alangan kong sagot. "Oo, dati," malalim ang tono niyang sagot. "Nabalitaan ko na. Kanina lang." "Nabalitaan mo?" Kumirot na naman ang puso ko at may kusang luhang tumulo sa mga mata ko. "Ahm, ano, pag-iisipan ko. Bukas na lang. Good night." Pinatay ko agad ang tawag bago pa siya makapagsalita. Kinabukasan, tulad ng dating gawi ay naglinis ako ng bahay. Ginawa kong busy ang sarili ko para makalimutan ang lungkot. Linis doon, kaskas dito. Pati mga germs na maliliit mukhang napapatay ko na nga, e. "Hmmm, mukhang magkakabisita ka." Napalingon ako kay Raf. Nakangiti siyang nakapamewang habang nakatingin sa akin. "Bakit nandito ka?" Mabilis akong tumayo at nagtanggal ng gloves. "Wala lang, ang ingay kasi sa bahay. Kagabi pa ko hindi makatulog." "Bahay?" "Sa condo kong tinitiran. May ginagawa kasing building sa tapat." Paglilinaw niya. "Gusto mo ng meryenda?" "Okay lang bang dito muna ko mga ilang araw?" "Ahm, sa akin okay lang. Basta labas ako kung magseselos na naman ang girlfriend mo." Kunyari ko siyang tinawanan habang naglalapag ako ng orange juice sa harapan niya. "'Yung Carlos lang naman na 'yon ang pahamak. Saka wala namang makakaalam. Doon ako sa guest room matutulog." "Well, ikaw ang bahala," ilang kong sagot. "Sandali lang. May tumatawag sa akin." "Sige lang, para kang sira. Bakit mo ba kong tinuturing na bisita sa bahay natin?" Tinapik niya ko. Kinuha niya ang susi ng kotse niya sa lamesa at tumaas na rin sa kwarto. Hindi ako makapaniwalang parang wala lang talaga ko sa kanya. Five years! "Hello, Dina?" "Sumama ka mamaya sa club. Birthday ni Josh. Iniimbita ka, yiiieee..." "Sinong Josh?" Natawa ko sa reaction ng boses niya. Mahina siyang nagmura at kunsumido sa akin. "Ah, 'yung nirereto mo sa akin? Oo, naaalala ko na. Akala ko ba kasi hindi niya ko type? Manang manamit at—" "Hanggang ngayon ba naman?! Pumunta ka na lang! Kung hindi ako ang susundo sa'yo!" Binabaan niya na ko ng tawag. Pasimple kong natingin sa hagdanan hanggang sa marating ng tingin ko ang guest room kung saan nandoon siya. Wala naman na kami. May pakakasalan na siya. Bakit ba hindi ako maka-move on sa buhay may asawa? Lagi lang akong nasa bahay dati. Masayang naghihintay sa pag-uwi niya tuwing gabi. Aasikasuhin siya, ipagluluto at magpapapansin para subukan lagi kung papayag na siyang magka-baby. "Gayak na gayak ka, ah." Kabado ko siyang sinulyapan mula sa malaking salamin ko sa kwarto. Mukhang kaliligo niya pa lang dahil basa pa ang buhok niya. Lumakad siya paupo sa kama na ginamit kong oras para maibaba ang palda kong suot. Ayaw niya ng nakasuot ako ng ganito. Bastusin daw tingnan. "Saan ang lakad mo?" Ano bang paki niya? "Diyan lang sa malapit na club kila Dina," abala ko kunyaring sagot habang nagli-lipstick. "Hmmm, makikipag-inuman ka?" "Hindi, mamamapak lang ako ng pulutan," pabiro kong sagot. Ano ba kasing klaseng tanong 'yon? Malamang iinom ako. Alangan namang umattend pa ko doon kung uupo lang ako sa isang gilid at walang gagawin. "Sinong kasama mo?" sunod niyang tanong na ikinakunot na ng nuo ko. Taka kong humarap sa kanya na mukhang natauhan sa mga pinagtatatanong. "Sige, mag-enjoy ka lang. Matutulog na ko." Ngumiti siya at tinapik ako bago lumabas ng kwarto. Ewan ko sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang pagtingin niya ulit nang lumabas na ko. Nasa sala siya ngayon at nakadekwatro na nagbabasa ng libro. "Aalis ka na?" tanong niya na naman. "Yup," nakangiti kong sagot habang nagsusuot ng heels. "Gusto mo bang sunduin kita mamaya?" "Ano ba 'yan, Raf? Paalis pa lang ako tapos pagsundo na agad ang tanong mo," pikon kong sagot pero syempre hindi ko pinahalata. "Tinatanong ko lang naman. Hindi rin kasi ko makatulog." "Hindi na, sabi ni Dina, siya ang maghahatid sa akin pauwi." "Okay, sige, ingat." Hindi ko maiwasang sulyapan siya ng tingin bago lumabas ng bahay. Nakatuon na ngayon ang atensyon niya sa binabasang libro. "Hi," nakangiting bati ni Stephen. Bumilis ang t***k ng puso ko at mabilis siyang hinila palayo ng gate ng bahay. "Bakit nandito ka?" "Relax, ayan ka na naman." Tinawanan niya ko. "Lory, medyo masakit na," pabiro niyang sabi sabay mostra sa kamay ko. "Sorry." Lumayo agad ako at napasulyap sa gate namin bago tumingin ulit sa kanya. "Bakit kasi nandito ka?" "Nauna na kasi sa club si Dina para sa surprise cake ni. . ." "Josh." "Josh. Okay. So, kaya ako nandito para ako ang maghatid sa'yo doon." Nakangiti niya kong pinagbuksan ng pinto ng kotse. "Mukhang hindi ka naman invited. Hindi mo nga kilala si Josh." "Kilala ko siya. Nanliligaw siya sa'yo, hindi ba?" "Hoy, paepal ka. Hindi, ah." Pabiro ko siyang inirapan at tinawanan niya naman ako habang umiikot na papunta sa drivers seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD