Sabado, kumain kami ni Stephen sa labas kasama si Tita Marga, mama niya. Kanina pa ko kabado dahil sa hindi niya magandang pakikitungo sa akin. Sobrang tahimik at maski si Stephen hindi makakibo. "Tita, pagkatapos nito. Gusto niyo pong lumabas tayo?" masuyo kong tanong habang nakangiti. "Oo nga, ma. Hindi ka naman busy. Hayaan mo na sila doon sa bahay. Sumama ka na lang sa amin." "Busy ko," masungit niyang sagot na ikinangiwi ko. Minostrahan ako ni Stephen na habaan ko pa ang pasensya ko. Kanina pa rin siyang hindi mapakali. "Ano pong gagawin niyo, tita? Baka pwede ko po kayong tulungan." "Ayokong makipagplastikan sa'yo. Nakakasuya 'yang mukha mo." "Ah." Napatawa ko nang peke. Masakit 'yon. "Ma, 'wag namang ganyan." Napahawak na si Stephen sa sintido niya. "Bakit kasi siya pa? An